gboi's haven

Wednesday, January 12, 2011

The Game of LIFE and LOVE Part 6






Ito na po ang Chapter 6 sa kabanata ng buhay nila Benjo at TJ.

MARAMING SALAMAT PO ULIT SA SUPORTA NYO!



CHAPTER 6: SIBLINGS RIVALRY


Isang buwan ang mabilis na lumipas. Isang buwan na rin pala as a trainee sa Volleyball team si TJ. Nakapag adjust na rin sya sa mga routine nila sa team. Bith physically and mentally. Masasabing sa loob ng isang buwan ay wala pa ring ka close sa team si TJ. Puro casual na usapan lang o di kya ay tungkol sa mga play at practice ang madalas nilang pinag uusapan. Aloft ang ibang team mates ni TJ sa kanya dahil na rin siguro sa intimidating looks nya, isama mo pa ang mga magagarang gamit ni TJ sa pagpa practice. Nag aayos si TJ sa locker room ng pumasok si Mikee.

“Hi TJ. Kamusta?” bati ni Mikee. “I’m good. Thanks!” si TJ.

“Napapansin ko na di ka madalas sumama sa mga happenings ng team. Ayaw mo bas a amin.?” Si Mikee. Napa buntong hininga si TJ bago sumagot. “Look, Mikee. Hindi lang ang volleyball ang pinagkaka abalahan ko. I have assignments, projects and exams that I need to attend to. And remember, President din ako ng org sa college namin. So, I need to manage my time. It’s all work for me. No fun. Happy?” si TJ.

“Eh summer vacation pa naman eh. Bakit ka magiging busy?” si Mikee. “I’m taking summer classes. Advance subjects. I hate wasting my time on something that won’t give me anything.” Si TJ habang nag susuot ng sapatos.

“Ah okay. Pero sana lang makasama ka naming sa mga gala. Lalo na sa team building natin sa Batangas next week.” Si Mikee. Biglang naalala ni TJ ang team building nila. Oo nga pala, next week na iyon at di pa nya naaayos ang schedule nya.

“I’ll try. Tignan ko kung mai sisingit ko sya sa schedule ko. And besides, wala namang gagawin doon kundi mag swimming lang. May pool naman sa bahay eh. So, doon na lang siguro ako.” Ma angas na sagot ni TJ.

“Alam mo, TJ. The attitude that you have won’t bring you to where you wanna go. I’m still convincing myself na mabait kang tao. But as time goes by. Mukhang mali ata ako ng hinala.” Si Mikee na nakatititig sa kanya.

“Well, all of us are entitled to our own opinion and perception towards a certain thing or person. If that’s what you think about me, well then fine. I don’t have to to pretend to be someone just to fit in. What you see is what you get.” Matalas na sagot ni TJ.

“Well then, gooluck!” si Mikee sabay talikod kay TJ. “Thank you!” si TJ sabay hablot ng mga gamit at lumabas ng locker room.

Nagsimula ang practice nila. Nagkaroon ng tune up game ang buong team. Veterans vs. Newbies and Sophomores. Magkasam sa team si Mikee at TJ na ikina irita ni Mikee. Ilang beses syang naki usap sa coach nila na sa Veteran team sya isama pero tumanggi ang coach nila.

Nag simula ang laban. At maka lipas ang ilang minuto ay lumamang agad ang Veteran team ng 6 na puntos laban sa team nila TJ at Mikee. Hindi maka gawa ng maayos na play sila Mikee. Kaya makalipas ang 1st set ay pinagpalit sila Mikee at Benjo. Si Mikee sa veterans team at si Benjo naman sa kabila. Naging setter si TJ at utility naman si Benjo. Nakahabol ang team nila TJ at sa pagtatapos ng 2nd set ay tie na ang mag kabilang team tig 1 set each. Mas lalong tumindi ang laban sa pagitan ng 2 team pag datingn ng 3rd set dahil inilipat si Tj sa veterans team ngayon ay magka laban na sila ni Benjo samantalang si Mikee at Benjo ay magka kampi na. Parehong open spike rang laro ni TJ at Benjo kaya halos silang dalawa ang nagpapalitan ang spike. Maganda nag chemistry ni Mikee at Benjo. Nababasa nila nag galaw ng isa’t-isa kaya mabilis na nakalamang ang team nila.

Maiinit pa rin ang laban, 22-23 ang score sa 3rd set. Lamang ang team nila TJ. Isang magandang combination play ang ginawa nila Mikee at Benjo. Pero agad na nabasa ni TJ ang galaw nila. One man block ang ginawa nya sa palo ni Benjo. Hindi na penetrate ng palo ni Benjo ang solid block ni TJ. Naghiyawan ang mga team mates ni TJ, maging ang coaching staff ay di mapigilang mapa palakpak. Sa loob ng 3 taon na paglalaro ni Benjo ay walang pang naka one-man block sa combination play nila ni Mikee. Bukod tanging si TJ lamang ang naka gawa nito. Isang baguhan sa team. Nagapa tuloy ang laro at isang bad reception ang nagbigay ng chance sa team ni TJ para tapusin ang 3rd set. Maganda ang set ng bola kay TJ. Open spike ang gagawin nya ngunit nadoon si Benjo upang basagin ang opensya nya pero nagka mali si Benjo. Imbis na power hit ay power tip ang ginawa ni TJ matapos makitang sasabayan sya ni Benjo sa net. Butas ang gitnang bahagi ng court sa side nila Benjo at doon dinala ni TJ ang bola. Natapos ang 3rd set. 2 sets to 1 ang standing. Nag simula ang 4th set pero ganun pa rin ka init ang laban. Palitan pa rin ng spikes at power tips sila Benjo at TJ. Hindi kinakitaan ng takot si TJ sa pag palo na madalas ay pasok at ni hindi lamang ma solid block ng kabilang team. Natapos ang laro at panalo ang Veterans Team. Nagkamayan sila at nag simula ang team huddle. Matapos ay kanya kanyang puntahan na sa shower at locker room.

“Nice game, TJ.” Bati ni Mikee. “Salamat.” Maiksing sagot ni TJ.

“Galing mo na ah. Impressive.” Si Benjo. Ngiti lamang nag sinagot ni TJ. “Pero don’t take seriously. Pinabigyan lang kita kanina.” Sabay tawang sabi ni Benjo.

“Talaga lang Mr. Cuevas? Eh bakit nagulat at namutla ka nung na block ko ang combination play nyo? Yun ba ang pinabigyan?” si TJ. Hindi naka sagot si Benjo sa sinabi ni TJ. Totoong nagulat sya ginawa ni TJ kanina sa kanya sa court. “Oh bakit di ka maka sagot. Tama ba ako? Hindi mo iniaasahan na magagawa ko yun noh?” si TJ.

“Asa ka boy, naka tyamba ka lang kanina.” Si Mikee. “Okay..” sarkastikong sabi ni TJ sabay talikod sa kanilang dalawa.

“May kayabangan talag yang si TJ. Naka tyamba lang eh.” Si Mikee. “Easy lang.. nagsisimula pa lang ang laban namin. Di nya kilala si Benjo Cuevas.” Sabay ngiting nakaka lokong sabi ni Benjo.

Naglalakad si TJ papuntang parking lot ng biglang may humablot sa kanya. Di nya nakuhang makita kung sino ito dahil bilis ng pangyayari. Sa isang lugar malapit sa auditorium sya dinala nito. Madalim ang lugar na iyon at masyadong dinadaanan ng mga estudyante. Gulat na gulat si TJ nang makita nya kung sino ang humablot at nag dala sa kanya sa lugar na iyon. Kitang kita sa mga mata nito ang pinag halong inis at tila excitement. Kaba at takot ang nararamdaman ni TJ sa mga sandaling iyon. Di nya alam ang gagawin nya. Kahit na may alam sya sa self defense ay di nya ito magawa sa pagka gulat. Di inaasahan ni TJ ang sumunod na pangyayari.. napa pikit na lamang sya habang nangyayari ito. Ramdam ni TJ ang mainit na hininga ng taong kaharap nya. Mula sa tenga nya hanggang sa leeg. Sandaling tumigil ito at ng dumilat si TJ ay mas ikinagulat nya ang sumunod na ginawa nito. Isang mainit na halik ang iginawad nito sa kanya. Mapusok. Punong puno ng pagnanasa. Nagawang ibuka ng taong ito ang mga labi nya. Walang ibang maisip si TJ sa mga oras na iyon. Di nya alam ang gagawin. Kailangan nyang kumawala pero wala syang lakas, nanghihina ang mga tuhod nya.

Mas lalong naging mapusok ang halik ng taong ito sa kanya. Nagpaubaya na si TJ. Unti unting nadala sya sa pangyayari. Ibinagsak ni TJ ang dalang bag at napakapit sa likuran ng taong kahalikan nya. Laking gulat nya ngt kumalas ito kasabay ng malakas na tawa.

“Ngayon alam ko na ang kahinaan mo, TJ. Tama nga ang hinala ko. I hope nag enjoy ka sa ginawa ko but don’t worry. Kung gusto mo pa, sabihin mo lang. Pagbibigyan ulit kita. All the way pa kung gusto mo.” Ang taong nasa harapan nya.

“How dare you do this to me! Ano bang atraso ko sa’yo ha?!” galit na sabi ni TJ.

“Wala kang ginawa sa aking masama, TJ. Ang sa akin lang, bawas bawasan mo ang pagiging masungit mo. Hindi maganda yan. At sana matutuno ka na sa ginawa ko sa’yo.” Sabay tawang sabi nit okay TJ. Lumipad ang kamao ni TJ at tumama sa mukha ng taong kaharap. Kitang kita sa mga mata ni TJ ang galit at pagka pahiya sa ginawa sa kanya ng taong ito.

“Sa susnod, hindi lang yan ang matitikman mo sa akin. You don’t wanna mess up with me.. hindi ako ang taong gusto mong maka bangga..” matigas na sabi ni TJ.

Pinunasan ng lalaki ang dugo na lumabas sa pumutok nyang labi. “Malakas ka rin palang sumuntok.” Ang lalaki. Aktong lalapitan nya si TJ ng isa pang suntok ang iginawad nito sa kanya. Dahil ditto ay nabuwal sya at nagkaroon ng pagkaka taon si TJ na tumakbo dala ang kanyang gamit.

Ipabayan na lamang ng lalaki na tumakbo si TJ. Ngayon alam na nya ang kahinaan nito at alam na rin nya kung paano ito paamuin. Bumangon sya at inayos ang sarili, pinunasan nya ng panyo ang dugo mula sa kanyang bibig habang hinhatid ng tanaw ang tumatakbong si TJ.

“Simula pa lang ito, TJ. Tigna ko lang kung may maiyabang ka pa sa akin.” Ngiting sabi ng lalaki. Tuluyan itong lumakad palayo sa lugar tumayo saglit sa ilalam ng ilaw mula sa isang street lamp ng university sabay ngit ng nakaka loko..

“Di pa tayo tapos, TJ Cuevas.” Si Benjo.




ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment