gboi's haven

Monday, December 27, 2010

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako 4 and 5

Photobucket





Chapter 4

Isang mahinang katok ang gumambala sa pananahimik niya sa kanyang silid. ¨Senyorito, bumaba na raw po kayo sabi ng Papa ninyo.¨anang isang kasambahay nila mula sa pinto.

¨Pakisabi na susunod na.¨at agad niyang tinapos ang iniinom na isang shot ng Jack Daniels mula sa bar counter ng kanyang kwarto.

Bumungad ang malamyos na tugtugin ng banda na inarkila para sa gabing iyon. Isang jazz band ang kasalukuyang nagpe-perform. Paborito niya ang awitin.

Hinayon niya ng kanyang tingin ang mga naging bisita nila para sa gabing iyon. Nakita niya mula sa pintuan ng kanilang mansiyon ang kanyang ama na malapit sa entablado katabi ang kanyang madrasta.

Pamilyar na mga mukha ang nakikita niya ngayon. But somehow , It bore him to know that these familiar faces are actually the plastics of their so-called ¨Elite Society¨ .

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tuluyang lumabas ng mansiyon. Napuno ng mga bisita na magwe-welcome sa kanya ang kanilang bakuran. Sa laki niyon, hindi pa rin nakuhang magsiksikan ng mga tao sa kanilang hardin. Why, kahit na may fountain sa gitna ng garden nila ay di pa rin ito mukhang crowded. Maganda ang pagkaka-ayos ng setting.

¨There you are, Sweetheart.¨si Katrina iyon. Ang kanyang nobya ng pitong taon. Nakangiti niya itong sinalubong. He didn’t expected what she would do next. She kissed her full on the lips. Isang malalim na halik na kanya namang agad na tinugon.

¨I missed you, Sweetheart. How was your flight ?¨nakangiti nitong sambit pagkatapos ng kanilang halikan. ¨I missed you more sweetie, and my flight is always like that. Tiring.¨pabiro niyang tugon dito. Niyuko niya ulit ito at kinintalan ng halik sa mga labi. Not that he wanted everyone to know na miss na miss niya ito. It was all for a show actually. All for Elric’s eyes.

Nginitian niya ang nobya. Alam niyang pinopormahan ito ng stepbrother niya. For the same lame purpose. For the merger and so he can be President of their company, once married to her. Katrina is very beautiful tonight. She wore a body-hugging mint-green gown of Vera Wang that showed her slender body a very provocative view for Adam species. It was a serpentina style creation that was accentuated by sequins from her chest downwards. It has not-so-tolerable slit that allowed men to think various of not-so-wholesome thoughts about this girl.

But, tonight. She is going to be his fiancee. He encircled his hands to Katrina’s waist. He guided her to the dance floor. ¨My, my ! You’re so full of energy tonight sweetheart. We never dance before.¨ naiiling na wika nito bagaman at nababakas ang kasiyahan sa mukha.

¨Then, let me dance with you forever Katrina.¨bulong niya rito. Gboi lifted Katrina’s hands up and turn her around. ¨You look so lovely tonight.¨he added. She giggled. ¨And so are you, Handsome.¨malanding wika nito.

Gboi thought it was an endless dance already. Tiningnan niya ang paligid. Pahapyaw ay nakita niya ang mukha ni Elric. Still for the show, he maneuvered Katrina to his body and kiss her fully on the mouth.

On the other hand, Katrina seemed to be enjoying it. In one quick move, he slipped a ring on her hand to her amazement and excitement. Gboi sighed inwardly. This is it. Tiningnan niya ang mata ng kasintahan.

¨Would you let me dance with you forever sweetie ?¨madamdamin niyang pahayag. Sa kabila ng konsentrasyon niya ay may nahagip siyang pigura mula sa di kalayuan. Isang pigurang madilim ang mukha ngunit nagbabadya ng panganib. Nag-angat siyang bahagya ng paningin, ngunit nawala na ito. Maaring guni-guni lamang iyon.

Ibinalik niya ang mata sa nobya. Namamasa ang mata nito. Tanda ng kaligayahan. Oh Great ! Sigaw ng isip niya. ¨This is really beautiful darling. I did not expected you to do this tonight. But yes ! ¨naluluhang sambit nito.

¨Will you marry me Katrina Menandrez ?¨nakangiti niyang tanong dito. ¨Of course, sweetheart. Why wouldn’t I ?¨sabay yakap nito sa kanya. They kissed again. As if on cue. His father and stepmother approached them, alongside his new fiancee’s parents.

¨I guess this calls for a celebration.¨nakangiting bati ng ginang ng mga Menandrez. Pumunta silang lahat sa entablado at pinatigil sandali ang kumakantang jazzer after exchanging pleasantries to each parties.

Kinuha ni Don Armando ang mikropono. ¨Ladies and gentlemen, may I have your attention please.¨nakangiting wika nito habang di maalis ang abrisiyete ng magaling na esposa sa tabi.

¨Tonight dear guest is a very special night for I have three important announcements. One is to welcome my dear son Gboi Arpon as he stays here for good.¨the crowd applauded. Some greeted Gboi who is at the stage this time.

¨Second, is a very wonderful news. For my son, Gboi Dela-cruz Arpon is finally engaged, with his long-time girlfriend Katrina Menandrez. The only heir Menandrez Shipping Lines.¨pagpapatuloy na anunsiyo ng Don sa kagalakan ng lahat. Well wishers almost went wild for their shouts are intolerable. Parang di mayayaman.

Don Armando scanned the crowed and showed a big grin from his face as he make the final announcement. ¨Lastly Ladies and Gentlemen. My son Gboi Arpon. Is now the new President of Arpon Developers and Arpon Telecoms !¨mataginting na pahayag ng matandang Don.

Lalong umugong ang palakpakan ng iabot sa kanya ng Don ang mikropono. Gboi swallowed a lump in his throat as if he would be reciting in front of his high school homeroom subject. He scanned the familiar faces in front of him. Kanina pa naka-plaster ang ngiti sa kanyang labi. Napapagod na siya ngunit hindi niya pa maaring itigil ang palabas.

¨I would like to thank everyone whose gathered here tonight. Salamat sa pagpunta at sa mga pagbati. The announcement of my wedding details would be on the papers tommorow. But as the new President, It is really a big surprise. You caught me there Old man.¨he said grinning to his father.

He looked for his stepbrothers face after receiving a slur from Mildred, his stepmother kahit na bahagya lang nitong naitago ang pag-ilap ng mata. He matched Elric’s fake smile. Then, he continued. ¨To Elric, Bro, I really would need the help of a trustworthy Vice-President like you.¨nakangiti rin niyang sambit dito.

Elric nodded and mouthed ¨Anything , Bro !¨he knew better that it was a sarcastic remark. Wala lang itong magawa sa ngayon. ¨Thank you again guys and Enjoy.¨he ended. Kinamayan siya ng mga partidos ni Katrina at ng ama pati na ng Madrasta. Sinubukan niya itong asarin. ¨Really Papa, I can’t believe I’m President now. Isn’t it sweet Tita Mildred ?¨nakangiting baling niya rito.

Bahagyang tumalim ang mga mata nito. Ngunit nakangiti pa ring sumagot sa kanya. ¨You deserve it darling. I knew you’d take care of the business just like my sweet Elric.¨plastik talaga ang hitad at nakuha pang isingit ang anak.

Nag-excuse siya sa mga ito at sa nobya na gagamit siya ng banyo. Pumasok siya sa mansiyon at dumiretso sa kusina. Hindi na siya umakyat sapagkat sa backdoor ng mansion ay may CR din.

Napapa-iling na hinagod niya ang mukha ng dalawang palad. Hindi siya makapaniwalang nalusutan na niya ang gabing iyon. Ah… Hindi pa pala. May problema pa siya.

Nagsindi siya ng yosi mula sa bulsa ng coat niya. Pagbugha niya ng hangin ay ginulantang siya ng isang baritonong tinig.

¨Anong ginagawa mo rito ? May party para sa iyo sa loob at nagtatago ka rito ?¨si Pancho na naka-upo sa isa sa mga upuang kahoy na nanduon.

Nabosesan niya lang ito. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito bagamat ang suot nito ay naaaninag niyang kaunti. Naka-moccasin shoes ito. Pantalong maong at simpleng polo-shirt na white. Nakasandal ito sa upuan with legs stretched like logs in the forest.

Napatagal na naman ang titig niya rito na pinutol lang ng magsalita ito. ¨Pasado ba ?¨Tanong nito. Napahiya siyang bahagya at kahit alam niyang madilim sa kinatatayuan niya ay alam niyang namumula siya. What the… ? What’s with the blushing ? sigaw ng isip niya.

Nilapitan niya ito. ¨Hindi ka talaga marunong lumugar sa pwesto mo no, Pancho ?¨nakataas-kilay na bawi niya rito. Tumayo ito. Napaatras siyang bahagya. ¨Talaga bang pakakasalan mo siya ?¨tanong nito sa kanya.

¨What kind of stupid question is that ? Of course I will !¨kulang sa kumbiksyon na sagot niya. Hay naku ! Taksil na puso ! Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya ngayon. Parang bullet train sa bilis ng pagpintig. Was he palpitating ? Sure there are men na ka-excite sa kanya before. But not like this. Para siyang school girl na nilalapitan ng crush niya. Damn !! Erase !! Erase !! Erase !!

¨Oo nga naman pala. I-nannounce mo nga pala kanina. May paluhod-luhod ka pang nalalaman. Parang tunay Gboi.¨saad nito habang patuloy na lumalapit sa kanya at patuloy naman siya sa pag-atras. Oh my !! How come his name sounded so sweet in his lips.

Speaking of lips. Parang doon na yata napagkit ang mata niya. Naramdaman niya ang lamig sa likod. Pader ?! Hala ! Mukhang wala na siyang kawala. Nasa harap na niya ito in an instant.

Panco looked in his eyes firmly. Parang ayaw siyang paibahin ng tingin. Parang nanghi-hipnotismo. Inaakit siya ng kumag. At ang talipandas na tuhod niya ay parang gustong matunaw. Letse ! Parang may mga paru-paro siya sa tiyan. Kaloka !

He decided to close his eyes. But to his dismay, ang amoy naman nito ang napagdiskitahan ng senses niya. Why in the world his senses worked double time everytime this man is near.

He opened his eyes. Errr !! Wrong move. He was now an inch closer. His breath fanning to his face. He looked down his lips. Man ! Wrong move again. He looked up. Then looked down his lips again. Darn ! He felt his member hardened. What ? Just a mere sight of him gave him a hard-on ? This is insane.

¨Magpapakasal ka sa kanya pero ito ang gusto mo ?¨then his lips descended on his. And his damned !….

Itutuloy


Chapter 5


Pancho's lips was slowly descending on his. Napaatras siya ng husto, pinagana niya ang ng husto ang utak niya. Hindi maaring basta na lamang siyang halikan nito. Mabilis na umangat ang kamay niya. His fingers curled and splayed automatically, he wanted to hit his face hard with the heel of his hand. That would have hurt another man had his hand hit its target.

But he wasn't just another man. Ni hindi man lang nakuha ng kamao nya na makalapat sa mukha nito. He realized that a moment too late. Instead, strong fist grabbed his wrist and he was pulled and was rammed into chest that was massive as the rock of Gibraltar.

At bago pa makagawa ng kahit na anong ingay si Gboi, Pancho's mouth was on his, stealing the breath from his lungs. He stiffened. But, he's stillness is only temporary. Soon, Heat burned through him. Naramdaman niya ang mainit na likidong tila tumatagos sa kanyang mga buto. Mas matangkad lang ilang pulgada sa kanya si Pancho, ngunit sa pagkakataong iyon, tila tinakasan na ng lakas ang kanyang katawan at napaliyad na lamang siya sa sensasyon na kanyang nadarama.

He clung to him as soon as the kiss deepened. Namalayan na lamang niyang naka-kapit na ang kanyang kamay sa batok nito. His lips were soft yet firm. Bagay sa nagmamay-ari ng mga pares na iyon. He felt the muscles of his stomach contract as his slick and wet tounge slid erotically over his.

He is no amateur when it came to kissing. In fact, he kissed a lot that he lost count already. But the kisses that they're sharing right now is really a mind-boggling one. His hard body pressed against his. Nangamba siyang bigla na baka maramdaman nito ang kanyang arousal sa likod ng kanyang slacks.

To his horror and delight, one sinewy leg wedged between his as he rubbed his thigh against his sex. Biglaang pagkalito ang kanyang naramdaman. Marahil ay nadama rin ni Pancho iyon kaya biglang nag-iba ang paraan nito ng paghalik. He was now kissing him sweetly. A kiss he has never done before. His tongue delved deeply in his mouth. Searching. Begging. Seducing. As if asking him to abandon reality and be with him amidst the wilderness of fantasies.

A soft moan came out of Pancho's mouth. Was he aching too? As much as he ached for this man. He leveled with his kissing. Ignited by the fire that Pancho started, he returned his kisses with equal fire. His hands roamed the muscled back of the man that was kissing him. He didn't want him to stop. Not when desire already melted all his inhibitions and discarded the thought that someone might actually pop out of nowhere and see them kissing.

He's hot all over with desire he never felt before that numbed his mind. Tinutugon niya ang mga halik nito ng mas mapusok. Mas mainit. He's mad. Wild. Never had a man's or a woman's kiss affected him so much. And their kisses were unshamedly carnal.

He wanted him. Higit pa sa kung anupaman. Binago nitong muli ang paghalik sa kanya. As if making love to him right there and then. His tongue were mimicking the act. Withdrawing his tongue back and forth his mouth. Oh man! This is really crazy! His mouth was unapologetically hungry. Napasinghap siya sa natuklasan. He's also aroused like him! Isang nagbubunying kalooban sana ang kanyang mararamdaman ng biglang katulad sa mga pantasya at fairytale books. The fantasy had to end.

He abruptly ended the kiss. Leaving him hanging. Nakapikit pa siya at ang tanging nararamdaman ay ang hanging mabining humahaplos sa kanyang mukha. Napadilat siya. Bakas ang pagtataka sa mukha.

"Magpapakasal ka sa kanya pero sa akin ka nakakadama ng ganito. Does she kiss you like this?" nanunuyang tanong nito sa kanya. That hit him hard! Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang pakiramdam. Nahimasmasan siyang bigla. So lahat ng iyon ay para lang pamukhaan siya?

Nag-igtingan ang mga ugat niya sa leeg. Alam niyang namumula siya sa labis na pagkakapahiya. "Kaya ka ba niyang pag-initin ng katulad ng ginawa ko sa iyo kanina lang?" pagpapatuloy nito. His warmth still affected him. Ngunit hindi niya hahayaan ang damuhong ito na magtagumpay sa pagpapahiya sa kanya. Hindi nito makukuha ang reaksyon na gusto nitong makuha.

His face went blank. Inayos ni Gboi ang sarili. Kinalma ang isipan. He wanted to hurl at him. Pero sa kadahilanang hindi niya alam ay hindi niya magawa. Tinapatan niya ang tingin nito. His face devoid of any emotions. "Have I failed you, Pancho? You also returned my kisses with equal passion. And from the looks of it, mukhang di ka pa rin nakaka-recover." At sinulyapan niya ang kayo ng maong na suot nito. Naroroon pa ang ebidensya ng pagpapa-init niya rito.

The bulge on Pancho's crotch is really amazing. He can only imagine what else it could offer. Tiningnan din ni Pancho ang sinusulyapan niya. Isang nang-iinsultong tingin at ngiti ang ibinalik nito sa kanya. "Ano? Gusto mo bang makita ito? Gusto mong hawakan?" Pancho referring to his member.

Gboi smirked. "I also have a thing like that." he retaliated. "Besides, you won't dare show it here. At mukhang maliit lang yan." pang-iinsulto pa niya.

Tumawa ng malakas ito. His laughter echoed in that portion of their backyard. Naaliw siyang bigla na pagmasdan itong tumawa. Parang bumata ng ilan taon ang edad nito. How old is he anyway? Thirty? Thirty-two? Nah!! Sinaway niya ang sarili. Muli niyang ibinalik sa pagiging blangko ang mukha ng magbalik ang tingin nito sa kanya.

Pancho's brows arched and lop-sided smile that's as deadly as viper formed in his lips. Ang talipandas. Hindi nauubusan ng pang-gayuma sa kanya. Ibinalik niya ang composure. Simula ng makilala niya ang lalaking ito, nasisira na ang kanyang resolve. Hindi siya ganoon kahina sa pakaka-alam niya.

Ngumiti ito. As saccharine as the sunrise at nagwikang "Hypocracy becomes you Gboi. Considering how you sucked my tongue a while ago. Or maybe you're doing some sort of reverse-psychology. Well, if you think that I would give you a fucking chance to see my dick. You had another think coming." diretsong pahayag nito sa kanya bago tumalikod at bumalik sa loob ng mansiyon sa gulat niya! That was a revelation. Napasinghap siya sa dalawang reyalisasyon niya ngayong gabi. At hindi iyon nakakatuwang pakinggan!

Itutuloy....

Tuesday, December 21, 2010

The Game of LIFE and LOVE Part 2

CHAPTER 2: PAGLISAN at BAGONG PAG SISIMULA



Makalipas ang ilang buwan ay nakatakda ng umalis ang Mama ni Benjo papuntang Israel. Isang araw ang iniliban ni Benjo sa klase at volleyball practice para makasams ang ina. “Oh anak, wag mong kalilimutan ang mga bilin ko ah. Alam ko na responsible kang bata pero kailangan ko lang makasiguro na magiging maayos ka ditto mag isa.” Ang kanyang Mama habang naglalagay ng mga natitirang gamit sa na dadalhin sa Israel. “Opo, Mama. Ako na pong bahala dito. At wag po kayong mag alala, tatandaan ko po ang lahat ng bilin nyo.” Si Benjo. “Kada Linggo ay darating ang Tyang Mameng mo para ipag laba ka at ayusin na rin ang bahay. Naka usap ko na sya tungkol dito” ang kanyang Mama ulit. Tumango lamang si Benjo. “Basta anak, magpapakabaiit ka dito at mag aaral kang mabuti.” Bilin ng ina. “Opo.. Mama.” Si Benjo na nag uumpisa ng mag unahan ang mga luha sa umagos mula sa kanyang mga mata. Nilapitan sya ng kanyang ina at niyakap ng mahigpit. Doon bumuhos ang emosyon nya. Napuno ng luha ang kanyang mga mata, tanda ng kalungkutan at pangungulila na madadama nya sa paglisan ng ina upang mabigyan lamang sya ng maayos na pamumuhay. Isang halik sa noo ang iginawad nya sa kanyang ina. Pinahid nito ang mga luha nya sa mata. “Anak, magpakatatag ka. 2 taon lang ito. Mabilis lang yun.” Ang kanyang Mama. “Ma, mag iingat ka doon at tatawag ka lagi ah para naman alam ko kung okay ka doon or hindi. At saka Mama, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng Benjo mo.” Si Benjo. Nagtawanan sila at ipangpa tuloy ang pag iimpake ng gamit.

Araw ng Lunes, araw ng paglipad ng kanyang Mama patungong Israel. Malungkot man si Benjo ay pilit nyang ipinakita sa ina na kakayanin nyang malawalay sa ina ng 2 taon para na rin sa kanilang kinabukasan. Pag dating sa airport ay muling binilinan si Benjo at bago tuluyang pumasok sa loob ng airport ang kanyang ina ay isang matamis na halik ang giniwad nya dito. Nang maka pasok ang kanyang Mama sa loob ay hindi pa sya umalis at hinintay nya ang pag lipad ng eroplano para sa huling pagkakataon ay makapag paalam sya dito.

Nakarating ng bahay si Benjo bandang alas 3 ng hapon. Inayos nya ang kanyang gamit pang practice dahil meron silang ensayo ng alas 6 ng gabi. Naligo sya at nag ayos ng konti sa kanyang kwarto. Mula ngayon ay mag isa na nyang haharapin ang mga gawaing bahay araw-araw, kaya kailangan na nyang matuto. Kung tutuusin ay marunong naman sya di nga lang kasing galing ng kanyang ina. Alas 5pm ng hapon ng umalis sya ng bahay. Pagka dating sa school ay diretso agad sya sa gym kung saan nadoon na rin ang iba nyang team mates. “Oh, dude.. bakit wala ka sa klase kanina?” si Mikee. “Kanina kasi ang alis ni Mama, inihadtid ko sya sa airport.” Si Benjo. “Ah ganun ba. Okay ka lang ba? Basta pag kailangan mo ng kausap ditto lang kami nila coach at ng buong team.” Si Mikee ulit. “Salamat, dude.” Si Benjo.

Nag simula ang practice nila Benjo. Tulad ng dati focus sya sa pag eensayo kahit na alam nya na pag dating nya sa bahay ay mag isa na lamang syang kakain at matutulog. Alam nyang magiging mahirap ang pag aadjust, pero alam nya rin na kakayanin nya ang mga susunod pang araw na magka hiwalay sila ng kanyang ina.





“My God, Liza! Simpleng request letter lang di mo pa magawa?! Ilang araw ko ng hinihingi sa’yo yan ah!.” halos mapatid ang litid nya sa pag sigaw. “At ikaw JV, where’s the budget proposal? I asked you to prepare it after our meeting last week.. hindi naman milyon ang budget na hinihingi natin ah! Nahihirapan ka bang mag compute or wala kayong calculator sa bahay?!
Punong puno ng tensyon ang buong meeting room habang nanggagaliiti sa galit si TJ dahil sa mga palpak na nangyayari sa preparation nila for their exhibit. “TJ, will please calm down. I’m working with Liza for the request letters and Calvin si working with JV for the budget proposal” si Ian ang kanilang Vice President. “Yeah, Ian is right. Just calm down and let us do our part. Masyado kang na pe pressure eh.” Si Calvin and Auditor nila. “You guys don’t have any idea how important this event is. Reputasyon natin ang nakataya dito at hinding hindi ako papayag na pagtawanan lang tayo ng ibang colleges.” Si TJ “We got your point, TJ. But the thing is.. lahat tayo nakilos to make this event successful. And at this point, hind makaka tulong yang pag he hysterical mo.” Si Calvin habang nagka tutok ang mata sa laptop nya. “Hahahah! You made laugh, Calvin. Wag mag hysterical? Palibhasa kasi wala kang ginawa kundi mag Facebook at mag chat dyan sa laptop mo.” Si TJ na matalim ang pagkaka titig sa kanya.

“TJ, please. Just let us do our job. Yun lang yun.” Matigas na sabi ni Ian. Tila naman nahimasmasan si TJ at kumalma sya pagka tapos marinig ang sinabi ni Ian.
“Okay, but I want a positive feedback from you guys by Friday.” Si TJ sabay hablot ng bag at mga gamit nya at tuluyang tumalikod sa mga kausap. Pagkalabas ng meeting room ay naka ngiting iiling iling ang mga kasamahan nya sabay tapik ni Calvin sa balikat ni Ian. Hindi naman talaga ganun ang ugali ni TJ, na pe pressure lamang sya sa itinuturing na pinaka malaking event sa kanilang University. “Sa lahat sa atin dito, si Ian lang ang kayang magpa kalma kay TJ” si Calvin habang nag aayos ng mga gamit niya. “Oo nga. Ano bang meron ka Ian at ganun na lang ka aligaga si TJ pag ikaw na ang nag sasalita?” si Liza. Natawa lang si Ian sa mga sinabi ng mga kasamahan. Sa totoo lang ay dir in nya alam kung bakit kaya nyang mapa amo si TJ pag nagagalit na ito o kaya ay pag nag tatantrums ito. “Alam nyo guys, let’s just focus on the thing we need to prepare for the event. Saka na yang mga usapang ganyan.” Si Ian. “Ayun na nga, changing the topic ang tactic ni Ian oh” si JV. Na puno ng tawanan ang buong meeting room. Nang matapos ang lahat ng pinapagawa ni TJ ay sabay sabay na rin silang lumabas at umuwi sa kani kanilang bahay.


Pag dating ni TJ sa bahay ay sinalubong sya ng kanyang Mommy. “Hows’ school, sweetie?” ang Mommy nya habang karga ang princess type na shih tzu nya. “OMG. Don’t bother to ask, Mom. This is the worst day of the week for me.” Si TJ habang umaakyat sa hagdan patungong 2nd floor. “Mukha nga. Kasi nakalimutan mo ankong bigyan ng kiss.” Ang Mommy nya. Bumaba ulit si TJ at ginawaran ang kanyang Mommy ng halik sa pisngi. “Now, tell me. What happened?” ang Mommy nya. “Nothing, Mom. I don’t wanna talk about it. I felt so insensitive sa mga kasama ko sa organization namin.” Si TJ. Tinitigan sya ng kanyang Mommy. “Mom, quit staring at me. Parang may nagawa akong kasalanan sa’yo ah.” si TJ. “Anak, always remember this. No matter how frustrated you are because of the situation you’re in..never let yourself say or do things that will make other people feel that they’re useless.” Ang Mommy nya. Nalungkot si TJ sa sinabi ng kanyang Mommy. Alam nyang nagka mali sya sa mga nasabi nya sa mga kasama sa organization. “Sorry, Mommy.. bawi ako sa kanila bukas.” Si TJ. Isang yakap ang ibinigay ng kanyang Mommy sa kanya. Nag paalam sya ditto upang makapag pahinga na. It was a long day for him and it will be same until the day of the event. Pagka tapos maligo at makapag palit ng damit ay nag send sya ng text message sa mga kasama sa organization.

Meeting tomorrow at 3pm. Thanks! Matapos mai send ang message ay nahiga na sya at makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na sya dahil na rin sa pagod.




Pasado alas 10 na ng makarating si Benjo sa bahay nila. Napansin nya na bukas ang ilaw sa loob ng bahay pati na rin sa gate. Pag pasok nya ay naabutan nya ang kanyang Tyang Mameng na nanunuod ng isang Koreanovela. “Andyan ka na pala. Hindi pa ako natulog dahil inaantay kita.” Ang Tyang Mameng nya. Nag mano sya ditto at ibinababa ang dalang bag. “Akala kop o tuwing Linggo lang po akyo dadalaw dito?” tanong ni Benjo. “Ganun nga ang usapan namin. Pero tinawagan ako ng Mama mo bago sya umalis na samahan ka dito sa araw ng pag alis nya.” Paliwanag ng tyahin nya. “Ah ganun po ba. Sige po, akyat muna ako para maka ligo. Bababa po ako para kumain.” Si Benjo. Tumango ang tyahin nya at muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood.

Pagka akyat sa kwarto ay diretso si Benjo sa banyo upang mag shower. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba ito para kumain. Napansin nya na naka tulog na ang kanyang Tyahin at tapos na rin ang pinapanuod nito. Pinatay nya ang tv at ginising ang tyahin para palipatin sa kwarto ng kanyang Mama. Dumiretso sya sa kusina upang kumain, pagka tapos ay iniligpit ang pinag kainan nya at isa isang isinara ang mga bintana at ni lock ang kanilang gate at main door. Pag akyat sa kwarto ay agad syang nahiga ngunit kahit pagod ang katawan nya sa practice ay hindi pa rin nya nagawang makatulog agad. Di nya namalayan na unti unting dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Isang araw pa lamang silang magkawalay ng kanyang Mama pero pakiramdam nya ay matagal na panahon na silang makahiwalay. Bumangon sya at pinahid ang mga luha mula sa kanyang mga mata.. Bukas ay panibagong araw na wala ang kanyang Mama, pero alam nya na kakayanin nya ito. Sa lahat ng pinag daanan nilang mag-ina ay wala na atang hindi nya kayang harapin pa. Muli ay bumalik sya sa pagkaka higa at doon ay tuluyan na syang nakatulog.



“Bakit kaya nag patawag ng meeting si TJ?” si Liza. “Ewan ko, nag reply ako sa text nya pero di na sya sumagot eh.” Si Calvin. “Hayaan na natin, baka may importante lang na ipapa gawa.” Si JV Bumukas ang pinto ng meeting room at pumasok ang 2 delivery crew ng isang sosyal na resto malapit sa kanilang University. Dala ng mga ito ang 5 klaseng pagkain at 2 desserts. Nagka tinginan silang 3 at lahat ay takang taka sa nangyayari. Matapos mai ayos ng 2 crew ang mga pagkain ay doon nila napansin si TJ at Ian na nakatayo sa pintuan. “Guys, let’s thank TJ for the wonderful feast that we’re about to share.” Patawang sabi ni Ian. Kinurot naman ni TJ ang tagiliran ni Ian sa sinabi nito. “Guys, sorry sa behavior ko kahapon ah. Sana naiintindihan nyo ako. Pasensya na.” si TJ. “Wala un, TJ. We do understand.” Si Calvin. “Ay, Tama!” si JV at Liza. Nagkatawanan sila at masayang pinag saluhan ang mga dalang pagkain ni TJ. Habang kumakain ay isa-isa nilang pinag usapan ang mga gagawin at gagamitin nila sa event at doon napansin ni TJ na mas madali nilang na resolve ang mga issues. Masaya silang natapos sa meeting at ang ibang natirang pagkain ay ibinigay nila sa mga office staffs at janitor sa College of Fine Arts. Naunang umalis sila Liza, JV at Calvin para umattend sa kani kanilang klase.

“Pauwi ka na ba, TJ?” si Ian. “Yup. Dami ko pa rin kasing tatapusing assignments at reports. Medyo napag iiwanan na ako sa klase.” Si TJ. “Ganun ba, gusto ihatid kita sa inyo?” si Ian. “Naku wag na. dala ko naman ang sasakyan ko at saka out of way ung lugar naming sa condo mo.” Si TJ. “Okay, if you say so. So paano.. see you na lang bukas.” Si Ian. “Okay, sige! Ingat sa pag drive and thanks!.” Si TJ. “Sure, thanks din.” Si Ian. Pagdating sa parking lot ay naghiwalay na silang 2 at sumakay sa kani kanilang sasakyan. Masaya si TJ dahil sa wakas ay matatapos na rin sila sa planning period for their events. Marami pang araw ang gugugulin para sa event na ito, pero alam nya na kaya nila itong maisakatuparan.





ITUTUOY…

Monday, December 20, 2010

The game of Life and Love









Trouble is part of your life — if you don’t share it, you don’t give the person who loves you a chance to love you enough.

-Dinah Shore



CHAPTER 1: UNANG SULYAP


“It’s 13 serving 14 for our final and last set of the game. This could be the last set for the season if the Red Phoenix will win this or will the Fighting Irish extend this match.” Sabi ng commentator. Nag serve ng bola ang isang manlalaro ng Fighting Irish na na -received naman ng kabilang team. “Singson sets the ball to Cuevas and he hit a quick play and its down the line!” ang commentator ulet. “The Red Phoenix wins its 3rd championship.” Eksahiradong announce ng isa sa mga commentator. Tuwang tuwa naman ang mga taga suporta ng Red Phoenix. Sa tatlong sunod sunod na season ay pinatunayan nila na sila ang dapat katakutan sa larong volleyball mapa Men’s or Women’s. Nagkamayan ang magkabilang koponan matapos nito ay ibinigay na sa kanila ang malaking tropeyo bilang kampyeon ng torneyo. “Ladies and gentlemen, our 2010 Inter-Collegiate Volley ball Grand Prix Champion, XIAM University Red Phoenix!!” pag aannounce ng emcee. Hiyawan ulit ang maririnig sa loob ng stadium, habang isa isang sinasabitan ng medals ang mga players ng winning team.

“And this year’s MVP goes to.. Benjamine “Benjo” Cuevas of XIAM University. Lumapit sya upang tanggapin ang trophy at pagka tanggap ay itinaas nya ito sabay kaway sa lahat ng supporters ng kanilang team. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakuha nya ang MVP award. Tuwang tuwa ang kanyang mga team mates sa natanggap nyang award, maging sya ay masayang masaya dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli sya ang naging #1 player torneyo. Importante sa kanya na manguna sa lahat ng bagay, kahit nung Grade school at High school sya ay lagi sya ang top 1 sa klase. Lagi din syang class President at naging Student council President din sya noong High School. Ang pilosopiya nya sa buhay ay “2nd placer is the first loser” at I never reckoned second best”. Ambisyoso at mayabang ang dating para sa iba. Pero sa mga taong alam ang mga pinag daanan nya ay naiintindihan nila si Benjo. Lahat naman ng mga ito ay pinag sisikapan nya, kahit kailan ay hindi sya gumamit ng tao or pera para lamang manguna sa lahat ng aspeto sa buhay. Ito ang namana nya sa kanyang Mama, ang matututong mag sumikap para umangat sa buhay. Para sa kanyang Mama, hindi naka salalay sa ibang tao ang iyong tagumpay. Dapat ay ikaw mismo ang mag sumikap para matupad at makamit ang lahat ng nais sa buhay, at yun ang dinala nya mula ng tumungtong sya sa eskwelahan. Matapos ang awarding ay masayang umuwi ang buong Red Phoenix Team pabalik sa kanilang school. Nang sumunod na araw, isang maliit na celebration ang inihanda ng kanyang Mama para sa kanya na dinaluhan ng kanyang mga team mates.


Konting inuman at kantahan sa videoke ng ginawa ng mga team mates ni Benjo. Tuwang tuwa naman ang kanyang Mama sa kakulitan nila. Halos umaga na ng matapos ang selebrasyon at isa isa nang nag uwian ang mga kasamahan ni Benjo. Matapos iligpit ang mga ginamit sa party ay tuluyan ng umakyat si Benjo sa kanyang kwarto. Naligo sya at nagpalit ng damit pang tulog, naka higa na sya ng kumatok ang kanyang Mama. Binuksan nya ang pinto at napansin na may dala itong isang paper bag na may kalakihan.
“Oh Ma, anu yan?” si Benjo. Iniabot ng kanyang Mama ang paper bag at doon nya nabasa kung kanino ito nang galing. “Alam nya na kayo ang mag cha champion this year.. kaya last week ay dinala nya yan dito.” Ang kanyang Mama. “Di ko naman kailangan ito eh, madami na akong sapatos. At saka ganito na lang ba lagi? Materyal na bagay lang ang pampa lubag loob nya sa atin?” may himig tampo na sabi ni Benjo. “Anak.. intindihin mo na lang sana ang sitwasyon.” Ang kanyang Mama. “Hanggang kailan, Mama? From the start ganun ang ginawa ko.. pati ikaw.. pero anong napala natin? Meron ba?” si Benjo na unti unting bumabagtas ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Tumalikod sya at inilapag ang paper bag sa tabi ng kanyang kama. Wala ni isang salitang nasabi ang kanyang Mama, batid nito ang sama ng loob ng anak. Tama nga siguro si Benjo, Hanggang kailan ganito ang sitwasyon?. Dahan dahang isinara ng kanyang Mama ang pinto ng kwarto. Nilingon ni Benjo ang pintuan, wala na ang kanyang Mama.. doon nag simula syang humagulgol sa sama ng loob na matagal na panahon nyang kinimkim..

“Napaka unfair mo.. ni minsan hindi kita naramdaman..at kahit kailan hindi kita kayang patawarin sa ginawa mo sa amin ni Mama.. balang araw, makaka bawi din ako sa’yo.” Bulong ni Benjo sa sarili. Mula sa pagkaka upo sa gilid ng kama ay nahiga sya, pinahid ang luha sa kanyang mga mata at tuluyan syang pumikit .. Mahaba pa ang panahon na gugugulin nya para matupad ang mga pangarap at plano nya, pero hindi sya susuko dahil ito ang magiging daan para sa pag bawi sa mga luhang iniyak nilang mag-ina…




“Good morning, Mom.. good morning Dad..” bati nya sa mga magulang na nasa gazebo sa kanilang garden habang nag aalmusal. “It seems like you’re in a good mood today, huh!” bating sabi ng kanyang Mommy. “Oo nga, last week eh parang guguho na ang mundo mo dahil kay Alexis.” Ang Daddy nya. “Please, dad.. I don’t want to ruin my week..” sagot nya. “Am sorry, son.. but I’m happy that you’re okay now.” Ang Daddy nya. “Am not just okay… am better now. We’ll see kung sino ang nawalan sa aming dalawa.. at malalaman nya kung sino ang pina iyak nya.” Sagot ulit nya. “Hijo, hindi maganda ang tono ng salita mo ah, hindi ko gusto yan..” babalang sabi ng kanyang Mommy. “Mom, am just kidding.. am not gonna stoop down to his level. Like my God! Wala syang bilang sa akin.. Ahahahah!” tawang sagot nya habang kumukha ng sliced apples. “Good, alam mong ayaw namin ng Mommy mo na napapasok ka sa gulo.” Ang Daddy nya. “Don’t worry, Dad. I wont cause any trouble.” Sabay kagat sa isang slice ng mansanas.


Sya si Theodore Joseph or TJ para sa mga kaibigan at kamag anak nya. Nasa 2nd year college sa kursong Interior Designing. Lumaking may gintong kutsara sa bibig gaya ng sabi ng iba, spoiled brat kung minsan pero sa mga taong nakaka kilala sa kanya, isa sya sa mga taong maari mong takbuhan at hingahan ng mga problema at makaka siguro kang makaka hanap sya ng solusyon sa problema, pag sya ang nilapitan mo. “I need to go now, we have a meeting by 10am for our exhibit sa school. I need to beat traffic along EDSA and España.” Si TJ. Humalik sya sa kanyang Mommy at Daddy. Matatamis na ngiti ang nakuha nya mula sa mga magulang. Tuluyan nyang iniwan ang mga ito at tinunngo ang lugar kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan, ilang linggo pa lamang ito sa kanya. Isang regalo mula sa kanyang parents dahil sa pagiging Dean’s lister nya nung Freshman sya. Marahil ay wala ng mahihiling pa si TJ sa kinagisnang buhay nya. Marangyang bahay, sasakyan, bank accounts na hindi bababa sa mahigit 3 milyon para lamang sa kanya. At isang masayang pamilya. Lahat na ata ng bagay na hihilingin ng isang tao ay nasa kanya na.

Binabagtas ni TJ ang kahabaan ng EDSA, 8am sa orasan ng sasakyan nya. Rush hour at bumper to bumper na ang traffic. He needs to be in school by 9am or else he’s dead. Sya ang President ng College’s Student Body sa kanilang University. Sa edad nyang 19, ay sya na ang pinaka batang humawak ng posisyon na yun sa history ng kanilang course. Dahil sa aking galing at talino, isama na rin ang charm sa tao. Masasabing perfect sa kanya ang posisyon.

Past 9 am ng marating nya ang University. Halos takbuhin nya mula parking lot papuntang building ng College of Fine Arts sa pagmamadali. Pag dating nya sa room ay halos wala pa lang tao doon maliban sa Secretary nila na si Liza at ang kanilang Treasurer na si JV. Binati nya ang mga ito at inihanda nya ang mga gagamitin para sa meeting at sa kanilang presentation para sa mga deans na makaka sama nila sa meeting. Ito na kasi ang pinakamalaking event na gagawin ng kanilang organization at nais nilang mging maayos ang lahat. Makalipas ang 30 minutos ay dumating na rin ang mga makaka sama nila at doon ay nag simula na ang kanilang meeting.




“Benjo, hindi ka ba papasok? Pasado ala-9 na.” ang kanyang Mama. “Alas dose pa po ang klase ko Ma, 2 subjects lang po ako today pero ma late po akong umuwi kasi may practice po kami para sa Summer League .” sagot Benjo “Ah ganun ba. Oh sya, halika na dito at nakahain na ang agahan mo. Kumain na ako kanina dahil marami akong aasikasuhin ngayon.” Ang Mama nya. “Babalik kayo sa agency ulit?” Eh di ba sabi nyo hindi na kayo babalik sa Israel?” si Benjo. “Anak, kailangan na eh. At saka un pa rin ang amo ko doon, mababait naman sila at maalaga sa kasambahay.” Ang Mama nya. Nalungkot si Benjo sa tinuran ng kanyang ina. Marahil ay totoo ang sinabi ng kanyang ina. Kahit kasi varsity scolar sya ay may iba pa rin silang gastusin sa bahay at sa school nya, at hindi marahil sapat ang maliit na sari sari store ng ina para suportahan ang pangangailangan nila. Dati ng OFW ang kanyang ina sa parehong bansa, mahigit 7 taon sya doon bago bumalik sa bansa upang masubaybayan sya sa kanyang pag laki ngunit ngayon ay muli silang magkakahiwalay ng ina. “Ma, mag working student na lang po ako. Para naman maka tulong sa inyo.” Si Benjo. “Anak, mahihirapan ka. Paano ang pag lalaro mo at ang scholarship mo?” and kanyang ina. “Ma, kaya ko yun. Time management lang yun, Mama. Ayoko ko lang na aalis ka pa.” si Benjo ulet. “Anak, nakapag desisyon na ako, at alam ko na naiintindihan mo ako. Para din sa’yo ito. Pangako sa’yo, pag naka tapos ka na, uuwi ako para magkasama na ulit tayo. Dalawang taon lang yun.” Ang kanyang Mama. Napa buntong hininga na lamang si Benjo sa sinabi ng ina at itinuloy ang pagkain ng agahan.

11:30 am nag marating ni Benjo ang school. Halos wala sya sa kanyang sarili sa kaiisip sa nalalapit na pag alis ng bansa ng ina. Naupo muna sya sa ilalim ng isang puno malapit sa gym. Maaga pa para sa kanyang klase at hindi din nya alam kung makaka pag focus sya dahil sa dinandalang isipin.
“Am pretty sure na malilim ang iniisip mo or may mabigat kang problema.” Mula sa isang tinig sa kanyang kaliwa. “Ikaw pala yan, Mikee. Medyo may iniisip lang ako. Pasensya ka na kung di kita napansin.” Si Benjo. Sya si Mikee Vasquez, team mate at best buddy ni Benjo. Sa volleyball team na sila nagka kilala. Pareho sila ng course pero ahead ito ng one year sa kanya. “Hindi ba may klase ka ng 12? Bakit andito ka pa? 10 minutes na lang at time nyo na ah.” si Mikee. “Di muna ako papasok, di ako sure kung maiintindihan ko ung lesson lalo na kung ganitong may iniisip ako.” Si Benjo ulit. “Anu ba yun at baka matulungan kita” si Mikee. Kinuwento nya kay Mikee ang iniisip nya ganun na din ang plano nya na pag wo working student para maka tulong at din a umalis ang ina nya. “Alam mo bro, ganito lang yun eh. Lahat ng bagay gagawin ng magulang para sa kanilang mga anak. Kahit mag sacrifice pa sila. You’re Mom must be proud of you, kasi atleast ikaw gusto mong tumulong sa kanya. Pero tama din sya na baka hindi mo kayanin pag nag trabaho ka pa. Alam mo kung gaano kahirap ang training natin.” Si Mikee. Napa isip muli si Benjo sa sinabi ng kaibigan, dapat nga ay magpasalamat sya na kahit papano ay hindi sya pinapabayaan na ng kanyang ina hindi tulad ng isang tao na buong buhay nyang kamumuhiaan at kapopootan.




ITUTULOY…

Thursday, December 9, 2010

Miss XIAM 2010






12 Goddesses.. 12 exceptional beauties will compete to be the 1st Queen of XIAM

Witness as these goddesses show what they have to win the crown on Dec 11, 2010 at the Parliament Infinity Bar, HK Sun Plaza Pasay City..


WHO WILL BE THE 1st MISS XIAM 2010?

Wednesday, November 24, 2010

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako 2 and 3

Kung kaya mo ng sabihing mahal mo ako


By: DALISAY
e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details:If you think you know it all and you are perfect, try walking on water.
-----------------------------------------------------

CHAPTER 2

Hindi inasahan ni Carmencito na isang makisig na lalaki ang kanyang susunduin. Hindi niya kasi ito nakita kahit sa larawan man lang. Pinagmasdan niya ito ng husto habang may kausap sa cellphone.

Hindi nakaligtas sa kanya ang panaka-nakang pagsulyap nito sa kanya partikular sa pagitan ng kanyang mga hita. Alam na niya ang ibig sabihin nun at hindi siya bobo para hindi mahinuhang isa itong bading.

Walang kabakas-bakas sa mukha nito na maaari itong magkagusto sa kapwa lalaki. Paano’y napakaraming babae ang na-link na dito. Ayon sa pagkaka-alam niya. Patunay lamang doon ang kausap nito ngayon na sa balita niya ay siyang pakakasalan nito.

Ah, marahil ito ay isang silahis. Marami na siyang na-engkwentro na katulad nito. Mayroong hayagan ang pang-iimbita sa kanya at ang iba ay talagang hanggang tingin lamang ang paanyaya. Hindi sa pagmamayabang ay may hitsura naman kasi talaga siya. Siya raw ang epitome ng tall, dark and handsome.

Hindi niya alam kung paano iyon pakikitunguhan sa simula ngunit nabatid niyang sa adbentahe niya na rin ang pagkakaroon ng isang magandang mukha. He had tan skin na sa pagkakabilad niya madalas sa araw ay ipinagpapasalamat niya na hindi nasusunog ng husto.

Mapalad siguro siya. Ang katawan niya ay alaga sa gym at sa pagbabanat ng katawan simula pagkabata.

Ngunit ang pinaka asset niyang matatawag ay ang kanyang kulay tsokolateng mata. Marami ang nagsasabing ang mga mata pa lang niya can speak volumes of expression just by staring to anyone in particular. Pwede na niyang iparating agad ang ibig niyang makuha sa titig pa lamang.

Friday, November 19, 2010

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako (Prologue and Chapter 1)

Kung kaya mo ng sabihing mahal mo ako


By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly, but I carry a BIG stick!


I have post this story to several sites including MSOB and Lit. of Life. Ngayon, I'm happy that I'll be posting it here sa MeMyselfandGboi. Sana magustuhan ninyo. The main characters' name is the same name of this site's owner. Namesake lang po siya dito. Ahihihi...


Prologue


“Hindi ko kayang tumawid Kuya!!!!.” Maarteng sigaw ng kapatid niyang si Ara.

“Hindi ko talaga kaya, please Kuya, huwag na tayong tumawid sa hanging bridge na ‘yan.” Dagdag pa nito sa kanyang pag-kairita.

“Paano mong kakayanin ang lahat ng bagay kung sa tuwina’y gusto mong laging may naka-alalay sa’yo. Paano ka matututo?”. Sigaw niya rito na sinagot lang nito ng matinis na tili.

Ganoon palagi ang eksena sa pagitan nilang magkapatid sa loob ng mahabang panahon. Lagi siyang ang taga-alalay rito kapag sinusumpong ng kaartehan. Palibhasa at bunso ito at malaki ang agwat ng kanilang edad.

Noong bata pa sila, ang kinatatakutan naman nito ay multo. Kaya lagi na lang may dala-dala itong agua bendita at rosaryo sa pagtulog. Ilang ulit na nilang ipinaliwanag rito ng kanilang Tatay Ben na walang multo at hindi totoo ang mga iyon. Ngunit kahit anong pagpipilit nila ay hindi nila ito napahinayon sa kaisipang iyon. Pero, lahat ng iyon ay sa nakaraan na lang niya aalahanin…


“Hanapin mo siya Ito. Gusto kong hanapin mo ang gumawa nito sa kapatid mo.” Vindictive ang mga salitang iyon ng kaniyang Tatay Ben.

Hindi kailanman ito naging ganoon sa tanang panahon na kasa-kasama nila ito. Tuwina’y lagi itong mahinahon at may nakahandang ngiti sa mga labi.

Dati itong pari, ngunit ito’y nagbitiw sa serbisyo ng makilala ang kanyang ina. Sampung taong gulang na siya noon. Nauunawaan niya ang tsismis na maaring ikabit sa kanilang pamilya ng dahil sa pagkaka-igihang iyon ng kanyang ina at Tatay Ben.

Ngunit nagplanong magpakasal ang dalawa. Isang taon ng preparasyon ang hinintay ng mga ito na hindi nagkaroon ng katuparan sa biglaang pagka-aksidente ng kanyang ina ng minsang lumuwas ito ng Maynila.

Bigla ay naging ulilang lubos siya. Dinamdam niya ng husto ang pagkamatay ng ina. Hindi niya kilala ang kanyang ama. Iniwan lang nito ang kanyang ina at hindi niya alam kung nalaman nito na nabuntis nito ang kanyang ina.

Kinupkop siya ni Tatay Ben at hindi na ito muli pang nagkaroon relasyon sa iba. Hindi rin naman ito makababalik pa sa pagkapari. Tatlong-taon ang lumipas ng iwanan sa harapan ng kanilang tahanan ang isang sanggol na babae at pinangalanan nilang Ara.

Anak ito ng isang belays na naki-usap sa kanyang Tatay Ben na alagaan ang bata pagkapanganak nito dito. May nakalakip na sulat at pagkakakilanlan ang sanggol ng iwan ito sa kanila na nagkumpirma sa balaking iyon ng ina nito.

Inalagaan nila ang sanggol. Binantayang maigi at pinrotektahan sa abot ng kanilang makakaya bilang dalawang lalaki sa pamilya.
Spoiled it okay Tatay Ben at tanging siya lang ang sumasawata rito paminsan-minsan.

Natuwa sila na lumaki itong magandang dalaga bagama’t natakot rin ng tumuntong ito sa edad na labing-lima ay nagging lapitin ng manliligaw. Ngunit mukhang hindi naging ang lahat ng pag-iingat na ginawa nila para rito.

Sinulyapan niya ang magarang kabaong na kinalalagayan ng kapatid. Hindi pa rin siya makapaniwalang ang laman niyon ay ang pinakamamahal nilang bunso.

Nasa estado pa rin siyang gustong tanggihan ang ideya na kapag sinulyapan niya iyon ay ang hapis na loob ng kanyang kapatid ang makikita at makikita niya roon. Hindi niya nailarawang-diwa na maaring mangyari ang ganoon dito.

God!! She was only sixteen! sigaw ng isip niya.

Tatlong araw na ang nakalipas ng makatanggap sila ng tawag sa kaibigan ni Ara na nasa isang klinika ito sa kabilang bayan. Hindi niya maisip kung bakit ito naroroon bagam’t may naka-ambang kaba sa kanyang dibdib tungkol sa kalagayan nito.

Hindi niya halos mapaniwalaang ang kapatid na nagsabing magpupunta lang sa kaibigan sa Maynila ay iyon at walang malay na nakahimlay sa isang higaan sa loob ng klinikang iyon at naliligo sa masaganang dugo. Ito ay isang abortion clinic sa kanyang pagkabigla.

Itinawag niya sa pulis ang pangyayari habang kinukwestiyon ang kaibigan nitong nakilala niya sa pangalang Samantha. Itinali rin niya ang aborsyonista para hindi makawala. Sa pagdating ng mga pulis, inatake ang aborsyonista habang dinarakip na naging sanhi para ikamatay nito.

DOA ang kanyang kapatid sa ospital. Masyadong maraming dugo na ang nawala rito. Panay naman ang paliwanag ng umiiyak na kaibigan nito sa kanya. “ I tried to stop her Kuya, pero she won’t listen. Mas mahalaga sa kanya ang desisyon ng lalaking iyon kaysa sa sarili niyang buhay. I’m telling her to stop this nonsense at umuwi na kami but Elric was here too. He told me to shut up. Tapos he threw us money. Napakawalang-hiya niya Kuya!!!”

Ang talipandas na lalaking iyon. Hindi na nga nakuhang panagutan ang kapatid niya ay nagawa pang ipapatay ang sariling anak. Anong klaseng tao ito?

Hindi siya makapaniwalang ganun-ganun lang nito tinrato ang kanyang kapatid. Bente-mil tapos wala na? Paalam na?

Nag-iwan pa ito ng salita sa kapatid niya na “This is all you’re getting from me Ara. Pagkatapos nito ayoko ng makita pa ang mukha mo kahit kalian. Get rid of that child. I don’t want complications dahil ikakasal na ako.” Sabay hagis daw nito ng salapi sa kapatid niya.

Ikakasal na pala ang hayup na lalaking iyon ay pinakai-alaman pa si Ara. Ipinagtanong niya ang tunay na pangalan nito sa iba pang kaibigan ng kapatid ngunit sa kasamaang palad ay sa pangalang Elric lang ito nakikilala. Mukhang napaghandaan ito ng tinamaan ng magaling.

Mali rin ang address na ibinigay nito sa kapatid sa Quezon City ng puntahan niya ito doon. Naipagtanong-tanong na rin niya kung may litrato itong naiwan kasama ang kapatid niya ngunit mukhang naitapon na ito ng kapatid niya ng minsang mag-away ang mga ito. Ngunit ngayon lang iyon. Sisiguraduhin niyang hindi magtatagal ang pagtatago nito. Makikita rin niya ito.

Muli niyang sinulyapan ang ataul ng kanyang kapatid. Hindi niya matagalan ang pagtitig doon. Hinawakan niya sa balikat si Tatay Ben.

Lumingon ito at nagsabing, “Ipangako mo Ito. Ipangako mo.”

Puno ng lambong ang mga mata nito at sumulyap ulit sa kabaong na nasa harapan nila.

“Ipinapangako ko. Magbabayad ang gumawa nito sa iyo Ara. Magbabayad ang hangal na tumapos sa mga pangarap naming para sa iyo at umagaw ng kabataan mo. Ipinapangako ko.” Tiim-bagang na wika niya sa kawalan….

Itutuloy...



By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly, but I carry a BIG stick!


Chapter 1


“G-L-A-M-O-R-O-U-S. We flyin’ first-class, up in the sky. Poppin’ champagne, livin’ my life…”

Gboi took a deep sigh and turn the iPod’s volume even louder. He couldn’t stand flying at iyon mismo ang idinahilan niya sa ama. Hangga’t maaari ay ayaw niyang bumalik ng Pilipinas ngunit isang insidente ang nagpabago sa kanyang desisyon.

Bumisita siya noong nakaraang buwan lang sa kanyang ama para kamustahin ito. Sa durasyon ng pananatili niya sa mansion ay hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng kanyang ama at madrasta.

“You know very well that Elric would like to be the President of the company. Why can’t you give him that? It’s not as if you didn’t know how much he loved and worked hard for the company.” Litanya ng kanyang stepmother.

“And you know very well that I am giving it to my son Gboi.” Sagot ng kanyang ama na si Don Armando Arpon sa esposa.
Sumimangot na sumagot ang maybahay nito at hindi man lang ikinaila ang disgusto sa kanya sa sumunod na sinabi.

“Your son doesn’t seem to be interested in joining the company, Armando. Why, he would love to travel here, there and everywhere just so he could get away with your persistence. Unlike my Elric, He didn’t give you any headache from day one up until these last fifteen years. Why couldn’t you just give him the presidency” mahabang litanya ng bruhildang stepmother niya sa ama.

Bumuntong-hininga ang matandang don. “Your right about that Mildred. I could’t seem to know my son anymore. Lagi na lang kaming nagtatalo nitong mga nakaraang taon. Ngayong umuwi na siya, inaasahan ko na ang pagkukusa niya sanang tumulong ngunit parating hindi ko siya mahagilap. Last I heard, He’s in Amanpulo.” Nahahapong sambit ng ama.

Nakita niya ang kislap ng kasakiman sa mata ng madrasta na bahagya na lang naitago ng nag-angat ng paningin ang ama. Yumapos ito sa esposo at nagsabing,

“Give Elric a chance sweetheart. It won’t hurt because we’re family. Don’t you worry a thing about the business once his there.” Ngiting aso ito mula sa tanaw niya habang nakayakap sa ama.

That incident cemented his decision to come back home for good. Hindi maaring mapunta kay Elric ang lahat ng pinaghirapan ng ama. Inayos niya ang lahat ng dapat ayusin sa America at muling nagbalik ng bansa upang markahan ang teritoryo na dapat ay sa kanya.

Hindi niya habol ang mana. Sa edad niyang bente-kwatro, he earned his first millions. In dollars. Pagkatapos niya ng kolehiyo sa America ay nag-apply siya bilang isang graphic designer sa isang prestihiyosong kumpanya sa bansang iyon.

Dahil sa husay at galing nakuha niya agad ang mga pinakamataas na posisyon sa nakalipas na tatlong-taon. Sa dami ng nagtiwala sa kanya, naisipan niyang magtayo ng sariling kumpanya kung saan ang mga kliyente nila ay ang mga dati na niyang kilala at loyal sa kanya.

Nakakalula kung iisipin na ang mga kumpanyang katulad ng Dreamworks Animation, Nugget Market at Qualcomm ay hindi binitiwan ang serbisyo niya.

Kaya maaaring hindi maintindihan ng sinoman kung sakaling habulin niya ang pwesto sa kanilang kumpanya. Why, his company’s even bigger than that of the Arpon Developers at Arpon Telecoms’ assets. He had all the money in the world so what more could he ask for. Pwede niya na iyong ipaubaya sa kanyang mga stepbrothers. Kina Elric at Jorge. Ngunit hindi maari.

Aminado siyang matagumpay na siya sa larangan ng karera niya ngunit hindi sa aspetong pampamilya. Itinago niya ang lahat ng success sa kanyang kumpanya mula sa ama at maging sa mga kakilala niya. Para sa mga ito, isa lamang siyang spoiled rich kid at bummer sa isang tabi.

Hindi naman kasi niya ipinagkalat sa lahat ang pag-asenso. Sa ibang bansa ay maaring kilala siya. Ngunit mangilan-ngilan lamang ang mga nakakakilala sa kanya. Mga business conglomorates lamang at ang kanyang immediate team ang nakakakita sa kanya.

Kahit kasi ngayon siya pa rin ang gumagawa ng mga designs at nakikipag-coordinate na lang siya sa team niya na binubuo ng mga copywriters, photographers, website designers at marketing specialists.

Ang dahilan niya ay simple lang, at thirty, he needs to have his fathers trust and respect. Nakakatawang isipin na sa edad niyang iyon ay umaamot pa rin siya ng atensiyon sa ama niya na umabot na halos ang tagal katumbas ng kalahati ng kanyang existence.

Pinatay niya ang iPod ng makita niya ang sensyas ng ilaw sa eroplano. Nasa tarmac na sila at anytime ay lalanding na ito. Nang makalapag ang eroplano ay hinintay niyang maaubos ang mga lumalabas. Ayaw niyang makipagsiksikan sa mga ito bagama’t kahit first-class ang kanyang sinakyan ay marami-rami sila na sakay niyon.

Habang daan sa eksklusibong pasilyo ng VIP Lounge ng airport ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Ipinasya niya na pumunta muna sa restroom upang makapagbawas. Malinis na malinis ang comfort rooms sa parting iyon ng airport. Dapat lang. Naisip niya. Mahal ang bayad sa ganitong mga lugar.

Siya lamang ang tao doon kaya pinili niya ang pinakadulong urinal. Maya-maya pa ay sumasabay na ulit siya sa saliw ng tugtugin sa iPod na binuksan niya pagkababa ng eroplano. Nakapikit siya habang napapangiti pa ng makarinig siya ng isang pagtikhim.

Nakita niya ang isang Caucasian na nakatingin sa kanya at waring naa-amuse. Binawi niya ang tingin ngunit pinakiramdaman ito. Pagkatapos niyang umihi ay naghugas siya ng kamay ngunit ang atensiyon ay nasa banyaga. Muli itong tumingin sa kanya na may kasamang ngiti.

Ngiting alam na niya ang ibig sabihin. Isa pang lihim na itinatago niya ay ang pagiging bisexual niya. Ipinagpapaka-discreet niya iyon ng husto sa maraming kadahilanang hindi niya ma-justify.

He always dated and bedded women para maitago ang malaking sikreto. Ngunit minsan ay pinagbibigyan niya ang sarili na makaniig ang kapwa lalaki sa kundisyon hindi ito dapat Pilipino. Mahirap na at medyo kilala siya sa social circle ng Pilipinas bilang babaero.

Binati niya ang lalaki. “Yo! Is this your first time here in the Philippines?” umaasa siyang hindi ito naestupiduhan sa tanong niyang yon.

Ngumiti ito bilang tugon. “No. But would you like to show me around?” nang-eenganyo ang ngiti ng damuho. Infairness at type niya ang tipo nito. Medyo bulky na katawan ngunit hindi masyadong malaki. Toned ika nga. Muscles in right places.

“Sure.” Sagot niya. That was the cue. He pulled the strangers hand, opened the nearest cubicle and slammed him inside. He tried kissing him full in the mouth but resisted, saying “ I don’t kiss.” He ignored it and replied mockingly “Yeah.” And then kissed him.

It was a very hot and wet kiss. He pressed his hardness in his equally hard shaft. Mas matangkad siya rito ng kaunti. He took the strangers hands and placed it in his buldge, He seemed to like it very much that he toyed with it while it’s still inside his pants.

He started unbuckled his belt and twisted the foreigners’ body facing the wall. He pulled his pants down including the briefs ang pulled down his. He put on his rubber and lifted the man’s hands with his right hand. One swift thrust and he was inside him. Moments later, moans of equal passion and haggard breathing can be heard to that part of the airport.



NAGMAMADALING tinungo niya ang luggage area para kuhanin ang mga gamit niya na sa kabutihang palad ay nakita at nakuha rin niya agad. Man, that was one hell of a quickie! Napapa-iling na sambit niya sa isip. Hindi niya inasahan na ang unang-una niyang gagawin pagkababa ng eroplano ay ang makipag-dyug.

Noon tumawag ang kanyang ama sa kanya. Sinagot niya iyon. “Dad. Kanina pa ako rito, sino bang susundo sa akin?” nayayamot na sabi niya.

Tumawa ang don sa kabilang linya. “Hindi kita masusundo hijo, pero ipinadala ko dyan si Pancho. Siya ang mekaniko ng kapatid mong si Elric. Mabait yan. Mag-ingat kayo anak.” Yun lang at nawala na ito sa linya bago nya pa ito nasagot.

“Thanks, Daddy.” Sagot niya sa kawalan kasabay ng buntong-hininga.

Medyo marami ang dala niya sapagkat iniwan niya na ang bahay niya sa Amerika. Ang PC na gamit niya ay ang pinaka-iingatan niyang posesyon dahil hindi siya ganoon kasanay humawak ng mga mas bago pang gadget. Bagama’t may mga naka-install na program doon para sa trabaho niya, nananatiling sanay siya sa pag-gamit niyon.

Hinanap niya ang Pancho na sinasabi ng ama. Kaunti na lang ang mga naghihintay namga kamag-anak doon ng mga pasahero kaya madali niyang nakita ang pangalan niya.

Nawindang siya sa nakita niya. He expected Pancho to be an old man probably with salt and pepper hair but not like this!

Standing in the crowd was heavens’ biggest mistake of a creature. Paano ba naman, mukhang kamag-anak pa yata ni Petra ang isang ito. He expected the driver to be someone not good-looking but not this mess.

Hawak nito ang isang karton na sinulatan ng pangalan niya habang hindi niya alam kung saan nito napulot iyon. It goes with the hobbits face. Ang sundo niya ay isang bakla. Naloka siya sa nakita niya. Nakasuot ito ng tight fitting jeans matched with spaghetti strap na kulay neon green at may scarf pa sa leeg.

Who the hell is she? Freakin’ Britney Spears?

Nakapang-Luz Clarita pa ang buhok nito at ang kutis! …..grrr. Nanggigigil na nilapitan niya ito. Tinampal niya ang balikat nito kahit pa ang gusto niya ay agawin ang karatula na dala nito na may pangalan niya at ihampas iyon sa pagmumukha nito.

“Hey faggot! Are you Pancho?!” sa kanyang kalmadong lohika ay umaasam siyang hindi sana ito ang Pancho na driver na ipinadala ng ama. He’d better not be the driver or else… sinaway niya ang sarili.

Mukhang nakabawi ito sa pagkabigla at sumagot. “Ay nu ser, ser nu. Aym Bretney. Wit her, Aym kuleng Ser Panchu.” Bibang-bibang sagot ng hitad sa kanya sabay nagmamadaling umalis at tinawag ang Pancho na hinahanap niya.

Hindi niya alam kung makakahinga siya ng maluwag sa nalaman ngunit parang mas nahihiya siya sa kaalamang naging malupit siya sa pobreng baklita. Feeling mo straight ka! Nang-iinsultong tugon ng isip niya.

Hinimas niya ang sentido at hinilot iyon. Sana lang ay dumating na ang driver at ng maka-uwi na siya. Sigurado kasing knock-out siya mamaya dahil sa jet-lag.

Hindi niya alam kung ilang sandal na siyang nakatayo roon ng paglingon niya ay nakita niya ang hitad na si Britney kasunod ang isang lalaki. Oh my God! Is that Pancho? The drviver? Hiyaw ng isip niya.

Paano’y ang kasunod ni Britney ay isang lalaking matangkad sa karaniwan. Ginintuan ang kulay at may…….. Mantsa sa T-shirt? Ngunit ganoon pa man, hindi nakabawas iyon sa gandang lalaki nito na mukhang ang suot na mga damit ay dalawang beses na mas maliit sa katawan nito.

Alam niyang malaki ang t-shirt nito ngunit parang hapit na hapit iyon sa dito. At ang pantalon nito. It hugged his thighs like a second skin. Like a woman’s legs wrapped to his hips. Ngunit higit sa lahat ang malaking buldge sa gitna ng mga hita nito nakatuon ang kanyang pansin. Buti na lang at nakayuko siya at hindi nito nahalata na pinagnasaan, este! Pinagmamasdan niya ng husto ang katawan nito.

So much for staring at the man’s crotch. Baka mamaya ay kagaya ito ni Britney magsalita na speaking of the devil ay iyon na at binubuhat ang kanyang mga gamit. May kabigatan ang mga iyon kaya kinuha niya ang briefcase na mahalaga sa kanya.

“Okay ka lang ba dyan Britney? Baka hindi mo kaya yung iba balikan na lang natin. Paki-hintay na lang po kami rito Sir.” Sabi ng baritonong tinig nito.

Muntik na siyang mapanganga sa narinig niya. So the voice matched the face. Hmmm, hindi na masama.

Ngunit walang indikasyon na bisexual ito. Hindi rin niya natiis na tingnan ang pang-upo nito na sa kasamaang palad ay naging sentro ng atensyon niya ng tumalikod ito habang buhat ang mga gamit niya. Nakaka-gigil ang mga muscles nito. Hindi niya maintindihan ang reaksiyon ng sariling katawan dito.

He’s already hard just by staring from the man’s behind. Probably the most gorgeous butt he ever laid his eyes on. Ipinuwesto niya ang briefcase sa harapan niya para itago ang namumuong “sama ng panahon” doon. Nakakahiya at naka-slacks siya.

Nakakapagtaka talaga ang atraksiyon niya dito. Ganoong ba ang lahat ng mekaniko? Ganoon ka-gwapo? Parang hindi rin makatarungan na Pancho ang pangalan nito. The man could be named Apollo. Minus nga lang ang mantsa sa t-shirt nito. Hindi ba nito napansin iyon at dumiretso na rito para sunduin siya?

Pagbalik na ang mga ito ng hindi niya matiis na isatinig ang nasa isip niya. “Ahm, Pancho. Nagmadali ba kayo sa pagpunta ninyo rito? Mukhang di ka na nakapag-palit ng damit.” Sabay turo sa mantas nito sa bandang laylayan ng t-shirt.

Tiningnan lang nito iyon. Nagkibit-balikat at sumagot na, “Napakisuyuan lang po kami rito Sir, nagmamadali ho kami kanina papunta rito. Hindi lang ho namin natanggihan si Sir Elric dahil kapamilya raw ang darating. Pasensiya na po kung nakakahiya ang itsura namin.” Paliwanag nito sa kanya.

Hindi niya nagustuhan ang na-detect niyang sarkasmo sa tinig nito. Hindi na lang siya sumagot. Baka isipin pa nito ang lalong mas masama sa kanya. At isa pa, naninigas pa rin ang ibabang bahagi ng katawan niya.

Grabe! Ang hilig mo talga Gboi! Sigaw ng isip niya. Pati driver ba naman ay pinagpapantasyahan mo? Inayos niya ang sarili at pinilit na ilagay sa ibang bagay ang atensyon niya.

Noon tumunog ang cellphone niya at napangiti sa nakitang nakarehistrong pangalan.
“Katrina! Sweetie, how are you?!” nakangiting sagot niya habang hawak ang aparato.

Itutuloy…..

Wednesday, November 17, 2010

The newbie, the sophomore and the veteran Part 15

CHAPTER 15: ANG PAGWAWAKAS


Dumating ang araw nmg Finals ng Cheer Fest. Kabado man ay puno pa rin ng determinsyon at kompyansa ang DSU para manalo ng Championship. Matapos maka pag perform ang lahat ng finalists ay isang intermission number mula sa Philippine Cheerleading Team.

“No matter what happened, for me kayo ang champion.” Si Austin. “Salamat. Pero sana makuha natin ung Championship para naman kay Kuya Raf at sa mga seniors na pa graduate na.” si Aki. Magkatabi sila sa upuan habang magkahawak kamay. Di kalayuan sa kanila ay sila Darwin at Raf. “Mas kinakabahan pa ata ako kaysa sa’yo.” Si Darwin. “Ano ka ba, alam kong maganda ang performance naming at wala kaming errors. Panatag ako na makukuha na natin ang Championship.” Si Raf. Isang halik sa pisngi ang ibinigay ni Darwin sa kanya. “Yan ang Kap ko, positive person.” Si Darwin Matapos ang intermission number ay inannouce ang mga prizes at pinasalamatan ang mga sponsors.

“Ladies and Gentlemen, I have now the results for this year’s winners. But before we announce the winner we would like to congratulate all the schools from the Elimination to the Finals for doing a great job and for making this year’s competition exciting. You are all winners. So here we go!” ang emcee.

“Our 2nd runner up to receive a trophy and a check for P30,000.00, with a score of 93.16%. Congratulations to.. MARANATHA LEARNING CENTER of CEBU!” ang emcee ulet. Nagtayuan ang mga members ng squad para kunin ang kanilang premyo.

“Congratulations, guys!” and this year’s 1st runner up to win a trophy and P70,000.00. With a total score of 94.96%....
Halos hindi na humihinga sila Raf, Aki at ang buong team. Nakayuko lamang sila na tila nag dadasal na wag tawagin ang kanilang pangalan. Si Austin at Darwin naman ay naka fingers cross pa.
“Congratulations to… MARIANO GUZMAN UNIVERSITY from South Luzon! Halos di makapaniwala ang members ng Mariano. Hindi nila nagawa ang fourpeat championship na inaasahan nila. Tinanggap nila ang tropeyo at ang malaking tseke ng nakangiti bagamat bakas sa kanila ang panghihinayang at pagka dismaya. Kung tutusin iilan lang ang magagaling sa finals. Halos mabibilang sa daliri ang mga squad na talagang nagpamalas ng kagalingan sa kompetisyon.


“Congratulations, guys! And this year’s Champion for the 2010 Cheer Fest. With a score of 94.98%...” and emcee. Naghiyawan ang mga audience pati na rin ang mga kasaling squad dahil sa sobrang dikit ng score. Napakamot naman ng ulo ang ibang members ng Mariano ng marinig ang score ng squad na tumalo sila.

“They will receive P150,000.00, a trophy and the bragging rights as this year’s champion… and that school is…” pag bitin ng emcee.

Halos wala ng marinig sila Aki at Raf sa lakas ng kabog ng dibdib nila. Ang ibang members na babae ay naluluha na sa sobrang nerbyos nila.

CONGRATULATIONS to… DOMIGUEZ STATE UNIVERSITY from South Luzon!!!

Halos mawalan ng boses silla Aki at Raf sa kaka sigaw sa sobrang saya. After 3 years ay sa wakas, nakuha din nila ang championship. Pati sila Austin at Darwin ay halos mahulog sa kakatalon mula sa kinauupuan. Sabay sabay silang bumababa sa dance floor para kunin ang kanilang premyo at ang pinaka mimithing tropeyo. Yakapan at hiyawan ang makikita sa mga nanalo, maging ang Mariano Pep Squad ay nakipag group hug sa kanila. Natapos ang kompetisyon ng masaya at maayos.
Isang linggo matapos ang finals ay nagging busy na sila Darwin at Raf sa pag aaral nila, dahil nga parehong graduating at OJT na nila next semester. Sila Aki at Austin ay nagging busy din sa pag aaral at sa darating na University Week. Si Austin naman ang susuportahan nila sa paglaban para sa Mr. and Ms. University.

“Excited na ako sa University week, sana manalo ka” si Aki habang nagsusulat ng mga notes na na missed nya dahil sa Cheer Fest. “Kahit di ako manalo, okay lang un sa akin.” Si Austin. “Eh dapat manalo ka, saying ung effort mo at saka saying ung prize.” Si Aki. “Prize talaga ang habol mo? Ahahahaha.” Tawang tugon ni Austin. “Biro lang, syempre kahit di ka manalo. Para sa akin ikaw pa rin ang pinaka gwapo sa buong University.” Si Aki. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Austin kay Aki. “Bear, sa bahay ka matulog. Gawa tayo ng baby.” Pilyong sabi ni Ausitn. “Tseh! Ayoko ko nga. Di mo na naman ako patutulugin. Last time na natulog ka sa amin, 1am na di mo pa ako pinapatulog.” Si Aki. “Eh kasi naman, nakaka gigil ka eh. At saka paano tayo makaka buo kung di natin uulit-ulitin” si Austin sabay hawak ng kamay ni Aki. “Basta ayoko! I limit natin ang sarili natin sa once a week lang.” mataray na sagot ni Aki. “Once a week!!! Bear naman, sige ka. Maghahanap ako ng iba.” Birong sabi ni Austin. “Eh di maghanap ka, wag ka lang magpapahuli sa akin.. talagang puputulin ko yang junior mo.” Si Aki. “Wag naman. Ikaw din. Sayang naman ito.” Si Austin. Natawa si Aki sa sinabi ni Austin. Kinurot nya ang pisngi nito sabay balik ng atensyon sa sinusulat.

Naging busy man ang apat sa pag aaral eh kada may pagkakataon na magkita sila at mag bonding ay ginagawa nila. Laging double date nauuwi ang bonding nilang apat. Kapag may tampuhan sila Aki at Austin ay sila Raf at Darwin ang tumatayong taga payo nila, nag sibling mga kuya nila sila Darwin at Raf. Maituturing na nga mag best friends ang apat. Minsan ay nag out of town sila at sa rest haouse nila Darwin sila tumuloy. Isang masayang bakasyon para sa kanilang apat, sinamantala nila ang 2 araw na walang pasok para makapag relax kahit konti bago mag Final exam. Dito lalo nilang nakilala ang isa’t isa, nalaman nila ang mga pangarap ng bawat isa ganun na din ang tungkol sa kanilang personal na buhay. Doon nalaman ni Aki ang tungkol sa Kuya ni Austin at kung bakit mahal na mahal nya ito.

“ Sana nakilala ko ang kuya mo, bear. Kasi wala akong kuya. Gusto ko rin kasing ma experience ang magkaroon ng kapatid.” Si Aki. “Andito naman kami ni Darwin eh, kuya nyo na kami mula ngayon at kayo ang mga bunso naming. Di ba Best?” si Raf. “Oo naman. Sarap kayang magkaroon ng bunsong kapatid. Kasi pareho kaming bunso nitong Kap ko.” Si Darwin. “Salamat sa inyo. Sinong mag aakala na magiging ganito tayo ka close na apat. Di ba?” si Austin. Muli nilang sinariwa ang mga pinag daanan nilang apat hanggang sa kasalukuyan. Tinawanan na lamang nila ang lahat ng mga nangyari sa kanilang apat. Pina kwento din nila aki at Austin kung paano nag simula ang love story nila Raf at Darwin. Napuno ng tawanan ang buong kabahayan habang nag kukwento si Darwin at si Raf naman ay panay ang komento sa mga sinasabi ni Darwin habang kinikilig naman sila Austin at Aki sa kwento nila.

Pagka balik sa school ay inasikaso nila Aki at Austin ang darating na University week, bukod kasi sa pageant ni Austin ay magtatayu din ng booth ang bawat colleges para sa isang linggong celebration. Dumating ang University week at halos buong araw magkaka sama ang apat. Magkatabi ang booth ng College of Education at ang College of Arts and Sciences kaya laging magkakasama ang apat. Biyernes, ang huling araw ng University week. Puno ng estudyante, mga school officials at faculty members ang auditorium para sa Mr. and Ms. University. Maging ang mga magulang at kamag anak ng mga kalahok ay nandoon para sumuporta. Doon unang nakilala ni Aki ang mommy ni Austin, nung una ay nahihiya pa si Aki pero kalaunan ay naging komportable na rin syang kausap ito at magkatabi pa sila sa upuan habang nanunuod ng pageant. Hindi alam ni Aki kung may ideya ang mommy ny Austin tungkol sa kanilang dalawa pero sa tingin nya ay okay lamang ito para sa kanya.

Nagsimula ang patimpalak at napuno ng palakpakan ang buong auditorium lalo na ng maglabasan ang mga kalahok sa kanilang summer outfit. Kitang kita kay Austin na nag eenjoy ito, samantalang tuwang tuwa naman sila Darwin, Raf at Aki pati na rin ang mommy nito.
Naka pasok si Austin sa top 5 at sa final question para sa kanya… “How do you define success?” ang isa sa mga judges. “Most of us define success by fame and fortune of a person, but for me success is waking up every morning, very excited about the new day tha the Lord gave to us. By sharing even the smallest things that you have to the people around you and by being contented of what you have but still aiming to reach your long term goal and by the end of the day, you feel that you did a very good job of showing to other people as well as to your family and friends how beautiful and wonderful life is despite of all the hardship and challenges that we encounter.” Si Austin. Napuno ng hiyawan ang auditorium, napatayo pa sila Raf at Darwin sa sagot ni Austin sa tanong. Si Aki naman ay panay ang palakpak sa husay ng sagot ni Austin, maging ang mommy nya ay walang tigil sa palakpak habang naluluha.

Nang i announce ang mga nag wagi ay nakuha ni Austin ang 1st runner up samantalang ang kanyang kapareha ay 2nd runner up naman. Di man nakuha ni Austin ang titilo bilang Mr. University ay masaya na rin sya dahil sa mga kaibigan at sa mga mahahalagang tao sa buhay nya tulad nila Kuya Raf at Darwin, ang mommy nya at ang pinaka mamahal nyang si Aki. Matapos ang patimpalak ay sama sama silang nag dinner kasama ang mommy ni Austin, si Darwin at si Raf pati at syempre si Aki.
Habang kumakain ay sinabi ni Austin sa mommy nya ang tungkol sa kanila ni Aki, wala namang tutol ang ina ni Austin. “Anak, kung saan at kung ano ang magpapa saya sa’yo. Susuportahan kita. Ang mga taong mahal mo ay mahal ko na rin.” Ang mommy ni Austin. Isang halik sa pisngi ang iginawad ni Austin sa ina. Si Aki naman ay nag pasalamat sa pagtanggap sa kanilang relasyon ni Austin. “Aki, simula ngayon ay mommy na rin ang itawag mo sa akin. Welcome to our family, anak.” Ang mommy ulit ni Austin. “Thank you po, mommy.” Si Aki. Tuwang tuwa sila Raf at Darwin sa nangyari at maging sila ay itinuring na ring mga anak anakan ng Mommy ni Austin. Naging masaya ang gabi para sa kanilang lahat.

Walang makaka pagsabi kung hanggang saan ang pagmamahalan nila Aki at Austin, Raf at Darwin. Pero isa lang ang alam nila… They will cherish and treasure every single moments that they are together…
Sa mga pinag daanan nilang apat, marami silang natutunan…

Masarap pero masakit mag mahal… pero kung pakikinggan mo lamang ang dikta ng iyong puso ay kaya mong tiisin ang sakit… sabi nga nila… Getting hurt when you fall in love with someone is inevitable, its always a gamble.. and a risk that should willing to take...



WAKAS