gboi's haven

Friday, October 29, 2010

ALMOST A LOVE STORY part 2

CHAPTER 2

Mabilis lumipas ang mga araw. Dahil na rin sa sobrang busy nya sa trabaho karamihan sa mga rest days nya ay nauuwi sa mag hapong pag tulog Minsan lumabas sila ni CJ kasama ang ibang Team Leads sa kanilang kumpanya. Buong gabi silang tinutukso ng mga ka opisina. Madaming tanong ang sa kanila ay ibinato. Hindi na sila bago sa mga ganitong tanong, noon pa man ay lagi na silang tinutukso sa opisina kahit nung mga agents pa lang sila ni CJ, lagi kasi silang mag kasama nito. Mula pagkain hanggang pag uwi galing trabaho.

Masasabing talagang close sila ni CJ. Ang turingan nila ay matalik na mag kaibigan. Alam ni CJ kung ano sya pero kahit kailan ay hindi ito nagpa kita ng pagka asiwa man lang sa kanya.
Nasa high school si Jasper ng ma realized nya na silahis siya. Nagkaroon naman sya ng mga girlfriend nung 4th high school at 1st college ngunit hindi naman ito nag tagal. Tanggap ng kanyang mga magulang kung ano sya. Sabi nga ng tatay nya nung nabubuhay pa ito ay okay lng daw na bakla sya. Atleast alam ng kanyang ama na hindi sya makaka buntis at mapipikot.

Hindi pa rin natigil ang mga biro tungkol sa kanila. Hanggang ngiti lng ang kanyang sinasagot, samantalang si CJ naman ay panay ang tawa. Hanggang mag salita ito na may tonong pag seseryoso.

“Guys, kidding aside. Jas is a good friend of mine. We’re like brothers or should I say brother and sister.” Sabay tawa. “Kung anuman ang meron kami ni Jas eh hanggang doon lang yon. I never cross the boundaries of our friendship no matter how thin it is” si CJ ulit. Nagulat si Jasper sa sinabi ni CJ. “I never cross the boundaries of our friendship, no matter how thin it is”
“What do you mean about that?” si Jasper habang nakatingin kay CJ. Alam nito na hindi pa lasing ang kaibigan dahil di hamak na mas malakas itong uminom kumpara sa kanya. Naghiyawan ang mga kasamahan nila pag tapos nya itong itanong kay CJ. “Anu yun” taking tanong ni CJ. “Ung sinabi mo kanina na “I never cross the boundaries of our friendship, no matter how thin it is”. si Jasper habang nag sasalin ng beer sa baso. “Oh, un ba.?” Sabay tawa ng malakas ni CJ. “Oo, un nga.” Si Jasper sabay lagok ng beer.

“Hindi ito usapang lasing ah, pero dumating ako sa point na muntik na akong na fall sa’yo” si CJ sabay akbay kay Jasper. Nagulat ang karamihan sa confession ni CJ lalo na si Jasper. He never thought and bisexual din pala ito. “Kasi naman, Jas, ang bait mo, sweet, thoughtful, understanding. Sino ba naman ang hindi mai inlove sa’yo.?” Si CJ na mukhang seryoso na sa mga sinasabi. “Mas pinili ko na lang kung saan tayo mag tatagal. Un ang pagiging mag kaibigan natin. Okay na sa akin na alam ko na andyan ka for me whenever I need a friend to help and make me strong. Tama ba?” si CJ sabay dampot ng yosi at lighter sa mesa.
Ilang segudong katahimikan ang bumalot sa mesa nila Jasper. Halos lahat hindi maka paniwala na silahis din si CJ. Si Jasper na rin ang bumasag ng katahimikan. “Ay, naku CJ kahit kelan ka talaga, lakas mong mang trip. Adik!” sabay tawa ni Jasper. Hindi na sumagot si CJ ang iba naman ay nagtawan sa sinabi mi Jasper.

Naging masaya ang kanilang bonding. Kahit papano ay nabawasan ang stress nilang lahat. Umaga na ng matapos ang “session” nila. Pagkatapos makapag paalam sa isat isa ay na silang umuwi. Inalok sya ni CJ na ihaitd sya sa bahay nya dahil may dala itong sasakyan pero tumanggi sya. Hindi na sya pinilit ni CJ. Bago sila nag hiwalay ay isang promise ang kanilang nag pag usapan. Ito ay walang mag ba bago sa pag kakaibigan nila at hindi na pag uusapan pa ang tungkol sa sinabi sa kanila ni CJ.
Mabilis na dumaan ang panahon. 3 taon na siya at si CJ na nagta trabaho sa kumpanyang pina pasukan. Si CJ ay na promote bilang Shift Manager at na assign sa isa nilang site sa Batangas.
Nalungkot man silang pareho eh inisip na lang nila na maraming paraan para maka kamustahang dalawa. Nagkaroon ng despidida si CJ isang araw bago ito lumipat sa kabilang site. Sabado ito ginawa para lahat ng mga kaibigan nila sa opisina ay makapunta. Hindi kasi 24/7 ang kanilang call center hindi tulad ng ibang kumpanya.

Naging masaya ang despidida na ginanap sa isang resort na ni rentahan ni CJ. May inuman, videoke at walang tigil na tawanan. Lahat ng masasayang bagay na na experience ni CJ sa kumpanya at sinariwa nilang lahat. Lahat ng dumalo sa party ay nag bigay ng message para kay CJ. Puro words of encouragement at papuri ang laman ng halos lahat ng mensahe para kay CJ ng mga kasama sa trabaho. At lahat ng ito ay na appreciate ni CJ.
Si Jasper na lang ang hindi nag bibigay ng mensahe. Tinawag ng isa sa mga kasamahan nila si Jasper. “Of course the party will not be complete if we will not call the “best friend” of CJ to give his message. Jasper, we are you??! sabi ng tumayong emcee. Naglakad si Jasper para kunin nag microphone. Hindi pa man din nag sisimula si Jasper mag salita ay puro hiyawan na ang maririnig. Hindi makapag simula si Jasper dahil sa mga biro at pang aasar ng mga kasamahan. Ang isa pa nga sa mga ito ay pina upo si CJ malapit kay Jasper. Parang debutante si CJ nag bibigayan ng message ng kanyang mahal sa buhay. Makalipas ang ilang sandali ay mejo tumahimik na. Nag simulang mag salita si Jasper.


“Before I give my message for CJ, I would like to thank all of you who became part not only of my life but also to the life of my good friend CJ. I can still remember that CJ and I always talk about how grateful we are to have all of you guys as our colleagues. Again, thank you guys! Actually I don’t have any message for CJ. But instead, I wrote him a letter. Ayoko kasing umiyak habang nag me message ako. Ang pangit ko kasi pag umiiyak.” Si Jasper. Nagtawanan lahat ng nakikinig pati si CJ eh natawa din sa tinuran ni Jasper. Inabot ni Jasper ang sulat kay CJ na naka lagay sa isang blue envelop. Blue kasi ang favorite color ni CJ. “Good luck to you CJ. I know that you deserve the position and you can do it with flying colors.” Si Jasper habang nakatingin kay CJ.

Ipinasa ni Jasper ang microphone sa emcee. At bumalik sa kanyang upuan. Tumayo si CJ at kinuha ang microphone sa emcee.

“Guys, thank you for coming here tonight. Jasper was right when he said that we are both thankful to have you as our colleagues. Especially to me cause all of you were so nice and was very helpful in terms of work related situations. I learned a lot from you guys and I’m sure am going to miss you all.” Si CJ. Nag palakpakan ang lahat at akala nila ay tapos na si CJ sa speech nito pero nagulat sila ng buksan ni CJ ang letter ni Jasper para sa kanya. “Gusto ko lang I share sa iyo itong letter ni Jasper para sa akin. Si CJ ulit habang tinatanggal sa pag kaka tupi ang sulat ni Jasper sa kanya.

Wala ng nagawa si Jasper kundi ang takpan ang mukha dahil nahihiya sya sa mga kasamahan na makaka rinig ng sulat nya para kay CJ. Tinignan muna ni CJ ang sulat at makalipas ng ilang sandali ay binasa na nya ito sa harap ng mga kasamahan at ni Jasper.




CJ,

Congrats, friend!

Who would ever think that in a short period of time you’ll be reaping that fruits of you labor. We all know that you really deserve the position and we believe on your capacity. You’re such a hard working person and very dedicated to your work yet you manage to keep your feet on the ground and be sensitive towards other people’s feelings and opinions.

We’re going to miss you, BIG TIME! Wala na kasing makulit sa production floor lalu pag toxic na ang lahat due to heavy work loads. Don’t you dare change that positive attitude and don’t forget those people who helped you and most important is to thank God for all the blessings that he gave you.


I would like to thank you for being such a good friend to me. For 3 years of being your friend is already years well spent for me. All of the memories that we had are worth to be treasured for the years to come. I’m happy that I didn’t cross that “thin line”. I want you to know that I’m happy that I made the same decision that you made. Masasabi ko rin na pinili ko ung relasyon kung saan tayo mag tatagal… ang pagiging mag kaibigan natin.

Yes, dumating din ako sa point na na-fall ako sayo. Pero inisip ko na lang na sayang ang pag kakaibigan natin kung magiging selfish ako. Pero walang regrets sa naging decision ko, Kasi alam ko na mahaba pa ang pag sasamahan natin bilang magkaibigan.


Thank you for the wonderful gift of friendship. This is my promise to you. WALANG MAGBABAGO sa atin.


You take care and I’m just a beep away if you need someone to talk with and a shoulder to cry on.


See you soon!




JAS

Hindi makag salita si CJ sa nabasa ang iba namang kasamahan ay kinilig ang iba ay maluha sa sulat ni Jasper kay CJ. Si Jasper ay nanatiling naka upo habang maka yuko ang ulo sa sobrang hiya sa mga kasamahan at para hindi na rin nila makita ang mga munting luha na malapit ng pumatak mula sa kanyang mga mata. Hindi namalayan ni Jasper na lumapit si CJ sa kanya.

“Jasper… thank you din!” si CJ. Nang iangat ni Jasper ang mukha ay nakita nya si CJ na may mga munting luha din sa mga mata. “Wag ka ngang umiyak, hindi bagay sayo” si Jasper habang nag papahid ng mga luha sa mata.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni CJ kay Jasper. Naghiyawan ang mga kasamahan nila. Natapos ang party na lahat ay masaya para sa kanilang kaibigang si CJ.


Ilang buwan pa ang lumipas. Patuloy ang kominikasyon nila ni CJ. Pa minsan minsan ay lumalabas din sila kasama ang ibang kasamahan sa trabaho. Mabilis ang panahon na lumipas, nagising na lang si Jasper na magtatapos na pala sa kolehiyo si Beatriz. Masaya si Jasper at sa wakas ay nag bunga ang pag siskap nilang mag ina para makatapos ang kanyang bunsong kapatid.

Dumating ang araw ng pagtatapos ni Beatriz. Tuwang tuwa si Aling Lucia at Jasper. Matapos ang seremonya na ginanap sa PICC ay dumiretso sila sa isang restaurant para doon mag celebrate. Habang kumakain ay tinitignan nila ang mga larawan sa digital camera ni Jasper. Masaya silang kumakain ng may iabot si Jasper sa kapatid. Isang box na katamtaman ang laki na medyo may kabigatan. “Kuya, dapat hindi ka na nag abala pa. marami ka ng gastos sa akin nung nag aaral ako” si Bea habang nakatigin sa kanyang kuya. “Anu ka ba, wala yun. Nag iisa n nga lang kitang kapatid tapos hindi pa kita bibigyan ng regalo” si Jasper.


Binuksan ni Bea ang kahon at laking gulat nya ng makita ang laman nito. Isang HP Mini Laptop ang laman ng kahon. Walang masabi si Bea kundi puro pasasalamat sa kanyang kuya. Si Aling Lucia naman ay naluluha sa saya dahil nakita nyang mag ka sundo ang mag kapatid. Pagka tapos kumain ay nag pasya na silang umuwi para makapag pahinga na rin sila.
Makalipas ang ilang linggo ay nakatanggap ng tawag si Beatriz mula sa isang airline company kung saan sya nag OJT. Masayang ibinalita ni Bea sa kanyang ina na nais syang kunin ng airline company bilang Flight Attendant. Masaya si Aling Lucia para sa anak. Alam nito na ito talaga ang pangarap ng anak noon pa man. Nai kwento na rin ni Bea kay Jasper ang magandang balita. Masaya si Jasper na may halong konting lungkot. Masaya siya para kay Bea dahil matutupad na ang pangarap nito pero malungkot dahil mahihiwalay ito sa kanila. Naka base kasi ang airline company sa Singapore at kailangang doon mag trabaho si Bea. Magkaka hiwalay man ang mag I ina ay alam nilang darating ang panahon na mag kakasama sama ulit sila.


“Anak, mag iingat ka dun ah. Si Aling Lucia habang tinutulungan si Bea na mag impake. “Opo, Mama. At saka wag kayong mag alala. Safe pos a Singapore” si Bea habang mag tutupi ng ibang damit nya. “ At saka ung kikitain ko dun Mama ng 5 taon, malaking pera din un. Marami ang naiipon ko para sa atin ni Kuya. At saka gusto ko ding makapag aral ulit si Kuya, un ang promise ko sa kanya.” Si Bea habang tinignan ang larawan nilang mag I ina nung graduation nya.
“Nag papa salamat ako sa Panginoon na binigyan ako ng mga anak na katulad nyo.” Si Aling Lucia sabay yakap kay Bea.

Dumating ang araw ng pag alis ni Bea papuntang Singapore. Inihatid nila Aling Lucia at Jasper si Bea sa airport. Pag dating sa airport konting bilin at paalala mula kay Aling Lucia ang ipinabaon kay Bea. “Mag iingat ka doon Bea, wag kang puro gala at barkada ha. Pag butihin mo ang trabaho mo doon.” Si Jasper habang hawak ang kamay ng kapatid. “Oo kuya, gagayahin ko ang kasipangan mo. Mag iipon ako for us. At saka kuya, sa susunod na pasukan mag aaral ka na ulit. Promise ko yan sayo” si Bea sabay yakap kay Jasper.
Matapos ang ilang minuto pa ay nakag check in na si Bea. Lumipad na ang eroplano lulan si Beatriz. Inihatid na lamang ng mag-ina ng tanaw si Beatriz na may kalakip na dasal para sa kaligtasan at pag tatagumpay nito sa ibang bansa.

ALMOST A LOVE STORY part 1







Chapter 1

KKRRRRRRIIIIINNNGGG!!!!!!! KKKRRRRRIIIINNNGGGGG!!!!


Ito ang tunog na gumising sa mahibing nyang pagkakatulog. Alas 6 na pala ng hapon at kailangan nya na palang bumangon. Pinatay nya ang alarm clock, tinignan nya ang kanyang cellphone kung may nagtext sa kanya. “15 messages received” ang nabasa. Mamaya nya ito babasahin at sasagutin pag nasa byahe na sya.
Nainat inat muna sya bago tuluyang bumangon mula sa pagkaka higa sa kama. Naglakad sya patungo sa banyo upang maligo at mag handa sa pag pasok sa trabaho.


Sya si Jasper, 23 years old..Isa syang call center agent sa isang kumpanya sa Makati. 5’8 ang taas nya, di naman kaputian, masasabing average looks ika nga ng iba. Panganay sa 2 magkakapatid. Mula ng pumanaw ang kanilang ama ay sya na ang tumayong padre de familia sa kanyang ina na si Aling Lucia at sa bunsong kapatid na si Beatriz.
Hindi nakapag tapos ng pag aaral si Jasper. Nasa 3rd year college na sya sa kursong Psychology ng pumanaw ang kanyang ama sa sakit sa baga. Dating OFW ang mga magulang ni Jasper. Si Mang Johnny ay isang seaman at si Aling Lucia ay Domestic Helper naman sa Saudi.

Dahil sa sakit ng ama ay halos maubos ang ipon ng mag asawa. Doon naka pag desisyon si Jasper na tumigil sa pag aaral at mag trabaho muna. 21 years old sya ng mag trabaho bilang crew sa isang coffee shop. Nang matapos ang kontrata nya sa nasabing coffee shop ay sinubukan nyang mag apply sa Call Center, in demand na kasi ito during that time. Sinuwerte naman at nakapasok sya at ngayon ay isa nga syang Supervisor. 2 taon pa lamang sya sa trabaho pero sa unang taon nya palang ay naka kuha na agad sya ng posisyon dahil na rin sa sipag at dedikasyon nya sa trabaho. Kasama na rin ang mga inspirayon nya, ang kanyang Ina at ang bunsong kapatid na si Beatriz.

Alas 10 pa ang pasok nya pero kailangan nyang maghanda ng maaga dahil sa Las PiƱas pa sya nakatira.
Makalipas ang 30 minutos ay natapos na rin syang maligo. Makalipas pa ang ilang minuto ay naka buhis na rin sya.
Isang mint green na long sleeves at gray slack pants ang sinuot nya. Tinernohan nya ng sliver na relo na regalo nya sa sarili nung unang sahod nya. Matapos makapag sapatos at makapg ayos ng buhok, mag lagay ng moisturizer sa mukha at mag lagay ng pabango ay lumabas na ng kanyang kwarto si Jasper bitbit ang kanyang bag.





“Oh, gising ka na pala.. bati ng kanyang ina. Humalik sya dito. Maganda ang ina ni Jasper, hindi mo aakalain na nasa late 50’s na ito. Maputi sya at mapapasin ang ilang pekas sa itaas ng dibdib at mga braso nito. Maliban sa ilang puting buhok at maliit na wrinkles sa mukha ay masasabi mong mukhang bata pa rin si Aling Lucia kumpara sa mga kasing edad nya. Marahil ay dahil na rin sa pagiging maalaga sa katawanan nito mula ng dalaga pa sya hanggang sa mapangasawa nya si Mang Johnny.
“Kakain ka ba bago umalis o ipag babaon na lang kita?” tanong ni Aling Lucia sa kanya. “Susubo po ako ng konti, para hindi ako gutumin sa byahe”, sagot nya sa ina habang inaayos ang mga gamit sa knyang bag.
“Wala pa ba si Bea?” tanung nya sa ina. “Ay, nag paalam sa akin knina at doon daw kina Maricar matutulog dahil kailangang tapusin na daw nila ung thesis nila” sagot ng ina habang nag sasandok ng ulam sa kaldero.

“Ganun po ba..i te text ko na lang sya mamaya para maka siguro ako na safe sya doon” sabi nya sa ina. “Ikaw ang bahala. Alam mo naman yang kapatid mo, hindi makapag paalam sayo.. ani ng Ina na kasalukuyang nag hahain sa mesa. “ Bakit naman ho? Eh basta maayos ang pag papa alam nya eh papayagan ko naman sya” si Jasper.
“Oh sya, halika na dito ng makain ka na at baka mahuli ka apa sa trabaho mo.” Ani ng Ina sa kanya.
“Sige po.” Si Jasper. Kumain ang mag ina habang nag kukwetuhan tungkol sa kanyang trabaho at sa mga kasama sa opisina. “Anak, salamat at andyan ka para suportahan ang kapatid mo sa pag aaral nya ah. Alam mo naming konti lang nag kita ng tindahan natin.” Ani ng Ina sa kanya.
“Ma, wala po yon. Sino pa ba ang matutulungan kundi tayong 3 di ba? Si Jasper habang nag sasalin ng tubig sa baso. “Kung buhay ang Papa mo ngayon, sigurado akong proud yun sayo. Si Aling Lucia sabay hawak ng kamay ni Jasper. Ngiti lamang ang isinagot ni Jasper sa ina.

Matapos maka makain at na sipilyo at nag hugas ng kamay si Jasper. Ilang minuto pa ang lumipas ay nag paalam na sya sa kanyang ina.
7:30 pm ng makasakay ng bus pa puntang Makati si Jasper. Habang nasa byahe ay tinawagan nya ang kanyang kapatid para I check ito kung maayos ang kalagayan nito sa bahay ng kaklase. Nang masiguro nya na okay ang kapatid nya ay isa isa nya naming binasa ang mga text messages sa cellphone nya. Nang maka tapos basahin at sagutin ang mga ito ay itunoun nya ang paningin sa labas ng umaandar na bus. Nakita nya ang mga magagandang ilaw ng mga building. Mga ilaw na tanglaw ng mga motorista habang sila ay nag lalakbay.

Dito nya naisip na ang mga ilaw na ay parang ang kanyang ina at ang bunsong kapatid. Dahil sa kanila, nagkaroon sya ng magandang des posisyon sa buhay. Masasabi nyang naging resposable sya hindi lang sa kanyang buhay pati na rin sa kanyang ina at kapatid.
Pinutol ang kanyang muni muni ng may umagaw sa kanyang atensyon. Ang kundoktor ng bus kung saan sya nakasakay. “Boss, pamasahe lang po” ang konduktor. Inabot nya ang 100 pisong papel sa konduktor sabay sabi nya “ Buendia lang po, manong. Galing Casimiro.” Si Jasper. Matapos kunin ang sukli at ang tiket ay muling ibinaling ni Jasper ang kanyang atensyon sa bintana ng bus. Kasalukuyang naka hinto ang bus dahil sa trapik bago ito umakyat ng flyover.


Napansin nya ang isang magarang sasakyan. SUV sa tingin nya. Bigla nyang nasabi sa sarili na baling araw ay makakroon din sya ng sariling sasakyan. Pero kailangan nya munang mapag tapos ng pag aaral ang kanyang kapatid na ngayon ay nasa huling taon na sa koliheyo sa kursong Tourism. Na mana kasi ni Bea ang ganda ng kanilang ina at height ng kanilang ama. Matalino din ito. Pareho silang consistent honor student nung sila ay nasa Elementrya at High School.

Sya naman ay masasabing “average looking guy”. Nakuha ni Jasper ang mata at ilong ni Aling Lucia samantalang ang height at kulay ng balat naman ay kay Mang Johnny.
Pasado ala 9 na ng makarating sya sa opisina. “lintik na trapik yan” usal nya sa sarili habang bunubuksan ang kanyang computer. Habang nag aayos ng mga papers para sa meeting nya sa kanyang mga agents ay may bumati sa tumapik sa kanyang balikat.

“How is it going?” nilingon nya ang bumati. Si CJ pala ito. Isa sa mga co Supervisor nya. 5’11 and height, maputi, chinito at may dental braces. Mag ka batch at magkasama sila sa team nung agents pa lang sila. Masasabing heartthrob itong si CJ. Maraming mga agents babae man o bading ay nagkaka gusto dito. Hindi kasi ito suplado. Kahit na galling sya isang may kayang pamilya ay hindi mo ito kakakitaan ng konting yabang. “Nothing’s new. But I’m okay” sagot nya. “Busy day agad? Wala pang 10pm ah” si CJ habang naka tayo ito sa gilid ng table ni Jasper.

“Hindi naman. I just wanted to be prepared before my coaching with my agents. Si Jasper habang nakapako ang tingin sa computer screen nya. “Well, what can I say.. You’re such a hard working person and a perfectionist Team Lead I guess?” si CJ habang nakatingin kay Jasper.
“I’m not a perfectionist, I just want everything to be ready before ako mag start ng meeting.

Gusto ko smooth flowing ang lahat. Alam mo naman yun. Si Jasper na ngayon ay may pinipirmahang mga forms. “Are you signing the OT forms of your agents? Next week pa ang cut off ah.” Si CJ.
“Marami pa akong reports for next week. Month end natin remember.? Ayokong mag cramming sa mga paper works. Toxic at stressful un. Ayoko ng ganun.” Si Jasper na ngayon ay nakatingin na kay CJ.


“Well, You really deserve that position that you have” si CJ sabay ngiti sa kanya. “Thanks, you as well. I mean. You’re smart, dedicated to your work.” Ang sagot nya habang naka ngiti kay CJ.

Ilang minuto pa silang nag kwentuhan ni CJ. About their family, work, mga agents na pasaway. Makalipas ang 30 minutos ay nag si datingan na ang mga agents nila. Bago pumunta sa kanyang table si CJ ay inimbitahan sya nito na sabay silang kumain mamaya. Libre daw nito. Pumayag sya. Umalis na si CJ patungo sa kanyang table at sya naman ay bumalik sa kanyang ginagawa habang inaantay ang iba pa nyang agents.

Makalipas ang ilang minuto ay nag simula na syang ma meeting sa kanyang mga agents. Tumagal ang meeting ng 20 minutes matapos ng ilang reminders tulad ng call handling, average handling time at quality call procedures ay binabalik na nya ang kanyang mga agents para maka pag simula ng trabaho.

Sa sobrang dami ng kanyang trabaho mula daily, weekly and monthly reports at coaching sessions with his agents hindi namalayan ni Jasper na lagpas na pala ng oras ng lunch break. Pasado alas 3 na ng umaga un. Bigla nyang naramdaman na medyo mahapdi na ang kanyang sikmura. Nilapitan nya si CJ para tanungin kung mag sasabay pa silang kumain. Nag tawana sila ni CJ dahil sa sobrang subsob sa trabaho eh nakalimutan na nila na may “lunch date” sila.

Matapos kumain ant konting kwentuhan habang sila ay naninigarilyo ay bumalik na sila sa kani kanilang trabaho.
Natapos ang isang araw ng trabaho para kay Jasper. Naunang umuwi si CJ sa kanya. Pasado alas 8 na sya naka labas ng opisina. At mag aalas 10 na sya nakating ng bahay. Pagka tapos mag shower at kumain ay mabils na nakatulog si Jasper, dala na rin ng sobrang pagod.

The newbie, The sophomore and the veteran Part 10

Part 10: Close encounter with Rafael


Nang makarating si Aki sa gym ay napansin nya na bukas ang ilaw sa loob ng headquarters nila. Ibig sabihin may tao na. Umakyat sya upang tignan kung sino ang tao doon. Pag bukas nya ng pinto ay nakita nya si Rafael na nag aayos ng mga gamit ng pep squad. Pawisan ito, bakat sa basa nyang tshirt ang hubog ng katawan nya. Nahiya syang pumasok, hindi nya alam kung ano gagawin nya. Lalabas na sana sya ng matabig nya ang isa sa mga drums na nakahanay malapit sa kinatatayuan nya. Napalingon si Rafael sa pinang galingan ng ingay. Napangiti na lamang si Aki sabay ayos sa mga drums. “Sorry, di ko sinasadya.” Si Aki. “Ikaw pala yan, akala ko naman kung sino na” si Rafael. Ngumiti ulet si Aki sabay pasok sa loob ng headquarters. “Need help? Mukhang madami kang inaayos ah.” Si Aki. “Hindi. Okay na lahat, kaya ko na ito.” Si Rafael habang inaayos ang mga matts na ginagamit nila tuwing practice. Naupo si Aki di kalayuan kay Rafael. Titig na titig sya dito, hindi nya mai alis ang mga mata sa lalaking nasa harapan.

“Baka matunaw naman ako sa titig mo. Nakaka conscious naman.” Birong sabi ni Raf. “Ay sorry, tinignan ko lang kung paano inaayos yung mga gamit dito. Yun lang.” sabay yukong sabi ni Aki. Pakiramdam nya ay pulang pula ang mukha nya. Huling huli sya ni Raf. “Nakaka inis. Malandi ka kasi eh.” Pagalit nya sa sarili. “You know what, you’re cute. Lalo na pag namumula ka.” Si Raf. “Sh*t. namumula na nga ako. Nakaka inis.” Bulong nya sa sarili. “Salamat. Di naman ako cute. Kung cute ako di sana marami ng nagka gusto sa akin.” Si Aki. “Maniwala ako sa’yo na walang nagkaka gusto sa’yo.” Si Raf. “Totoo yun. Di sana hindi ako single ngayon.” Si Aki na may himig na pagpaparinig kay Raf. Ngayon lang siya naging ganito. Ang maging flirt. Pero di naman to the highest level. Pa sweet na flirt lang. (kung meron mang ganung term) “Hmmm.. ganun ba. Single ka pala. Akala ko boyfriend mo si Austin eh.” Si Raf. “Hala! Hindi ah. Kaibigan ko lang yun. Di magkaka gusto sa akin yun.” Pagtanggi ni Aki. Natawa lang si Raf sa sinabi nya. Halatang defensive sya. Ilang minuto pa ay natapos ng mag ayos si Raf. Naupo ito malapit sa isang study table at sabay nag hubad ng tshirt. Di malaman ni Aki ang gagawin. Parang syang sinisilaban sa init. Di nya mapigilang tignan ang magandang katawan ni Rafael. “Ayan, inatake ka na naman ng sakit mong pag ka tulala” si Raf habang nag pupunas ng katawan. “Ha? Anu yun, Raf?” si Aki. “AHAHAH! Nabingi ka pa ata. Anu ba kasing iniisip mo?” si Raf. “Loko tong lalaking ito, pinagtatawanan pa ako. Kung alam nya lang na sya ang dahilan kung bakit ako tulala.” Bulong nya sa sarili.

“Ang sabi ko bakit ang aga mo dito? Wala ka na bang klase?” si Raf ulet. “ Ah.. wala na. kanina pang 3pm.” Si Aki. Tumango lang si Raf sa sagot nya. Matagal pa bago mag simula ang meeting dahil wala ring masyadong usapan sa pagitan nila ni Raf at wala din syang topic na mai open ay nag pasya sya na tumingin tingin sa paligid ng headquarters. Doon nya nakita ang mga trophies at medals na napanalunan ng pep squad mula nung 1998 hanggang last year. “Sumali din pala kayo ng Cheerdance Gran Prix” si Aki. “Yup, pero di pa ako member nyan nung sumali sila. At ang pagkaka alam ko eh dyan nag simula ang pagiging popular ng DSU Pep after nilang mapasama sa Top 3.” Si Raf. “I see. Na miss ko tuloy ung Pep Squad namin nung High School. Dahil din sa Grand Prix kaya naging sikat ang pep squad namin” si Aki. “Well, ganun talaga.” Maikling sagot ni Raf. “And by the way, sa Saturday ulet ah. Practice natin then Wednesday next week Pep Rally na at dress rehersal natin.” Si Raf ulet. Tumango lang si Aki. 2 weeks na lang pala at Elimination na. Excited at nerbyos na sya.

“Kinakabahan na nga ako eh. After 5 years saka na lang ulet ako makaka pagsayaw at mag che cheer” si Aki. Tumayo si Raf at inakbayan sya. “Don’t worry. Isipin mo na lang na nagpa practice lang tayo pag andun na sa competition.” Si Raf. Para syang nauupos na kandila sa kilig at kaba habang magkadikit ang katawan nila ni Raf. Ang bango nya kahit kanina lang ay basang basa ito ng pawis. Tila sya estatwa sa kinatatayuan nya. Pigil hininga sya at di nya alam ang kanyang gagawin. Di naman ito alintana ni Raf. Ang alam nya lang ay kailangan nyang i comfort si Aki bilang bagong member ng squad.
“Ahm.. Raf, busy ka ba after ng practice sa Saturday?” si Aki. “Hmmm.. hindi naman. Bakit?” si Raf. “Invite sana kita kahit simpleng coffee lang.” si Aki. “Sige ba. Makapag relax man lang kahit konti. Nakaka stress din kasi pag graduating na eh.” Si Raf. Nais na ni Aki na magtatalon sa kilig dahil magkakaroon sya ng pagkakataon na makilala si Raf. Di na sya makapag antay sa araw na yun. “Sure nay an ah. Walang bawiaan.” Si Aki. “Oo ba.” Si Raf. Quarter to 6 ng dumating ang karamihan sa mga member ng squad. Saktong 6pm ng makumpleto sila at nagsimula sila ng meeting. Pagkatapos ay sumabay na si Aki sa ibang member pauwi samantalang ang iba naman ay pumasok pa sa kani kanilang mga klase.

Nang dumating si Aki sa kanilang bahay ay naabutan nya ang kanyang parents. Natuwa sya dahil ilang linggo din silang di magkasama kahit man lang sa pagkain ng breakfast. Nagpasya silang mag dinner sa labas sa isang seafood restaurant. Kwentuhan sila habang kumakain. Sinabi nya sa mga ito na member na sya ng pep squad sa school at tuwang tuwa naman sila para sa anak. Nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan ng may mapansin si Aki sa di kalayuan. Si Rafael na naka upo sa isang table. Bumilis muli ang kabog ng kanyang dibdib. Na excite sya ng makita nya si Raf sa di iniaasahang lugar. Nagpa alam sya sa kanyang parents para lapitan si Raf. Pumayag naman ang mga ito. Habang papalapit sya ay lalong lumalaks ang kabog sa kanyang dibdib. Isang buntong hininga muna bago sya tuluyang lumapit dito. “Raf. Sinong inaantay mo dito?’ bungad nya kay Raf. “Uy, ikaw pala Aki. Upo ka. Wala akong inaantay, kakain ako ng dinner dito. Favorite ko kasi ung chili crab nila.” Si Raf. “Ikaw, anung ginagawa mo dito?” tanung ni Raf. “I’m with my parents. One week din kasi kaming di magkaka sama eh” si Aki. “Ah ganun ba. Nakaka hiya naman, baka di ka pa tapos kumain eh lumapit ka na dito.” Si Raf. “Hindi naman. Okay lang kasi nagpaalam naman ako sa kanila.” Si Aki. Sandali pa silang nag kwentuhan at nagpa alam na si Aki na babalik na sa table nila. Sakto namang dumating ang order ni Raf. Pagkabalik ni Aki ay tinanong ng mommy nya kung sino ang kinausap nya. Kinuwento nya ang tungkol kay Raf at dahil nga open na sya sa parents nya ay naiintindihan naman nila ito sabay pangaral sa kanya na tapusin nya muna ang kanyang pag aaral. Sinabihan sya ng kanyang parents na imbitahan si Raf sa kanilang table. Lihim na natuwa si Aki dahil mismong daddy nya pa ang nag sabi nito sa kanya. Nilapitan nya si Raf at sinabi nya na gusto syang makilala ng parents nya. Nung una ay nahiya pa si Raf pero dahil na rin nakatingin sa di kalayuan ang mga magulang ni Aki ay tumayo na rin sya at lumapit sya kasabay ni Aki sa mga ito
“Mom, Dad this Raf. Team captain ng pep squad naming.” Si Aki. “Good evening po.” Si Raf. “Good evening, hijo. Please join us.” And daddy ni Aki. “Nakakahiya naman po. Wag na lang po.” Si Raf. “Naku, Raf wag ka ng mahiya. Bihira kami maka kilala ng mga kaibigan ni Aki kaya halika na at samahan mo kami dito. Tamang tama at kaka simula pa lang naming kumain.” Ang mommy ni Aki. Sumang ayon naman si Aki sa sinabi ng mga magulang nya. Walang nagawa si Raf kundi maupo na rin sa tabi ni Aki. Pinalipat rin ni Aki ang pagkain mula sa table ni Raf sa table nila. Sabay sabay silang kumain, nag kwento rin si Raf tungkol sa kanya at kung paano sila nagka kilala ni Aki bago pa ito maka pasok sa pep squad. Masaya silang nag kwentuhan pa matapos kumain. Past 10pm na ng mapagpsyahan nila na umuwi na. Ang parents ni Aki ang nagbayad ng bill nila, hiyang hiya naman si Raf pero wala na syang nagawa pa.

Nasa parking lot sila ng magpaalam si Raf sa parents ni Aki. “It was nice meeting you, Raf.” Ang mommy ni Aki. “Same here din po, maam. Sir.” Si Raf. “Just call us Tito and tita.” Ang daddy ni Aki. “Sige po. Tito, tita, Aki, Ingat kayo sa byahe. Salamat pos a dinner.” Si Raf ulet. Inantay muna ni Raf na maka alis sila bago tuluyang lumakad pauwi. Habang nag aabang ng masasakyan ay naalala ni Raf ang itsura ni Aki habang kumakain sila. Masaya ito. Panay ang ngiti. Iba ang kislap ng mata. Ayaw nya sanang mag assume pero ganun kasi sya pag kasama nya si Darwin. Walang pag lagyan ng kasayahan nya pag kasama nya ang tanging tao na hanggang ngayon ay minamahal nya pa rin. Muli ay bumalik sa isip nya si Aki. Mabait naman ito at di mapagkaka ilang gwapo din ito. Magaan na din ang loob nya dito dahil siguro nakikita ang sarili dito nung nag sisimula pa lang sya sa cheering squad. Sandali nyang itunuon ang atnsyon nya sa mga sasakyang dumadaan. Pasado alas onse na at di pa rin sya nakaka uwi. Bukas ay maaga pa sya sa school. Nag taxi na lang sya pauwi. Pag karating sa kanilang bahay ay nag shower at nagpalit ng damit pang tulog. Ilang minuto pa ay nakatulog na sya.

Maaga pa lang ay nasa school na si Aki. Nag babaka sakali na pumasok na si Austin. Pero hanggang sa dumating ang oras ng klase ay wala ni anino ni Austin. Sinubukan nyang tawagan ito pero mukhang naka off pa rin ang cellphone nya. Natapos ang araw nya sa school. Pakiramdam nya ay may kulang sa kanya. Na mi miss nya si Austin, ang kakulitan nito at kabaitan. Nasa study hall sya at nakikinig ng I pod nya nang may tumabi sa kanya. Laking gulat nya ng makita si Raf sa tabi nya. Inalis nya ang kanyang earphone at hinarap si Raf. “Mukhang malungkot ka ata.” Si Raf sabay ngiti sa kanya. “Di naman. Pagod lang siguro.” Si Aki “Okay lang yan, masasanay ka din.” Si Raf. Ngumiti lamang si Aki sa sinabi ni Raf. Kahit papano kasi ay nabawasan ang lungkot nya sa pagkaka miss nya kay Austin. Marami pa silang napag kwentuhan tungkol sa buhay buhay. Napakaraming natutnan ni Aki sa mga experience ni Raf sa buhay. Ilang minuto pa ay inaya sya ni Raf sa headquarters ng pep squad, may mga bagong dating daw kasi na drums kaya kailangan nya itong tignan. Sumama si Aki at sabay silang pumunta sa headquarters. Pag dating doon ay andoon na ang mga drums, dahil walang alam si Aki kung paano ito kinikilatis ay naupo na lang sya sa isang sulok habang abala si Raf sa pag iinspeksyon ng mga ito Pagka tapos ay naupo din si Raf malapit sa kinauupuan ni Aki. Walang imikan. Parehom silang nakikiramdam Parang sasabog ang dibdib ni Aki sa halong kaba at excitement. Wala syang iniisip na mahalay sa pagkakataon nay un, ang nagpapa kabog ng dibdib nya ay ang reyalidad na kasama nya ang taong mahal nya sa isang lugar na sila lang dalawa.

“Aki.. Raf” sabay nilang tawag sa isat isa. Nagakatitigan sila. Tanging mag mata lang nila ang nag uusap. “Rafael…”si Aki. “Yes…?” si Raf Hindi sumagot si Aki bagkos ay inilapit nya ang mga labi sa labi ni Raf. Ilang sandali pa at naglapat ang kanilang mga labi, ramdam ni Aki ang init na unti unting bumabalot sa kanyang katawan. Di sya makapaniwala sa nangyayari. Ang mga labi ng lalaking pangarap nya ay ngayo’y nakalapat sa mga labi nya. Kung panaginip ito ay ayaw na nyang magising pa. Bigla syang bumalik sa kanyang sarili at kumalas mula sa pagkaka lapat ng mga labi nila ni Raf. Dali dali syang tumayo at nag lakad palabas ng pintuan.

“Aki, wait. Saan ka pupunta?” si Raf. Hindi nya magawang lingunin ito. Di nya alam kung may mukha pa syang ihaharap kay Raf. “I’m sorry… hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. Pasensya ka na.” si Aki habang nakayuko ang ulo paharap sa pintuan palabas.
Magsasalita pa sana si Raf pero wala na si Aki. Tuluyan na itong nakalabas ng silid. Walang nagawa si Raf kung di itakip ang mga palad nya sa kanyang mukha. Hindi sya dapat pumayag. Hindi nya dapat hinalikan si Aki.

Ngayon pati sya hindi na rin alam kung paano nya haharapin si Aki sa Sabado during their practice. At paano kung malaman din ni Darwin ang nangyari? Un ang hindi nya kayang mangyari, ang mawala si Darwin sa kanya. Tuluyan syang napa upo sa isang sulok at iniyuko ang ulo… Ngayon lang sya nalito at naguluhan ng ganito….




ITUTULOY..

Saturday, October 23, 2010

The newbie, the sophomore and the veteran part 9

Part 9:


Nanlaki ang mga singkit nyang mata. Di nya alam kung paano sya mag re react, di sya maka kilos. Tama ba ang narinig nya? Mahal sya ni Austin? Pero bakit? Ang ibig sabihin Bisexual si Austin? Kaya ba ganun ito kabait sa kanya? Kaya ba kapag nagku kwento sya about his feelings kay Raf eh nakikita nya ang lungkot sa mga mata nito? Ito ang mga tanong na pilit nyang hinahanapan ng sagot. Ilang minuto pa ng pag iisip at kumilos sya paharap kay Austin. Tulog na ito. Napansin nya ang mga munting luha sa mga mata nito. Bigla syang nalungkot. Alam nyang kahit sino ay talaga namang mamahalin itong si Austin. Mabait, matalino, thoughful at sweet. Idagdag mo na rin ang pigiging makulit at nakaka tawa nito. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing nya dito. Isang matalik na kaibigan. Nasa ganun syang pag iisip nang maradaman nya ang pag bigat ng mga mata nya. Pumikit sya at tuluyan ng nakatulog muli.

Maliwanag na ng magising sya. Wala ng ulan at maari na syang maka uwi. Napansin nya na wala si Austin sa tabi nya. Nagpasya syang maligo muna at mag bihis bago nya hanapin si Austin. Makalipas ang 30 minutes ay natapos na syang maligo. Nakapag bihis at nakapag ayos na rin ng gamit nya. Lalabas na sana sya para hanapin si Austin ng pumasok ito sa kwarto.
“Gising ka na pala. Tara, kain tayo ng breakfast. Nagluto ako”. Si Austin. “Ikaw nag luto? Masarap ba yan?” biro ni Aki. Hindi nya dapat ipahalata kay Austin na alam na nya ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Hindi dapat mag bago ang pakiki tungo nya kay Austin. “Oo naman. Masarap yun.” Si Austin. Bumababa sila patungo sa dining table at doon nya nakita ang pagkain na pinag mamalaki na niluto ni Austin. “Asus, Hernandez. Akala ko naman kung anu niluto mo. Hotdog at ham lang pala.” Biro ni Aki kay Austin. “Okay na yan. Prito lang ang alam ko eh.” Sabay tawang sabi ni Austin. Kumain sila. Katulad ng dati, kulitan at tawanan sila.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay tuluyan ng umuwi si Aki. Nag alok si Austin na ihatid sya pero tumanggi ito. Nang makarating sa bahay nila ay diretso sya sa kwasrto. Wala pa rin ang parents nya. Tumuloy sya sa kwarto nya. nag shower ulet at nag bihis. Sinimulan nyang gawin ang mga assignments at nag advance reading na rin sya. Nakaramdam sya ng gutom kaya bumababa sya at nagluto ng pagkain. Nang makatapos syang mag luto ay biglang tumunog ang cellphone nya.

“Hello” sagot nya.

“Hey, na miss kita kaya kita tinawagan.” Si Austin.
“Adik ka. Kakahiwalay lang natin na miss mo na agad ako.” Si Aki.
“Punta ako dyan sa bahay nyo. Wala aksing tao ditto sa bahay. Please.’ Si Austin.

“Bahala ka. Di mo naman alam papunta dito eh.” Tawang sagot ni Aki. “At saka anung gagawain mo dito?” tanung nya kay Austin. “Tambay lang. nakakasawa na kasi sa mall eh” sagot ni Austin. Ilang saglit pa ng pangungulit ni Austin ay pumayag na rin sya. Binigay nito ang address nila at tuluyang pinutol ang usapan.
“Talaga itong si Hernandez, anu na naman kaya ang trip sa buhay?” tanung nya sa sarili. Bigla nyang naalala ang narinig nya kagabi. Ang di inaasahang pag amin ni Austin sa about his feelings sa kanya. Napa buntong hininga na lang sya, kasi until now hindi nya pa rin alam kung paano nya sasabihin na ang mahal nya ay si Raf. Ayaw nyang masaktan ang kaibigan, pero ayaw nya ring paasahin ito. Nasa ganun syang pag iisip ng tumunog ang doorbell nila. Tinungo nya ang pintuan at binuksan ito. Nasa gate na si Austin, halos wala pang 5 minutes eh nakarating na agad ito.

“Ang bilis mo naman. Di pa ang ako nakaka kain ng lunch eh.” Si Aki habang binubuksan ang gate. “Eh di good. Kasi I brought you something.” sabay abot ng isang plastic container sa kanya. “Anu naman ito? Pritong ham at hotdog ulet?” tawang tanong ni Aki. “Hindi naman. Spicy chicken wings yan. Nakaka hiya naman na maki kain ako dito tapos wala akong dala.” Si Austin. Pag pasok nila sa bahay ay inihanda na ni Aki ang pagkain at inaya na si Austin na sabay na silang kumain. Masaya silang kumain at halos maubos nilang lahat ang dala ni Austin. Tinulungan ni Austin na mag ligpit si Aki. Pagka tapos ay umakyat sila sa kwarto para doon tumaybay.
“Ang ganda naman ng room mo, Aki. Well organized ang mga gamit mo.” Manghang sabi ni Austin. “Oo naman, di tulad ng sa’yo. At saka di ko pina lilinis ang kwarto ko sa iba. Gusto ko ako ang nag aayos para alam ko kung saan ko kukunin ang mga gamit pag kailangan ko” mabang tugon ni Aki. Tumango lang si Austin sa sinabi ng kaibigan. “So, anung gagawin natin? Mag tititigan lang?” si Aki. “Ikaw, kahit anu okay lang sa akin.” Sabay bigay ng isang pilyong ngiti ni Austin. “ Ugok! Asa ka dyan. Para lang kay Rafael ang katawan ko noh!” walang gatol na sabi ni Aki. Biglang nag bago ang mood ni Austin. Narinig na naman niya ang pangalan ng lalaking yun. Napansin naman ni Aki ang reaksyon ni Austin. Biglan nyang naalala ang narinig kagabi. Binago ni Aki agad ang topic at inayang mag laro ng PS2 si Austin. Pareho silang mahilig sa Tekken at di pa sya nakaka bawi sa huling talo nya dito nung maglaro sila sa mall. Para namang walang narinig si Austin at nanatili lamang itong naka upo sa kama at naka yuko. Biglang na guilty si Aki. Nilapitan nya si Austin. “Austin… is there something wrong?..” si Aki. Nag angat ng ulo si Austin at doon nya nakita ang mga luha na nag uunahang dumaloy mula sa mga mata nito. “Uy, bakit ka umiiyak?” tanong ni Aki. Hindi ito sumagot at tuluyang tumayo at lumabas sa kwarto. Tila napako si Aki sa nakita. Unang beses nyang nakita na ganun ka lungkot si Austin, nataihan sya ng marinig ang pag sara ng pinto ng kanyang kwarto. Hinabol nya si Austin at inabutan nya ito sa main door nila.

“Austin, wait! Anu bang problema?” si Aki. Hinawakan nya ito at iniharap sa kanya. Tinitigan sya nito. Kitang kita pa rin sa mga mata ni Austin ang lungkot. Hinawakan nya ang mukha ni Aki, tila sinasaulo ang bawat detalye ng mukha nito. Di malaman ni Aki ang nararamdaman..nanlalamig ang mga kamay nya pero ramdam nya ang pag init ng mukha nya. Di inasahan ni Aki ang sumunod na pangyayari. Inilapat ni Austin ang labi nito sa labi nya. Ang kaninang malamig na pakiramdam ay unti unting napalitan ng init na unti unting bumabalot sa kanyang buomg katawan at ang kaninang simpleng halik ay unti unting nagiging mapusok. Napapikit sya. Alam ni Aki kung saan ito patungo, kailangan nyang kumalas pero hindi nya magawa. Tila inalipin na sya ng kung anung pakiramdam ang bumabalot sa kanilang dalawa ni Austin. Nagpaubaya sya sa kung anuman ang pwedeng patunguhan ng halik na yun nang biglang bumitaw si Austin. Idinilat nya ang kanyang mga mata. Nanatiling naka titig sa kanya si Austin. Wala ni isang salita ang lumalabas sa mga bibig nito pero nararamdaman nya ang kung anumang damdamin na nararamdaman ni Austin.
“Austin…” si Aki. Di sya sinagot ni Austin at tuluyan nag lumabas ng kanilang bahay. Di na nya nakuhang sundan pa ito. Napako na sya sa kinatatayuan nya, hindi alam kung ano ang susunod nyang gagawin.


Maliwanag na. Alas 6 na ng umaga. Hindi sya naka tulog kagabi. Hindi sya pinatulog ng sakit na nararamdaman nya. Manhid ba si Aki o baka hanggang kaibigan lang turing nito sa kanya. Nanatili syang nakahiga. Wala syang ganang pumasok sa school. Hindi nya alam kung paano nya haharapin si Aki pagka tapos ng nangyari sa kanila kahapon. Hindi man nya pinag sisihan ang ginawa nya pero hindi pa rin nya alam kung paano ito makaka apekto sa pakikitungo nila sa isa’t isa. Tumagilid sya at niyakap ang isang unan. Namalayan na lamang nya na muling nag uunahan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Matagal na panahon na rin ng huli syang umiyak. Muli ay bumalik ang masasayang alaala nila ng kanyang Kuya. Ang nag iisang tao na lagi nyang sandalan pag malungkot sya. Bumangon sya at naligo. Nag bihis sya pero hindi uniporme ang kanyang sinuot. Pagka bihis ay tuluyang lumabas sa kanilang bahay. Gamit ang kanyang sasakyan, binagtas ang isang pamilyar na lugar. Taon taon syang dumadaan dito, minsan sya mag isa o kaya kasama ang mommy nya. Makalipas ng isang oras ay narating na nya ang lugar. Bumaba sya ng sasakyan bitbit ang bulaklak na nakaayos sa isang basket. Dumiretso sya sa isang musileyo, inilapag ang dalang bulaklak at saka naupo malapit sa mga nitso.

“Kuya, andito na naman ako. Alam mo naman kung bakit ako nag pupunta sa’yo.” Si Austin. “Na mi miss na kita ng sobra. Kahit 10 years na ang nakakaraan pero feeling ko kahapon ka lang nawala sa amin.” Siya ulet. Sandali syang tumahimik at tuluyang hinayaang dumaloy ang mga luha na kanina gustong kumawala sa kanyang mga mata. “Kuya ang hirap naman ng ganito, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko sya pero nararamdaman ko na hindi nya ako kayang mahalin.” Hikbing sabi ni Austin Naramdaman ni Austin ang mahinang hangin na dumapi sa kanyang katawan, senyales na naiintindihan sya ng Kuya nya. Tuluyan syang napahagugol. Tuluyan na nyan inilabas ang sakit na nararamdaman. Umiyak sya ng umiyak hanggang sa halos pakiramdam nya na wala na syang nailuluha pa. Ilang oras pa sya nanatili sa lugar na yun. Bago mananghalian ay nagpasya na syang umuwi. Matapos makapag paalam sa Kuya at Daddy nya ay tuluyan na syang umalis. Nang makarating na sya sa kanilang bahay diretso sya sa kanyang kwarto. Nag bihis at nahiga sa kanyang kama hanggang sa tuluyan syang nakatulog muli.



“The number you have dialled is either unattended or out of the coverage area, please try your call later.” Yan ang paulit ulit na sinasagot sa kabilang linya. Ilang beses nyang tinatawagan si Austin pero wala talaga. Hindi ito pumasok buong araw, di nya rin alam kung anu na ang nangyari sa kaibigan. Nasa gitna sya ng pag aalala ng may tumabi sa kanya sa inuupuang bench.

“Mukhang stress ka ata ah. May problema ba?” si Darwin. Nagulat sya ng tignan kung sino ang tumabi at bumati sa kanya. “Ah. Hindi naman. Di kasi pumasok si Austin eh tapos di ko pa sya ma kontak.” Sagot nya kay Darwin. “Ganun ba. Baka naman may inaasikaso lang.” si Darwin. “Di ko alam.” Malungkot na tugon ni Aki. “Don’t worry too much. Okay lang siguro si Austin.” Si Darwin.

Napa bunting hininga na lang si Aki na hindi naman naka lagpas sa kay Darwin. “You can tell me anything if you want. I’ll listen and maybe I can help.” Si Darwin. Tinignan sya si Aki at saka nag salita. “Austin kissed me last night. But prior to that I accidentally heard na may gusto sya sa akin.” Tuloy tuloy na sabi ni Aki. Napangiti si Darwin sa sinabi ni Aki. “Un naman pala eh. Anung problema doon?” si Darwin. “May gusto kasi akong iba. Pero ung taong un mukhang may gusto ring iba.” Si Aki. “Do you mind if I ask kung sino ung taong gusto mo?” si Darwin. Sandaling nag isip si Aki. Alam nya na kaibigan ni Darwin si Raf at ayaw nyang malaman ni Raf mula dito ang feelings nya for him. “Wag na lang. Di mo naman sya kilala. At saka mukhang mukhang malabo na magustuhan nya ako.” Si Aki. “Makinig ka sa akin, Aki. Be thankful na may nagmamahal sa’yo and treat you as special someone. Kasi you’ll regret pag nawala sya sa’yo”. Si Darwin. Ngumiti lamang si Aki.

“Darwin, may itatanong ako sa’yo. Sana okay lang sa’yo.” Si Aki. “Sure. Go ahead.” Si Darwin. “Ahm.. anong meron sa inyo ni Raf?” si Aki. “Sabi ko na nga ba eh. Si Raf yun eh.” Si Darwin. “Si Ra fang alin?” pa inosenteng tanong ni Aki. “Si Raf ung taong gusto mo at kaya di mo masabi kasi kilala ko.” Si Darwin. Pinamulahan ng mukha si Aki. “Alam mo, Aki. Mag best friend kami ni Raf since High School and until now ganun ang turingan naming. Wag kang mag alala, ilalakad kita sa kanya.” Si Darwin. “Naku, wag mong sabihin sa kanya, nakaka hiya. Baka sabihin nya kaya ako sumali sa pep squad kasi sinusundan ko sya.” Tuloy tuloy na sabi ni Aki. “Ahahahahah! Akong bahala sa’yo. I set kita ng date sa kanya if you want.” Si Darwin ulet. “Wag na! hindi un papayag for sure.” Si Aki. “Wanna bet?” si Darwin. “Tumigil ka, Darwin. Anu na lang sasabihin ng ibang member ng squad?” si Aki. “Ikaw ang bahala. Basta pag nagbago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin.” Si Darwin. Ngumiti lamang si Aki.

Nag paalam si Darwin kay Aki para pumasok sa isa nyang klase. Naiwan sya para antayin ang meeting ng pep squad. Past 5pm pa lang per nagpasya na syang pumunta sa gym at doon na lang magpa lipas ng oras.




ITUTULOY……

Friday, October 22, 2010

The newbie, the sophomore and the veteran part 8

Part 8: Practice: Apat na Sikat at ang di inaasahang pag amin.


5pm ng matapos ang practice nila Aki. Pagkatapos mag shower at mag bihis ay lumabas na mula sa gym si Aki. Dun nya nakita si Austin na nag aantay. Nakasandal sa isang blue Honda CRV. “Hoy, wag kang sumandal dyan. Baka mamaya pagalitan ka ng may ari nyan.” Saway ni Aki dito. “Paanong may magagalit sa akin eh akin ito”. Sagot ni Austin. “Yabang mo. Baka nga di ka pa marunong mag drive eh.” Sagot ni Aki. “Eh di bakit di mo subukan ng malaman mo.” Si Austin. Inirapan ni Aki si Austin. “Tara na. Sakay na. Ma traffic ngayon. Baka ma late tayo pauwi.” Si Austin. “Seryoso ka sa’yo yan?!” gulat na tanong ni Aki. “Oo nga. Kakulit na bata eh.” Si Austin. “Iba ka na Hernandez. Sosyal ka na… Ay teka. Saan mo naman nakuha yan ha? Baka mamaya sumabit pa ako dyan.” Tanong ulet ni Aki. “Anung akala mo sa akin, carnapper?! Sa gwapo kong ito?. Matagal ko ng kotse ito. High school pa lang nasa akin na ito. Di ko lang ginagamit kasi hassle mag park.” Sunod sunod na sabi ni Austin. “Oo na ikaw na anak ng diyos. Tara na nga.” Si Aki. Pasakay n asana sila ng may tumawag kay Aki. Biglang nag bago ng mukha si Austin. “Eto na naman ang kumag na ito. Panira ng moment.” Asar na sabi ni Austin sa sarili.

“Raf, bakit?” si Aki. Kitang kita sa mga mata nya na saya na maka usap si Raf. Kahit simpleng pag tawag sa pangalan nya niot ay talagang nag papakilig sa kanya. Di iyon naka lusot sa mga mata ni Austin. Naiinis sya kung bakit hindi nya makita ang saya sa mga mata ni Aki pag sila ang magka usap or magkasama. “Yeah. I forgot to gave you this.” Si Rafael sabay abot ng isang gym bag. May naka sulat nag DSU Pep Squad sa magkabilang gilid ng bag. “Andyan din ung jacket, 2 pairs of uniforms and ung shoes.” Dagdag ni Rafael. “Ah ganun ba. Salamat.” Si Aki. Napansin ni Rafael si Austin na naka tingin sa kanila. Nilungon naman ni Aki ang tinitignan ni Raf. “Ay.. sorry. Rafael si Austin, classmate ko. Austin si Rafael captain naming sa squad. Nagkamayan ang dalawa kahit mabigat sa loob ni Austin. “I know you. Di ba ikaw ung Mr. Engineering last year?” tanong ni Raf. “Yeah. Ako nga un.” Kaswal na sagot ni Austin. “Nice to meet you, pare.” Si Rafael ulit. Nasa kalagitnaan sila ng pagpapakilala ng dumating ang lalaking kasama ni Rafael kanina sa kotse. Napansin ni Aki ang presensya nito. Napa tingin naman si Rafael at Austin. “Oh, guys. I like to meet Darwin Gorospe. Darwin this is Aki and Austin.” Si Rafael. Kinamayan ni Darwin ang dalawa. “Nice to meet you both.” Si Darwin. Kung kanina ay si Austin ang maasim ang mukha ngayon naman si Aki. Iba talaga ang gestures ni Raf kay Darwin. Tinitigan nya si Darwin. Wala syang panama dito sa lalaking ito. Katawan pa lang, wala na sya. Binalot ng lungkot ang katawan nya. “ Ay, Raf. Darwin. Mauna na kami ah. Baka kasi ma traffic ka kami eh.” Pag putol ni Austin. “Sabay na kayo sa amin. Dala ko ung sasakyan ko.” Pag aalok ni Darwin. “Thanks, bro. I brought mine.” May konting angas na sagot ni Austin. “Ah okay, sige. Ingat kayo. See you around the campus.” Si Darwin. Tumango lang si Austin. “Paano, Aki. Ingat. Meeting tayo sa Monday. 6pm.” Si Rafael. “Ah sige. Ingat din kayo. Nice to meet you.. Darwin.” Si Aki. “Same here.” Si Darwin.

Naglakad palayo sila Darwin at Rafael habang silang dalawa ay sumakay na sa sasakyan ni Austin. Kitang kita ni Aki sa side mirror ng kotse na umakbay si Darwin kay Rafael. Halos magkayakap na sila. Parang unti unting napupunit ang puso nya. Tama nga ata sya. May relasyon ata sila. Tuluyang nilamon ng lungkot si Aki. Bigla syang nakaramdam ng pagod. Habang nasa byahe ay di nag iimikan ang dalawa. Tumama si Austin sa prediksyon nya. Sobrang traffic pauwi. Halos 10 minutes bago umusad ang mga sasakyan. Wala pa rin silang imikan. Pareho sila ng nararamdaman. Pareho silang nasasaktan. Mag iisang oras na pero malayo pa rin sila sa kani kanilang bahay. Nilingon ni Austin si Aki. Nakatulog nap ala ito. Marahil sa sobrang pagod. Pinag masdang mabuti ni Austin ang mukha ni Aki. Gaya ng dati, di pa rin sya nagsasawa sa pag tingin sa mukha nito. Hinaplos nya ang kaliwang pisngi ni Aki.

“Akin ka na lang. Please Mr. Uy… Di mo lang alam kung gaano kita ka mahal. Kahit sa sandaling panahon pa lang tayong magkasama, alam ko sa sarili ko at sigurado ako na mahal kita.” Pabulong na sabi ni Austin habang naka tingin sa tulog na tulog na si Aki. Maya maya pa ay nasumpungan na lang ni Austin na palapit na ang kanyang mukha sa mukha ni Aki. Ilang pulgada na lang ang agwat ng mga labi nila sa isat-isa. Buti na lang at traffic, kung hindi ay malamang naaksidente na sila. Tuluyang lumapat ang labi ni Austin sa labi ni Aki. Nagbigay iyon ng ibang sensasyon sa katawan ni Austin bumilis ang kabog ng dibdib nya. Pumikit sya at nilasap ang sarap ng labi ni Aki. Ilang saglit pa ay kumalas sya ditto at muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. Di pa rin umuusad ang daloy ng trapiko. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga. Makalipas ang ilang minutong usad pagong ay sa wakas at unti unting naging normal ang takbo ng mga sasakyan. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay ni Austin. Di alam ni Austin ang bahay ni Aki. Pagka hinto ng sasakyan nya ay saka ginising ni Austin si Aki.

“Aki.. andito na tayo. Gisng ka na.” malabing na sabi ni Austin. Iminulat ni Aki ang mata. Nang mapansin nya na di nila bahay ang kanilang pinuntahan ay nagtatakang tinignan ni Aki si Austin. “Di ko kasi alam ang daan or street pa punta sa inyo. Kaya dumiretso na lang ako dito sa bahay.” Sagot ni Austin. “Okay lang. mag commute na lang ako pauwi sa amin.” Sagot ni Aki. Aktong pababa na si Aki ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tinignan ni Aki ang bag nya pero wala syang nakitang payong. Napasandal na lang sya sa upuan ng sasakyan. Tinignan nya si Austin. Ngumiti ito sa kanya. “Tara na. magpalipas ka muna ng ulan then hatid na kita sa inyo.” Si Austin. Pumayag naman sya. Bumusina sya para pabuksan ang gate patungo sa garahe. Isang matandang lalaki ang nag bukas. Ipinasok ni Austin ang sasakyan. Bumababa sila at pumasok sa bahay mula sa back door ng bahay.

Dumiretso sila sa kwarto ni Austin. Kumpara sa unang punta nya, malinis na ito. Naka ayos lahat ng gamit. Maaliwalas tignan ang buong kwarto. Inilapag ni Aki ang bag nya sabay humiga sa kama ni Austin. Ipinikit nya ang mga mata, naramdaman nya na may tumabi sa kanya. Alam nya si Austin ito, nanatili syang nakapikit. Maya maya lang ay naramdaman nya na may yumakap ito sa kanya. Ramdam nya ang init nag katawan ni Austin, maging ang mainit at mabangong hininga nito ay parang kumot na nagbibigay ng init sa kanyang katawan. Di sya makagalaw. Di nya magawang kumalas mula sa pagkakayakap ni Austin. Alam nyang mali ito, dahil kaibigan nya si Austin. Pero kung hanggang yakap lang ito ay maari na nya itong palagpasin. Ipinikit nya ulet ang mag mata, nag aantay sya ng susunod na gagawin ni Austin, pero tila nakatulog na ito habang yakap ang katawan nya. Mas okay na sa kanya ang ganito. Dahil hindi nya alam kung paano nya i-ha handle ang mas malala pa sa yakap na maaring mangyayari.

Di nya namalayan na naka tulog na ulet sya. Nanatiling nakayakap si Austin sa kanya. Madaling araw na nang magising siya. Wala sa tabi nya si Austin. May narinig syang agos ng tubig mula sa banyo na nasa loob ng kwarto. Mukhang naliligo si Austin. Tinignan nya ang kanyang cellphone. Nag text ang kanyang daddy, informing him that hindi sila makaka uwi. Ni replayan nya ito. Pagka tapos ay umupo sa gilid ng kama. Bumukas ang pinto at lumabas si Austin na naka tapis lamang ng tuwalya. Napansin ni Aki na magandan nga ang katawan ni Austin, hindi lang pala ito nag yayabang. Meron talaga syang may ipag mamalaki.

“Hey, okay ka lang ba? Gusto mong mag shower? Papahiramin kita ng damit.” Sunod sunod na tanong ni Austin sa kanya. Napatingin sya sa may bintana. Lalo atang lumakas ang ulan. Napa buntong hininga sya. Mukhang bukas pa na sya makaka uwi. Nag shower sya. Pagkatapos ay sabay silang bumaba para kumain. Nag luto sya ng noodles para sa kanila ni Austin. Nang maluto ay sabay silang kumain gamit isang malaking bowl habang nanunuod ng tv. Alas 3 ng madaling araw ng nag aya na syang matulog ulet.

Nahiga sila sa kama. Naglagay ng unan sa gitna nila si Austin. Nagtaka man sya ay di na nya ito inusisa pa. Tumalikod sya kay Austin para na rin makatulog na sya. Ito kasi ang pwesto kung saan mahimbing syang nakaka tulog. Papikit na sya ng mag salita si Austin.

“Gising ka pa ba?” tanong nito. Di sya umimik. Hindi sa ayaw nya itong kausapin, pakiramdam nya eh wala syang lakas para makipag kwentuhan at makipag kulitan. Pumikit sya para makatulog na sya ng may bigla syang narinig. Hindi sya pwedeng magka mali. Ang tunog na naririnig nya… ay tunog ng isang hikbi. Hikbi mula sa taong umiiyak. Haharap sana sya ng biglang mag salita si Austin.

“Kuya.. I really wish you’re here. Wala akong mapag sabihan ng mga nararamdaman ko. Kuya, may gusto akong isang tao. Pero mukhang may iba syang gusto. Masakit, pero ako rin naman ang may mali.. di ko kasi masabi sa kanya ang nararamdaman ko eh.. natatakot sa pwede nyang maging reaksyon. Sana lang pag may sapat na akong lakas ng loob, masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.. kung gaano ko kamahal si Aki.” Pahikbi hikbing sabi ni Austin.


ITUTULOY….

The newbie, the sophomore and the veteran Part 7

CHAPTER 7: PRACTICE (ang pagtatagpo ng tatlo)


“Ang bilis naman ng araw. Nakaka tatlong linggo na agad tayo” si Austin habang punong puno ang bibig ng fish balls. “Anu ka ba. Don’t talk when your mouth is full.” Saway ni Aki. “At saka ayaw mo nun? Madali tayong makaka tapos.” Si Aki ulet. “Eh di ikaw na excited maka graduate.” Si Austin na tumutusok ulit ng fish balls. Nasa labas sila ng campus. Walang klase ang buong College of Education dahil sa College week nila. Pumasok lang sila para ayusin ang booth na ginawa ng year nila. “Ayoko na. Busog na ako.” Si Austin. “Buti naman. Naka 50 pesos ka ata eh. Takaw takaw mo di ka naman nataba.” Si Aki. “Oy! 30 pesos lang ah. At saka di talaga ako tabain kasi I exercise regularly.” Sabay flex ng mucles sa mga braso nya. “At kung mag salita ka, akala mo naman ang taba mo.” Pang aasar ni Austin. “Wala kasing mataba sa lahi naming.” Si Aki.

“Maiba ako, kalian ang practice mo with the squad?” si Austin sabay tungga ng juice. “Bukas. Sabado. Whole day from 8am onwards” si Aki. “Grabe naman un. 8am onwards.” Si Austin. “Ganun talaga. May competition na sasalihan ang squad. Natural lang na mag practice ng matagal.” Si Aki. Tumango lang si Austin. “Oo nga pala. Ung report natin ah. Wag mong kalimutan. Ako na sa visual aids, ikaw sa written report.” Si Aki. “Bakit ako sa written report? Ang daya mo naman.” Si Austin na nanlalaki ang mata. “Oh sige palit na lang tayo. Pero gusto power point presentataion ah.” Si Aki ulet. “Ang choosy mo naman. Manila paper at cartolina na lang. Isulat ko na lang doon.” Protestang sagot ni Austin. “AYOKO! Napaka old school nun. Hi-tech na tayo ngayon.” Angal ni Aki. “Oo na! Sige na! ang arte naman nito.” Si Austin.

Inaya ni Austin si Aki na mag punta sa bahay nila. Pumayag naman si Aki. Nang makarating sila ay diretso sila sa kwarto ni Austin. Iniwan siya ni Austin para magpahanda ng meryenda nila. Nung mag isa na lang sya ay doon nya napansin na magulo ang kwarto ni Austin. Nag kalat ang mga gamit nito. “Anu ba naman itong si Hernandez. Ang dugyot sa kwarto” sabi nya sa sarili. Isa isa nyang inayos ang mga libro at magazine sa study table malapit sa kama. Inayos nya rin ang bedsheet at itinupi ang kumot nito at inilagay ang mga laruan sa isang build-in shelf malapit sa study table. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Austin.

“Wow, ang linis ng room ko ah. Dapat pala araw-araw kang pumunta dito” birong sabi ni Austin. “Mangarap ka. Di ako katulong noh! Ayoko lang ng nagulo ang paligid ko.” Si Aki. “Sabi mo eh. Anyways, salamat! Swerte ng magiging boyfriend mo. Kasi marunong ka sa bahay. Ako? Naku. I’d rather sleep than to clean my stuffs.” Si Austin. “Swerte talaga si Raf pag naging jowa nya ako. Kasi aalagaan ko sya ng husto.” Si Aki habang naka tingin sa labas ng bintana ng kwarto. “Si… sino? Sino si Raf?” tanong ni Austin. Kinuwento ni Aki ang tungkol kay Raf at kung bakit nagustuhan nya ito. Di naman alintana ni Aki na nasasaktan na nya ang kaibigan sa lahat ng sinasabi nya. “Ahhmm.. kaya ba sumali ka sa pep squad dahil sa kanya.” Malungkot na tanong ni Austin. “Hindi naman. Di ko nga alam na member din pala sya ng squad at sya pa ang team captain.” Si Aki. Alam ni Austin na mula ng unang pagkikita pa lang ni Aki at Raf ay meron ng ibang nararamdaman si Aki para kay Raf. Kitang kita nya kung paano titigan ni Aki si Raf. Unti unting naramdaman ni Austin na may kung anung masakit sa dibdib nya. Paano na sya? Ngayon pa na lagi ng magkakasama ang dalawa sahil sa pep squad. Di nya pinahalata kay Aki na nasasaktan sya. Pilit syang ngumiti para itago ang nararamdaman. Ipinagpa tuloy nila kwentuhan at tawanan. Buti na lang at di na nabanggit si Aki si Raf sa usapan nila, kahit papaano ay nawala sandali ang sakit na nararamdaman ng puso nya.

Past 7pm na ng umuwi si Aki. Hinatid sya ni Austin hanggang sakayan ng tricycle papasok ng subdivision nila. Nang maka alis si Aki ay umuwi na rin si Austin. Pero di gaya ng dati. Ang saya ay unti unting napalitan ng kirot at takot sa dibdib nya. Paano kung mawala sa kanya si Aki? Paano kung mahulog din ang loob ni Raf dito? Hindi sya papayag. Kailangan nyang bakuran si Aki.


KKKKKKKKKKKKKRRRRRRRRRIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGG!!

Pinatay nya ang alarm clock, nag inat inat bago tuluyang bumangon. Dumiretso sa banyo at naligo. Makalipas ang ilang minuto ay nakapag ayos na sya. Bitbit ang bag na bumaba mula sa kanyang silid. Diretso sa kusina at kinuha ang nakabalot na sandwich sa ibabaw ng lamesa. Pagka labas ng main door ay nagulat sya kung sino ang nag aantay sa kanya.

“Good morning! Alam ko na maaga kang pupunta sa school for practice kaya inagahan ko na din para ihatid ka.” Si Darwin.
“You don’t have to do this. Kaya kong mag byahe. Pero, thanks sa effort.” Si Rafael. Wala pang 10 minutes ay nasa school na sila. Nag park ng kotse si Darwin at sabay silang bumaba mula dito. Matapos magpasalamat ay dumiretso si Raf sa gym samantalang si Darwin ay nag tungo sa library for his thesis.

6:30am nasa school na si Aki. Ayaw nyang ma late sa unang practice nya. Naka upo sya sa may bench sa study hall. Napansin nya ang kotseng padating. Di nya na inalam kung sino ang sakay nito. Kinuha nya ang I-pod mula sa bag. Habang nakikinig ay isang pamilyar na mukha ang nakita nya na bumababa mula sa kotse. Naka pulang tshirt at white short pants. May dalang gym bag. Di sya pedeng magka mali. Si Rafael yun. Pero sino ung kasama nya. Matangkad na lalaki. Maputi at matangos ang ilong. Naka dental braces ito na nakita nya nang ngumiti ito. Mukhang close sila ni Raf. Kitang kita sa mga gestures nila sa isat-isa. Tila may tumusok ng kung ano sa dibdib nya.

“Nagseselos ba ako? Bakit?” tanong nya sa sarili. Pilit nyang inilayo ang tingin mula sa mga ito. Di nya napansin na naghiwalay na pala ang dalawa. Huminga sya ng malalim bago tumayo at naglakad papuntang gym. Sana mali sya sa hinala nya. Sana hindi ganun ang iniisip nya. Pag dating nya sa gym ay may ilang mukhang member ng pep squad dahil sa mga jacket at bag na gamit nila. Lumakad syang papasok ng gym. Pinatitinginan sya ng ibang members na nag wa warm up. Napa yuko sya dahil hindi sya sanay na titinignan ng ibang tao.

Naupo sya sa isang sulok ng gym at nag text. Wala pa namang 8am at saka naka pang practice na rin sya. Matapos makapag text ay nag simula na rin syang mag warm up. Habang nag he heel stretch sya ay di nya napansin na nakalapit na pala sa kanya si Raf.
“Bakit di ka dun mag warm up kasama ng team? Nag iisa ka dito sa sulok.” Si Raf. Nagulat sya ng mag salita si Raf. Napatitig sya dito pero nung bumalik sa ala-ala nya ang nakita kanina sa parking lot ay biglang binawi nya ang tingin dito.
“Akala ko eh matutulala ka na naman eh.” Sabay tawang sabi ni Raf. “Tara dun sa team para makilala mo na rin sila.” Si Raf ulet. Kinuha nya ang bag nya at sabay silang nag lakad papunta sa lugar kung saan andun ang team. Halos kumpleto na ang lahat maliban sa ilang drummers. Isa isang pinakilala ni Raf ang members ng team.

“This is Aki from the colloge of education. He will be our new member. Be nice to him, okay.?” Si Raf. Isa isa syang binati ng mga bago nyang team mates. Ang iba naman ay nag tataas ng kilay sa kanya. Marahil ay na under estimate sya ng mga ito dahil sa built ng katawan nya. Nag simula ang team warm up. Matapos ay isa isa ng itinuro sa kanya at sa isa pang baguhan ang mga steps at mga stunts na gagawin. Medyo nangapa sya sa mga stunts pero ang mga dance steps at formation ay madali nyang nakuha. Pagkatapos ng ilang pasada ng routine ay na memorize na nya ang lahat. Pati na rin ang mga stunts. Masaya naman sya dahil madali nyang nakuha ang routine.

“Okay guys, ready!!” sigaw ni Rafael. Isa isa silang pumuwesto. “Ahm.. Aki, please stay here. You will be doing double aerial and a full twist after the 16 counts. Kaya ba?” si Raf ulet. “Sige po!” si Aki sabay pwesto sa itinurong pwesto ni Raf. Muli ang iba ay nag taas ng kilay. Ang iba naman ay halatang nag aabang kung anu ang kaya nyang gawin. Nag simula ang tugtog. “8..7..6...5…4…3…2 …and 1! Go Aki!” sigaw ni Raf. Ginawa ni Aki ang pinagagawa ni Raf. Perfect ang ginawa nya. Lihim syang napangiti. “Siguro naman eh nakapag pakilala na ako sa inyo” sabi nya sa sarili. After the routine ang 15 minutes break. Naupo sya malapit sa ibang team members. “Hi Aki. Ang galling mo naman kanina. Napa nga-nga mo kami dun ah.” Bati sa kanya ng isang members. “Nakakahiya naman. May background lang kasi ako sa cheerleading nung High School kaya ko nagagawa yung mga yun.” Sagot ni Aki. “San ka bang galing high school? For sure sa school na merong gymnastic team yan. Hindi naman lahat kayang gawin ang ginawa mo noh.” Pataray na tanong ng isang babae. “Akala mo naman kung sino ‘to. Eh kung di ka pa isa sa mga flyers for sure di ka member dito” asar na sabi nya bulong nya. “Graduate ako sa Jimenez National High School.” Si Aki. “OMG!!! Jimenez?!! Eh di ba sila ung champion for 3 years sa Cheerdance Grand Prix?!” eksahiradang react ng isang member. “Yup. yun nga un. I was part of the team when they won the 2nd and 3rd championship.” Si Aki ulet. Napatayo ung girl na nagtaray sa kanya kanina at nag punta sa ibang members. Natawa lang sya sa ginawa nito. Kahit mabait kasi si Aki sa lahat eh may naitatago din syang kamalditahan sa katawan. “Wag mong pansinin yang si Ada. Feeling nya kasi sya na pinakamagaling dito sa squad. At nag aambisyon na maging team captain next year.” Sabi ng isang member na bading sabay irap sa tinutukoy na babae. Natawa si Aki. Well, hindi sya sumali sa squad para magpa impress. Andito sya para mag sayaw at makasama si Raf. “Did I hear team captain? Have met your future team captain?” si Raf na nasa likod na pala nila. Bakit ba kasi kung saan saan sumusulpot itong lalaking ito. “May kapalit kana agad Kuya?! And bilis naman.” Sabi ng isa sa mga kasama nya. “Oo naman. Ayan oh. Kaharap nyo na.” sabay turong sabi ni Raf kay Aki. “Hala ka! Raf, wag mo nga silang biruin ng ganyan. Meron pang mas senior sa akin dito” si Aki. Ngumiti lang si Raf at tumalikod na. Ngitian naman nya ang mga kasama sa squad.

Inaral ulet nila ang mga stunts. Pagkatapos ay ilang pasada pa ng buong routine. Past 12nn na ng mag lunch break sila. Bago kumain ay nag hugas muna ng kamay at braso si Aki, nag palit ng tshirt at lumabas ng gym para kumain. Dala ang wallet at mga gadgets nya sa isang maliit na bag. Naglalakad sya kasama ang ibang mga ka team mates ng may natanaw syang pamilyar na tao malapit sa parking lot. Di nga sya nagka mali. Si Austin. Naka blue na tshirt at naka jeans at flip flops. Nailing at nangiti na lang sya.

Ipinakilala ni Aki si Austin sa mga team mates nya. Sinabihan ni Aki na mauna na sila sa canteen at susunod na lang sila. “Anung ginagawa mo dito? At anu yang mga dala mo?” sunod sunod na tanong ni Aki. “Ang dami mong tanong ah. Ikaw na nga itong dinalhan ng food, ikaw pa itong matanong.” Tampong sagot ni Austin. “Adik ka naman. Masyado kang matampuhin. Pero, salamat. Sana di ka na nag abala.” Si Aki. “Tara na. kain na tayo. Di pa ako nag bi breakfast eh. Nagising kasi ako past 11am na.” nakangiting sabi ni Austin. Sabay silang nag lakad papuntang canteen. Pag dating sa canteen ay agad na naghanap ng mauupuan si Austin para sa kanila ni Aki. Pagka upo nila ay isa isang inilabas ni Austin ang mga food na dala nya. May carbonara, grilled chicken at salad. Pagkahain nya ay tumayo ito para bumili ng inumin. Pag balik ni Austin ay nag simula na silang kumain. Kulitan at tawanan pa rin ang dalawa habang kumakain. Naubos nila ang dalang pagkain ni Austin. Nagpahinga sila bago nagpasya na bumalik sa gym. Nakasabay ulit nila ang ibang team mates ni Aki.
“Ang sweet naman ng boy friend mo, Aki. Dinalhan ka pa ng food.” Sabi ng isang member habang naglalakad sila. “Ahahahaah! Hindi ko boyfriend itong mokong na ito.” Tawang sabi ni Aki. “Oo nga, hindi nya ako boyfriend. Hindi pa.” si Austin nag pinagdiinan ang salitang HINDI PA. “Naku, Aki kung di mo pa sya sasagutin. Akin na lang sya. Good catch kaya itong si Papa Austin.” Ang member nilang bading. Nagtawanan sila hanggang marating nila ang gym. Nag stay si Austin sa bleacher habang si Aki ay dumiretso kung saan sila nag pa practice.

Nag enjoy si Austin na pinapanuod si Aki na nagsasayaw. Ang galing palang mag sayaw ni Aki. Pero napansin nya na kada break ay panay ang lapit ni Raf kay Aki. Kitang kita naman nya na tila kinikilig si Aki. Biglang nag bago ang mood ni Austin. The more na nakikita nya na parang masaya si Aki pag nasa tabi o malapit sa kanya si Raf ay lalong sumasakit ang dibdib nya. “Anu bang meron itong lalaking ito na wala ako?” asar nyang tanong sa sarili. “Pareho naman kaming meron nun. Baka nga malaki pa ang sa akin eh.” Bulong nya sa sarili. Kagaya ng sinabi nya kagabi sa sarili. Di sya papayag na mapunta si Aki kay Raf. Gagawain nya ang lahat to win Aki’s heart. Di sya magpapatalo basta basta sa lalaking un… Mula doon ay may nabuong balak si Austin… ngayon nya lang gagawin ito… at sigurado syang mapapa sagot nya si Aki….


ITUTULOY….

The newbie, the sophomore and the veteran part 6

Part 6: Aki; Bagong kaibigan, bagong team at bagong pag-ibig


Matapos makakain ay nagpasyang magpahinga sandali sila sa may Study Hall malapit sa canteen. Presko at maaliwalas ang lugar na iyon dahil napaliligiran ng puno. Umupo sila banding dulo ng hall, magkaharap sa isat isa. Habang naka upo ay napansin ni Aki na kanina pa nakatingin si Austin sa kanyan. “Uy Austin, matunaw naman ako sa katititig mo sa akin.” Si Aki na nakangiti. “Eh kasi naman di nakakasawa tignan ang mukha mo eh.” Si Austin. “Asus. Kanina ka pa humihirit sa canteen ah, may gusto ka ba sa akin?” tuksong tanong ni Aki. “Ha? Ah.. eh.. Di ah. Di naman ako anu eh..” pautal utal na sabi ni Austin. “Biro lang. ito naman. Namutla ka naman agad. Hahahahah!” tawang sabi ni Aki. Mabilis nakagaangan ng loob ni Aki si Austin. Marahil ay dahil okay naman ito makipag usap at maayos naman ang trato sa kanya. Kagaya nga ng sabi nya. Hindi sya namimili ng taong magiging kaibigan, lahat binibigyan nya ng chance maging kaibigan nya. “Ako? Namulta? Di naman ata” sabay kapa sa mukha nya. Natawa naman si Aki sa ginawa ni Austin. “Ahahahah! Nakaka tuwa kang tao. Ang sarap mong kulitin. At saka di naman big deal sa akin kung bisexual, gay or tomboy ang isang tao. Di naman basis un para maging kaibigan mo ang tao. Minsan nga mas okay pa silang makisama kesa sa mga straight people.” Tuloy tuloy na sabi ni Aki. Lihim na napangiti si Austin sa sinabi ni Aki. “At saka ako ba? Di ba ako halata? Austin, I’m gay, to be honest with you and it’s up to you kung tatanggapin mo ako or not.” Si Aki habang nakatitig sa kanya. “Wala rin namang kaso sa akin yun. As long as you know how to respect other people and hindi ka kasing landi ng iba nating classmate na gay. I mean I have nothing against them. Its just that, medyo nakaka turn off lang sila.” Sunod sunod na sabi ni Austin.

“Well, good then. Now we can say that we can be good friends or best friends or…” pabitin na sabi ni Aki. “Or what…?” si Austin. Halatang excited na marinig ang susunod na pwedeng mangyari sa kanila ni Aki. “Ahahahahah!! Gotcha! Sabi ko na nga ba eh. You really into me” panuksong sabi ni Aki. “Huh! Assuming ka ah!” si Austin sabay irap dito. Natawa naman si Aki sa ginawa ni Austin. Ngayon nya napag tanto ulet na gwapo talaga ang taong ito. Ilang minuto pang kulitan at napagpasyahan nila na bumalik na sa kanilang classroom. Naglalakad sila ng mapansin ni Austin na huminto si Aki. “Anu yang tinitignan mo?” si Austin. “Uy, pep squad try out. Sasali ka?” si Austin ulet. “Hmmmm.. depende. Pero parang gusto ko. Kasi nakaka miss na kasing mag sayaw” si Aki. “Just go for it. Kung gusto mo at alam mong mage enjoy ka sa gagawin mo, go ka lang” si Austin. Ngumiti lang si Aki sa kanya. Tama nga naman si Austin. Alam nya na mage enjoy sa pep squad. Eto rin halos ang naging buhay nya nung High School.

Narating nila ang classroom at naabutan na nagkukulitan ang iba nilang classmates. Ang iba naman ay parang nagulat dahil magkasabay silang pumasok sa claasroom. Din a lang nila pinansin. Wala naman kasi silang ginagawang masama. Dumating ang kanilang professor ilang minuto pagkatapos nilang maka upo sa kanilang upuan. Nagsimula ang klase. Isang quiz din ang ginawa nila. Natapos ang klase. Dalawang klase na lang at tapos na ang araw para sa kanila. Mabils na tumakbo ang oras. Di nila namalayan na uwian na pala. Katulad nung lunch break, tropa tropa ulit ang magkaka sabay sa uwian. Nilapitan sya ni Austin. “Siguro naman eh pwede na akong sumabay sa’yo pauwi?” si Aki. “Wala naman akong sasakyan para makisabay ka eh. Nag ji jeep lang ako papunta at pauwi dito” naka ngiti nyang tugon. “Kahit mag lakad pa tayo. Basta kasabay kita. Okay lang sa akin un.” Si Austin. “Asus. Ayan ka na naman. Mga hirit mo Hernandez.” Patawang sabi ni Aki. “Oo, tawagin ba ako sa last name ko? Multuhin ka sana ng lolo at daddy ko” si Austin sabay tawa. Natawa din si Aki sa sinabi nito. Sabay silang umuwi mula sa school. Habang nasa jeep ay panay pa rin ang kulitan nilang dalawa. Buti na lang at konti lang ang sakay ng jeep. Parang ang tagal na nilang magka kilala. Ang gaan ng loob nila sa isat isa. Nasa kalagitnaan sila ng kulitan ng biglang nag preno ang jeep na sinakyan nila. Mula sa bandang dulo ay napunta sila malapit sa unahan ng jeep. Bahagyang nadaganan ni Austin si Aki. Nagkalapit ang mga mukha nila. Ilang pulgada na lang at maglalapit na ang mga labi nila. “Ahmmm.. Austin….” Si Aki. “ Aki…” mahina halos pabulong na sagot ni Ausitn. “Ung braso ko.. naiipit mo na. Masakit eh” si Aki. Doon lang natauhan si Austin. Umayos ito ng pagkaka upo. “Sorry. Masakit ba? Pasensya ka na ah” si Austin habang namumula ang mukha sa sobrang hiya. “Anu ka ba, ayos lang un.” Si Aki. Doon din napansin ni Austin na nakatingin sa kanila ang 3 pang pasaherong kasakay nila sa jeep. Umayos sila ng upo. Walang imikan. Nakarating sila sa lugar kung saan sila nakatira. Magkatapat pala ang subdivision kung saan sila nakatira. Si Aki sa St. Vincent at si Austin ay sa St. Ignatius. Bago maghiwalay ay nag paalaman sila sa isa’t isa.

“Ingat ka ha. See you tomorrow” si Aki. Akmang tatalikod na si Aki ng pigilan sya ni Austin. “Aki, wait… ahm.. can I get your number? Please” si Austin na todong ngiti. Natawa si Aki. Kitang kita nya kasi pati gums ni Austin. At infairness, maganda ang ngipin nya. Nagpalitan sila ng number bago tuluyang maghiwalay. Di pa man din nakakalayo sa isat isa ay tumunog ang cellphone ni Aki.

“Hello.” Si Aki.
“Ingat pag uwi ah. Salamat sa bondin kanina sa school. Nag enjoy ako. Sana ikaw din. See you tomorrow.. I… ahmm.. I… oh sya sige na” si Austin. Natawa si Aki sa ginawa ni Austin. Hindi man lang sya nakahirit. Ilang minuto pa ay nakasakay na si Aki ng tricycle papasok ng subdivision. Pagkadating sa bahay ay diretso sa kanyang kwarto. Nag shower at nagbihis ng pambahay na damit. Hinarap nya ang mga assignments sa lahat ng subjects bukas at nag basa ng konti. Patapos na sya sa assignment sa Sociology nang mag ring ang phone nya. Tumawag ang mommy nya. Binilinan sya na bukas na sila makaka uwi ng kanyang daddy dahil na stranded sila pauwi sa kanila. Wala naming problema sa kanya dahil wala naman syang aalalahanin. Nasa kanya na ang allowance nya for 1 whole month. May pagkain naman sa refrigerator nila at kaya naman nyang mag luto. Matapos makipag usap ay muling ibinalik ang atensyon nya sa aralin. Nang matapos nya ito ay bumababa sya para humanap ng makakain for dinner. Matapos makapag luto ay tinakpan nya ito sa lamesa at mamaya nya ito kakainin.

Bumalik sya sa kanyang kwarto at nag ayos ng gamit nya para bukas. Try out bukas ng pep squad. Sasali sya dito. Alam nya na kaya nyang pag sabayin ang academics at ang squad. Matapos makapa ayos ng gamit sa isang gym bag na katamtaman ang laki at nag stretching sya ng kaunti. It’s been several months nung huli syang sumayaw. Baka mabigla sya bukas. Left and right heel stretch, bow and arrow at scorpion stretch ag ginawa nya. “Ayos, kaya ko pa pala” sabi nya sa sarili. Matapos maka pag stretching ay nag pasya syang kumain na. Matapos maka kain at makapag hugas ng mga ginamit sa dinner at pag luluto ay bumalik sya sa kanyang kwarto. Nang tignan nya ang kanyang cellphone ay may nag text sa kanya. Si Austin.

Gud pm. Hope nkapag dinner kn. Hve a great evening. Mwah!

“Ayos ah. May kiss pa sa dulo. Kulit talaga nito” sabi nya sa sarili. Nag reply sya.

Nkapag dinner na aq. Ikw din maen kana. At bkit may kiss ha?

Di na nag reply si Austin sa text message nya. Hinayaan na nya ito at nag simula syang gawin ang evening vanity routine nya. Nang matapos ay humiga na sya. Nag set ng alarm clock at pumikit na. Ilang minuti pa ay nakatulog na sya. Bukas ay isang panibagong araw para sa kanya. Isang araw na di nya makakalimutan.


Maagang nagising si Aki. Wala pang isang oras ay nakapag handa na sya para pumasok. Palabas na sya ng I check nya ang cellphone nya. Nag text pala si Austin.

See you later. Goodluck sa try out mo.


Napangit sya sa text ni Austin. Lakas maka pagpa kilig ni gago. Kinikilig sya aaminin nya. Pero hanggang doon lang yun. Hindi nya kasi nakikita ang sarili na ma I inlove kay Austin. Okay na sya na magkaibigan silang dalawa. At may isang taong nagpapa tibok ng puso nya. Sana makita nya ulti ang taong un. Ang hindi nya alam ay muling mag ku krus ang landas nila.

Maagang nakarating si Aki sa school. Dumiretso sya sa gym. Alas 8 ang umpisa ng try out. Tamang tama lang dahil alas 10 pa naman ang klase nila. Pagdating nya sa 2nd floor ng gym ay may ilan ng nag aantay sa try out. Umupo sya malapit sa pntuan na tila opisina ng mga cheerleaders. May lumabas na babae mula sa loob, isa isa silang binigyan ng number. Number 7 sya. Niligay nya ito sa kanang dibdib nya. 15 silang lahat. Sinimulan syang kabahan, pero sinabi nya sa sarili na di dapat syang magpa apekto. Alam nya na kaya nya ito. 3 taon nyang ginawa ito nung High School sya. Kinalma nya ang sarili. Habang nag aantay tawagin ang number nya ay kinuha nya ang cellphone nya. Nag text pala si Austin.

Dito na ako sa room. Antay kita. Goodluck sa’yo. Mwuah! Mwuah!

Napangiti sya sa message ni Austin. Medyo naging okay na pakiramdam nya. Nawala ang kaba sa dibdib nya. Mag re reply pa sana sya pero biglang tinawag ang number nya. Tumayo sya at bitbit ang bag na pumasok sa loob. Pag pasok ay ninilapag nya ang bag sa isang sulok at tahimik na nag lakad paharap sa mga nagpapa try out habang naka tungo. Pag angat ng kanyang mukha ay laking gulat nya sa nakita. Bumilis lalo ang kabog ng kanyang dibdib. Tila pinako sya sa kanyang kintatayuan, kaya ba kanina pa sya kinakabahan? Dahil sa lalaking nasa harapan nya ngayon? Totoong natuwa sya na makita ang lalaking nasa harap pero hindi nya inaasahan na sa ganitong pagkakataon.

“Ah.. are you going to introduce yourself or you’re just gonna stand there and stare at Rafael the whole day?” mataray na sabi ng isa sa mga veterans. Napangiti naman si Raf sa tinuran ng kasama.

Nagulat si Aki. Ganun na ba sya katagal na naka nga-nga sa harap ng lalaking ito. Pinamulahan sya ng mukha. “Sh*t! first impression and I blew it” pagalit nya sa sarili.
Aki cleared his throat and start intoducing himself. “So, you have experience in cheerleading and you came from one of the best High School cheerleading team in NCR. Pretty impressive. “Thanks.” Maiksi nyang sagot.
“So, Aki. Show us what you’ve got” si Raf. Nag simulang tumugtog ang isang tance music. Sinimulan nya ang short dance routine nya ng isang aerial flip. Ayos! Perfect ang flip nya. Sinundan ng 32 counts na cheerdance steps. Floor works after ng dance routine. Another 16 counts of dance steps and he ended it with a full twisted lay out. Habol hiningang humarap si Aki after ng ginawa nya, tahimik na nag aantay ng comments from the panel of veteran team members.

“Good job” sabi ng isa. “You blew me away! Sa katawan mong yan, I never thought na ganun ka kagaling” sabi ng nagtaray na veteran sa kanya. “Salama po.” Sagot nya habang hinihingal pa din. “What can you say, Raf?” sabi ng isa ulet. “Well, I think we found the next Team Captain, don’t we?” sabay palakpak na sabi ni Raf. Tumango naman ang 2 nyang kasama. “Well, Aki. Congratulations. You’re in. Welcome to the squad.” Sabi ni Raf. Naka hinga ng maluwang si Aki. Di pa rin sya makapaniwala na nagawa nyang maka pasok sa squad. At din rin sya makapaniwala na makaka sama nya sa team ang taong muling nagpa tibok ng puso nya. Lumabas si Aki na may ngiti sa labi. Masayang masaya sya. He can’t wait to tell Austin na nakapasa sya.

Matapos makapag palit ng uniform ay tumuloy na sya patungo sa kanilang classroom. Palabas na sya ng gym na may tumawag sa kanyang atensyon. “Hey, wait up!”

“Good thing di naka apekto sa’yo ang pagkaka bunggo ko sa’yo last time.” Si Raf na nasa harapan nya. Gaya ng unang pagkikita nila, na magnet na naman sya sa ka gwapuhan nito. Tila may kung anung bumara sa lalamuna nya, walang boses na lumalabas sa bigbig nya. Ang init ng mga pisngi nya habang nanlalamig naman ang mga kamay nya. “Hey, ganyan ka ba talaga? Laging tulala?” tawang sabi ni Raf sa kanya.

“Ah.. hindi naman.. anu kasi.. ahm.. basta.” Pautal nyang sinabi. Natawa lang si Rafael sa naisagot nya. “So pano? See you this Saturday for you’re first practice with us. 8am. No late comers ha. And by the way, it’s a whole day practice” sunod sunod na sabi ni Rafael. “Sige. Salamat.” Si Aki. “Good. We’ll see you around. I still have class to catch.” Si Rafael. Di na sya naka sagot. Tinanaw na lamang nya si Rafael habang lakad takbo itong palayo sa kanya.

Nang makarating sya classroom ay nakita nya si Austin na nag susulat. “Hernandez!” medyo napalakas na tawag ni Aki kay Austin. “Ang ingay mo naman. May mga na re review oh.” Si Austin. “Sorry naman. Na excite lang kasi ako.” Si Aki. “Treat kita mamayang lunch ah. Naka pasa kasi ako sa try out.” Si Aki. “Talaga! Congrats! Sabi ko sa’yo, kaya mo yan eh.” Si Austin. “Wala ka namang sinabi. Asus. Ang sabi mo lang pag gusto ko, gawin ko. Ayun. Ginawa ko” si Aki. “Oo na. Ikaw na walang memory gap” si Austin sabay ikap. Natawa naman sya. Ang sarap asarin nitong si Austin nasabi nya sa sarili. Naupo si Aki sa kanyang upuan. Maya maya pa ay dumating na ang kanilang professor. Lumipas ang dalawang klase nila. Habang nag aantay ng pangatlo nilang klase, nag sulat si Aki sa kanyang journal. Tungkol sa pangyayari sa kanya mula ng try out at iba pang mga quotes na nabasa nya rin sa mga libor at blogs. It serves as his motivation. Pag nakaka basa sya ng mga words of encouragment ay natutuwa sya.

LOVE COMES UNEXPECTEDLY. Yan ang naisulat nya sa journal nya. Bigla nyang naalala si Rafael. Lihim syang napangiti, hindi pa rin sya makapaniwala na makaka sama nya ito sa isang team. Halos araw araw din silang magkakasama. Iniisip pa lang nya ay kinikilig na sya. Nasa gitna sya ng pag di day dream nang bigla syang gulatin ni Austin. Halos maihapas nya ang kanyang journal dito. Di talaga sya sanay na ginugulat sya o binibigla. Di naman halos makahinga si Austin kaka tawa. Kitang kita nya si Aki kung paano ito mapatalon sa pang gugulat nya.

“Naka bawi na ako sa’yo.” Si Austin. “Ewan ko sa’yo. Wag mo ng uulitin un ah.” Si Aki sabay irap. Kulitan pa rin silang dalawa. Hanggang mapadaan ang isa nilang bading na classmate sa harapan nila. “Wow! Ang sweet nyo naman. Bagay kayo. Kaya lang sayang kasi ang gwapo nyo pareho. Pero uso naman yan. Ang gwapo, para na rin sa gwapo” kilig na sabi ng classmate nila. “Ahahahaha! Tumigil ka nga dyan. Mag kaibigan kami nito ni Austin. Bagay bagay ka dyan.” Si Akin. “Naku, Aki my dear. Wag kang mag salita ng tapos. Mamaya isang araw mag tapat ng pag ibig sa’yo yang si Austin bigla kang mapa tumbling.” Ang classmate nya ulet. Tahimik lang na nakikinig si Austin sa kanilang usapan. Anu nga kaya ang magiging reaksyon ni Aki pag sinabi nya na mahal nya ito. Sasagot pa sana si Aki ng biglang mag bell. Lunch break na pala.

Masaya silang kumain ni Austin. Tulad ng promise nya, nilibre nya ito ng lunch sa isang fastfood. Katulad kahapon at kanina sa classroom, kulitin at tawanan pa rin sila. Nag kwento rin si Aki tungkol sa try out habang si Austin naman ay kuntento na lang pagtitig sa mukha ni Aki. Matapos nilang kumain ay nagpasya silang mag mall. Hindi na nila papasukan ang huli nilang klase. Nung una ay hindi payag si Aki pero sa huli ay pumayag na rin sya. Pangako naman ni Austin na minsan lang naman nila ito gagawin. Nakarating sila sa mall malapit sa school nila. Nag ikot ikot sila. Window shopping, laro sa arcade. Tumingin ng gadgets. Habang nag lalakad sila ay napadaan sila sa isang toy shop. Hinila ni Austin si Aki papasok. Tuwang tuwa si Austin ng makita nya ang mga action figures ng X-Men. Tinignan nya ang isa dito. Si Arcangel. Sandali pang tinignan ni Austin at tuluyang binili ito. Nang makapag bayad ay pinuntahan nya si Aki sa may stuff toys area. Nakita nyang hawak nito ang isang Carebears stuff toy.

“Gusto mo?” si Austin mula sa likod ni Aki. “Hindi. Tinignan ko lang. Favorite color ko kasi ang color yellow.” Si Aki. “Ah ganun ba.” Si Austin. “Tara na. Baka gabihin tayo.” Si Aki. Lumabas sila ng mall. Nag abang sila ng jeep na masasakyan pero halos lahat ay puno. Mahing ang mag FX taxi ay ganun din. “Walang masakyan ah.” Si Austin. “OO nga. Sahod kasi eh. Kaya madaming tao sa labas.” Sagot ni Aki. Ilang minuto pa sila nag antay per wala pa rin. Naiinip si Austin at bigla na lang itong pumara ng taxi. “Tara, sakay na. Sagot ko na ‘to.” Si Austin. Sumakay silang dalawa. Habang nasa byahe ay walang imikan ang dalawa.

Halos isang oras bago nila narating ang kanilang destinasyon. Nag bayad si Austin at sabay silang bumaba ng taxi. Nag paalam sila sa isat isa bago tuluyang naghiwalay.
Isang masayang araw ito para kay Austin. Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob nya kay Aki. Ilang linggo pa at sasabihin na nya ang nararamdaman dito. Katula ng sinabi nya dati.. BAHALA na si BATMAN. Basta ang alam nya na mahal nya ang taong ito.

Nang makarating sa bahay nila ay tinawagan nya si Aki. Nagpasalamat sya sa bonding nila. Binilinan nya ito na kumain bago matulog at agahan ang pasok nito bukas. Matapos maka pag shower at magkapg bihis ay inihiga ni Austin ang katawan sa kama. Pumikit at tuluyang nakatulog ng may ngiti sa labi nya.


ITUTULOY…

Tuesday, October 19, 2010

The newbie, the sophomore and the veteran Part 5

Eto na po ang part 5. Sana magustuhan nyo ulet.


To Bx, Earl of Dubai, Roan, Daredevil at sa iba pa.

MARAMING SALAMAT SA MGA COMMENTS NYO!!!!


Part 5: Ang Pep Squad

Maagang dumating si Rafael sa school. Dumiretso sa sya sa gym kung saan napansin nya ang ilang estudyante. Mga naka P.E. uniform ang iba, marahil ay may klase ang mga ito. Dumiretso sya sa 2nd floor ng gym kung saan sila nag pa practice. Pag dating nya doon ay nakita nya ang ilang member ng squad.

“Ang aga nyo ah. Wala pang 8am ah” bati ni Rafael sa mga ito. Tila naiilang naming tumingin ang mga ito sa kanya na di nakalagpas sa kanya. Kilala nya ang lahat ng miyembro ng squad. Lahat ito ay inabutan nya mula sa mga newbies hanggang sa katulad nyang veteran na. Inayos nya muna ang mga matts at drums na gagamitin. Pagka tapos niya ay saka nya muling hinarap ang mga ito.

“Alam kong may gusto kayong sabihin sa akin. Mabuti pang sabihin nyo na at wag nyo ng paabutin sa team huddle natin. Kung hindi man maganda yan, mas okay na tayo tayo na lang ang nakapag usap.” Tuloy tuloy nyang sabi. Ibang Rafael kasi pag nasa huddle na sya. Wala syang paki alam kung baguhan or veteran member ang kausap nya. Pag mali ito.. pasensyahan. Walang kaibigan. Walang ka batch mate. Pero hindi naman sya galit sa kanila as a person. Galit sya pag mali ang ginagawa ng mga ito. Pero after ng practice, bati bati na ulet.

“Eh..kasi Kuya Raf.. anu… kasi ganito yun.. ahmm.. ikaw na lang mag sabi, Lexy” sabi ni Japet na isa sa mga baguhan. “Bakit ako?! Kayo na. sa inyo ko lang naman nalaman un kanina eh” si Lexy na halos paiyak na. Biglang napataas ang kilay ni Rafael. Alam nyang may problem at kailangan nya itong malaman kaagad.

“Sasabihin nyo ba sa akin or hindi ko kayo isasamang tatlo sa line up for elimination.” May himig na pananakot na sabi ni Rafael. Lalong nataranta ang tatlo. Napayuko si Lexy at si Japet. “Dex, anu bay un ha? Sabihin mo na sa akin or ako mismo ang hahanap ng paraan para malaman kung anuman yang dapat nyong sabihin sa akin” si Rafael ulet.

“Kasi..po.. kuya Raf. Sila Eisen at Gerard po.. anu kasi… aun… ahmm.. naaksidente..nasa ospital po sila ngayon. Si Dex habang naka yuko. Di alam ni Rafael kung maiinis sya or maiiyak. Hindi magandang balita ito para sa team. “Bakit?! Anung nangyari sa kanila?” si Rafael na medyo napataas ang boses na lalong ikina taranta ng 3 members. “Kasi po kuya Raf, nagkaayaan pong uminom kagabi, nalasing po si Gerard. Pinigilan po naming syang mag drive ng motor nya pero makulit po.. Ayun, angkas nya pa si Eisen.” Si Lexy habang naka yuko.

“Kamusta na sila? Seryoso ba ang damage sa kanila?” sunod sunod nyang tanong. “okay na daw po sila. Ligtas na po. Medyo napuruhan lang sila kasi Si Eisen bali ang kaliwang braso tapos si Gerard puro sugat ang katawan at mukha.” Si Japet.

Napahawak sa ulo nya si Rafael. Si Eisen at Gerard ang 2 sa mga lifters nya. Sila din ang tosser para sa mga importanteng tosses sa routine. Malaking kawalan ang 2 sa squad. 3 weeks na lang at Elimination na. Di na option ang magpalit ng routine, hindi rin pwedeng gamitin ang mga trainees dahil required sa competition na dapat ay naka attend ng Summer Camp last summer. Pwedeng mag palit ng members kung ang ipapalit ay may cheerleading experience na at may proof na naging cheerleader or gymnast sila.

Malabong maging otions ang try-out. Unless makaka kuha sila ng gymnast or former cheerleader mula sa mga mag ta try out. Pero ang possibilities na ito ay Malabo pa sa tubig ng kanal sa gilid ng canteen ng DSU. Walang gymnastic team ang DSU. At lahat ng cheerdancers from different colleges ay nasa team na.

“Sige na. Mag handa na tayo. Ayusin nyo na mga gagamitin natin. Pag uusapan natin ang bagay na ito pag dating ng iba.” Kalamadong sabi nya sa tatlo. Makalipas ang ilang minuto ay naayos na nila ang mga gagamitin. Dumating na din ang iba pang members ng squad pati mga drummers. Bago mag simula ang practice ay sinabi nya sa team ang nangyari sa 2 nilang kasamahan. Lahat ay nagulat at nalungkot sa nangyari. Napagka sunduan nila na pagkatpos ng practice ay sabay sabay silang dadalawin ang 2 nilang team mates. Napagka sunduan rin ng mga mga veterans at ni Rafael na mag pa try out. Kung wala man silang makuha mula doon ay saka na lamang nila pag pa planuhan ang susunod na hakbang.

Natapos ang practice ng alas 3 ng hapon. Pero bago umuwi ang mga veterans ay gumawam muna sila ng mga posters at banners for the try out na mag sisimula sa Lunes. Alas 7 ng gabi ng matapos nilang ikabit ang mga ito. Sabay sabay na rin silang dumalaw sa ospital.

Naka uwi si Rafael sa bahay nila. Pagod na ibinagsak ang kanyang katawan sa kama. Malilim ang kanyang iniisip, alam nyang di madali ang paghawak sa cheering squad. Pero hindi nya akalain na may ganitong kalaking problema na darating. Mas malaki pa sa hindi pag sipot ng tumahi ng uniform nila. Kaya sa araw ng competition ay lumang uniform ang suot nila. Paano nila malalagpasan ang problemang ito? Pero sa gitna ng tanong na bumabagabag sa kanya ay buhay pa rin ang pag asa nya na maayos nila ito. Nakatulugan na ni Rafael ang pag iisip tungkol sa problema nya sa team.

Alas 11 na ng umaga ng sya magising. Pakiramdam nya ay pagod na pagod sya. Mabigat ang pakiramdam nya ng bumangon sya sa kama. Kung hindi lamang Linggo at kailangan nyang mag simba at tapusin ang thesis nya ay di pa sana sya babangon. Dumiretso sya sa banyo upang maligo. Maka tapos makaligo at mag bihis ay diretso syang bumaba sa kusina para mag almusal. Naabutan nya ang kanilang Yaya na nag aayos sa kusina. Inaya sya nitong kumain at sumunod naman sya. Matapos maka kain ay dumiretso sya ulet sa kanyang kwarto. Hinarap nya ang kanyang computer. Nag simula syang mag type sa computer. Di nya namalayan ang oras. Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone ay di pa nya mamalayan na alas 6 na pala ng gabi.

“Hello.” Sagot nya.

“Papunta na ako dyan sa inyo. Sabay tayong mag simba. Mag ready ka na ah. Bye. See you.” Sabay baba ng kausap sa kabilang linya.

Napangiti na lamang sya. Bumalik sya sa computer para i-save ang mga nai type nya at tuluyan itong pinatay. Dumiretso sa banyo at naligo. Makalipas ang 30 minutos ay nakapag bihis na sya. White polo shirt at gray colored jeans ang isinuot nya terno ang isang white na chuck taylor sneakers.

Konting ayos ng buhok at nagpa bango. Maya maya pa ay narinig nya ang busina ng sasakyan. Andyan na si Darwin. Mag sisimba silang dalawa. It’s been a while since the last time they went to church together. Nung 1st year college pa ata sila huling nag simba together.

Bumababa si Rafael at nag paalam sa kanyang Yaya na mag sisimba sya. Pagka labas nya sa pintuan ay tumabad sa kanya si Darwin na gwapong gwapo sa suot na green collared shirt at white pants. Sandali syang natigilan sa nakita. Napa buntong hininga sya sabay ngiti kay Darwin. 15 minutes drive from Raf’s place to the nearest church. Umabot sila sa 7pm mass. After mag simba ay nag aya si Darwin na kumain ng dinner bago umuwi. Isang seafood restaurant ang kanilang pinuntahan. Kwentuhan, kumain at nag kulitan silang dalawa. Nai kwento rin ni Rafael ang tungkol sa nangyari sa squad.

“Alam kong kaya mo yan. Hindi pa kita nakitang sumuko sa mga ganyang bagay” si Darwin.

“Salamat sa pag papalakas ng loob ko. Sana nga kayanin ko ito” si Rafael.

Isang matamis na ngiti ang sinagot ni Darwin sa kanya. Tanda na panatag ang kanyang best friend na kakayanin ni Rafael kahit anu pang problema ang dumating dito.

Past 10pm na ng makarating sa bahay si Rafael. Matapos maka alis ni Darwin ay tuluyan na nyang ni lock ang gate at ang main door. Sigurado sya na tulog na rin ang Yaya nya.

Pag pasok nya sa kanyang kwarto, nag shower at nag bihis sya ng pantulog. Inayos ang kanyang mga gamit sa school para bukas. Bukas na rin ang try out para sa kapalit ng 2 members nila. He’s hoping that they will find good replacements for those 2 members.

Nagpasya syang matulog matapos masiguro na ayos na lahat ang dadalhin nyang gamit bukas. Kakailanganin nya ng lakas para bukas. Mahabang araw na naman para sa kanya.

Maagang pumasok sa school si Austin. Kagabi pa lang ay gusting gusto na nyang makita si Aki. Ilang araw na rin syang hindi makatulog ng maayos simula ng una nilang pag uusap. Kagabi bago sya matulog ay napag desisyonan nya na sisimulan na nyang suyuin si Aki. Bahala na si Batman ika nya sa sarili. Gusto nya si Aki.. ay hindi pala.. Mahal nya ito. Pag dating nya sa room ay naabutan nya si Aki na nag susulat. Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib, hindi nya alam kung tutuloy bas yang pumasok or mag aantay sya ng kasabay na kaklase. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago sya tuluyang pumasok.

“Good morning! Ang aga mo naman, Aki” bati nya ditto kahit halos lumubog na sya sa kinatatayuan nya.

“Good morning din, pakners!” sabay tawang bati ni Aki sa kanya. Natawa naman sya sa sinabi ni Aki. “Uy, good mood ka ata ngayon ah, samantalang last Friday halos ayaw mo akong kausapin” may himig na tampo na sabi ni Austin. “Di naman sa hindi kita gustong kausapin. Nagulat lang ako kasi bigla mo akong i napproach. Un lang un. Ito naman, sorry na.” si Aki sabay ngiti nito kay Austin. Hindi malaman ni Austin kung anu ang kanyang nararamdaman. Ang mga ngiti ni Aki ang pinaka magandang ngiti na nakita nya. Ang mala anghel na mukha nito, ang mapupulang labi nya na sa tingin ni Austin ay napaka sarap halikan. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib nya, biglang nag init ang mukha nya. Bakit ganito na lang ang epekto ni Aki sa kanya.

“Uy, okay ka lang ba? Namumula na mukha mo.” Si Aki na may halong pag tataka. “Ah.. eh.. oo naman. Okay lang ako.” Sabay bawi ng tingin ni Austin. Lihim na natawa si Aki sa itsura ni Austin. Muli nyang ibinalik ang atensyon sa sinusulat. Tinungo ni Austin ang kanyang upuan na may kalayuan sa upuan ni Aki. Naupong sandali si Austin. Kumakabog pa rin ang dibdib nya. Pero masaya sya dahil mukhang komportable na si Aki na kausapin sya. Marahil eto na ang tamang tyempo para ayain si Aki. Isang simpleng lunch lang with him ay ayos na sa kanya. Huminga sya ng malalim. Tatayo na syang muli ng biglang pumasok sa classroom ang ilan sa mga kaklase nila. Napaupo syang muli. “Wrong timing naman itong mga ‘to. Mamaya na nga lang” usal nya sa sarili.

Makalipas ang ilan minuto pa ay na kumpleto na rin ang klase at dumating na rin ang kanilang professor. Nag simula na silang mag klase. Pa minsan minsan ay nililingon nya si Aki habang ito naman ay abala sa pakikinig sa kanilang professor. Muling ibinaling ni Austin ang atensyon sa klase. Pero nasa isip pa rin nya si Aki.

Natapos ang una nilang klase. Pangalawa at pangatlo. Lunch break na. Kanya kanyang labas ang mga kaklase nila sa classroom. Tropa tropa ang magkaka sama. Napansin ni Aki na naka upo pa rin si Austin. Tila may inaayos na gamit. Sa di nya malamng dahilan ay nilapitan nya ito.

Tara, lunch tayo” aya ni Aki dito. “Ha? Ako ba?” taklang tanong ni Austin. “Oo naman, may iba pa bang tao dito sa room bukod sa atin?” si Aki. “Sige ba. Pero treat ko ah. And I will not take NO as an answer” pabidang sagot ni Austin.

“Nakakhiya naman sa’yo. Wag na. KKB na lang.” pagtanggi ni Aki. “ Asus, tara na. nahiya pa naman itong maha..” nabiglang sabi ni Austin. “Anu yun?” tanong ni Aki. “Wala yun. Tara na sabi ko kasi gutom na ako” pag bawi ni Austin. Sabay silang naglakad papuntang canteen. Habang naglalakad ay nag ti text si Aki habang si Austin naman ay lihim pa rin nyang sinusulyapan ito. Nang marating sila sa canteen ay madali silang naka hanap ng lugar na uupuan. Si Austin ang umorder ng pagkain at si Aki ang naiwan sa upuan. Ilang minuto pa ay bumalik na si Austin at nagsimula na silang kumain.

Samantala….

Paakyat sa 2nd floor ng gym si Rafael. Ngayon ang simula ng 2 day try out nila for their pep squad. Pagdating nya ay nandun na ang iba pang veterans na makaka sama nya sa screening. May ilan na rin an estudyante ang sa tingin nya ay mag t try out. Naupo sya sa gitna ng 2 at tinanong nya kung ready na sila.

Bago magsimula ay inannounce muna nya na tanging lalaki lang ang kailangn nila ngayon sa pep squad. Kaya mula sa 15 na mag ta try out ay 6 na lamang na natira. Nag simula na ang try out. Halos sumakit ang ulo nya sa mga nag try out dahil wala ni isa ay ang naka meet ng expectations nila. Kahit simpleng cartwheel ay hindi magawa ng kahit isa sa kanila.

“Di man lang marunong magbasa ng mga requirements sa announcement” bulong ng isang veteran kay Rafael. Tumango sya. After 30 minutes ay natapos na ang try out. Sinabi nila na i po post nila ang mga pangalan ng mga nakapasa on Friday.

“Don’t lose hope guys. We still have tomorrow, and I’m sure makaka hanap tayo ng replacement nila Eisen at Gerard.” Si Rafael. Sumang ayon naman ang 2 nyang kasama. Sabay sabay silang bumababa mula sa 2nd floor patungo sa kani kanilang klase. Bukas na nila ipagpapatuloy ang paghahanap ng kapalit ng 2 nilang kasamahan.

Ang lingid sa kaalaman ni Rafael ay magbabago ang takbo ng buhay pep squad nya pag nahanap na niya ang ipapalit kina Eisen at Gerard. Isang malaking pagbabago na kahit sya ay hindi nya aakalaing mangyayari..

ITUTULOY…