gboi's haven

Wednesday, July 7, 2010

God gave me You







LOVE comes UNEXPECTEDLY

Yan ang lagi kong naririnig sa mga kaibigan ko. Sabi nila hindi daw hinahanap ang love, kusa daw itong darating. Well, in my case..hindi na siguro sya darating ulit.

Ako nga pala si Allen, 26 years old. 5'8 at half-chinese. Nasa high school na ako ng malaman ko kung anu talaga ang sexual preference ko. Tanggap naman ito ng parents at mga ate ko. Yes, bunso po ako at nag iisang lalaki sa pamilya.

Nasa college na ako ng makilala ko ang taong pinag laanan ko ng aking puso.. si Rodney. We were classmate since Freshmen year namin. Mabait, thoughtful at maalaga si Rodney. Halos walang oras na hindi kami magkasama, kahit weekends magka sama pa rin kami. We consider ourselves as best buds. Akala ko straight si Rodney at sadyang mabait lang sya sa mga tao sa paligid nya. We were on our sophomore year when I realized that I;m inlove with him, though I kept as a secret since takot ako na ma reject at masaktan.

It was our University foundation day and our course was assigned to have a jail booth. 2nd day na ng fair. Walang pasok ang lahat ng courses. After lunch ako dumating sa school. I was walking down the walkway papuntang school ground ng i announce susunod na huhulihin for gthe jail booth ang mga naka suot ng BLUE na damit. Napa ngiti ako, kasi alam ko na ang jail booth at for sure masaya un. Then suddenly, one of my classmate approched me and says "HULI KA!" Doon ko na reliazed na naka blue pala ako na polo. "Wait! hindi ba ako exempted?" tanong ko. "Sorry Allen, hindi tayo exempted" ang classmate ko. "magkano ang bail? Magbabayad na lang ako" pag mamakaawa ko. "200 pesos ang bail pero hindi ka pedeng I bail ang sarili mo. Dapat isa sa mga ka kilala mo ang mag bail sa'yo" tuloy tuloy na sabi ng classmate ko.
DAMN! bulong ko sa sarili.

No choice. kailanagn kong makulong until someone will pay for may bail. Asar an asar ako. Aside sa maiinit sa loob eh pinag titinginan pakami ng ibang students. 10 minutes na akong naka kulong pero wala pa ring nag ba bail for me. kahit mga classmates ayaw akong tulungang maka labas. bad trip na araw to. sabi ko sasarili ko. 15, 20, 30 minutres ang lumipas. Wala padin. Bigla kong naalala si Rodney. I called him. "Rod, nasan ka?" tanong ko. "Papuntang school ground, bakit?" si Rodney sa kabilang linya. "Nahuli kasi ako sa jail booth eh, help me naman oh" ako. "HA?! bakit ngayon mo lang sinabi?. Kanina ka pa ba dyan?" sunod sunod nyang tanong. "Mga 30 minutes na" ako ulit. "Wait lang.. paratting na ako dyan ah" si Rodney sabay patay ng cellphone nya.

Wala pang 5 minutes at dumating na si Rodney. Nagbayad nag 200 for the bail. "Ok ka lang ba?" tanong ni Rodney. "Ok lang. Eto pawisan nga lang" sabi ko. Angulat ako ng punasan nya ang pawis ko sa mukha in fromnt of our classmates and schoolmates na nasa loob ng jail booth. "Ayyyiiieeeee!!!" halos sabay sabay na sigawan ng mga classmates namain. Namula ako at si Rodney naman ay ngiti lang ang isinagot sa kanila.

Napaka sunduan namin na mag palipas ng oras sa ilalim ng puno malapit sa gym. "Salamat ah, I owe one, Rod. ako habang nag pupunas ng pawis sa leeg at mga braso. "Sus, wala un.. ikaw pa.. eh.. ma.." biglang pag putol ni Rodney. "Anu un..? sabay tingin kay Rodney. "Wala.. wag mo na akong pansinin. Si Rodney.

Tahimik kaming 2 while watching the students passing by papauntang gym. May mga dalang ballons, stuffed toys. Un ibang girls may dalang flowers pa. "Ang cute naman, may dala silang flowers" bigla kong nasabi.


Itutuloy..

No comments:

Post a Comment