gboi's haven

Friday, November 12, 2010

The newbie, the sophomore and the veteran Part 13

Last 2 chapters na lang at magpapa alam na sila Aki, Austin, Raf at Darwin.

Muli maraming salamat sa pag suporta at sana ay suportahan nyo ulet ang mga susunod ko pang mga kwento.

-GBOI-









CHAPTER 13: LUCKY


“Bilisan mo naman, ang bagal mo kanina pa sila nag aantay eh.” Si Aki. “Pasensya naman. Ang dami mo naman kasing pinadadala eh.” Si Darwin. “Eh kasi wala akong sasakyan, pero kung meron ako na nagdala nyan dito.” Sagot ni Aki. “Naku, pag hindi nag work itong gimik nating ito. Naku, ewan ko na lang.” si Aki. “Oo nga, nakasasalay ang reputasyon ko dito, Aki. Kailangang mag work ito.” Pag sang ayon ni Darwin. Pag dating nila sa location ay inilapag muna nila ang kanilang mga dala. Kinuha ni Aki ang kanyang telepono at may tinawagan. “Hello. Andito na kami ni Darwin sa location. Punta na kayo dito at wag nyong kalimutan ung mga pinadadala naming ah.” Si Aki sabay baba ng telepono. “Kinakabahan ako, Aki. Paano kung mabuko nila tayo? Or paano kung di umepekto ito?” si Darwin. “EEEEHH.. wag kang magi sip ng ganyan. Pati ako kinakabahan eh. Alam mo naman na ngayon ko lang gagawiin ito eh.” Si Aki. Isa isa na nilang inayos ang kanilang mga dala at nang matapos ay umupo sila habang hinihintay ang mga kasama.

“Alam mo ba, Aki. Ni sa panaginip ay hindi ko inaasahan na gagawin ko ito. Ganito pala ung pakiramdam na un. Excited na kabado.” Si Darwin. “I agree, kagabi pa lang di na ako makatulog. Everytime maiisip ko sya eh sobra kung kaba ng dibdib ko eh.” Si Aki. Ilang araw after ng Elimination ay nag usap sila Darwin at Aki upang sa gagawin nila nitong araw na ito. “Wait lang, akala ko ba andito na sila? Eh wala pa naman pala.” Puna ni Darwin. “Ahehehehe! Akala ko din andito na sila eh.” Si Aki. Ngumiti lang si Darwin sa sinagot ni Aki. Habang naghihintay ay inilabas ni Darwin ang kanyang cellphone at nagpatugtog. Tahimik silang nakikinig ni Aki sa mga kanta, minsan ay sinasabayan pa nila ito. Makalipas ang ilang songs ay tumugtog ang isang kanta.. biglang napangiti si Aki sa narinig. Ito ang kanta na huli nyang narinig nung ma realized nya na mahal na nya si Austin. Napansin ito ni Darwin. “Ganda ng song noh?” si Darwin “Oo. Love ko yang song na yan. Naka repeat nga lagi yan sa I-pod ko eh.” Si Aki. Pinindot ni Darwin ang isa sa mga buttons sa cellphone nya at muling nag simula ang paborito nilang kanta ni Aki.

Naka ngiti si Aki habang nag sisimulang tumugtog ulet ang kanta. Isa isang bumabalik ang mga sweet moments nila ni Austin. Alam nya sa sarili nya na handa na syang tanggapin ang pag-ibig ni Austin. Si Darwin naman ay nakatingin sa malayo habang nakikinig sa kanta, muli ring bumalik ang mga ala-ala ng samahan nil ni Raf. Mula High School hanggang ngayon na ibibigay na nya ang matagal ng hiling ni Raf, ang mahalin nya ito ng higit pa sa kaibigan. Patuloy pa rin ang kanta sa pag tugtog.





Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart

You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair

Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

Ooh ooh ooh
Ooh ooh ooh, ooh



Saktong katatapos lang ng kanta ng dumating mga taong kasama nila sa ginagawang plano. Lahat ito ay member ng squad. Isa isa nilang pina usapan ang mga detalye ng plano nila, hindi maitago ng mga kasama nila Darwin at Aki ang kilig at tuwa habang binubuo ang plano. Mahigit 30 minutos nang mag finalized nila ang plano. Lahat ay excited sa kalalabasan nito. Lalong lalo na sila Darwin at Aki.


Naglalakad si Austin pababa ng 2nd floor ng building ng maka salubong nya si Raf. “Raf, pare!” tawag nya dito. “Uy, Austin. Ikaw pala tol.” Si Raf. “Mukhang busy ah, dami bang assignments?” si Austin. “Di naman, may tinatapos lang para sa OJT ko next sem. Tapos nag text pa si Darwin na I meet ko daw sya eh di naman sinabi kung saan.. mamaya na lang daw nya sasabihin.” Si Raf sabay kamot ng ulo. Natawa si Austin sa sinabi ni Raf. “By the way, sensya na sa nangyari ah. Sana makabawi ako sa’yo.” Hiyang sabi ni Austin. “Naku, wala na yun. Okay na yun.” Si Raf. Nagkamayan sila tanda ng pag sisimula ng kanilang pagkakaibigan. Sabay silang naglalakd papuntang study hall ng mag ring ang phone ni Austin.

“Hello, Aki. Bakit ka napatawag?” sagot ni Austin. “Ah ganun ba, sige sige. Basta 5pm sharp yun ah.” Si Austin ulit. “Mukhang may date kayo ni Aki ah. Totohanan na ata yan ah.” Pangungulit ni Raf. “Hindi naman, sinabi nya lang na mag punta daw ako sa tennis court ng gym pag dating ng 5pm.” Si Austin. Tumango lang si Raf. Tumaybay sila sa study hall since pareho na silang walang klase ng mga oras nay un. Nag kwentuhan sila tungkol sa buhay, school at sa love life na rin. “Kayo ba ni Darwin? Wala bang pag asang maging kayo?” tanong ni Austin. “Kung ako lang.. gusto ko, pero kung di sya okay sa ganung set up. Wala akong magagawa. And besides okay na ako na mag bestfriend kami.” Sunod sunod na sagot ni Raf. “eh kayo ni Aki? Anu nang status nyo?” si Darwin. “Ahahahah! Mukhang mahihirapan pa ako kay Aki. Pakipot eh. Mukhang hindi ako papasa sa kanya.” Pabirong sagot ni Austin. “Ganun ba. Aba’y dali dalian mo na. Kung di mo makuha sa santong dasalan, sa santong paspasan na. Ahahaha!’ tawang biro ni Raf. “Pwede! Sige subukan ko nga. Tignan ko kung makapalag pa sya.” Sagot naman ni Ausitn Nagkatawanan sila sa biruan nila. Tuloy pa rin ang kwentuhan nila tungkol sa ibat’ ibang bagay. Nasa kalagitnaan sila ng tawanan ng may lumapit sa kanila na isang member ng pep squad at humahangos ito.

“Kuya Raf.. pumunta ka dali sa gym.. bilis.. may malaking problema tayo..” hingal kabayong sabi ng team mate ni Raf. Dali daling tumayo sila Raf at Austin at lakad takbong binagtas ang daan papuntang gym kung saan madalas nagpa practice ang squad. Habang papunta sa gym ay abot abot ang kaba ni Raf samantalang si Austin ay di naman malaman kung ano ang nararamdaman, hindi kasi binanggit ng team mate ni Raf ang nangyayari sa gym. Malas pa dahil nataon sa labasan ng mga pre school students at kailangan pa nilang mag intay ng ilang sandali para padaanin ang mga ito. Pagka daan ng mga pre schools students ay muli, lakad takbo ang ginawa nila Austin at Raf.
“Diyos ko, kung anuman ito. Sana walang masamang nangyari sa team.” Lihim na dasal ni Raf. “Aki asan ka ba? Bakit di kita makontak.” Si Aki habang panay ang dial sa number ni Aki.

Nang makarating silang dalawa sa gym ay nasumpungan nila na nakapatay ang mga ilaw dito at dahil may malalaking pader ito ay halos konting liwanag lang maaaninag mo dito. Nilingon ni Austin ang lalaking nag sabi sa kanila na pumunta sa gym para tanungin pero nawala na ito sa kanilang likuran.

“Bakit madalim? Anung meron dito.? Si Austin. I don’t have any idea.” Si Raf. Di pa rin mapalagay ang dalawa, dahil na rin wala silang makita kahit isang palatandaan na may tao sa loob ng gym. Nakikiramdam lang silang dalawa nang biglang bumukas ang mga ilaw at dumagundong ang loob ng gym ng tunog ng drums.
Halos hindi makapaniwala ang dalawa sa nakikita. Isang nakaka gulat na pangitain ang kanilang nasaksihan, natulala na lamang sila Raf at Austin sa mga sumunod pang nangyari..


ITUTULOY….

Thursday, November 11, 2010

ABANGAN...










HANGGANG SAAN ang KAYA MONG GAWIN PARA sa PAG-IBIG?

KAYA MONG BANG KALIMUTAN ANG NAKARAAN PARA SA KASALUKUYAN?

PAANO KUNG ANG TAONG MINAMAHAL MO AY SYA RIN ANG DAHILAN NG KALUNGKUTAN AT TAKOT MO?


KAKAYANIN MO BA?


ABANGAN.......


by GBOI

Wednesday, November 10, 2010

The newbie, the sophomore and the veteran Part 12






Part 12: Ang Pagahaharap 2: Dominguez State U vs. Mariano Guzman University


Martes ng umaga, eksaktong alas 8 ng umaga ay puno na ng mga estudyante at mga faculty members at deans ng bawat colleges ang University gym. Lahat excited makita ang pinagmamalaking routine ng DSU Pep Squad. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang Pep Rally.

Samantalang sa loob ng quarters ay abalang naghahanda ang mga members ng squad. Lahat ay nakabihis na ng kanilang mga pep squad uniforms. May mga nag wa warm up at ang iba naman ay nag ii strectching. Kasama ni Aki ang ibang member ng squad sa labas ng quarters malapit sa pintuan nito. Nag uusap sila tungkol sa kung gaano sila ka excited sa gagawing pep rally, nagkukulitan din sila tungkol sa uniform nila. Nagkukulitan pa rin sila ng lumapit si Raf kay Aki.
“Ahm.. Aki, you got a minute?” tanung ni Raf. “Sure.” Si Aki. Bahagya silang lumayo sa kung saan andun ang ibang members na kakulitan ni Aki kanina.
“Bakit, kuya Raf? May problema ba?” panimula ni Aki. “Wala naman, gusti ki lang ulet mag sorry at I goodluck ka.” Si Raf “Wala na yun, kalimutan na natin yun. Siguro nga, hindi talaga pwedeng maging tayo. At saka napag isip isip ko na, tumutingin ako sa iba, eh andyan naman pala ung hinahanap ko sa tabi ko.” Si Aki habang naka ngiti. “Sorry din sa ginanwa ni Austin sa’yo. Masakit ba?” si Aki ulit. “Ahahahah! Hindi naman, pero malakas syang sumuntok ah.” Tawang sagot ni Raf. Tinapos nila ang pag uusap nila sa pamamagitan ng isang yakap, yakap magkaibigan. Narinig nila na nagsalita na ang University President upang ipakilala ang kanilang squad. Hudyat na ito para sa kanila na lumabas sa quarters at maghanda para sa kanilang performance. Isa isa na silang lumabas at pumila ayon sa kanilang posisyon. Naka pila na sila ng dumating si Austin at Darwin. Talaga namang napaka supportive na mga kaibigan itong sila Darwin at Austin. Kinawayan nila Raf at Aki ang dalawa at tumango naman ang mga ito bilang sagot.

“Our beloved students, faculty members and to all College Heads and Administrators, I’am very honored at proud to welcome you all to the DSU Pep Rally for 2010. And without further a do, here they are The DSU Black Condor Pep Squad!!!!” pagpapakilala ng Presidente ng University. Napuno ng hiyawan at palakpakan nag buong gym kasabay ng dugundong ng tunog ng mga drums. Isa isa silang pumasok sa gitna ng gym, hindi maipaliwanag ni Aki ang nararamdaman. Excited sya na kinakabahan, pero smile pa din. Nag simula nang tumutog ang music at isa isa na ring nagliparan ang mga babaeng member ng squad, series of standing back flips, running tumblings at toe touches. Couple of unbelievable stunts at pyramids. Their dance routines were superb, kitang kita sa kanila na nag eenjoy sila sa kanilang ginagwa.
Tuwang tuwa ang lahat, walang tigil ang hiyawan ng mga estudyante at ibang faculty members. Sila Darwin at Austin din ay halos mapatid ang mga ugat sa leeg sa kakasigaw. Tinapos nila ang routine ng isang pyramid na kung tawagin ay Wolf Wall at doon na halos di magkamayaw ang mga estudyante sa kanilang nakita. Tuwang tuwa ang mga ito at ganun din ang nararamdaman ng mga members ng squad, nagyakapan sila sa tagumpay ng kanilang Pep Rally at sa magandang reaksyon mula sa mga kapwa nila estudyante at mga school’s officials. Sa ganda ng kanilang performance ay hindi malabong makuha na nila ang inaasam na championship.

Makalipas ang ilan pang araw ay Elimination round na ng Cheer Fest 2010. Lulan ng official University bus ay tumungo ang buong squad dala ang kompyansa at pag asang makakamit ang unang pwesto sa Elimination round. Malaki din kasi ang porsyento na makuha nila ang kampyonato pag maganda ang score nila sa Elimination pa. Makalipas ang isang oras ay narating na nila ang venue kung saan gaganapin ang Elimination. Pagbaba pa lang nila ay pinagtinginan na sila ng ibang schools, may mga maririnig pang bulungan patungkol sa kanila. Sabay sabay silang nag lakad patungo sa registration area kung saan nasalubong nila ang Marian Guzman Pep Squad.

“Raf! It’s nice to see you again.” Bati ni Erik kay Raf. “Uy, Erik. Kamuta ba?” si Raf. Nagkamayan ang dalawa samantalang nakatingin naman ang magkabilang squad sa kanila. Su Erik ang head cheerleader ng Mariano. Katulad ni Raf ay huling taon na rin nito sa squad. Konting kamustahan pa at naghiwalay na sila pero bago pa maghiwalay ay nagbilin pa ang mga ito sa isa’t isa. “Raf, pakabahin mo kami sa routine nyo ah. Goodluck!” si Erik. “Oo ba, basta give us the reason to pray hard to win the championship.” Sagot ni Raf. Pareho silang nagtawanan.
Ilang oras na lang at magsisimula na ang Elimination round. 25 teams ang maglalaban laban pero 5 lamang ang makaka pasok para sa Championship round. Pangalawa sa huli magpe perform ang DSU samantalang pangalawa naman ang Mariano. Matapos ang ilang introduction at pagpapaliwanag ng criteria for judging ay nagsimula na ang contest. Matapos ipakilala ang mga schools na kasali ay tinawag na ang unang magpe perform.

Nagsimula na ang routine ng unang team, simple ang routine ng team na ito. Pero malinis at hataw naman. Natapos ng routine at exactly 8 minutes including the entrance and exit of the squad members sa dance floor. Sa tingin nila Aki ay hindi naman threat ang naunang squad. Ito na ang squad na inaantay ng lahat. Ang defending champion na Mariano Guzman Pep Squad. Lahat ay nakatutok sa ipapakita ng Mariano. Nang makapasok an gang buong team sa gitna ng dance floor ay kitang kita na confident ang mga ito. Ang ganda din tignan ng uniform nila na pinag halong black and red. Sinimulan ng mga ito ang kanilang routine ng 3 sunod sunod na tosses sinundan ng standing back tuck ng mga lalake at front walk naman sa mga babae. Sobrang synchronize lahat ng galaw nila, bawat stunts ay perfect ang executions. Walang error sa mga tumblings at liftings, hataw ang dance routines nila. Tinapos ng Mariano ang kanilang routine sa isang 3 level pyramids. Talagang ng set ng mataas na standard ang Mariano sa Elimination round pa lang. Kitnag kita sa ibang school lalo na sa mga baguhan sa contest ang pagka kaba, pero para kina Raf at sa DSU Pep masarap ang laban ngayong taon na ito. Natapos ang routine ng Mariano at confident silang nag exit sa dance floor na mataas ang makukuha nilang score. Sunod sunod ng nag perform ang ibang school, pang 23rd school na at susunod na ang DSU. Habang nag aantay sa entrance area ay isang maigsing huddle and ginawa nila. “Guys, eto na ito. Bigay na natin ang lahat at alam ko na alam nyo kung gaano ka importante ang laban na ito.” Si Raf. “Okay, hand in.” si Raf at sabay saby sila nag patong ng kamay sa isa’t isa. “GO DSU!!” sabay saby nilang sigaw. Ilang minuto pa ay sila na ang magpe perform. “Eto na.. it’s game time.” Sabi ni Aki sa sarili.

Sila na ang mag pe perform. Matapos silang ipakilala ng emcee ay sabay sabay na tumugtog ang mga drummers nila. Series of tumbling ang ginawa ng karamihan sa kanila, ang iba ay naka pwesto na para sa mga gagawing stunts at tosses. Nag simula na ang tugtog. Dance routines at ilang stunts. Kagaya ng pinakita nila sa pep rally punong puno ng determinasyon at saya ang bawat galaw nila. Lahat ng tosses at stunts ay perfect ang executions, wala dingb errors ang mga pyramids nila. Tinapos nilang muli ang routine ng isang pyramid. Halos di nila maintindihan ang nararamdaman nila, pagod man at halos habol na nila ang kanilang hininga pero mas nangingibabaw ang saya nila. Pagka exit nila sa dance floor isang group hug ang ginawa nila. Tuwang tuwa si Raf sa magandang performance ng team nila. Hindi malayong pasok na sila sa finals.

Habang nagpapahinga sila ay lumapit sila Darwin at Austin, tuwang tuwa ang dalawa sa magandang performance na napanuod nila. “Congratulations!!! Galing nyo ah.” Bati ni Darwin sa team. Naghiyawan naman ang ibang members ng team. “Good job, Raf and Aki.” Si Darwin ulet. “Naku, wag ako si Raf lang. Sya ang nagpaka hirap para sa routine naming.” Si Aki habang napupunas ng pawis. “Tayong lahat, kasi lahat ng kaya nating gawin ibinuhos na natin nagyong araw na ito.” Si Raf. Palakpakan ang lahat. Matapos makapag pray bilang pasasalamat ay bumalik sila sa audience area. Tamang tama naman at patapos na rin ang huling team. Ilang minuto na alng at malalaman na ang mga pasok sa Finals. Magkakatabi sa upuan sila Aki, Austin, Darwin at Raf. Habang nakikinig sa mga announcement ng emcee ay may inabot sa isang bagay si Darwin kay Raf. May halong pagtataka man ay ngumiti na lang si Raf ditto. Binasa nya ang nakasulat dito.
CONGRATS!
Ito lamang ang nakasulat sa labas ng isang maliit na box. Muli ay nginitian ni Raf si Darwin na sinuklian naman sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ni Raf.

“Congrats in advance, alam ko na pasok na kayo sa finals.” Si Austin. “Salamat. Sana nga. Para naman di masayang lahat ng efforts namin.” Sagot ni Aki. “Sabay ako sa’yo pauwi ah.” Si Aki ulit. Tumango lang si Austin. Isinadal ni Aki ang ulo nya sa balikat ni Austin, hinayaan na lamang ni Austin ito. Masaya ang pakiramdam nila Raf at Aki. Maayos na ang lahat. At alam nila na magiging maayos din ang mga susunod pang mga araw nila sa Pep Squad.

Natapos ang lahat ng mga guess performers at ito na ang inaantay ng lahat ang announcement of winners.

“Ladies and Gentlemen, here are the 6 finalists for the South Luzon Leg . We have 6 finalists instead of 5 because we have a tie on the top slot.” Sabi ng emcee. Our top 6 are Santiago-Assuncion all Girls School, Benitez Intergrated School, Holy Sisters Academy, Advance Learning College, St. Vincent School and…

Mariano Guzman University and Dominguez State University!!!

Masayang masaya ang lahat ng schools na nakapasok sa Finals. 3 weeks from now ay maghaharap na ang mga finalists mula sa NCR, North and South Luzon, Visayas at Mindanao. Nagkamayan at nagbatian ang mga finalists pati ang ibang schools na nagparticipate.

Sa loob ng bus pabalik ng DSU ay walang humpay ang kulitan at hiyawan ng mga member ng squad. Ang iba naman ay binabalikan ang mga masasaya at nakakatuwang eksena kanina sa competition. Hindi sila nakakaramdam ng pagod. Lahat masaya at excited sa Finals. Habang nagkaka sayahan ang lahat ay tahimik at panay ang ngiti ni Raf sa mga naririnig nya mula sa mga ka Team mates. Doon nya naisip na sulit lahat ng pagod at pag sasakripisyo nilang lahat. Nasa gitna sya ng pag mumuni –muni ng kalabitin sya ni Darwin. “Sandwich oh, alam ko gutom ka na kasi 10am ka pa nag lunch.” Si Darwin sabay abot ng sandwich at drinks. “Salamat. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kasi walang paglagyan ang kasiyahan ko ngayon.” Si Raf. “Ganun ba. Alam mo ako din, masaya. Masaya kasi I finally realized how stupid I’am.” Si Darwin. Puno ng pagtataka ang mukha ni Raf sa sinabi ni Darwin. “Saka mo na malalaman kung anung ibig kong sabihin, for now let’s just enjoy your victory.” Si Darwin sabay pisil ng ilong ni Raf. Gumanti naman ng kurot sa pisngi si Raf.

“Ay! Si Kuya Raf at Kuya Darwin.. may sariling moments oh. May mga ganun pang eksena. LUNETA PARK? PACO PARK?” sabi ng isa sa mga member ng squad. “Sige, tumalak ka pa, at ihahatid ka namin sa MEMORIAL PARK.” Birong sagot ni Darwin. Lalong napuno ng tawanan ang buong bus, maging ang driver ay hindi na rin napigalang hindi tumawa sa narinig. Tuloy pa rin ang saya sa loob ng bus.

Samantala…

Habang lulan ng sasakyan sila Aki at Austin wala pa rin silang imikan, tila nakikiramdam sila sa isa’t isa. Huminto ang sasakyan ni Austin pagka pula ng traffic light. “Masaya ka ba, kasi pasok na kayo sa finals?” si Austin. “Oo naman. Masayang masaya..” si Aki. “Eh ikaw? Masaya ka ba?” si Aki ulet. Ngiti lamang ang isinagot ni Austin sa kanya. “Dapat maging masaya ka na rin sa mga susunod na araw.” Si Aki. “Huh? Bakit naman?” si Austin. “Basta. Malalaman mo din sa takdang panahon.” Sagot ni Aki. Napakunot noo si Austin sa sagot ni Aki sa kanya. “Anu ba yun? May pa bitin effect ka pa eh. Dami mo ding alam eh noh?” birong sagot ni Austin. “Atat? Nagmamadali?” si Aki. “Bahala ka nga dyan. Kung ayaw mong sabihin sa akin.” Si Austin na may himig pagtatampo. “Ang arte naman, may pagtatampo pang nalalaman ito.” Si Aki. “Antayin mo kasi, masyado kanga tat eh.” Si Aki ulit. Hindi na sumagot si Austin, ipinag patuloy na lang nya ang pag da drive ng sasakyan pabalik sa DSU.




ITUTULOY…

Tuesday, November 9, 2010

The newbie, the sophomore and the veteran Part 11






CHAPTER 11: Ang paghaharap 1: Rafael vs. Austin


Maagang nagising si Aki. Actually hindi talaga sya makatulog ng maayos ng ilang araw. Iniisip nya pa rin ang nangyari sa kanila ni Raf. Nalulungkot sya ka pag naiisip na baka magbago ang pakikitungo nito sa kanya matapos ang pangyayari. Parang ayaw nyang pumunta sa practice pero hindi pwede. Next week ay dress rehearsal na nila at pep rally na rin, kaya kahit may alinlangan ay nag handa na rin sya para sa practice. Matapos maka pag bihis at maihanda ang mga gamit ay tulyuang lumabas sa kanyang kwarto. Sinalubong sya ng kanyang Mommy pag baba nya sa hagdanan.

“Anak, gising ka nap ala. Kanina pa may nag aantay sa’yo sa labas. Pinapa pasok ko nga pero ayaw naming pumasok.” Ang Mommy nya.
Nagtaka sya kung sino ang nag aantay sa kanya. Wala namang nag sabi sa mga ka Pep nya na sasabay sa kanya papuntang school. Ilang members din kasi ang nakatira sa subdivision kung san sila nakatira.
“Ganun po ba. Aalis na po ako. Pakisabi na lang p okay Daddy. Sa school na lang ako kakain ng breakfast.” Si Aki. Humalik sya sa Mommy nya at lumabas ng bahay. Nagulat sya kung sino ang nag aantay sa kanya sa labas. Hindi nya alam kung anu ang mararamdaman nya, nakatayo ito sa harapan ng gate nila. Nakangiti sa kanya. Gwapong gwapo sa suot nyang yellow na tshirt at khaki pants. Napako ang tingin nya dito, pakiramdam nya nanigas nya sya sa kinatatayuan.

“Anu ba yan. Ngayon na nga lang tayo nagkita after 1 week tapos ganyan ka pa” si Austin.
“Adik ka kasi. San ka bang planeta nag punta ha?! Ni paramdam ng malamig na hangin wala..” si Aki. “Malamig na hangin? Anu ako, patay?” si Austin.
“Halika na nga, baka malate ka pa sa practice mo.” Si Austin ulet.

Habang nasa byahe ay kinuwento ni Austin kung saan sya nanggaling at bakit sya hindi nagparamdam dito ng isang buong linggo. Sinabi ni Austin na may inasikaso siya sa probinsya at hindi nya na nagawang mag paalam dito pero ang totoo ay umalis sya ng bansa for 3 days para makalimutan nya ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pag ibig nit kay Aki. Pero ang akala nyang makakapagpa limot sa kanyang pagmamahal kay Aki ay lalo lamang tumindi dahil sa loob ng 3 araw ay puro si Aki ang nasa isip nya habang nasa ibang bansa sya. Doon napagtanto ni Austin na hindi nya kayang lumayo kay Aki. Tinanggap na nya na kung hindi man tanggapin ni Aki ang pagmamahal nya ay sinabi nya sa sarili na mag aantay sya hanggang sa dumating ang araw na mahalin din sya nito. Ganun nya kamahal si Aki, handa syang mag antay at magtiis.

“So, kamusta ka naman? Anung balita sa’yo?” pag putol ni Austin ng katahimikan. “Okay naman. Eto na miss ka.” Si Aki. Lihim na napangiti si Austin sa sinabi ni Aki. Kahit papano ay sulit din pala ang byahe nya dahil na miss din pala sya ng taong patuloy nyang minamahal.

“Weh? Di nga? Parang hindi naman. Wala nga akong na receive na kahit isang message sa’yo sa Facebook.” Si Austin. “Di wag kang maniwala. At saka malay ko ba na nag fa facebook ka. Di nga tayo friends doon eh. At saka araw- araw kitang tinatawagan at tine text pero di ka nasagot at out of coverage area ka.” Si Aki. “Daming sinabi. Binibiro lang eh. Meron ka ba ngayon?” biro ni Austin. “Adik! Nagugutom lang ako. Kaya ganito ako. Heheheh!” si Aki. “Tara daan tayo sa drive thru para makapag breakfast na rin tayo bago ka mag sayaw at magtata tumbling doon sa gym.” Si Austin.

Dumaan sila sa isang fastfood at bumili ng makakain. Simpleng sandwich at orange juice ang binili nila para madaling kainin sabi ni Aki. Kumakain sila habang nasa byahe. May mga time na sinusubuan ni Aki si Austin dahil busy ito sa pag da drive. Naubos nila ang pagkain at saktong nasa school na sila, nag park si Austin ng sasakyan at sabay silang bumababa sa sasakyan. Nasalubong nila ang ilang members ng pep squad, at gaya ng unang bisita ni Austin sa practice ay tampulan sila ng tukso ng mga ito hanggang sa makarating sa gym.
Pagsapit nila sa gym ay kanya kanya na silang lapag ng gamit para mag warm up. Si Austin naman ay naupo sa isa sa mga bleachers sa loob ng gym.

Nagsimula na rin magdatingan ang iba pang members at ilang minuto pa ay dumating na rin si Raf kasama si Darwin. Hindi nagpansinan sila Raf at Aki, naiilang sila sa isa’t isa at hindi nila alam kung paano sila maguusap pagkatapos ng nangyari. Hindi na lang pinansin ni Aki ang atmosphere sa kanila ni Raf, nag focus na lang siya sa practice nila. Nagsimula na ang practice, lahat seryoso at focus. Lahat enjoy sa ginagawa nila. Well polished na ang routine at kitang kita na handa na sila para harapin ang darating na Elimination round. Matapos ang ilan pang pasada ay nag water break ang team for 15 minutes. Mabilis na lumapit si Austin kay Aki dala ang isang bote ng mineral water at isang towel na di naman kalakihan. Muli puro tukso at kantyawan ang kanilang narinig mula sa mga kasama ni Aki sa pep squad. Ngiti na lamang ang isinagot nila sa mga ito.
“Bagay kayong dalawa, bakit kasi hindi na lang totohanin eh.” Si Darwin na kanina pa katabi ni Austin sa bleacher. “Naku, Darwin tumigil ka nga dyan, pati ba naman ikaw.” Si Aki. “Bakit? Wala namang masama ah. Unless may iba kang gusto, Aki.” Si Darwin ulet. Natigilan si Aki sa sinabi ni Darwin, bigla syang napalingon kay Raf na kausap sa mga ibang members ng team. Nakita ni Austin ang reaksyon ni Aki at ang pagtingin nito sa direksyon kung nasaan si Raf. Hindi na lamang nya ito pinansin, bagkus ay kinuha nya sa kamay ni Aki ang towel at sya ang nag punas ng pawis nito sa mukha. Nagulat si Aki sa ginawa ni Austin pero hinayaan nya lamang ito para hindi mapahiya sa mga kasama sa squad. Matapos ang water break ay muli silang nag practice. Polishing ng stunts at pyramids pati na rin ang mga running tumblings nila. Matapos ang higit sa isang oras ay tinawag ni Ra fang buong team para sa isang meeting.

“Okay guys, half day lang tayo ngayon kasi ang iba sa inyo ay may Departmental Exam sa Monday. So, kailngan nyo ng sapat na oras para magpahinga at mag araal. After this meeting pwede na kayong umuwi. At diretso sa pag uwi ah, wala ng gagala kung saan saan. Okay?” si Raf.

YES, KUYA RAF! Sabay sabay na tugon nila.
Matapos ang ilan pang paalala ay dinis miss na ni Raf ang practice. Sinabihan ni Aki si Austin na antayin siya sa may parking area. Sinunod naman siya ni Austin. Habang nagbibihis si Aki ay pumasok si Raf, doon lang napansin ni Aki na sila lang dalawa sa loob ng looker area sa gym. Habang nagpapatuyo ng buhok si Aki ay wala pa rin silang imikan ni Raf na sya namang naghahanda para mag shower. Walang balak si Aki na kausapin si Raf o kahit batiin ito, hindi nya alam kung paano mag sisimula ng conversation dito. Palabas na sana sya nang biglang mag salita si Raf.

“Aki.. wait.” Si Raf. Hindi sumagot si Aki. Hindi nya alam ang gagawin at maaring mangyari. Iniisip nya na baka galit sa kanya si Raf. Hindi sya sumagot sa halip ay nanatili syang nakatayo patalikod kay Raf. “I just wanna say sorry for what happned last Monday.” Si Raf habang nakatingin sa likuran ni Aki. “Kasalanan ko, kasi hinayaan kong mangyari un. Dapat pinigilan kita.” Si Raf ulet. Huminga ng malalim si Aki bago sya nag salita. “Kasalanan ko rin naman eh. Ginusto ko ung nangyari. Kasi gusto kita noon pa. Actually hindi lang gusto… MAHAL na KITA, Raf..” si Aki. Lumungkot ang mukha ni Raf sa narinig, bagamat hindi ito nakikita ni Aki. Tama nga si Raf sa hula nya, pag magkasama sila ni Aki ay iba ang mga ngiti sa mga labi at mata nito. Alam nya dahil ganito sya pag kasama nya si Darwin. Lalapit n asana si Raf kay Aki nang bigla itong mag salita. “Alam ko na hindi ako ang gusto mo, nararamdaman ko. Pero kahit ganun hindi nagbago pagtingin ko sa’yo. Masakit tanggapin na ang taong pinaka mamahal mo eh iba ang gusto at minamahal.” Si Aki. Napa buntong hininga na lang si Raf sa mga sinabi ni Aki. Ramdam nya ang sakit sa bawat salitang binigkas ni Aki. “Am so sorry, Aki. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa’yo. May mahal na akong iba. Si Darwin ang mahal ko at walang magbabago dun.” Malungkot na sabi ni Raf.

Sa pagkakataon nay un ay hindi na napigilan ni Aki ang lumuha pa. Naramdaman nya ang sakit na hindi pa nya nararamdaman sa buhay nya. Gusto nyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig nya. Patuloy ang pag agos ng luha nya, buti na lang at wala ng ibang tao pa sa gym. Di nya namalayang nakalapit na pala si Raf sa kanya, hinwakan sya sa balikat ni Raf para kalmahin sya. “Okay na ako Kuya Raf, at alam ko na magiging okay din ako sa mga susunod pang araw. Wag kang mag alala, hindi ito magiging dahilan para umalis ako sa squad.” Si Aki. Inalis nya ang mga kamay ni Raf sa kanyang mga balikat at tuluyang lumabas sa looker area. Mabilis ang ginawa nyang paglalakad habang pinapahid ang mga luhang patuloy pa rin sa pag agos mula sa kanyang mga mata. Di na nya halos maaninag ang kanyang nilalakaran, hindi nya rin nararamdaman ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. Pag dating sa parking lot ay nandun si Austin at si Darwin na nag parehong nag aantay sa kanila ni Raf. Iniwas nya ang mga tingin nya sa mga ito upang di nila mapansin ang pamumula ng mga mata nya dahil sa pag iyak. Pero sadyang mabilis ang mga mata ni Austin at napansin nito ang kanyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Anung nangyari sa’yo?” takang tanong ni Austin Maging si Darwin ay halat sa ekspresyon ng mukha ang pagtataka. Hindi sumagot si Aki, dumiretso sya sa passenger’s seat ng kotse ni Austin pero bago pa nya maisara ito ay napigilan sya ni Austin. “Hindi tayo aalis ditto hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung anung dahilan ng pag iyak mo.” Matigas na sa bi ni Austin “Di ako naiyak, napuwing lang ako habang naglalakad.” Pag sisinungaling ni Aki
“BULLSH*T!! wag ka na ngang magsinungaling, Aki.” Pasigaw na sabi ni Austin an ikinagulat pareho ni Aki at Darwin. Kitang kita sa mga mata ni Austin ang inis at galit sa pagsisinungaling ni Aki sa kanya. “Anu ka ba?! Sinabi nang napuwing lang ako! Kung ayaw mong maniwala eh di wag!” bulyaw ni Aki kay Austin. “Guys, calm down. Pwedeng pag usapan ito ng maayos.” Kalmang saway ni Darwin sa dalawa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Austin. Magsasalita pa sana si Austin ng biglang dumating si Raf.

“Aki, am really really sorry.. Please. Patawarin mo ako, I didn’t mean to hurt your feelings.” Sunod sunod na sabi ni Raf. “Di ba sabi ko sa’yo okay na ako. Okay lang, Kuya Raf. Naiintindihan ko ang lahat.” Hikbing sagot ni Aki “Anu bang nangyayari ha? Pwede bang ipaliwanag nyo sa amin ni Austin.” Si Darwin
“Kagaya ng sinabi ko kanina, Kuya Raf. Naiintindihan ko kahit masakit. Tatanggapin ko kahit mahirap. Kakayanin ko kahit alam ko na matatagalan akong maka move on.” Sunod sunod na sabi ni Aki. Nakuha agad nila Aki at Darwin ang ibig sabihin ng usapan nila Aki at Raf. Kitang kita sa mukha ni Austin ang galit at pagka inis. Ang taong mahal nya, sinaktan lamang ng taong halos sambahin at paglaanan ng panahon ni Aki. Di na napigilan ni Austin ang sarili. Biglang lumipad ang kamao ni Austin at dumapo sa mukha ni Raf. Napaatras si Raf sa ginawa ni Austin, nang iangat ni Raf ang mukha ay kita ang dugong umaagos mula sa pumutok na labi nito. Nagulat si aki at Darwin sa mga nangyari, kitang kita nila ang dilim sa mukha ni Austin. Susugod pa sana si Austin pero nahawakan na sya ni Aki sa braso habang si Darwin ay humarang na para kay Raf.

“Tumigil ka na, Austin. Please” si Aki. Tinapunan ni Austin ng masamang tingin si Aki na ikinatakot naman ni Aki. Buong akala nya ay sya naman ang makaka tikim ng kamao ni Austin. “Nakikiusap ako sa’yo, Austin. Tama na. Wag mo ng saktan si Kuya Raf.” Si Aki habang umiiyak pa rin. “Bilib din ako sa’yo Aki. Sinaktan ka na ng taong yan pero pinatatanggol mo pa rin? Anu bang meron sya na wala ako ha?!!! Napaka manhid mo, Aki. Napaka manhid mo!!” sigaw ni Austin. Napatakip na lamang ng mga palad nya si Aki sa kanyang mukha. Habang si Darwin naman ay inaalalayan si Raf papunta sa sasakyan nya. Tuluyan ng umalis sila Darwin at Raf at naiwan sila Aki at Austin sa parking lot.

Ilang minuto ng katahimikan ang namagitan kina Aki at Austin habang naka upo sila sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ni Aki ay naubos lahat ng lakas nya sa mga nangyari sa araw na iyon. Si Austin naman ay nakatingin lamang sa labas ng sasakyan. “Austin, uwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga.” Si Aki. “Bakit di mo ako kayang mahalin ng higit sa kaibigan?” tanong ni Austin. Hindi sumagot si Aki sa halip ay tinitigan nya si Austin. Kitang kita ni Aki ang lungkot na nararamdaman ni Austin. “Austin..” si Aki. Tumingin si Austin sa mga mata ni Aki. “Aki, mahal na mahal kita at handa akong mag antay para sa’yo.” Si Austin. Ngumiti si Aki kay Austin. “Saka na natin pag usapan ito, Austin. Uwi muna tayo. May tamang oras para pag usapan ito.” Si Aki.



ITUTULOY…

Friday, October 29, 2010

ALMOST A LOVE STORY part 2

CHAPTER 2

Mabilis lumipas ang mga araw. Dahil na rin sa sobrang busy nya sa trabaho karamihan sa mga rest days nya ay nauuwi sa mag hapong pag tulog Minsan lumabas sila ni CJ kasama ang ibang Team Leads sa kanilang kumpanya. Buong gabi silang tinutukso ng mga ka opisina. Madaming tanong ang sa kanila ay ibinato. Hindi na sila bago sa mga ganitong tanong, noon pa man ay lagi na silang tinutukso sa opisina kahit nung mga agents pa lang sila ni CJ, lagi kasi silang mag kasama nito. Mula pagkain hanggang pag uwi galing trabaho.

Masasabing talagang close sila ni CJ. Ang turingan nila ay matalik na mag kaibigan. Alam ni CJ kung ano sya pero kahit kailan ay hindi ito nagpa kita ng pagka asiwa man lang sa kanya.
Nasa high school si Jasper ng ma realized nya na silahis siya. Nagkaroon naman sya ng mga girlfriend nung 4th high school at 1st college ngunit hindi naman ito nag tagal. Tanggap ng kanyang mga magulang kung ano sya. Sabi nga ng tatay nya nung nabubuhay pa ito ay okay lng daw na bakla sya. Atleast alam ng kanyang ama na hindi sya makaka buntis at mapipikot.

Hindi pa rin natigil ang mga biro tungkol sa kanila. Hanggang ngiti lng ang kanyang sinasagot, samantalang si CJ naman ay panay ang tawa. Hanggang mag salita ito na may tonong pag seseryoso.

“Guys, kidding aside. Jas is a good friend of mine. We’re like brothers or should I say brother and sister.” Sabay tawa. “Kung anuman ang meron kami ni Jas eh hanggang doon lang yon. I never cross the boundaries of our friendship no matter how thin it is” si CJ ulit. Nagulat si Jasper sa sinabi ni CJ. “I never cross the boundaries of our friendship, no matter how thin it is”
“What do you mean about that?” si Jasper habang nakatingin kay CJ. Alam nito na hindi pa lasing ang kaibigan dahil di hamak na mas malakas itong uminom kumpara sa kanya. Naghiyawan ang mga kasamahan nila pag tapos nya itong itanong kay CJ. “Anu yun” taking tanong ni CJ. “Ung sinabi mo kanina na “I never cross the boundaries of our friendship, no matter how thin it is”. si Jasper habang nag sasalin ng beer sa baso. “Oh, un ba.?” Sabay tawa ng malakas ni CJ. “Oo, un nga.” Si Jasper sabay lagok ng beer.

“Hindi ito usapang lasing ah, pero dumating ako sa point na muntik na akong na fall sa’yo” si CJ sabay akbay kay Jasper. Nagulat ang karamihan sa confession ni CJ lalo na si Jasper. He never thought and bisexual din pala ito. “Kasi naman, Jas, ang bait mo, sweet, thoughtful, understanding. Sino ba naman ang hindi mai inlove sa’yo.?” Si CJ na mukhang seryoso na sa mga sinasabi. “Mas pinili ko na lang kung saan tayo mag tatagal. Un ang pagiging mag kaibigan natin. Okay na sa akin na alam ko na andyan ka for me whenever I need a friend to help and make me strong. Tama ba?” si CJ sabay dampot ng yosi at lighter sa mesa.
Ilang segudong katahimikan ang bumalot sa mesa nila Jasper. Halos lahat hindi maka paniwala na silahis din si CJ. Si Jasper na rin ang bumasag ng katahimikan. “Ay, naku CJ kahit kelan ka talaga, lakas mong mang trip. Adik!” sabay tawa ni Jasper. Hindi na sumagot si CJ ang iba naman ay nagtawan sa sinabi mi Jasper.

Naging masaya ang kanilang bonding. Kahit papano ay nabawasan ang stress nilang lahat. Umaga na ng matapos ang “session” nila. Pagkatapos makapag paalam sa isat isa ay na silang umuwi. Inalok sya ni CJ na ihaitd sya sa bahay nya dahil may dala itong sasakyan pero tumanggi sya. Hindi na sya pinilit ni CJ. Bago sila nag hiwalay ay isang promise ang kanilang nag pag usapan. Ito ay walang mag ba bago sa pag kakaibigan nila at hindi na pag uusapan pa ang tungkol sa sinabi sa kanila ni CJ.
Mabilis na dumaan ang panahon. 3 taon na siya at si CJ na nagta trabaho sa kumpanyang pina pasukan. Si CJ ay na promote bilang Shift Manager at na assign sa isa nilang site sa Batangas.
Nalungkot man silang pareho eh inisip na lang nila na maraming paraan para maka kamustahang dalawa. Nagkaroon ng despidida si CJ isang araw bago ito lumipat sa kabilang site. Sabado ito ginawa para lahat ng mga kaibigan nila sa opisina ay makapunta. Hindi kasi 24/7 ang kanilang call center hindi tulad ng ibang kumpanya.

Naging masaya ang despidida na ginanap sa isang resort na ni rentahan ni CJ. May inuman, videoke at walang tigil na tawanan. Lahat ng masasayang bagay na na experience ni CJ sa kumpanya at sinariwa nilang lahat. Lahat ng dumalo sa party ay nag bigay ng message para kay CJ. Puro words of encouragement at papuri ang laman ng halos lahat ng mensahe para kay CJ ng mga kasama sa trabaho. At lahat ng ito ay na appreciate ni CJ.
Si Jasper na lang ang hindi nag bibigay ng mensahe. Tinawag ng isa sa mga kasamahan nila si Jasper. “Of course the party will not be complete if we will not call the “best friend” of CJ to give his message. Jasper, we are you??! sabi ng tumayong emcee. Naglakad si Jasper para kunin nag microphone. Hindi pa man din nag sisimula si Jasper mag salita ay puro hiyawan na ang maririnig. Hindi makapag simula si Jasper dahil sa mga biro at pang aasar ng mga kasamahan. Ang isa pa nga sa mga ito ay pina upo si CJ malapit kay Jasper. Parang debutante si CJ nag bibigayan ng message ng kanyang mahal sa buhay. Makalipas ang ilang sandali ay mejo tumahimik na. Nag simulang mag salita si Jasper.


“Before I give my message for CJ, I would like to thank all of you who became part not only of my life but also to the life of my good friend CJ. I can still remember that CJ and I always talk about how grateful we are to have all of you guys as our colleagues. Again, thank you guys! Actually I don’t have any message for CJ. But instead, I wrote him a letter. Ayoko kasing umiyak habang nag me message ako. Ang pangit ko kasi pag umiiyak.” Si Jasper. Nagtawanan lahat ng nakikinig pati si CJ eh natawa din sa tinuran ni Jasper. Inabot ni Jasper ang sulat kay CJ na naka lagay sa isang blue envelop. Blue kasi ang favorite color ni CJ. “Good luck to you CJ. I know that you deserve the position and you can do it with flying colors.” Si Jasper habang nakatingin kay CJ.

Ipinasa ni Jasper ang microphone sa emcee. At bumalik sa kanyang upuan. Tumayo si CJ at kinuha ang microphone sa emcee.

“Guys, thank you for coming here tonight. Jasper was right when he said that we are both thankful to have you as our colleagues. Especially to me cause all of you were so nice and was very helpful in terms of work related situations. I learned a lot from you guys and I’m sure am going to miss you all.” Si CJ. Nag palakpakan ang lahat at akala nila ay tapos na si CJ sa speech nito pero nagulat sila ng buksan ni CJ ang letter ni Jasper para sa kanya. “Gusto ko lang I share sa iyo itong letter ni Jasper para sa akin. Si CJ ulit habang tinatanggal sa pag kaka tupi ang sulat ni Jasper sa kanya.

Wala ng nagawa si Jasper kundi ang takpan ang mukha dahil nahihiya sya sa mga kasamahan na makaka rinig ng sulat nya para kay CJ. Tinignan muna ni CJ ang sulat at makalipas ng ilang sandali ay binasa na nya ito sa harap ng mga kasamahan at ni Jasper.




CJ,

Congrats, friend!

Who would ever think that in a short period of time you’ll be reaping that fruits of you labor. We all know that you really deserve the position and we believe on your capacity. You’re such a hard working person and very dedicated to your work yet you manage to keep your feet on the ground and be sensitive towards other people’s feelings and opinions.

We’re going to miss you, BIG TIME! Wala na kasing makulit sa production floor lalu pag toxic na ang lahat due to heavy work loads. Don’t you dare change that positive attitude and don’t forget those people who helped you and most important is to thank God for all the blessings that he gave you.


I would like to thank you for being such a good friend to me. For 3 years of being your friend is already years well spent for me. All of the memories that we had are worth to be treasured for the years to come. I’m happy that I didn’t cross that “thin line”. I want you to know that I’m happy that I made the same decision that you made. Masasabi ko rin na pinili ko ung relasyon kung saan tayo mag tatagal… ang pagiging mag kaibigan natin.

Yes, dumating din ako sa point na na-fall ako sayo. Pero inisip ko na lang na sayang ang pag kakaibigan natin kung magiging selfish ako. Pero walang regrets sa naging decision ko, Kasi alam ko na mahaba pa ang pag sasamahan natin bilang magkaibigan.


Thank you for the wonderful gift of friendship. This is my promise to you. WALANG MAGBABAGO sa atin.


You take care and I’m just a beep away if you need someone to talk with and a shoulder to cry on.


See you soon!




JAS

Hindi makag salita si CJ sa nabasa ang iba namang kasamahan ay kinilig ang iba ay maluha sa sulat ni Jasper kay CJ. Si Jasper ay nanatiling naka upo habang maka yuko ang ulo sa sobrang hiya sa mga kasamahan at para hindi na rin nila makita ang mga munting luha na malapit ng pumatak mula sa kanyang mga mata. Hindi namalayan ni Jasper na lumapit si CJ sa kanya.

“Jasper… thank you din!” si CJ. Nang iangat ni Jasper ang mukha ay nakita nya si CJ na may mga munting luha din sa mga mata. “Wag ka ngang umiyak, hindi bagay sayo” si Jasper habang nag papahid ng mga luha sa mata.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni CJ kay Jasper. Naghiyawan ang mga kasamahan nila. Natapos ang party na lahat ay masaya para sa kanilang kaibigang si CJ.


Ilang buwan pa ang lumipas. Patuloy ang kominikasyon nila ni CJ. Pa minsan minsan ay lumalabas din sila kasama ang ibang kasamahan sa trabaho. Mabilis ang panahon na lumipas, nagising na lang si Jasper na magtatapos na pala sa kolehiyo si Beatriz. Masaya si Jasper at sa wakas ay nag bunga ang pag siskap nilang mag ina para makatapos ang kanyang bunsong kapatid.

Dumating ang araw ng pagtatapos ni Beatriz. Tuwang tuwa si Aling Lucia at Jasper. Matapos ang seremonya na ginanap sa PICC ay dumiretso sila sa isang restaurant para doon mag celebrate. Habang kumakain ay tinitignan nila ang mga larawan sa digital camera ni Jasper. Masaya silang kumakain ng may iabot si Jasper sa kapatid. Isang box na katamtaman ang laki na medyo may kabigatan. “Kuya, dapat hindi ka na nag abala pa. marami ka ng gastos sa akin nung nag aaral ako” si Bea habang nakatigin sa kanyang kuya. “Anu ka ba, wala yun. Nag iisa n nga lang kitang kapatid tapos hindi pa kita bibigyan ng regalo” si Jasper.


Binuksan ni Bea ang kahon at laking gulat nya ng makita ang laman nito. Isang HP Mini Laptop ang laman ng kahon. Walang masabi si Bea kundi puro pasasalamat sa kanyang kuya. Si Aling Lucia naman ay naluluha sa saya dahil nakita nyang mag ka sundo ang mag kapatid. Pagka tapos kumain ay nag pasya na silang umuwi para makapag pahinga na rin sila.
Makalipas ang ilang linggo ay nakatanggap ng tawag si Beatriz mula sa isang airline company kung saan sya nag OJT. Masayang ibinalita ni Bea sa kanyang ina na nais syang kunin ng airline company bilang Flight Attendant. Masaya si Aling Lucia para sa anak. Alam nito na ito talaga ang pangarap ng anak noon pa man. Nai kwento na rin ni Bea kay Jasper ang magandang balita. Masaya si Jasper na may halong konting lungkot. Masaya siya para kay Bea dahil matutupad na ang pangarap nito pero malungkot dahil mahihiwalay ito sa kanila. Naka base kasi ang airline company sa Singapore at kailangang doon mag trabaho si Bea. Magkaka hiwalay man ang mag I ina ay alam nilang darating ang panahon na mag kakasama sama ulit sila.


“Anak, mag iingat ka dun ah. Si Aling Lucia habang tinutulungan si Bea na mag impake. “Opo, Mama. At saka wag kayong mag alala. Safe pos a Singapore” si Bea habang mag tutupi ng ibang damit nya. “ At saka ung kikitain ko dun Mama ng 5 taon, malaking pera din un. Marami ang naiipon ko para sa atin ni Kuya. At saka gusto ko ding makapag aral ulit si Kuya, un ang promise ko sa kanya.” Si Bea habang tinignan ang larawan nilang mag I ina nung graduation nya.
“Nag papa salamat ako sa Panginoon na binigyan ako ng mga anak na katulad nyo.” Si Aling Lucia sabay yakap kay Bea.

Dumating ang araw ng pag alis ni Bea papuntang Singapore. Inihatid nila Aling Lucia at Jasper si Bea sa airport. Pag dating sa airport konting bilin at paalala mula kay Aling Lucia ang ipinabaon kay Bea. “Mag iingat ka doon Bea, wag kang puro gala at barkada ha. Pag butihin mo ang trabaho mo doon.” Si Jasper habang hawak ang kamay ng kapatid. “Oo kuya, gagayahin ko ang kasipangan mo. Mag iipon ako for us. At saka kuya, sa susunod na pasukan mag aaral ka na ulit. Promise ko yan sayo” si Bea sabay yakap kay Jasper.
Matapos ang ilang minuto pa ay nakag check in na si Bea. Lumipad na ang eroplano lulan si Beatriz. Inihatid na lamang ng mag-ina ng tanaw si Beatriz na may kalakip na dasal para sa kaligtasan at pag tatagumpay nito sa ibang bansa.

ALMOST A LOVE STORY part 1







Chapter 1

KKRRRRRRIIIIINNNGGG!!!!!!! KKKRRRRRIIIINNNGGGGG!!!!


Ito ang tunog na gumising sa mahibing nyang pagkakatulog. Alas 6 na pala ng hapon at kailangan nya na palang bumangon. Pinatay nya ang alarm clock, tinignan nya ang kanyang cellphone kung may nagtext sa kanya. “15 messages received” ang nabasa. Mamaya nya ito babasahin at sasagutin pag nasa byahe na sya.
Nainat inat muna sya bago tuluyang bumangon mula sa pagkaka higa sa kama. Naglakad sya patungo sa banyo upang maligo at mag handa sa pag pasok sa trabaho.


Sya si Jasper, 23 years old..Isa syang call center agent sa isang kumpanya sa Makati. 5’8 ang taas nya, di naman kaputian, masasabing average looks ika nga ng iba. Panganay sa 2 magkakapatid. Mula ng pumanaw ang kanilang ama ay sya na ang tumayong padre de familia sa kanyang ina na si Aling Lucia at sa bunsong kapatid na si Beatriz.
Hindi nakapag tapos ng pag aaral si Jasper. Nasa 3rd year college na sya sa kursong Psychology ng pumanaw ang kanyang ama sa sakit sa baga. Dating OFW ang mga magulang ni Jasper. Si Mang Johnny ay isang seaman at si Aling Lucia ay Domestic Helper naman sa Saudi.

Dahil sa sakit ng ama ay halos maubos ang ipon ng mag asawa. Doon naka pag desisyon si Jasper na tumigil sa pag aaral at mag trabaho muna. 21 years old sya ng mag trabaho bilang crew sa isang coffee shop. Nang matapos ang kontrata nya sa nasabing coffee shop ay sinubukan nyang mag apply sa Call Center, in demand na kasi ito during that time. Sinuwerte naman at nakapasok sya at ngayon ay isa nga syang Supervisor. 2 taon pa lamang sya sa trabaho pero sa unang taon nya palang ay naka kuha na agad sya ng posisyon dahil na rin sa sipag at dedikasyon nya sa trabaho. Kasama na rin ang mga inspirayon nya, ang kanyang Ina at ang bunsong kapatid na si Beatriz.

Alas 10 pa ang pasok nya pero kailangan nyang maghanda ng maaga dahil sa Las PiƱas pa sya nakatira.
Makalipas ang 30 minutos ay natapos na rin syang maligo. Makalipas pa ang ilang minuto ay naka buhis na rin sya.
Isang mint green na long sleeves at gray slack pants ang sinuot nya. Tinernohan nya ng sliver na relo na regalo nya sa sarili nung unang sahod nya. Matapos makapag sapatos at makapg ayos ng buhok, mag lagay ng moisturizer sa mukha at mag lagay ng pabango ay lumabas na ng kanyang kwarto si Jasper bitbit ang kanyang bag.





“Oh, gising ka na pala.. bati ng kanyang ina. Humalik sya dito. Maganda ang ina ni Jasper, hindi mo aakalain na nasa late 50’s na ito. Maputi sya at mapapasin ang ilang pekas sa itaas ng dibdib at mga braso nito. Maliban sa ilang puting buhok at maliit na wrinkles sa mukha ay masasabi mong mukhang bata pa rin si Aling Lucia kumpara sa mga kasing edad nya. Marahil ay dahil na rin sa pagiging maalaga sa katawanan nito mula ng dalaga pa sya hanggang sa mapangasawa nya si Mang Johnny.
“Kakain ka ba bago umalis o ipag babaon na lang kita?” tanong ni Aling Lucia sa kanya. “Susubo po ako ng konti, para hindi ako gutumin sa byahe”, sagot nya sa ina habang inaayos ang mga gamit sa knyang bag.
“Wala pa ba si Bea?” tanung nya sa ina. “Ay, nag paalam sa akin knina at doon daw kina Maricar matutulog dahil kailangang tapusin na daw nila ung thesis nila” sagot ng ina habang nag sasandok ng ulam sa kaldero.

“Ganun po ba..i te text ko na lang sya mamaya para maka siguro ako na safe sya doon” sabi nya sa ina. “Ikaw ang bahala. Alam mo naman yang kapatid mo, hindi makapag paalam sayo.. ani ng Ina na kasalukuyang nag hahain sa mesa. “ Bakit naman ho? Eh basta maayos ang pag papa alam nya eh papayagan ko naman sya” si Jasper.
“Oh sya, halika na dito ng makain ka na at baka mahuli ka apa sa trabaho mo.” Ani ng Ina sa kanya.
“Sige po.” Si Jasper. Kumain ang mag ina habang nag kukwetuhan tungkol sa kanyang trabaho at sa mga kasama sa opisina. “Anak, salamat at andyan ka para suportahan ang kapatid mo sa pag aaral nya ah. Alam mo naming konti lang nag kita ng tindahan natin.” Ani ng Ina sa kanya.
“Ma, wala po yon. Sino pa ba ang matutulungan kundi tayong 3 di ba? Si Jasper habang nag sasalin ng tubig sa baso. “Kung buhay ang Papa mo ngayon, sigurado akong proud yun sayo. Si Aling Lucia sabay hawak ng kamay ni Jasper. Ngiti lamang ang isinagot ni Jasper sa ina.

Matapos maka makain at na sipilyo at nag hugas ng kamay si Jasper. Ilang minuto pa ang lumipas ay nag paalam na sya sa kanyang ina.
7:30 pm ng makasakay ng bus pa puntang Makati si Jasper. Habang nasa byahe ay tinawagan nya ang kanyang kapatid para I check ito kung maayos ang kalagayan nito sa bahay ng kaklase. Nang masiguro nya na okay ang kapatid nya ay isa isa nya naming binasa ang mga text messages sa cellphone nya. Nang maka tapos basahin at sagutin ang mga ito ay itunoun nya ang paningin sa labas ng umaandar na bus. Nakita nya ang mga magagandang ilaw ng mga building. Mga ilaw na tanglaw ng mga motorista habang sila ay nag lalakbay.

Dito nya naisip na ang mga ilaw na ay parang ang kanyang ina at ang bunsong kapatid. Dahil sa kanila, nagkaroon sya ng magandang des posisyon sa buhay. Masasabi nyang naging resposable sya hindi lang sa kanyang buhay pati na rin sa kanyang ina at kapatid.
Pinutol ang kanyang muni muni ng may umagaw sa kanyang atensyon. Ang kundoktor ng bus kung saan sya nakasakay. “Boss, pamasahe lang po” ang konduktor. Inabot nya ang 100 pisong papel sa konduktor sabay sabi nya “ Buendia lang po, manong. Galing Casimiro.” Si Jasper. Matapos kunin ang sukli at ang tiket ay muling ibinaling ni Jasper ang kanyang atensyon sa bintana ng bus. Kasalukuyang naka hinto ang bus dahil sa trapik bago ito umakyat ng flyover.


Napansin nya ang isang magarang sasakyan. SUV sa tingin nya. Bigla nyang nasabi sa sarili na baling araw ay makakroon din sya ng sariling sasakyan. Pero kailangan nya munang mapag tapos ng pag aaral ang kanyang kapatid na ngayon ay nasa huling taon na sa koliheyo sa kursong Tourism. Na mana kasi ni Bea ang ganda ng kanilang ina at height ng kanilang ama. Matalino din ito. Pareho silang consistent honor student nung sila ay nasa Elementrya at High School.

Sya naman ay masasabing “average looking guy”. Nakuha ni Jasper ang mata at ilong ni Aling Lucia samantalang ang height at kulay ng balat naman ay kay Mang Johnny.
Pasado ala 9 na ng makarating sya sa opisina. “lintik na trapik yan” usal nya sa sarili habang bunubuksan ang kanyang computer. Habang nag aayos ng mga papers para sa meeting nya sa kanyang mga agents ay may bumati sa tumapik sa kanyang balikat.

“How is it going?” nilingon nya ang bumati. Si CJ pala ito. Isa sa mga co Supervisor nya. 5’11 and height, maputi, chinito at may dental braces. Mag ka batch at magkasama sila sa team nung agents pa lang sila. Masasabing heartthrob itong si CJ. Maraming mga agents babae man o bading ay nagkaka gusto dito. Hindi kasi ito suplado. Kahit na galling sya isang may kayang pamilya ay hindi mo ito kakakitaan ng konting yabang. “Nothing’s new. But I’m okay” sagot nya. “Busy day agad? Wala pang 10pm ah” si CJ habang naka tayo ito sa gilid ng table ni Jasper.

“Hindi naman. I just wanted to be prepared before my coaching with my agents. Si Jasper habang nakapako ang tingin sa computer screen nya. “Well, what can I say.. You’re such a hard working person and a perfectionist Team Lead I guess?” si CJ habang nakatingin kay Jasper.
“I’m not a perfectionist, I just want everything to be ready before ako mag start ng meeting.

Gusto ko smooth flowing ang lahat. Alam mo naman yun. Si Jasper na ngayon ay may pinipirmahang mga forms. “Are you signing the OT forms of your agents? Next week pa ang cut off ah.” Si CJ.
“Marami pa akong reports for next week. Month end natin remember.? Ayokong mag cramming sa mga paper works. Toxic at stressful un. Ayoko ng ganun.” Si Jasper na ngayon ay nakatingin na kay CJ.


“Well, You really deserve that position that you have” si CJ sabay ngiti sa kanya. “Thanks, you as well. I mean. You’re smart, dedicated to your work.” Ang sagot nya habang naka ngiti kay CJ.

Ilang minuto pa silang nag kwentuhan ni CJ. About their family, work, mga agents na pasaway. Makalipas ang 30 minutos ay nag si datingan na ang mga agents nila. Bago pumunta sa kanyang table si CJ ay inimbitahan sya nito na sabay silang kumain mamaya. Libre daw nito. Pumayag sya. Umalis na si CJ patungo sa kanyang table at sya naman ay bumalik sa kanyang ginagawa habang inaantay ang iba pa nyang agents.

Makalipas ang ilang minuto ay nag simula na syang ma meeting sa kanyang mga agents. Tumagal ang meeting ng 20 minutes matapos ng ilang reminders tulad ng call handling, average handling time at quality call procedures ay binabalik na nya ang kanyang mga agents para maka pag simula ng trabaho.

Sa sobrang dami ng kanyang trabaho mula daily, weekly and monthly reports at coaching sessions with his agents hindi namalayan ni Jasper na lagpas na pala ng oras ng lunch break. Pasado alas 3 na ng umaga un. Bigla nyang naramdaman na medyo mahapdi na ang kanyang sikmura. Nilapitan nya si CJ para tanungin kung mag sasabay pa silang kumain. Nag tawana sila ni CJ dahil sa sobrang subsob sa trabaho eh nakalimutan na nila na may “lunch date” sila.

Matapos kumain ant konting kwentuhan habang sila ay naninigarilyo ay bumalik na sila sa kani kanilang trabaho.
Natapos ang isang araw ng trabaho para kay Jasper. Naunang umuwi si CJ sa kanya. Pasado alas 8 na sya naka labas ng opisina. At mag aalas 10 na sya nakating ng bahay. Pagka tapos mag shower at kumain ay mabils na nakatulog si Jasper, dala na rin ng sobrang pagod.

The newbie, The sophomore and the veteran Part 10

Part 10: Close encounter with Rafael


Nang makarating si Aki sa gym ay napansin nya na bukas ang ilaw sa loob ng headquarters nila. Ibig sabihin may tao na. Umakyat sya upang tignan kung sino ang tao doon. Pag bukas nya ng pinto ay nakita nya si Rafael na nag aayos ng mga gamit ng pep squad. Pawisan ito, bakat sa basa nyang tshirt ang hubog ng katawan nya. Nahiya syang pumasok, hindi nya alam kung ano gagawin nya. Lalabas na sana sya ng matabig nya ang isa sa mga drums na nakahanay malapit sa kinatatayuan nya. Napalingon si Rafael sa pinang galingan ng ingay. Napangiti na lamang si Aki sabay ayos sa mga drums. “Sorry, di ko sinasadya.” Si Aki. “Ikaw pala yan, akala ko naman kung sino na” si Rafael. Ngumiti ulet si Aki sabay pasok sa loob ng headquarters. “Need help? Mukhang madami kang inaayos ah.” Si Aki. “Hindi. Okay na lahat, kaya ko na ito.” Si Rafael habang inaayos ang mga matts na ginagamit nila tuwing practice. Naupo si Aki di kalayuan kay Rafael. Titig na titig sya dito, hindi nya mai alis ang mga mata sa lalaking nasa harapan.

“Baka matunaw naman ako sa titig mo. Nakaka conscious naman.” Birong sabi ni Raf. “Ay sorry, tinignan ko lang kung paano inaayos yung mga gamit dito. Yun lang.” sabay yukong sabi ni Aki. Pakiramdam nya ay pulang pula ang mukha nya. Huling huli sya ni Raf. “Nakaka inis. Malandi ka kasi eh.” Pagalit nya sa sarili. “You know what, you’re cute. Lalo na pag namumula ka.” Si Raf. “Sh*t. namumula na nga ako. Nakaka inis.” Bulong nya sa sarili. “Salamat. Di naman ako cute. Kung cute ako di sana marami ng nagka gusto sa akin.” Si Aki. “Maniwala ako sa’yo na walang nagkaka gusto sa’yo.” Si Raf. “Totoo yun. Di sana hindi ako single ngayon.” Si Aki na may himig na pagpaparinig kay Raf. Ngayon lang siya naging ganito. Ang maging flirt. Pero di naman to the highest level. Pa sweet na flirt lang. (kung meron mang ganung term) “Hmmm.. ganun ba. Single ka pala. Akala ko boyfriend mo si Austin eh.” Si Raf. “Hala! Hindi ah. Kaibigan ko lang yun. Di magkaka gusto sa akin yun.” Pagtanggi ni Aki. Natawa lang si Raf sa sinabi nya. Halatang defensive sya. Ilang minuto pa ay natapos ng mag ayos si Raf. Naupo ito malapit sa isang study table at sabay nag hubad ng tshirt. Di malaman ni Aki ang gagawin. Parang syang sinisilaban sa init. Di nya mapigilang tignan ang magandang katawan ni Rafael. “Ayan, inatake ka na naman ng sakit mong pag ka tulala” si Raf habang nag pupunas ng katawan. “Ha? Anu yun, Raf?” si Aki. “AHAHAH! Nabingi ka pa ata. Anu ba kasing iniisip mo?” si Raf. “Loko tong lalaking ito, pinagtatawanan pa ako. Kung alam nya lang na sya ang dahilan kung bakit ako tulala.” Bulong nya sa sarili.

“Ang sabi ko bakit ang aga mo dito? Wala ka na bang klase?” si Raf ulet. “ Ah.. wala na. kanina pang 3pm.” Si Aki. Tumango lang si Raf sa sagot nya. Matagal pa bago mag simula ang meeting dahil wala ring masyadong usapan sa pagitan nila ni Raf at wala din syang topic na mai open ay nag pasya sya na tumingin tingin sa paligid ng headquarters. Doon nya nakita ang mga trophies at medals na napanalunan ng pep squad mula nung 1998 hanggang last year. “Sumali din pala kayo ng Cheerdance Gran Prix” si Aki. “Yup, pero di pa ako member nyan nung sumali sila. At ang pagkaka alam ko eh dyan nag simula ang pagiging popular ng DSU Pep after nilang mapasama sa Top 3.” Si Raf. “I see. Na miss ko tuloy ung Pep Squad namin nung High School. Dahil din sa Grand Prix kaya naging sikat ang pep squad namin” si Aki. “Well, ganun talaga.” Maikling sagot ni Raf. “And by the way, sa Saturday ulet ah. Practice natin then Wednesday next week Pep Rally na at dress rehersal natin.” Si Raf ulet. Tumango lang si Aki. 2 weeks na lang pala at Elimination na. Excited at nerbyos na sya.

“Kinakabahan na nga ako eh. After 5 years saka na lang ulet ako makaka pagsayaw at mag che cheer” si Aki. Tumayo si Raf at inakbayan sya. “Don’t worry. Isipin mo na lang na nagpa practice lang tayo pag andun na sa competition.” Si Raf. Para syang nauupos na kandila sa kilig at kaba habang magkadikit ang katawan nila ni Raf. Ang bango nya kahit kanina lang ay basang basa ito ng pawis. Tila sya estatwa sa kinatatayuan nya. Pigil hininga sya at di nya alam ang kanyang gagawin. Di naman ito alintana ni Raf. Ang alam nya lang ay kailangan nyang i comfort si Aki bilang bagong member ng squad.
“Ahm.. Raf, busy ka ba after ng practice sa Saturday?” si Aki. “Hmmm.. hindi naman. Bakit?” si Raf. “Invite sana kita kahit simpleng coffee lang.” si Aki. “Sige ba. Makapag relax man lang kahit konti. Nakaka stress din kasi pag graduating na eh.” Si Raf. Nais na ni Aki na magtatalon sa kilig dahil magkakaroon sya ng pagkakataon na makilala si Raf. Di na sya makapag antay sa araw na yun. “Sure nay an ah. Walang bawiaan.” Si Aki. “Oo ba.” Si Raf. Quarter to 6 ng dumating ang karamihan sa mga member ng squad. Saktong 6pm ng makumpleto sila at nagsimula sila ng meeting. Pagkatapos ay sumabay na si Aki sa ibang member pauwi samantalang ang iba naman ay pumasok pa sa kani kanilang mga klase.

Nang dumating si Aki sa kanilang bahay ay naabutan nya ang kanyang parents. Natuwa sya dahil ilang linggo din silang di magkasama kahit man lang sa pagkain ng breakfast. Nagpasya silang mag dinner sa labas sa isang seafood restaurant. Kwentuhan sila habang kumakain. Sinabi nya sa mga ito na member na sya ng pep squad sa school at tuwang tuwa naman sila para sa anak. Nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan ng may mapansin si Aki sa di kalayuan. Si Rafael na naka upo sa isang table. Bumilis muli ang kabog ng kanyang dibdib. Na excite sya ng makita nya si Raf sa di iniaasahang lugar. Nagpa alam sya sa kanyang parents para lapitan si Raf. Pumayag naman ang mga ito. Habang papalapit sya ay lalong lumalaks ang kabog sa kanyang dibdib. Isang buntong hininga muna bago sya tuluyang lumapit dito. “Raf. Sinong inaantay mo dito?’ bungad nya kay Raf. “Uy, ikaw pala Aki. Upo ka. Wala akong inaantay, kakain ako ng dinner dito. Favorite ko kasi ung chili crab nila.” Si Raf. “Ikaw, anung ginagawa mo dito?” tanung ni Raf. “I’m with my parents. One week din kasi kaming di magkaka sama eh” si Aki. “Ah ganun ba. Nakaka hiya naman, baka di ka pa tapos kumain eh lumapit ka na dito.” Si Raf. “Hindi naman. Okay lang kasi nagpaalam naman ako sa kanila.” Si Aki. Sandali pa silang nag kwentuhan at nagpa alam na si Aki na babalik na sa table nila. Sakto namang dumating ang order ni Raf. Pagkabalik ni Aki ay tinanong ng mommy nya kung sino ang kinausap nya. Kinuwento nya ang tungkol kay Raf at dahil nga open na sya sa parents nya ay naiintindihan naman nila ito sabay pangaral sa kanya na tapusin nya muna ang kanyang pag aaral. Sinabihan sya ng kanyang parents na imbitahan si Raf sa kanilang table. Lihim na natuwa si Aki dahil mismong daddy nya pa ang nag sabi nito sa kanya. Nilapitan nya si Raf at sinabi nya na gusto syang makilala ng parents nya. Nung una ay nahiya pa si Raf pero dahil na rin nakatingin sa di kalayuan ang mga magulang ni Aki ay tumayo na rin sya at lumapit sya kasabay ni Aki sa mga ito
“Mom, Dad this Raf. Team captain ng pep squad naming.” Si Aki. “Good evening po.” Si Raf. “Good evening, hijo. Please join us.” And daddy ni Aki. “Nakakahiya naman po. Wag na lang po.” Si Raf. “Naku, Raf wag ka ng mahiya. Bihira kami maka kilala ng mga kaibigan ni Aki kaya halika na at samahan mo kami dito. Tamang tama at kaka simula pa lang naming kumain.” Ang mommy ni Aki. Sumang ayon naman si Aki sa sinabi ng mga magulang nya. Walang nagawa si Raf kundi maupo na rin sa tabi ni Aki. Pinalipat rin ni Aki ang pagkain mula sa table ni Raf sa table nila. Sabay sabay silang kumain, nag kwento rin si Raf tungkol sa kanya at kung paano sila nagka kilala ni Aki bago pa ito maka pasok sa pep squad. Masaya silang nag kwentuhan pa matapos kumain. Past 10pm na ng mapagpsyahan nila na umuwi na. Ang parents ni Aki ang nagbayad ng bill nila, hiyang hiya naman si Raf pero wala na syang nagawa pa.

Nasa parking lot sila ng magpaalam si Raf sa parents ni Aki. “It was nice meeting you, Raf.” Ang mommy ni Aki. “Same here din po, maam. Sir.” Si Raf. “Just call us Tito and tita.” Ang daddy ni Aki. “Sige po. Tito, tita, Aki, Ingat kayo sa byahe. Salamat pos a dinner.” Si Raf ulet. Inantay muna ni Raf na maka alis sila bago tuluyang lumakad pauwi. Habang nag aabang ng masasakyan ay naalala ni Raf ang itsura ni Aki habang kumakain sila. Masaya ito. Panay ang ngiti. Iba ang kislap ng mata. Ayaw nya sanang mag assume pero ganun kasi sya pag kasama nya si Darwin. Walang pag lagyan ng kasayahan nya pag kasama nya ang tanging tao na hanggang ngayon ay minamahal nya pa rin. Muli ay bumalik sa isip nya si Aki. Mabait naman ito at di mapagkaka ilang gwapo din ito. Magaan na din ang loob nya dito dahil siguro nakikita ang sarili dito nung nag sisimula pa lang sya sa cheering squad. Sandali nyang itunuon ang atnsyon nya sa mga sasakyang dumadaan. Pasado alas onse na at di pa rin sya nakaka uwi. Bukas ay maaga pa sya sa school. Nag taxi na lang sya pauwi. Pag karating sa kanilang bahay ay nag shower at nagpalit ng damit pang tulog. Ilang minuto pa ay nakatulog na sya.

Maaga pa lang ay nasa school na si Aki. Nag babaka sakali na pumasok na si Austin. Pero hanggang sa dumating ang oras ng klase ay wala ni anino ni Austin. Sinubukan nyang tawagan ito pero mukhang naka off pa rin ang cellphone nya. Natapos ang araw nya sa school. Pakiramdam nya ay may kulang sa kanya. Na mi miss nya si Austin, ang kakulitan nito at kabaitan. Nasa study hall sya at nakikinig ng I pod nya nang may tumabi sa kanya. Laking gulat nya ng makita si Raf sa tabi nya. Inalis nya ang kanyang earphone at hinarap si Raf. “Mukhang malungkot ka ata.” Si Raf sabay ngiti sa kanya. “Di naman. Pagod lang siguro.” Si Aki “Okay lang yan, masasanay ka din.” Si Raf. Ngumiti lamang si Aki sa sinabi ni Raf. Kahit papano kasi ay nabawasan ang lungkot nya sa pagkaka miss nya kay Austin. Marami pa silang napag kwentuhan tungkol sa buhay buhay. Napakaraming natutnan ni Aki sa mga experience ni Raf sa buhay. Ilang minuto pa ay inaya sya ni Raf sa headquarters ng pep squad, may mga bagong dating daw kasi na drums kaya kailangan nya itong tignan. Sumama si Aki at sabay silang pumunta sa headquarters. Pag dating doon ay andoon na ang mga drums, dahil walang alam si Aki kung paano ito kinikilatis ay naupo na lang sya sa isang sulok habang abala si Raf sa pag iinspeksyon ng mga ito Pagka tapos ay naupo din si Raf malapit sa kinauupuan ni Aki. Walang imikan. Parehom silang nakikiramdam Parang sasabog ang dibdib ni Aki sa halong kaba at excitement. Wala syang iniisip na mahalay sa pagkakataon nay un, ang nagpapa kabog ng dibdib nya ay ang reyalidad na kasama nya ang taong mahal nya sa isang lugar na sila lang dalawa.

“Aki.. Raf” sabay nilang tawag sa isat isa. Nagakatitigan sila. Tanging mag mata lang nila ang nag uusap. “Rafael…”si Aki. “Yes…?” si Raf Hindi sumagot si Aki bagkos ay inilapit nya ang mga labi sa labi ni Raf. Ilang sandali pa at naglapat ang kanilang mga labi, ramdam ni Aki ang init na unti unting bumabalot sa kanyang katawan. Di sya makapaniwala sa nangyayari. Ang mga labi ng lalaking pangarap nya ay ngayo’y nakalapat sa mga labi nya. Kung panaginip ito ay ayaw na nyang magising pa. Bigla syang bumalik sa kanyang sarili at kumalas mula sa pagkaka lapat ng mga labi nila ni Raf. Dali dali syang tumayo at nag lakad palabas ng pintuan.

“Aki, wait. Saan ka pupunta?” si Raf. Hindi nya magawang lingunin ito. Di nya alam kung may mukha pa syang ihaharap kay Raf. “I’m sorry… hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. Pasensya ka na.” si Aki habang nakayuko ang ulo paharap sa pintuan palabas.
Magsasalita pa sana si Raf pero wala na si Aki. Tuluyan na itong nakalabas ng silid. Walang nagawa si Raf kung di itakip ang mga palad nya sa kanyang mukha. Hindi sya dapat pumayag. Hindi nya dapat hinalikan si Aki.

Ngayon pati sya hindi na rin alam kung paano nya haharapin si Aki sa Sabado during their practice. At paano kung malaman din ni Darwin ang nangyari? Un ang hindi nya kayang mangyari, ang mawala si Darwin sa kanya. Tuluyan syang napa upo sa isang sulok at iniyuko ang ulo… Ngayon lang sya nalito at naguluhan ng ganito….




ITUTULOY..