gboi's haven

Tuesday, August 23, 2011

BOYS of SEBASTIAN Book 1: Aaron

CHAPTER 2


“Ikaw pala.” Bati sa kanyan ng lalaki. Di malaman ni Aaron ang isasagot nya. Tila na hipnotismo sya ng lalaking kaharap. Naka boxer short ito at naka sampay sa balikat ang sandong itim. Halatang bagong paligo dahil na rin sa basa ang buhok nito at amoy sabong pampaligo. Kitang kita ang ganda ng katawan nito at mapapansin din an makinis ang balat, mukhang algang alaga. “Kailangan mo ba ng tulong dyan sa mga gamit mo?” alok ng lalaki sa kanya. Doon na lamang sya natauhan at halos di nya malaman kung anung uunahin sa mga gamit nya.
“Relax lang. natataranta ka naman eh.” Ang lalaki habang pababa sa hagdanan na nag susuot ng sando. Lalo syang nataranta sa mga sumonod na nangyari. Dinampot nito ang isa s mga maleta nya at sinabing sumunod sya sa kwarto. Di malaman ni Aaron kung ano ang nangyayari sa kanya. Bakit sya aligaga? Bakit sya natataranta? Dahil ba sa nakita nya o dahil hindi nya inaasahan ang taong ito ang makakasama nya sa bahay?
Habang nag iisip ay natagpuan na lamang ni Aaron ang sarili sa may pintuan papasok sa loob ng isang kwarto. Doon nya napansin na ang malaking kwarto kung saan sya dinala ng mga paa nya. Tuluyan syang pumasok at doon nya nakita ang kabuuan ng kwarto. May dalawang kama sa loob nito, dalawang built-in closet, isang study table sa gawing kanang bahagi. May isa ding pintuan na sa tingin nya ay banyo. Habang nasa kalagitnaan sya ng pagmamasid ay biglang nag salita ang lalaki. Doon nya napansin na kaharap nya pala ito.
“Ito ang magiging kwarto natin. Akin ung kama malapit sa bintana sayo naman ung isa. Sana okay lang s’yo na magkasma tayo sa iisang kwarto. And don’t worry, di ako maiingay matulog. Pwera na lang kung may katabi ako.” Ang lalaki sabay ngisi at kindat sa kanya. Di pa rin sya makapag salita. Inis na inis na sya sa sarili nya. Ngayon lang sya natameme ng ganito.
“Ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang imik ah. Pero kanina sa opisina, lahat ng sabihin namin ng kuya mo.. binibara mo.” Ang lalaki.
“Ayos lang ako.” Sa wakas nakapag salita na rin si Aaron. “Talaga?” ang lalaki. “Oo naman. Maliligo muna ako at magpapalit ng damit.” Si Aaron. Di naman tuminag ang lalaki sa kinatatayuan nito na ipinagtaka ni Aaron. “Sabi ko, maliligo lang ako at magbibihis. May balak ka bang panuorin ako habang ginagawa yun?” si Aaron. “Ha? Wala.” Ang lalaki. “So, do you mind to step out of the room for a mean time?. Unless gusto mo akong makitang mag hubad sa harapan mo.” Masungit na sagot ni Aaron. “Pareho naman tayong lalaki eh. Anung problema doon?” ang lalaki.

Pakiramdam ni Aaron ay namumula na sya at nararamdaman nya na mainit ng ang kanyang mukha. Di ito ang iniaasahang nyang isasagot ng lalaki. “Pare, bakla ka ba?” si Aaron. “Anong sa tingin mo?” ang lalaki. Napatingala na lamang si Aaron sa kisame sa sagot sa kanya. “Sige, maligo at magbihis ka na. Ihahanda ko lang ang pagkain natin.” Ang lalaki sabay talikod. Tatalikod na sana si Aaron nang mag salita ulit ang lalaki. “By the way, Aaron. About sa tanong mo kung bakla ako… Oo, bakla ako. I hope ypu don’t mind.” Ang lalaki sabay talikod sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Aaron sa narinig. Di nya malaman kung maniniwala sya o hindi sa sinabi ng lalaki. Kung totoo man yun, at magkasama sila sa iisang bahay at matutulog sa iisang kwarto.. mukhang delikado sya. Mas malaki sa kanya ang lalaki, kayang kaya sya nitong gupuin makuha lang nya ang pagkalalaki nya. Kung hindi man ito totoo, walang magiging problema. Napabuntong hininga na lamang sya sabay kuha ng mga gamit para maligo. It’s been a long day for him. At sa Lunes ang totoong laban na dapat nya harapin.

Samantala..

“Hello. Oo, andito na sya. Ano ba talagang plano mo?” ang lalaki. “Ganun ba. Sige akong bahala. Magkita na lang tayo sa Lunes.” Ang lalaki ulit. “Okay, bye.” Pagpapa alam ng lalaki sa kausap sa cellphone. Naiiling na inilapag nito ang cellphone sa ibabaw ng table at tuluyang tumungo sa kusina para maghain ng pagkain. Pero bago sya tuluyang pumunta sa kusina at sinulyapan nya ang hagdanan sabay ngisi ng nakaka loko.
“Mukhang mapapa subo ako dito sa pinasok ko ah.” Mahinang sabi ng lalaki. At tuluyan na syang lumakad patungo sa kusina. Napakamot na lamang sy ng ulo sa. Di nya alam kung ano ang mga susunod na mangyayari, pero ang alam nya ay para ito sa ikaka buti ni Aaron. Isang buntong hininga ang pinakawalan nya sabay lagay ng ulam sa microwave oven. “Ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad sa’yo Aaron. Ginawa ko lang ito para sa ikaka buti mo.” Si Marco.


Lunes ng umaga. Maaga pa lang ay gising na si Aaron para ayusin ang schedule ng board exam review nya. Kailangan nya ng pang umagang schedule. Ngayong araw na rin sya magsisimulang magtrabaho sa kanilang kompanya. Bumaba sya mula sa kwarto matapos maligo at magbihis. Pag gising nya na wala si Marco sa kanilang kwarto. Pagbaba nya ay doon nya nakita si Marco na naghahanda ng agahan. “Gising ka na pala. Kain na. it’s gonna be a long day for you.” Si Marco na naka ngiti.” Di malaman ni Aaron kung uupo ba sya sa harap ng lamesa o aalis na lang. Lalo ng maalala nya ang sinabi nito sa kanya na bakla si Marco. Di nya maalis iyon sa kanyang isipan. Sa katunayan, noong matulog sya kagabi ay nakadapa sya para lang maka siguro na din sya hihipuan nito habang natutulog. Pero nanaig ang kalam ng sikmura nya dahil di na nya nagawang kumain kagabi pag dating sa sobrang pagod nito.
“Di ka na naka kain kagabi. Sayang ung inihanda ko.” Si marco ng may himig pagtatampo. “Sorry, pagod lang.” maiksing sagot ni Aaron. “It’s okay.” Si Marco sabay salin ng juice sa baso at iniabot kay Aaron. “Thanks.” Si Aaron sabay abot ng baso. “You can come late sa office later. I’ll be there until 2am tomorrow morning.” Si Marco. “2am? Parang late na ata.” Si Aaron. “Maraming trabaho ngayon. May bagong itatayong condo sa QC at tayo ang kinuha for interior design ng lahat ng units. So, brain storming ulit ang team. You can join us sa meeting later.” Si Marco. “Pag wala si Kuya Adrian doon, aattend ko. Pero pag andoon sya. Di bale na lang.” si Aaron. Tango na lang isinagot ni Marco sa kausap. Gusto man nyang magtanong ay minabuit na lamang nya na wag ng ituloy. Para sa kanya, it’s between him and his Kuya. Hands-off na sya doon. Tahimik na kumain silang dalawa. Sandling katahimikan. “Marco…” basag ni Aaron. “Yes?” si Marco. “I hope di ka na offend nung tinanong ko kung bakla ka..” si Aaron. Natawa ng bahagya si Marco. “Hindi naman. At saka marami ng nagtanong sa akin ng ganyan.” Si Marco. “so, totoo ung sinagot mo sa akin kagabi?” kabadong tanong ni Aaron. Muling natawa si Marco na ipinataka ni Aaron. “Di ba nasabi sa’yo ng Kuya Adrian mo?” tanong ni Marco. “Ang alin?” sagot ni Aaron. “Itanong mo sa Kuya mo.” Si Marco sabay tayo sa lamesa para iligpit ang pinakainan nya. Nagtataka man, itinuloy na lamang nya ang pagkain at marami pa syang lalakarin ngayong araw na ito.

Madaling nahanap ni Aaron ang rewiew center. Isang taxi mula sa bahay at isang taxi lang din papunta sa kumpanya nila. Pasado alas 4 na ng hapon nang makarating sya sa opisina. Diretso agad sya sa Interior Design Dept. Doon nya naabutan ang mga makaka sama nya sa departamento. Isang ngiti ang bati ni Aaron sa mga ito. Di nya napansin si Marco na naka upo malapit sa pintuan ng opisina nila. “Welcome sa first day mo, Aaron.” Si Marco. “Salamat.” Maiksing sagot ni Aaron. Tumayo si Marco para ituro ang table ni Aaron. Nagulat si Aaron na katabi ng table ni Marco ang table na gagamitin nya. Di na lamang sya nag react. “Siguro, temporary lang naman ito.” Usal nya sa sarili. Naupo si Aaron sa table nya at nag simulang ayusin ang mga gagamitin nya. Sketchbook, mga lapis at ruler na gamit nya rin nung nag aaral pa sya. Napansin ni Marco na busy si Aaron sa pag aayos ng mga gamit nya. “Aaron, mukhang di mo masyadong magagamit yan.” Si Marco. “Bakit naman? Eh di ba designs ang gagawin ko?” si Aaron. “Oo nga, pero we use AUTOCAD for designs. Are you familiar with that?” si Marco. Nag taas kilay si Aaron. “Ofcourse. Pero I prefer doing designs sa papel bago sa computer. Okay lang ba yun?” si Aaron sabay balik ng atensyon sa pag aayos ng mga gamit nya. “Okay. Kung doon ka kumportable.” Si Marco. 2 oras ang mabilis na lumipas at napasabak na rin si Aaron sa mga desings. Sya ang inatasan ni Marco na gumawa ng design para sa wall ng bawat unit ng mga condo. Hindi naman nahirapan si Aaron dahil minimalist naman ang theme ng lahat ng unit. Studio type lahat ng unit kaya di mahirap gawan ng design. Matapos ang isang oras ay naipasa na nya ito kay Marco. “Good job, Aaron. I like these designs. Now, it’s time for you to present it to the Boss.” Si Marco. “You mean kay Kuya?” si Aaron. “Hindi lang sa kanya. Pati na rin sa kliyente.” Si Marco ulit. “Come on, Marco. Kaya nyo na iyon.” Tanggi ni Aaron. “Kung ako ang ang design nito, magagawa ko syang I present. Eh ikaw ang gumawa. So dapat ikaw ang mag present nito. It’s your idea and you should be proud of it.” Si Marco. Buntong hininga na lang ang naisagot ni Aaron. “Kailan ito?” si Aaron. “A week from now.” Si Marco. “Okay, cool. But this will be the first and the last. Because, I hate talking infront of many people.” Si Aaron. “We’ll see..” si Marco sabay tapik sa balikat nya.

Naiiling na bumalik si Aaron sa kanyang table. Pagkaupo nya ay doon nya napansin ang isang HP laptop. “Marco, sa’yo ba itong laptop na ito?” si Aaron. “No, it’s for you. Yan ang gagamitin mo for your designs.” Si Marco. Tango na lamang ang naisagot nya. Sandaling kinalikot ni Aaron ang laptop at muling ibinalik ang atensyon sa iba pang designs na pinagagawa sa kanya. Pasado alas 10 ng gabi ng pauwiin na sya ni Marco. Alam nito na maaga pa si Aaron para sa review nya bukas.
“Are you sure I can go home na? 6hours pa lang ako nag tatrabaho.” Si Aaron. “Yeah, ako ng bahala sa Kuya mo. And besides, maganda naman ang performance mo sa first day mo sa work eh.” Si Marco. “Okay. Sige, alis na ako. Kita kits na lang sa bahay.” Si Aaron. Ngiti at tango na lang ang isinagot ni Marco sa kanya.

ITUTULOY…..

Monday, August 22, 2011

BOYS of SEBASTIAN Book 1: Aaron

eto na po ang pagsisimula ng bagong kwento ko... sana po ay maibigan nyo.. (at sana din matapos ko. ahahahah)


Chapter 1:



“What it is this time, Aaron?” si Donya Amanda. “They started it.. not me. I just defended myself.” Sagot ni Aaron. Aaron Exequiel Sebastian. Pangatlo sa magkakapatid na Sebastian.

“Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa’yo sa ginawa mong yon? Pwede kang di maka graduate at ma kick out sa university.”
Sunud-sunod na sabi ni Donya Amanda sa kanyang anak. Graduating na si Aaron sa kursong architecture, pero maaring di matuloy ito sa gulong pinasok nito. Kilala si Aaron na tahimik ngunit mainitin ang ulo. Lahat papatulan nito kahit sino pa ito. Sa lahat ng magkakapatid siya ang maituturing na “black sheep” ng pamilya. Ilang eskwelahan na rin ang nilipatan nito dahil na rin sa ugali nito.

“Ma, again. Am not the one who started it. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Kilala nyo ako, di ako basta basta nagpapa api sa kahit kanino.” Sagot nito sa ina.

Napabuntong hininga na lamang ang kanyang ina sa kanyang tinuran. Tama ito, na mana ni Aaron ang ugali ng nasirang ama. Walang kinatatakutan, walang iniilagan.
“You’re just like your Papa, pero sana alam mo din kung kailan magtitimpi at kung kailan lalaban.” Si Donya Amanda.

“I’ll fix this mess but I’m telling you this, after your graduation….” Sandaling huminto ang ina. “What?” si Aaron.

“I’ll be sending you to Manila. To your Kuya Adrian. You will help him with our Architectural firm.” Si Donya Amanda.

“NO!” matigas na sagot ni Aaron. “Ma, alam mo na hindi kami magka sundo ni Kuya Adrian. Hindi nya ako gusto at ganun din ako.” Si Aaron na napatayo sa kinauupuan. Tumayo si Donya Amanda at naglakad papunta sa tapat ng isang bintana kung saan matatanaw ang malawak na hardin sa labas.

“My decision is final. Take or leave it.” Matigas na sabi ni Donya Amanda. Lumakad palayo si Aaron pero bago pa ito nakalayo ay isang tingin ang ibinigay nito sa ina na nanatiling naka tanaw sa labas ng bintana.
Naayos ang gulo na kinasangkutan ni Aaron at tuluyan syang nakapag martsa sa araw ng kanyang pagtatapos. Masaya man si Aaron ay may takot pa rin syang nararamdaman. Ito na ang araw na ayaw nyang dumating. Ang pag alis nya sa Villa Roberto. Sa loob ng 25 taon na pananatili nya dito ay masasabi nyang ito ang buhay na hindi nya ipagpapalit sa kahit anung bagay. Dito, pakiramdam nya ay isa syang hari. May mga kasambahay sila na handa siyang pagsilbihan. Hatid-sundo sa eskwelahan mula Elementary hanggang College. Pati sa mga gimik nya kasama ang mga kaibigan ay di maaring wala syang driver-bodyguard. Pero lahat ng ito ay mawawala pag dating nya sa Maynila. Titira sya sa bahay ng kanyang Kuya Adrian. Mag di drive ng sariling sasakyan at mamumuhay ng walang kasambahay. Ilang beses nyang sinabi sa kanyang ina na hindi sya maruning sa mga gawaing bahay. Isa lang ang sagot ng kanyang ina. Panahon na para matuto sya.
Ilang araw pa na pananatili sa Villa Roberto ay tuluyan na nya itong nilisan at tinungo ang Maynila. 5 oras na byahe mula sa Villa patungong Maynila. Pag dating sa Maynila ay dumiretso agad siya sa opisina ng kanilang firm sa Makati. Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman nya. Ni hindi man lang sya makakapag pahinga. Kailangan nya daw makilala ang mga taong makaka sama nya sa opisina. Ang ikinagulat nya ay may boss sya kung saan sya mag rereport araw araw.


“Ma, akala ko ba magtatrabaho ako sa kumpanya natin? Bakit ako may boss?” si Aaron kausap ang ina sa cellphone.

“Ma, anak nyo ako. You can’t do this to me. Alam nyo na I don’t take orders from other people except from you and Papa.” Si Aaron.
“Fine. By the way, paano ako makakag review for my board exam?” tanong nito sa ina. “Okay. May magagawa ba ako? Andito na ako eh.” Sya ulit. “Alright, I’ll talk to you soon. I love you, Ma.” Si Aaron.

Pag dating ni Aaron sa opisina ay binilinan nya ang driver na dalhin na ang kanyang mga gamit sa bahay ng Kuya Adrian nya. Kinuha nya ang kanyang back pack kung saan nakalagay doon ang kanyang laptop, PSP at iba pa nyang gadgets. Sumakay sya sa elevetor mula basement papuntang 27th floor kung saan doon nag aantay ang kanyang Kuya Adrian at ang mga makaka sama nya sa department at lalo na ang kanyang magiging boss. Tinignan nya ang kanyang sarili sa salamin ng elevator. He’s wearing jeans, sneakers and black collared shirt. Kitang kita sa salamin ang kanyang magagandang mata na bumagay sa makapal nyang kilay. Mapupulang labi at matangos na ilong. Lahat ay nakuha nya sa kanyang ina na may dugong kastila.

Mag isa lang sya sa elevator, maigi na rin yon sa isip isip nya. Ilang sandali pa at narating na din nya ang 27th floor. Lumabas sya sa elevator at dumiretso sya sa pintuang gawa sa salamin. Mula sa labas ay makikita ang pangalan ng kanilang kumpanya. R and A Achitectural Firm sandali syang huminto para antaying buksan ang pinto para sa kanya ng guwardiya. Isang masiglang pagbati ang ibinigay ng mga security guards sa kanya. Tumango lamang sya at tumungo sa reception desk.

“Good morning, I’m Aaron Sebastian. And I’m looking for my brother.” Si Aaron.
“Kayo po pala ang kapatid ni Sir Ian. Follow me Sir, samahan ko po kayo sa conference room.” Ang receptionist. Tumango na lamang si Aaron. Habang patungo sa conference room ay nadaanan nya ang isang lamesa na may mga empleyado.

“Good morning, sir.” Sabay sabay na bati ng mga ito sa kanya. Tango lamang ang sinagot nya sa mga ito. Narinig nya na tila kinikilig ang mga ito. Napangisi na lamang sya, dahil sanay na sya sa mga ganitong reaksyon. Nang marating nila ang conference room ay binuksan ito ng receptionist upang ipaalam nya kasama na nya ang kapatid ng kanyang boss si Adrian.

Pumasok sya si Aaron sa loob at isinara ng receptionist ang pinto. “Welcome to R and A, my brother” ang kanyang Kuya Adrian.

“Well, thank you Kuya for the warm welcome.” Sarkastikong sagot ni Aaron. Pero mukhang bale wala sa kanyang Kuya ang sagot nya. Nginitian sya nito.

“Gentlemen, this is my brother, Aaron. And he will be part of our Interior design team starting on Monday.” Si Adrian. Nagulat si Aaron. Tama ba ang narinig nya? Interior design team? Monday? Di nya napigilan ang sarili.

“Wait a minute.. I didn’t study architecture to do interior designs and did I hear right? I’ll start on Monday?!” si Aaron.

“Aaron, please have seat first and we will dicuss this further.” Si Adrian. Ibinaba ni Aaron ang back pack at naupo malapit sa kanyang kuya.
“Now tell me.” Si Aaron.

“You will be working with the Interior Design Team because you don’t have you license yet. So, for a mean time. You will be working for that department.” Ang Kuya Adrian nya.

“And we will give you a flexi sched here so you don’t have to worry about you board exam review.” Sabat ng lalaki sa kanyang harapan. Napatingin si Aaron kung saan nang galing ang boses. Doon nya napansin ang lalaki na nakatingin sa kanya. Rugged look ang lalaki na sa tanya nya ay nasa late 20s ito. Mukhang matangkad at may magagandang mata.

“And you are?” supladong tanong ni Aaron sa lalaki. “Oh, I’m sorry. Marco Dela Cuesta.” Pormal na pagpapa kilala ng lalaki kay Aaron. “Ah okay.” Maiksing sagot ni Aaron na din man lang pinansin ang pakikipag kamay sa kanya ni Marco.

“Marco will be your boss and these guys here are your team mate.” Si Adrian. “You know me too well, Kuya. I don’t take orders from anyone.” Si Aaron sabay tingin nya kay Marco at sa iba pang kasama nila sa conference room.

“Well, you have to learn starting on Monday. Because, Marco will report to me your performance that will determine if you’re deserving enough to work here or not.” Si Adrian.

“Ano ito, takutan?” si Aaron. “Aaron, please. Di namin kailangan ng ganyang ugali dito.” Kalmadong sagot ni Marco. “Pasensya kayo. Gusto nyo ako dito di ba?” si Aaron. “And besides, alam mo at ni Mama na di tayo magkasundo. Kung ako lang? I’d rather work sa isang construction site sa Villa rather than to work here.” Sunud-sunod na sabi Aaron.

Hindi naka sagot si Adrian sa sinabi ng kapatid nya. Totoo ang sinabi nito. Mortal silang magka away ni Aaron at walang makaka pagpabago nun.

“Okay, guys. You can go back to work. I’ll talk to you tomorrow about our new project” si Adrian Nagtayuan ang mga kasama nila sa conference room pati na din si Marco. “No, Marco. Stay here.” Si Adrian. Muling naupo si Marco habang nag aantay na makalabas ang iba sa coneference room.

Nang maka labas ang lahat saka muling nag salita si Adrian. “Ano ba ang gusto mong palabasin ha, Aaron?!” matigas na sabi ni Adrian. Napangisi si Aaron sa nakitang reaksyon ng kanyang Kuya. Di pa rin ito nagbabago. Pikunin pa rin.

“Hahahahahah! You really made my day, Kuya.” Si Aaron habang inaayos ang pagkaka upo. “I never thought na after all these years, asar talo ka pa rin sa akin.” Si Aaron.

Nanatiling nakatingin lamang si Marco sa magkapatid habang nag uusap ang mga ito. Doon nya napansin ang itsura ni Aaron. Bagay na bagay nga makakapal na kilay nito sa mga mata niya. Nung tinitigan sya nito kanina ay parang nangungusap ang mga ito. Di nya napigilan ang sarili at napa ngiti sya ng lihim sa mga napansin nya kay Aaron. Naputol ang kanyang pag iisip ng muling mag salita si Aaron.

“Tapusin na natin ito nang maka uwi na ako at maka pagpahinga na rin” si Aaron. Napa buntong hininga na lamang si Adrian sa tunuran ng kapatid.

“Fine. I’ll expect you to be here on Monday.” Si Adrian sabay tayo sa kina uupuan nito. “Marco, please send me that propsal for the designs” si Adrian ulit. “Alright, I’ll send ASAP.” Si Marco. Palabas na sana si Marco ng conference room ng tawagin sya ni Aaron. “By the way, Marco. What time should I be here on Monday?” si Aaron. “Anytime. As long as you complete the 8 hours.” Sagot ni Marco. “Yeah, right.” Si Aaron.