gboi's haven

Friday, January 7, 2011

The Game of Life and Love part 4

CHAPTER 4: CUEVAS vs. CUEVAS (Ang unang paghaharap)



Mabilis na lumipas ang panahon. Patapos na ang huling semester ng taon. Gaya ng dati, hindi nawala si TJ sa Dean’s List. 1.55 ang GWA nya ng buong semester. Buti na lang at nagawan nya ng paraan ang ibang minor subjects. Tapos na ang semester pero hindi pwedeng mag bakasyon si TJ. May mas importante pa syang aasikasuhin.

“I know, Bella.. but I cant come with you guys to Palawan. I have important thing to do” si TJ habang kausap ang pinsan sa cellphone.

“Don’t worry, babawi ako sa inyo. Promise!” si TJ ulit. Matapos ang pakikipag usap sa pinsan ay hinarap ulit ni TJ ang pag aayos ng gamit nya. Babalik sya sa school para sa isang importanteng bagay. Ilang buwan din bago nya nakumbinse ang sarili na kailangan nyang gawin ito. Kung di sya pumayag eh malamang wala na sya sa Dean’s List. At eto na ang araw na gagawin nya ito. Pagka labas nya sa kanyang kwarto ay nasalubong nya ang kanyang Daddy.

“Good morning, hijo. So, this is the day you’re waiting.. Ready ka na ba?” ang Daddy nya.

“Good morning, Dad. Yeah, ready na ako. Alam kong kakayanin ko ito.” Si TJ. Tumango na lamang ang kanyang Dad at tinapik sya sa balikat. Isang ngiti naman ang iginanti ni TJ. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang lumabas ng bahay si TJ. Suot ang isang pares ng Oakley shades, Nike dry-fit shirt at jogging pants, Mizuno rubber shoes at bitbit ang kanyang White Gola duffle bag ay muli nyang pinatakbo ang kanyang Black Nissan Extrail. Habang nasa byahe ay kung anu-ano ang tumatakbo sa isip nya.

Habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA ay tumunog ang cellphone nya.

“Hello..” sagot nya. Hindi na nya nakuhang tignan kung sino ang tumatawag dahil naka tuon ang atensyon nya sa pagmamaneho.

“Goodluck ah. I know you can do it. I’ll be in school after lunch.” Si Ian na nasa kabilang linya. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay napangiti si TJ sa sinabi ni Ian.

“Thanks.. see you later.” Si TJ. Binaba ni TJ ang telepono at muling ibinalik ang atensyon sa pag mamaneho. Makalipas ang isang oras ay nakarating na si TJ sa school, tamang tama dahil isang oras pa bago sya magsimula. Kailangan na muna nyang kalmahin ang sarili dahil kanina pa sya kinakabahan. Alam nya na isa sya sa mga taong maituturing na matapang at walang kinatatakutan lalo na pag alam nya na kaya nya ang isang bagay. Pero ngayon, ibang iba sya.. halos habulin nya ang kanyang hininga sa sobrang kaba. Bago sya bumaba sa kanyang sasakyan ay tinignan nya muna ang sarili sa salamin. Konting ayos ng buhok at tuluyan na syang bumaba sa sasakyan.

“Kaya mo ito, TJ. Alam kong kaya mo ito” usal nya sa kanyang sarili. Binagtas nya ang kahabaan ng daan patungo sa lugar kung saan sila magkikita. Unti unti ay nawawala ang kanyang kaba at sumilay ang ngiti mula sa kanyang mga mapupulang labi. Nang makarating sya sa lugar ay naghanap sya kung saan sya maaring umupo at mag antay. Wala ng atrasan ito. Mukhang masisimula na ang pagbabago ng buhay nya… Mula sa pagiging Organization President at Dean’s Lister maari na rin nyang isama sa resume nya ang pagiging.. Volleyball player…



“Sayang talaga nung Summer League.. pero meron pa namang next year.” Si Mikee habang naglalakad papuntang gym.

“Okay na yun, bawi na lang tayo.” Si Benjo. Inakbayan nya si Mikee habang magkasabay sila sa paglalakad. 2 linggo lang ang pahinga nila matapos ang Summer League at training na ulet para sa panibaging season ng Grand Prix. Mahabang training para sa kanila, dahil apat sa mga beterano nila ang grumaduate na at ilan lamang ang masasabing mabiyayaan ng talento sa paglalaro ng volleyball. Narating nila Mikee at Benjo ang gym at tuluyan silang dumiretso sa locker room para makapagpalit ng damit pang practice.

“Dude, musta na nga pala si Tita sa Israel? 3 months na rin syang nandun ah” si Mikee habang nag sasapatos.

“Okay naman daw sya doon. Di naman sya nahihirapan kasi ung dating amo nya rin ang ami nya ngayon.” Si Benjo na inaayos ang kanyang bag. Tumango na lang si Mikee dahil nararamdaman nya na miss na miss ni Benjo ang nanay nito at minabuti na lamang nya na hindi na lang ituloy ang topic dahil ayaw nyang mawalan ng gana si Benjo mag practice. Sabay silang lumabas sa locker room patungo sa court ng mapansin ni Mikee si TJ na naka upo sa isang bench.

“Dude, tignan mo yun, di ba estudyante yan dito?” si Mikee. Tinignan ni Benjo ang tinutukoy ni Mikee.

“Ah, oo. Sya ata ung Head ng Org sa College of Fine Arts.” Si Benjo. “Anung ginagawa nya dito? Eh sabado ngayon eh.” Si Mikee ulit.

“Di ko alam.. hayaan mo na. di naman bawal tumambay dito sa gym at sa school.” Si Benjo. Kibit balikat na lang si Mikee at tinuon na lamang nya ang atensyon sa pag wa warm up. Ganun din ang ginawa ni Benjo, nagsimula na rin syang mag warm up at doon nya napansin na wala na si TJ sa bench kung saan ito naka upo. Din a lamang nya ito pinansin dahil di naman sila magka kilala personally. Nag datingan na rin ang iba pang team mates nila Mikee at Benjo. Maya maya pa ay bumaba na ang coaching staff mula sa office nila kasama ang apat na sinasabing bagong team mates nila. Doon napansin ni Mikee at Benjo si TJ. Kung kanina naka jogging pants ito ngayon naka Nike Dri-Fit pedal pusher na ito. Bagay na bagay sa suot nitong Mizuno Wave Spike na sapatos.

“Okay, Team. These are our trainees. I want you to help them for their training dahil sila na ang mga papalit sa mga nawala this year.” Ang Coach nila.

Isa isang pinakilala sa kanila ang mga bagong teammates nila. 2 mula sa kanilang University at 2 mula sa scouting na ginawa ng coaching staff from different High Schools. Matapos maipakilala ang mga bagong players ay nagsimula na ang training. Sinimulan ng stretching at warm up. Ilang ikot sa volleyball court, talon dito. Talon doon. Dig passes at series ng spikes at blockings ang ginawa nila. Bago para kay Tj ang lahat at halos mawalan sya ng hininga sa lahat ng ginawa nila. Makalipas ang halos 3 oras na training ay nagkaroon ng 15 mins. Water break ang buong team. Habang umiinom si TJ sa drinking fountain ay napansin nya na may papalapit sa kanya. Binilisan nya ang pag inom dahil wala sya sa mood makipag kwentuhan kahit kanino sa team.

“Okay ka lang ba? Mukhang hingal kabayo ka na agad ah.” si Mikee. Hindi na sana papansinin ni TJ ang sinabi nito kung hindi lamang niya nagustuhan ang tawa nitong nang aasar.

“Well, obviously hindi ko ginagawa ito everyday. And besides this is my 1st day of training.. it is require for me to have the same stamina that you guys have on my 1st day?” sagot ni TJ.

“Whoa! Teka lang. am just asking. Wala naman akong ibig sabihin dun eh.” Si Mikee. “Oo nga naman, dude. Saka concern lang kami sa’yo. Kasi parang di mo na kaya kanina eh.” Si Benjo.

“My name is TJ not dude. And for the record, kaya ko pa. I don’t need you words of encouragements whatsoever.” Sabay talikod ni TJ.

“Ayos ah, mukhang may attitude ang isang yun ah.” si Mikee habang umiinom sa drinking fountain.

“Well, tignan natin kung hanggang saan sya.” Si Benjo. Pagkatapos ng water break ay muling bumalik ang buong team sa practice.

Makalipas ang 2 oras pa ay natapos na rin ang practice. Halos sabay sabay nag puntahan sa locker at shower room ang mga players. Naiwan sandali si TJ para tumulong sa pagliligpit ng mga bola at iba pang ginamit sa practice. Habang nagliligpit ay napansin nya na nakatayo si Benjo sa banding kanan nya habang nakatitig sa kanya. Di nya ito pinansin at tuloy lamang sya sa pag aayos ng mga bola. Pag tapos nya ay tuluyan na syang dumiretso sa locker room para mag palit ng damit. Habang nag aayos ng gamit ay napansin nyang may mga ilan pang pumapasok sa locker room para magbihis. Matapos makapag punas ng katawan at makapag palit ng tshirt, short at flip flops ay dumiretsong lumabas sa locker room si TJ.

Di pa nakaka layo si TJ ay may tumwag sa kanya. “Wait lang. May naiwan ka.” Sigaw ng lalaki. Nilingon nya kung sino ang tumawag sa kanya.

“Sa’yo ata ito. Nakita ko kasi na nalaglag nung tumayo sa kanina” si Benjo pala ang tumawag sa kanya. Inabot nya ang hawak nitong shades. Napansin ni TJ na ito pala ang shades na kanina nya pa hinahanap sa loob ng bag nya.

“Yeah, sa akin nga ito. Thanks!” si TJ.

“Okay ka naman pala pag ngumingiti eh, akala ko suplado ka talaga.” Ngiting saad ni Benjo.

“Well, I don’t usually smile. Lalo na pag ako lang mag isa. Di naman normal yun di ba? Sagot ni TJ.

“Oh, ayan ka na naman. Masungit ka na naman.” Si Benjo.

“Sorry, pagod lang ako kaya ganito ako.” Si TJ. Doon napansin ni TJ na wala pa lang suot na pang itaas si Benjo. Kitang kita ni TJ ang kakisigan nito. Maganda ang shoulders nya, maging ang kanyang biceps at abs ay na developed na rin dahil siguro sa araw araw na practice nila.

“Okay ka lang ba? Natutula ka na kasi dyan eh.” Si Benjo. Doon napansin ni TJ na may katagalan nap ala syang naka titig sa katawan ng kausap. Bigla nyang binawi ang tingin at sinuot ang shades.

“Sige, una na ako. Salamt ulit.” Si TJ. “Sure, see you around the campus.” Si Benjo.

Hindi na sumagot pa si TJ sa huling sinabi ni Benjo. Pakiramdam ni TJ ay pulang pula ang kanyang mukha dahil sa pagkakatitig nya kay Benjo.

Habang si Benjo naman ay na ngingiti sa reaksyon ni TJ. “Tignan ko lang kung umepekto sa akin ang pagiging masungit mo.” Usal nya sa sarili.

Narating na ni TJ ang parking lot ng mag ring ang kanyang cellphone. “Hello..” sagot ni TJ.

“Hey, sorry kung di na ako naka punta sa school. May tinapos lang dito sa bahay. Merienda tayo, may treat. Maka bawi man lang sa’yo.” Si Ian na nasa kabilang linya.

“Anu ka ba, its okay. Walang problema sa akin yun. Pauwi na rin naman ako. Kakatapos lang naming mag practice at saka I need to take a shower first.” Si TJ.

“Ganun ba, sige. Text me when you get home then I’ll fetch after an hour.” Si Ian.
“Ikaw ang bahala. Sabi ko naman sa’yo di na kailangan eh.” Si TJ. Ilang sandali pa silang nag usap at napag kasunduan nila na susunduin ni Ian si TJ sa bahay for a dinner. Pinaandar nya ang kanyang sasakyan at tuluyan ng umalis pauwi sa kanilang bahay.

Palabas ng campus sila Mikee at Benjo kasabay ang ilang team mates nila. “Tol, napansin mo ba ung isa sa mga bagong recruit natin. Suplado.” Si Mikee.

“Ahahahah! Hanggang ngayon pa ba ay di ka pa rin nakaka move on sa pag susungit nya kanina?’ si Benjo.

“Hindi naman sa ganun, wala akong paki alam sa ugali nya as long as maganda ipapakita nya sa mga practice at laro natin.” Si Mikee ulit.

“Mukhang okay naman sya, konting training pa at magiging magaling na rin sya.” Si Benjo.

Nagkibit balikat na na lang si Mikee sa sinabi ni Benjo. Bago tuluyang sumakay ng sasakyan pauwi ay napagkasunduan nila Benjo at Mikee an mag food trip. Streetfoods ang lagi nilang pinag ti tripan. Fishballs, kwek-kwek at isaw ang kinain nila. Ganito lagi sila simula pa ng magka kilala silang dalawa. Sa simpleng pagkain ng mga streetfoods ay doon nila lalong nakikilala ang isa’t isa. Kung anu-ano ang napag ku kwentuhan nila. Maging ang kanilang personal na buhay ay napag uusapan na nila. Matapos kumain ay naghiwalay na sila pauwi sa kani kanilang mga bahay.

Nang makarating si Benjo ay inabutan nya muli ang kanyang Tyahin sa bahay. Naglilinis ito sa harap ng kanilang bahay at ng makita sya nito ay sinabing may nakahain na merienda sa lamesa para sa kanya.
“Salamat po, pero busog pa po ako. Nagka ayaan kasi kaming kumain kanina.” Si Benjo.

Tumango na lamang ang kanyang tiyahin at tuluyan na syang pumasok sa loob ng bahay diretso sa kanyang kwarto. Ilamng minutong pahinga habang nakikinig ng kanta mula sa kanyang MP3 player. Di namalayan ni Benjo na nakatulog na sya marahil sa pagod na rin dahil sa practice.


“Bihis na bihis ka ata, saan at sino ang ka date mo?’ ang daddy ni TJ. “Ian wil fetch for a dinner. Nag invite sya and since wala naman akong gagawin, sasama ako.” Si TJ. “And who is this Ian that we’re talking about?” ang daddy nya. Sasagot sana si TJ ng biglang sumagot ang kanyang Mommy.
“Ian is a handsome devil, god like creature na nahuhumaling sa anak mo, Darling.” Ang Mommy nya.

“Mom.. please. He’s not into me.” Si TJ.

“Oh really? Then why he invited you for a dinner?” ang Mommy nya.

“I don’t know.. maybe he’s just being nice to me.” Si TJ. Nagkatinginan ang mag asawang Cuevas sa sinabi ng anak.

“Please.. hindi sya nanliligaw sa akin or whatsoever.” Si TJ. Muli ay ngumiti ng may kahulugan nag mag asawa sa sinabi ng anak.

Hindi na lamang pinansin ni TJ ang pang aasar ng kanyang mga magulang. Sanay na sya sa mga ito, lalo na’t may mga lalaking lagi nyang nakaka sama. Ito pa ang minahal nya sa mga ito, tanggap nila kung ano ang sexual preference nya. Lalo na ang kanyang Daddy na kahit kailan ay hindi sya naka tikim ng pagka suklam at pagka dismaya sa kanya.

“So, kailan ko naman makikilala ang lalaking ito at ng makilatis ng maayos.” Ang Daddy nya.

“Dad.. again, kaibigan ko lang sya. Hanggang doon lang yun.” Si TJ. Nagkatawanan ang mag asawa sa sinabi ng kanilang anak. Madaling mapikon si TJ pag personal na buhay na nya ang pinag uusapan.

“Hay naku, TJ. It’s time to move on and be happy.” Ang Mommy nya.

Hindi na sumagot si Tj at itinuon na lamang nya ang atensyon sa pag aayos ng kanyang buhok sa harap ng full boody mirror malapit sa living room nila. Ilang minuto pa ay may nag door bell at pinag buksan naman ito ng katulong nila.

Iniluwa ng malaki nilang pintuan ang isang gwapong Adonis na naka mint green na polo shirt at puting pantalon. Bagay na bagay ang suot nya sa makisig na katawan ni Ian. Nagka tinginan ang mag asawang Cuevas. Tumayo sila upang batiin ang bisita.

“Dad, this is Ian. Vice President ng organization namin.” Si TJ.

“Good evening, Atty. Cuevas.” Si Ian.

“Good evening din, hijo. Just call me Tito Migs.” Ang Daddy ni TJ.

“Sige po, Tito Migs. Good eveing po, Tita Juliet.” Bati ni Ian sa mommy ni TJ.

“Good evening din, hijo.” Bati ng Mommy ni TJ.

“Ipagpapa alam ko lang po sana si TJ na mag dinner sa labas kung okay lang po inyo.” Magalang na sabi ni Ian.

“Walang problema hijo, basta iuuwi mo sa amin si TJ naming ng buo.” Pabirong sagot ng Daddy ni TJ.

“Dad naman. Syempre buo akong uuwi dito.” Sagot ni TJ.

“Don’t worry po, Tito. Tita. Ibabalik ko po sya ng buong buo.” Sabay kindat na sabi ni Ian. Nagkatawanan naman ang parents ni TJ at si Ian, samantalang si TJ ay punong puno ng pagtataka. Sa pina uusapan ng mga ito.

“Oh sya, lumakad na kayo at baka gabihin pa kayong dalawa. Diretso lang ang pagmamaneho, Ian. Walang biglang liko.” Pahabol na biro ng Daddy ni TJ.

“I can’t promise, sir. But I’ll try.” Pabirong sagot ni Ian. Muli ay nagkatawanan silang tatlo pero this time ay nakuha na ni TJ ang usapan nila.

“Si daddy at mommy talaga, kung anu-ano ang iniisip. Nakakhiya kay Ian.” Si TJ.

Muli ay nagkatawan silang apat. Ilang saglit pa ay tuluyan ng umalis sila TJ at Ian. Hinatid naman sila ng mga magulang ni TJ hanggang sa gate ng kanilang bahay.

Sa isang fancy restaurant sa Eastwood dinala ni Ian si TJ. Hindi first time ni TJ doon dahil isa ito sa paborito nyang restaurant.

“Nice place huh,. How did you know this place.” Si TJ.

“I asked JV about the last time you guys went here. Kung saan kayo kumain. And he told me na favorite mo daw dito.’ Si Ian.

Napangiti na lamang si Tj sa sinabi ni Ian. Makalipas ang ilang minuto ay naka order na sila at habang inaantay ang order nila ay nag enjoy naman sila sa music at glasses of wine habang nagku kwentuhan. It was a great night for the two of them. Masaya silang kumain at uminom. Pasado alas dose ng hating gabi ng matapos sila.



ITUTULOY..

No comments:

Post a Comment