gboi's haven

Monday, January 17, 2011

The Game of LIFE and LOVE part 7

Eto na po ang lalo pang tumitinding istorya nila Benjo at TJ.

Salamat muli.



CHAPTER 7: ROUND 1.. FIGHT!


Padabog na umakyat sa kanyang kwarto si TJ. Hindi nya matanggap na nautakan sya ni Benjo sa pagkakataon na yun. Sya kasi ang tipo ng tao na hindi basta basta ng papahalik. Tanging si Alexis lang ang naka halik sa kanya sa loob ng 19 years of existence nya.

“Walangya ka Benjo.. hindi mo kilala ang kinalaban mo.” Tiim bagang na sinabi ni TJ sa sarili. “Gusto mo ng laro? Sige. Maglaro tayo.. at sa pagtatapos ng laro natin sisiguraduhin ko na talo ka.” Si TJ ulit.

Nag simulang ayusin ni TJ ang sarili. Naligo sya.. matagal ang ginawa nyang paliligo. Hindi nya maatim sa sarili na naamoy nya ang pabango ni Benjo. Sandaling tumayo si TJ sa ilalim ng shower head habang dumadaloy ang tubig sa buo nyang katawan. Mabilis ang tibok ng puso nya.. galit na galit sya kay Benjo. Naisahan sya nito, at yun ang ayaw nya. Pero hindi sya magpapa talo. Habang nagpapa tuyo ng katawan ay biglang may nabuong plano si TJ.

“Kung ayaw mo Benjo sa ugali ko.. pwes, makikita mo ang ibang TJ sa susunod na practice natin. At sisiguraduhin kong ikaw hulog ka sa patibong ko.” Si TJ sabay ngiting nakaka loko hawak ang isang bagay sa kanang kamay nya..


“Ano bang nangyari dyan sa mukha mo? Sinong gumawa nyan sa’yo” si Mikee.

“Wala ito, napag tripan lang ako. Okay lang naman ako.” Si Benjo.

“Sa susunod, wag kang uuwi na mag isa. Mas okay na ung may kasama ka. Paano kung napuruhan ka? Paano kung may panaksak pala yun?” si Mikee na kitang kita ang pag aalala kay Benjo.

“Anu ka ba?! Okay lang naman ako ah.. malayo sa bituka ito.” Biro ni Benjo. “Sige lang, mag biro ka pa ng ganyan. Bahala ka na nga dyan.” Si Mikee.

“Uy… sandali lang. Wag ka namang mag tampo.” Si Benjo. “Bahala ka na Benjo. Lahat na lang ata dinadaan mo sa biro.. dinadaan mo sa “okay lang”. Di mo naman naiisip na may mga taong nag aalala sa’yo.” Si Mikee.

“Bakit ka ba nagkaka ganyan? Parang sira naman ito..” natatawang sabi ni Benjo. Di na nag salita si Mikee at tuluyan ng iniwan si Benjo. Napa kamot naman ng ulo si Benjo sa inasal ng kaibigan.

Dumating ang araw ng team building nila. Break muna sa pag eensayo. Puro kulitan at tawanan ang maririning sa loob ng bus ng volleyball team. Di naman alintana ni TJ ang ingay nila dahil busy sya habang nakikinig ng music sa i-pod nya. Di nya namalayan na may tumabi sa kanya.

“Bakit di ka nakiki sali sa amin? Parang napilitan ka lang sumama sa team building ah” si Mikee pala.

Tinanggal ni TJ ang head set saka nag salita. “Anu yun? May sinasabi ka ba?” si TJ. “Sabi ko Sali ka sa amin. Maki pag kwentuhan ka.” Si Mikee. “Di naman ako maka relate sa usapan nyo at saka mukha namang okay kayo kahit di ako kasali eh.” Si TJ. “Uy, mukhang good mood ka ata ngayon. Di ka masungit.” Si Mikee. Nangiti si TJ sa sinabi ni Mikee. Di lang alam nito na nag sisimula na sya sa mga plano nya.

“Ganun ba, pasensya ka na kung lagi akong iwas sa inyo. Siguro di lang ako sanay.” Si TJ.

“Naku, wala yun. Naiintindihan ka namin.” Si Mikee. Alam mo ba yang si Benjo, nung unang araw ko ng training, nasigawan ako nyan kasi di ko ma receive ng maayos ang bola. Pero nung tumagal nagka sundo din kami.” Si Mikee.

“Ah ganun ba…” si TJ. “Gwapo ka naman pala pag na ngiti eh. Mas maaliwalas ang mukha mo.” Si Mikee. “Nakaka tuwa ka naman, pati yun napapansin mo. Don’t tell me, you’re of us. Hindi halata ah.” si TJ. Nakunot ang noo ni Mikee sa sinabi ni TJ. “Nevermind. Sorry. Baka na offened kita.” Si TJ.

Ngiti lamang ang isinagot ni Mikee at nag paalam kay TJ kung pwede silang magtabi sa upuan. Pumayag naman si TJ at ibinalik ang atensyon nya sa pakikinig ng music. Ilang sandali pa ay napansin nya na tulog na si Mikee sa tabi nya. Malayo layo pa ang byahe nila. Maya maya pa naramdaman na din ni TJ ang pag bigat ng mga mata nya.


Hindi namalayan ni TJ oras o kung gaano sya katagal naka tulog. Nagising sya sa sigawan ng mga kasama. Nakarating na pala sila sa kanilang destinasyon. Doon nya napansin na naka hilig na pala ang ulo ni Mikee sa balikat nya. Marahan nya itong ginising at sinabi na nakarating na sila sa resort.

Masaya at puno ng ingay ang buong resort na exclusive lamang sa kanilang team. Si TJ naman ay nag kasya na lamang sa panunuod sa ka kulitan ng mga kasama. Nagkaroon din ng beach volley na sinalihan ng lahat. 6 na team at single round elimination ang laro. Mabilis natapos ang elimination at semis. Si Benjo at si Mikee ang magkakampi laban sa 2 pa nilang ka team mate. Unang round pa lang ay laglag na ang team ni TJ dahil na rin sa hindi nya gusting mag sunog ng balat. Okay naman sa kanya dahil wala talaga syang balak manalo.

Natapos ang laro at panalo ang kabilang team. Ayos lang din kina Mikee at Benjo dahil meron pa rin silang premyo.. isang case na beer. Nag aayos sila ng kanilang makakain, habang abala ang iba sa pag luluto ay kasama si TJ na nag ayos ng kanilang pagkakainan. Habang nahahanda si TJ ay lumapit sa kanya si Benjo.

“Mukhang di ka ata ganun ka competative kanina.. epekto ba yan ng ginawa ko sa’yo last week.” Pabulong na sabi ni Benjo.

“Wala akong balak mag sunog ng balat. Yun lang yon.. at regarding doon sa ginawa mo. Actually I enjoyed it. Sana maulit sya.” May lambing na sabi ni TJ. Napalunok ng laway si Benjo sa sinabi ni TJ. Di nya alam kung seryoso o nang aasar lang si TJ.

“Di ba sabi mo na kung gusto ko pa.. sabihin ko lang.. at all the way pa kamo.” Si TJ. “Ahahahah! Nakaka tawa ka, TJ. Iniisip mo ba uulitin ko yun?” si Benjo. “Ah.. okay. Akala ko kasi pwedeng maulit yun eh.” Si TJ. “Asa ka.” Si Benjo.

“Ano kaya ang sasabihin nila kung malalaman nila na ako ang may gawa ng putok na labi mo?” si TJ. Biglang na mutla si Benjo. Alam nya na napagtakpan na nya ito sa mga kasama nila sa team.

“Hindi sila maniniwala sa’yo.” Si Benjo. Ngiti si TJ sa sinabi ni Benjo. Halata sa boses nya ang kaba sa mga banta ni TJ.

“Akala ko ba matapang ka Benjo. Bakit parang takot ka na ngayon?” si TJ.

“Hindi ako takot.. dahil alam ko na walang maniniwala sa’yo.” Si Benjo.

Ngumiti ulit ng nakaka loko si TJ sabay tingin sa braso nya. Nanlaki ang mga mata ni Benjo sa nakita. “Hindi maari. Paano napunta sa kanya ang.. Bracelet ko!” usal nya sa sarili. “Hindi ba sa’yo ito? Hindi mo din maipagkakaila na sa’yo itong bracelet na ito dahil naka engrave ang pangalan mo dito.” Si TJ habang hinahaplos ang braso nya kung saan naka suot nag bracelet.


“Paano yan napunta sa’yo? Akin na yan!” si Benjo. “Relax, Benjo. Ibabalik ko din naman sa’yo ito eh. Sa isang kondisyon.. hahalikan mo ulit ako. Pero this time.. be gentle.” Si TJ.

Napa tiim bagang na lamang si Benjo sa sinabi ni TJ. Akala nya ay matuturuan nya ng leksyon ang taong ito.. pero nagka mali sya. Mukhang naka hanap na sya ng katapat nya.

“Hindi ko uulitin yun!” si Benjo. “Okay.. sige.” Si TJ. Nagtaka si Benjo nang makitang hinuhubad ni TJ ang bracelet mula sa kanyang braso. “Ayan na ang bracelet mo. Baka sabihin mo na nikakaw ko pa yan sa’yo” si TJ. Inabot ni Benjo ang bracelet.

Tatalikod na sana si TJ ngunit pinigilan sya ni Benjo.

“TJ, sorry for what I did. Ikaw naman kasi eh. Napaka suplado mo.” Si Benjo.
Ngumiti si TJ sa sinabi ni Benjo. “Sa wakas. Effective ang tactic ko.” Usal ni TJ sa sarili. Hindi pa rin humarap si Tj kay Benjo.

“Sana sinabi mo na lang na ayaw mo sa ugali ko, para di na humantong sa ganun. Nasaktan pa kita tuloy. Sorry din.” Si TJ.

“Wag kang mag sorry.. ako nga ang dapt mag sorry kasi nagawa kong halikan ka para lang mapatino yang ugali mo.. pasensya ka na ah.” si Benjo. “Babawi ako sa’yo. Di ko talaga sinasadya yun eh.” Si Benjo ulit.

“Okay lang. Kalimutan na natin yun.” Si TJ na nanatiling naka talikod sa kausap.

“Salamat. Sana sa atin na lang dalawa ito” si Benjo. Tumango si TJ at tuluyang lumayo.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni TJ. “Di mo ako kayang utakan, Benjo.” Si TJ sabay play ng recording mula sa kanyang cellphone.
“Mas mautak pa ako sa inaakala mo. Wala ka ng kawala sa laro natin, Benjo.” Si TJ.



ITUTULOY…

3 comments:

  1. Sana may chapter 8 na.


    Slythe

    ReplyDelete
  2. sana po, maka-update niyo po itong story :D

    ReplyDelete
  3. sana may sumunod na.....

    ReplyDelete