gboi's haven

Monday, August 22, 2011

BOYS of SEBASTIAN Book 1: Aaron

eto na po ang pagsisimula ng bagong kwento ko... sana po ay maibigan nyo.. (at sana din matapos ko. ahahahah)


Chapter 1:



“What it is this time, Aaron?” si Donya Amanda. “They started it.. not me. I just defended myself.” Sagot ni Aaron. Aaron Exequiel Sebastian. Pangatlo sa magkakapatid na Sebastian.

“Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa’yo sa ginawa mong yon? Pwede kang di maka graduate at ma kick out sa university.”
Sunud-sunod na sabi ni Donya Amanda sa kanyang anak. Graduating na si Aaron sa kursong architecture, pero maaring di matuloy ito sa gulong pinasok nito. Kilala si Aaron na tahimik ngunit mainitin ang ulo. Lahat papatulan nito kahit sino pa ito. Sa lahat ng magkakapatid siya ang maituturing na “black sheep” ng pamilya. Ilang eskwelahan na rin ang nilipatan nito dahil na rin sa ugali nito.

“Ma, again. Am not the one who started it. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Kilala nyo ako, di ako basta basta nagpapa api sa kahit kanino.” Sagot nito sa ina.

Napabuntong hininga na lamang ang kanyang ina sa kanyang tinuran. Tama ito, na mana ni Aaron ang ugali ng nasirang ama. Walang kinatatakutan, walang iniilagan.
“You’re just like your Papa, pero sana alam mo din kung kailan magtitimpi at kung kailan lalaban.” Si Donya Amanda.

“I’ll fix this mess but I’m telling you this, after your graduation….” Sandaling huminto ang ina. “What?” si Aaron.

“I’ll be sending you to Manila. To your Kuya Adrian. You will help him with our Architectural firm.” Si Donya Amanda.

“NO!” matigas na sagot ni Aaron. “Ma, alam mo na hindi kami magka sundo ni Kuya Adrian. Hindi nya ako gusto at ganun din ako.” Si Aaron na napatayo sa kinauupuan. Tumayo si Donya Amanda at naglakad papunta sa tapat ng isang bintana kung saan matatanaw ang malawak na hardin sa labas.

“My decision is final. Take or leave it.” Matigas na sabi ni Donya Amanda. Lumakad palayo si Aaron pero bago pa ito nakalayo ay isang tingin ang ibinigay nito sa ina na nanatiling naka tanaw sa labas ng bintana.
Naayos ang gulo na kinasangkutan ni Aaron at tuluyan syang nakapag martsa sa araw ng kanyang pagtatapos. Masaya man si Aaron ay may takot pa rin syang nararamdaman. Ito na ang araw na ayaw nyang dumating. Ang pag alis nya sa Villa Roberto. Sa loob ng 25 taon na pananatili nya dito ay masasabi nyang ito ang buhay na hindi nya ipagpapalit sa kahit anung bagay. Dito, pakiramdam nya ay isa syang hari. May mga kasambahay sila na handa siyang pagsilbihan. Hatid-sundo sa eskwelahan mula Elementary hanggang College. Pati sa mga gimik nya kasama ang mga kaibigan ay di maaring wala syang driver-bodyguard. Pero lahat ng ito ay mawawala pag dating nya sa Maynila. Titira sya sa bahay ng kanyang Kuya Adrian. Mag di drive ng sariling sasakyan at mamumuhay ng walang kasambahay. Ilang beses nyang sinabi sa kanyang ina na hindi sya maruning sa mga gawaing bahay. Isa lang ang sagot ng kanyang ina. Panahon na para matuto sya.
Ilang araw pa na pananatili sa Villa Roberto ay tuluyan na nya itong nilisan at tinungo ang Maynila. 5 oras na byahe mula sa Villa patungong Maynila. Pag dating sa Maynila ay dumiretso agad siya sa opisina ng kanilang firm sa Makati. Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman nya. Ni hindi man lang sya makakapag pahinga. Kailangan nya daw makilala ang mga taong makaka sama nya sa opisina. Ang ikinagulat nya ay may boss sya kung saan sya mag rereport araw araw.


“Ma, akala ko ba magtatrabaho ako sa kumpanya natin? Bakit ako may boss?” si Aaron kausap ang ina sa cellphone.

“Ma, anak nyo ako. You can’t do this to me. Alam nyo na I don’t take orders from other people except from you and Papa.” Si Aaron.
“Fine. By the way, paano ako makakag review for my board exam?” tanong nito sa ina. “Okay. May magagawa ba ako? Andito na ako eh.” Sya ulit. “Alright, I’ll talk to you soon. I love you, Ma.” Si Aaron.

Pag dating ni Aaron sa opisina ay binilinan nya ang driver na dalhin na ang kanyang mga gamit sa bahay ng Kuya Adrian nya. Kinuha nya ang kanyang back pack kung saan nakalagay doon ang kanyang laptop, PSP at iba pa nyang gadgets. Sumakay sya sa elevetor mula basement papuntang 27th floor kung saan doon nag aantay ang kanyang Kuya Adrian at ang mga makaka sama nya sa department at lalo na ang kanyang magiging boss. Tinignan nya ang kanyang sarili sa salamin ng elevator. He’s wearing jeans, sneakers and black collared shirt. Kitang kita sa salamin ang kanyang magagandang mata na bumagay sa makapal nyang kilay. Mapupulang labi at matangos na ilong. Lahat ay nakuha nya sa kanyang ina na may dugong kastila.

Mag isa lang sya sa elevator, maigi na rin yon sa isip isip nya. Ilang sandali pa at narating na din nya ang 27th floor. Lumabas sya sa elevator at dumiretso sya sa pintuang gawa sa salamin. Mula sa labas ay makikita ang pangalan ng kanilang kumpanya. R and A Achitectural Firm sandali syang huminto para antaying buksan ang pinto para sa kanya ng guwardiya. Isang masiglang pagbati ang ibinigay ng mga security guards sa kanya. Tumango lamang sya at tumungo sa reception desk.

“Good morning, I’m Aaron Sebastian. And I’m looking for my brother.” Si Aaron.
“Kayo po pala ang kapatid ni Sir Ian. Follow me Sir, samahan ko po kayo sa conference room.” Ang receptionist. Tumango na lamang si Aaron. Habang patungo sa conference room ay nadaanan nya ang isang lamesa na may mga empleyado.

“Good morning, sir.” Sabay sabay na bati ng mga ito sa kanya. Tango lamang ang sinagot nya sa mga ito. Narinig nya na tila kinikilig ang mga ito. Napangisi na lamang sya, dahil sanay na sya sa mga ganitong reaksyon. Nang marating nila ang conference room ay binuksan ito ng receptionist upang ipaalam nya kasama na nya ang kapatid ng kanyang boss si Adrian.

Pumasok sya si Aaron sa loob at isinara ng receptionist ang pinto. “Welcome to R and A, my brother” ang kanyang Kuya Adrian.

“Well, thank you Kuya for the warm welcome.” Sarkastikong sagot ni Aaron. Pero mukhang bale wala sa kanyang Kuya ang sagot nya. Nginitian sya nito.

“Gentlemen, this is my brother, Aaron. And he will be part of our Interior design team starting on Monday.” Si Adrian. Nagulat si Aaron. Tama ba ang narinig nya? Interior design team? Monday? Di nya napigilan ang sarili.

“Wait a minute.. I didn’t study architecture to do interior designs and did I hear right? I’ll start on Monday?!” si Aaron.

“Aaron, please have seat first and we will dicuss this further.” Si Adrian. Ibinaba ni Aaron ang back pack at naupo malapit sa kanyang kuya.
“Now tell me.” Si Aaron.

“You will be working with the Interior Design Team because you don’t have you license yet. So, for a mean time. You will be working for that department.” Ang Kuya Adrian nya.

“And we will give you a flexi sched here so you don’t have to worry about you board exam review.” Sabat ng lalaki sa kanyang harapan. Napatingin si Aaron kung saan nang galing ang boses. Doon nya napansin ang lalaki na nakatingin sa kanya. Rugged look ang lalaki na sa tanya nya ay nasa late 20s ito. Mukhang matangkad at may magagandang mata.

“And you are?” supladong tanong ni Aaron sa lalaki. “Oh, I’m sorry. Marco Dela Cuesta.” Pormal na pagpapa kilala ng lalaki kay Aaron. “Ah okay.” Maiksing sagot ni Aaron na din man lang pinansin ang pakikipag kamay sa kanya ni Marco.

“Marco will be your boss and these guys here are your team mate.” Si Adrian. “You know me too well, Kuya. I don’t take orders from anyone.” Si Aaron sabay tingin nya kay Marco at sa iba pang kasama nila sa conference room.

“Well, you have to learn starting on Monday. Because, Marco will report to me your performance that will determine if you’re deserving enough to work here or not.” Si Adrian.

“Ano ito, takutan?” si Aaron. “Aaron, please. Di namin kailangan ng ganyang ugali dito.” Kalmadong sagot ni Marco. “Pasensya kayo. Gusto nyo ako dito di ba?” si Aaron. “And besides, alam mo at ni Mama na di tayo magkasundo. Kung ako lang? I’d rather work sa isang construction site sa Villa rather than to work here.” Sunud-sunod na sabi Aaron.

Hindi naka sagot si Adrian sa sinabi ng kapatid nya. Totoo ang sinabi nito. Mortal silang magka away ni Aaron at walang makaka pagpabago nun.

“Okay, guys. You can go back to work. I’ll talk to you tomorrow about our new project” si Adrian Nagtayuan ang mga kasama nila sa conference room pati na din si Marco. “No, Marco. Stay here.” Si Adrian. Muling naupo si Marco habang nag aantay na makalabas ang iba sa coneference room.

Nang maka labas ang lahat saka muling nag salita si Adrian. “Ano ba ang gusto mong palabasin ha, Aaron?!” matigas na sabi ni Adrian. Napangisi si Aaron sa nakitang reaksyon ng kanyang Kuya. Di pa rin ito nagbabago. Pikunin pa rin.

“Hahahahahah! You really made my day, Kuya.” Si Aaron habang inaayos ang pagkaka upo. “I never thought na after all these years, asar talo ka pa rin sa akin.” Si Aaron.

Nanatiling nakatingin lamang si Marco sa magkapatid habang nag uusap ang mga ito. Doon nya napansin ang itsura ni Aaron. Bagay na bagay nga makakapal na kilay nito sa mga mata niya. Nung tinitigan sya nito kanina ay parang nangungusap ang mga ito. Di nya napigilan ang sarili at napa ngiti sya ng lihim sa mga napansin nya kay Aaron. Naputol ang kanyang pag iisip ng muling mag salita si Aaron.

“Tapusin na natin ito nang maka uwi na ako at maka pagpahinga na rin” si Aaron. Napa buntong hininga na lamang si Adrian sa tunuran ng kapatid.

“Fine. I’ll expect you to be here on Monday.” Si Adrian sabay tayo sa kina uupuan nito. “Marco, please send me that propsal for the designs” si Adrian ulit. “Alright, I’ll send ASAP.” Si Marco. Palabas na sana si Marco ng conference room ng tawagin sya ni Aaron. “By the way, Marco. What time should I be here on Monday?” si Aaron. “Anytime. As long as you complete the 8 hours.” Sagot ni Marco. “Yeah, right.” Si Aaron.

1 comment: