gboi's haven

Monday, December 20, 2010

The game of Life and Love









Trouble is part of your life — if you don’t share it, you don’t give the person who loves you a chance to love you enough.

-Dinah Shore



CHAPTER 1: UNANG SULYAP


“It’s 13 serving 14 for our final and last set of the game. This could be the last set for the season if the Red Phoenix will win this or will the Fighting Irish extend this match.” Sabi ng commentator. Nag serve ng bola ang isang manlalaro ng Fighting Irish na na -received naman ng kabilang team. “Singson sets the ball to Cuevas and he hit a quick play and its down the line!” ang commentator ulet. “The Red Phoenix wins its 3rd championship.” Eksahiradong announce ng isa sa mga commentator. Tuwang tuwa naman ang mga taga suporta ng Red Phoenix. Sa tatlong sunod sunod na season ay pinatunayan nila na sila ang dapat katakutan sa larong volleyball mapa Men’s or Women’s. Nagkamayan ang magkabilang koponan matapos nito ay ibinigay na sa kanila ang malaking tropeyo bilang kampyeon ng torneyo. “Ladies and gentlemen, our 2010 Inter-Collegiate Volley ball Grand Prix Champion, XIAM University Red Phoenix!!” pag aannounce ng emcee. Hiyawan ulit ang maririnig sa loob ng stadium, habang isa isang sinasabitan ng medals ang mga players ng winning team.

“And this year’s MVP goes to.. Benjamine “Benjo” Cuevas of XIAM University. Lumapit sya upang tanggapin ang trophy at pagka tanggap ay itinaas nya ito sabay kaway sa lahat ng supporters ng kanilang team. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakuha nya ang MVP award. Tuwang tuwa ang kanyang mga team mates sa natanggap nyang award, maging sya ay masayang masaya dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli sya ang naging #1 player torneyo. Importante sa kanya na manguna sa lahat ng bagay, kahit nung Grade school at High school sya ay lagi sya ang top 1 sa klase. Lagi din syang class President at naging Student council President din sya noong High School. Ang pilosopiya nya sa buhay ay “2nd placer is the first loser” at I never reckoned second best”. Ambisyoso at mayabang ang dating para sa iba. Pero sa mga taong alam ang mga pinag daanan nya ay naiintindihan nila si Benjo. Lahat naman ng mga ito ay pinag sisikapan nya, kahit kailan ay hindi sya gumamit ng tao or pera para lamang manguna sa lahat ng aspeto sa buhay. Ito ang namana nya sa kanyang Mama, ang matututong mag sumikap para umangat sa buhay. Para sa kanyang Mama, hindi naka salalay sa ibang tao ang iyong tagumpay. Dapat ay ikaw mismo ang mag sumikap para matupad at makamit ang lahat ng nais sa buhay, at yun ang dinala nya mula ng tumungtong sya sa eskwelahan. Matapos ang awarding ay masayang umuwi ang buong Red Phoenix Team pabalik sa kanilang school. Nang sumunod na araw, isang maliit na celebration ang inihanda ng kanyang Mama para sa kanya na dinaluhan ng kanyang mga team mates.


Konting inuman at kantahan sa videoke ng ginawa ng mga team mates ni Benjo. Tuwang tuwa naman ang kanyang Mama sa kakulitan nila. Halos umaga na ng matapos ang selebrasyon at isa isa nang nag uwian ang mga kasamahan ni Benjo. Matapos iligpit ang mga ginamit sa party ay tuluyan ng umakyat si Benjo sa kanyang kwarto. Naligo sya at nagpalit ng damit pang tulog, naka higa na sya ng kumatok ang kanyang Mama. Binuksan nya ang pinto at napansin na may dala itong isang paper bag na may kalakihan.
“Oh Ma, anu yan?” si Benjo. Iniabot ng kanyang Mama ang paper bag at doon nya nabasa kung kanino ito nang galing. “Alam nya na kayo ang mag cha champion this year.. kaya last week ay dinala nya yan dito.” Ang kanyang Mama. “Di ko naman kailangan ito eh, madami na akong sapatos. At saka ganito na lang ba lagi? Materyal na bagay lang ang pampa lubag loob nya sa atin?” may himig tampo na sabi ni Benjo. “Anak.. intindihin mo na lang sana ang sitwasyon.” Ang kanyang Mama. “Hanggang kailan, Mama? From the start ganun ang ginawa ko.. pati ikaw.. pero anong napala natin? Meron ba?” si Benjo na unti unting bumabagtas ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Tumalikod sya at inilapag ang paper bag sa tabi ng kanyang kama. Wala ni isang salitang nasabi ang kanyang Mama, batid nito ang sama ng loob ng anak. Tama nga siguro si Benjo, Hanggang kailan ganito ang sitwasyon?. Dahan dahang isinara ng kanyang Mama ang pinto ng kwarto. Nilingon ni Benjo ang pintuan, wala na ang kanyang Mama.. doon nag simula syang humagulgol sa sama ng loob na matagal na panahon nyang kinimkim..

“Napaka unfair mo.. ni minsan hindi kita naramdaman..at kahit kailan hindi kita kayang patawarin sa ginawa mo sa amin ni Mama.. balang araw, makaka bawi din ako sa’yo.” Bulong ni Benjo sa sarili. Mula sa pagkaka upo sa gilid ng kama ay nahiga sya, pinahid ang luha sa kanyang mga mata at tuluyan syang pumikit .. Mahaba pa ang panahon na gugugulin nya para matupad ang mga pangarap at plano nya, pero hindi sya susuko dahil ito ang magiging daan para sa pag bawi sa mga luhang iniyak nilang mag-ina…




“Good morning, Mom.. good morning Dad..” bati nya sa mga magulang na nasa gazebo sa kanilang garden habang nag aalmusal. “It seems like you’re in a good mood today, huh!” bating sabi ng kanyang Mommy. “Oo nga, last week eh parang guguho na ang mundo mo dahil kay Alexis.” Ang Daddy nya. “Please, dad.. I don’t want to ruin my week..” sagot nya. “Am sorry, son.. but I’m happy that you’re okay now.” Ang Daddy nya. “Am not just okay… am better now. We’ll see kung sino ang nawalan sa aming dalawa.. at malalaman nya kung sino ang pina iyak nya.” Sagot ulit nya. “Hijo, hindi maganda ang tono ng salita mo ah, hindi ko gusto yan..” babalang sabi ng kanyang Mommy. “Mom, am just kidding.. am not gonna stoop down to his level. Like my God! Wala syang bilang sa akin.. Ahahahah!” tawang sagot nya habang kumukha ng sliced apples. “Good, alam mong ayaw namin ng Mommy mo na napapasok ka sa gulo.” Ang Daddy nya. “Don’t worry, Dad. I wont cause any trouble.” Sabay kagat sa isang slice ng mansanas.


Sya si Theodore Joseph or TJ para sa mga kaibigan at kamag anak nya. Nasa 2nd year college sa kursong Interior Designing. Lumaking may gintong kutsara sa bibig gaya ng sabi ng iba, spoiled brat kung minsan pero sa mga taong nakaka kilala sa kanya, isa sya sa mga taong maari mong takbuhan at hingahan ng mga problema at makaka siguro kang makaka hanap sya ng solusyon sa problema, pag sya ang nilapitan mo. “I need to go now, we have a meeting by 10am for our exhibit sa school. I need to beat traffic along EDSA and España.” Si TJ. Humalik sya sa kanyang Mommy at Daddy. Matatamis na ngiti ang nakuha nya mula sa mga magulang. Tuluyan nyang iniwan ang mga ito at tinunngo ang lugar kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan, ilang linggo pa lamang ito sa kanya. Isang regalo mula sa kanyang parents dahil sa pagiging Dean’s lister nya nung Freshman sya. Marahil ay wala ng mahihiling pa si TJ sa kinagisnang buhay nya. Marangyang bahay, sasakyan, bank accounts na hindi bababa sa mahigit 3 milyon para lamang sa kanya. At isang masayang pamilya. Lahat na ata ng bagay na hihilingin ng isang tao ay nasa kanya na.

Binabagtas ni TJ ang kahabaan ng EDSA, 8am sa orasan ng sasakyan nya. Rush hour at bumper to bumper na ang traffic. He needs to be in school by 9am or else he’s dead. Sya ang President ng College’s Student Body sa kanilang University. Sa edad nyang 19, ay sya na ang pinaka batang humawak ng posisyon na yun sa history ng kanilang course. Dahil sa aking galing at talino, isama na rin ang charm sa tao. Masasabing perfect sa kanya ang posisyon.

Past 9 am ng marating nya ang University. Halos takbuhin nya mula parking lot papuntang building ng College of Fine Arts sa pagmamadali. Pag dating nya sa room ay halos wala pa lang tao doon maliban sa Secretary nila na si Liza at ang kanilang Treasurer na si JV. Binati nya ang mga ito at inihanda nya ang mga gagamitin para sa meeting at sa kanilang presentation para sa mga deans na makaka sama nila sa meeting. Ito na kasi ang pinakamalaking event na gagawin ng kanilang organization at nais nilang mging maayos ang lahat. Makalipas ang 30 minutos ay dumating na rin ang mga makaka sama nila at doon ay nag simula na ang kanilang meeting.




“Benjo, hindi ka ba papasok? Pasado ala-9 na.” ang kanyang Mama. “Alas dose pa po ang klase ko Ma, 2 subjects lang po ako today pero ma late po akong umuwi kasi may practice po kami para sa Summer League .” sagot Benjo “Ah ganun ba. Oh sya, halika na dito at nakahain na ang agahan mo. Kumain na ako kanina dahil marami akong aasikasuhin ngayon.” Ang Mama nya. “Babalik kayo sa agency ulit?” Eh di ba sabi nyo hindi na kayo babalik sa Israel?” si Benjo. “Anak, kailangan na eh. At saka un pa rin ang amo ko doon, mababait naman sila at maalaga sa kasambahay.” Ang Mama nya. Nalungkot si Benjo sa tinuran ng kanyang ina. Marahil ay totoo ang sinabi ng kanyang ina. Kahit kasi varsity scolar sya ay may iba pa rin silang gastusin sa bahay at sa school nya, at hindi marahil sapat ang maliit na sari sari store ng ina para suportahan ang pangangailangan nila. Dati ng OFW ang kanyang ina sa parehong bansa, mahigit 7 taon sya doon bago bumalik sa bansa upang masubaybayan sya sa kanyang pag laki ngunit ngayon ay muli silang magkakahiwalay ng ina. “Ma, mag working student na lang po ako. Para naman maka tulong sa inyo.” Si Benjo. “Anak, mahihirapan ka. Paano ang pag lalaro mo at ang scholarship mo?” and kanyang ina. “Ma, kaya ko yun. Time management lang yun, Mama. Ayoko ko lang na aalis ka pa.” si Benjo ulet. “Anak, nakapag desisyon na ako, at alam ko na naiintindihan mo ako. Para din sa’yo ito. Pangako sa’yo, pag naka tapos ka na, uuwi ako para magkasama na ulit tayo. Dalawang taon lang yun.” Ang kanyang Mama. Napa buntong hininga na lamang si Benjo sa sinabi ng ina at itinuloy ang pagkain ng agahan.

11:30 am nag marating ni Benjo ang school. Halos wala sya sa kanyang sarili sa kaiisip sa nalalapit na pag alis ng bansa ng ina. Naupo muna sya sa ilalim ng isang puno malapit sa gym. Maaga pa para sa kanyang klase at hindi din nya alam kung makaka pag focus sya dahil sa dinandalang isipin.
“Am pretty sure na malilim ang iniisip mo or may mabigat kang problema.” Mula sa isang tinig sa kanyang kaliwa. “Ikaw pala yan, Mikee. Medyo may iniisip lang ako. Pasensya ka na kung di kita napansin.” Si Benjo. Sya si Mikee Vasquez, team mate at best buddy ni Benjo. Sa volleyball team na sila nagka kilala. Pareho sila ng course pero ahead ito ng one year sa kanya. “Hindi ba may klase ka ng 12? Bakit andito ka pa? 10 minutes na lang at time nyo na ah.” si Mikee. “Di muna ako papasok, di ako sure kung maiintindihan ko ung lesson lalo na kung ganitong may iniisip ako.” Si Benjo ulit. “Anu ba yun at baka matulungan kita” si Mikee. Kinuwento nya kay Mikee ang iniisip nya ganun na din ang plano nya na pag wo working student para maka tulong at din a umalis ang ina nya. “Alam mo bro, ganito lang yun eh. Lahat ng bagay gagawin ng magulang para sa kanilang mga anak. Kahit mag sacrifice pa sila. You’re Mom must be proud of you, kasi atleast ikaw gusto mong tumulong sa kanya. Pero tama din sya na baka hindi mo kayanin pag nag trabaho ka pa. Alam mo kung gaano kahirap ang training natin.” Si Mikee. Napa isip muli si Benjo sa sinabi ng kaibigan, dapat nga ay magpasalamat sya na kahit papano ay hindi sya pinapabayaan na ng kanyang ina hindi tulad ng isang tao na buong buhay nyang kamumuhiaan at kapopootan.




ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment