gboi's haven

Tuesday, January 11, 2011

The Game of Life and Love Part 5






Salamat sa mga nag comment at naka appreciate!

Eto na po ang Part 5.

Salamat din sa nag pre-emp ng takbo ng story. Napa isip mo ako ng bagong twist sa story na ito. :)

-GBOI-



CHAPTER 5: ANG NAKARAAN.. (Ang Pinagmulan ng lahat)


“Bakit Miguel, anung nagawa ko sa’yo para pagtaksilan mo ako ng ganito?!” si Myra.

“Myra, alam ko kahit anung gawin ko ay hindi mo ako mapapatawad. Pero nangyari na ito. Wala na tayong magagawa at nakiki usap ako na sana tanggapin na lang natin ang sitwasyon.” Si Miguel

Halos durugin ang dibdid ni Myra sa sinabi ni Miguel sa kanya. Ang taong minahal nya ay inalayan ng buong buhay niya ay sya rin palang magpapa luha at magpapasakit sa kanya.

“Hindi ganun kadali yun, Miguel. Buong buhay ko, ikaw lang ang minahal at pinag silbihan ko. Pero ito lang pala ang mapapala ko sa lahat ng iyon…” si Myra habang hilam ang mukha ng luha ng pinahalong pighati at galit. Nilapitan ni Miguel si Myra, hinawakan nya ang mukha nito at pinahid ang mga luha.

“Tatandaan mo, Myra. Mahal kita at hindi ko tatakbuhan ang responsibilidad ko sa’yo at sa anak natin.” Si Miguel.

“Lalaki syang isa ring Cuevas. Dadalhin nya ang apilyedo ko at hindi sya lalaking bastardo. Susuportahan ko sya sa lahat ng pangangailangan nya.” Si Miguel ulit na ngayon ay hinilam na rin ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

“Miguel, ito lamang ang hihilingin ko sa’yo.. saktan mo na ako ng paulit ulit wag lang ang magiging anak natin.” Si Myra bakas ang poot at galit sa mga mata nito. Tumayo si Myra at naglakad palayo kay Miguel. Iyon na ang huling pagkikita mila ni Myra mula ng magpaalam si Miguel dito para umuwi ng Amerika at mag pakasal kay Elvira. Maituturing na bunga ng isang pagmamahalan sa di tamang panahon ang dinadala ni Myra. Ngunit gaya ng sabi nila..

“Ang pag ibig pag dumapo sa puso nino man, hahamakin ang lahat ito’y masunod lamang”

Hinatid na lamang ng tanaw ni Miguel ang babaeng minsan ay bumuo sa kanyang pagkatao. Ngunit dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang ay kailangan nyang iwan ang mag-ina para pakasalan si Elvira, ang babaeng nais ng mga magula nya para sa kanya. Puno ng kalungkutan na nilisan ni Miguel ang bansa patungong Amerika upang ipag patuloy ang abugasya at ang pagpapa kasal kay Elvira. Mula noon ay wala na syang naging balita tungkol sa kanyang mag ina na iniwan nya dahil sa kaduwagan at pagiging sunud sunura sa kanyang mga magulang.

“Ano na ang plano mo ngayon, Myra.” Ang ina nito. “iwan ko muna si Benjo sa inyo, Nay. Susubuka ko ang swerte ko sa Israel, para mabigyan ko din sya ng magandang kinabukasan” si Myra.

Makalipas ang isang taon ay nilisan ni Myra ang Pilipinas para mag trabaho sa Israel bilang isang domestic helper. Pitong taon ang inilagi nya sa Israel para mabigyan ng magandang kinabukasan ang nag iisang anak. Bumalik sya sa Pilipinas upang maalagaan ang anak sa kanyang paglaki at dahil na rin sa matanda na ang kanyang nanay para maalagaan ang kanyang anak. Mula sa munting ipon ay nag simula sya ng isang tindihan na syang ibinuhay sa kanyang anak at nag simula na rin syang manahi ng mga punda at bed sheet para na rin makatulong sa pang araw-araw na gastusan.

Isang araw habang naglalaro si Benjo ay may isang kotse na tumigil sa tapat ng kanilang bahay. 8 taong gulang na si Benjo noon. Isang lalaki ang lumabas mula sa magarang sasakyan. Hindi alam ni Benjo na ang taong ito ang magbabago ng pananaw nya sa buhay.

“Hijo, kilala mo ba si Myra Suarez?” tanong ng lalaki. “Ay, opo. Sandali lamang po at tatawagin ko ang Mama ko.” Sagot ng batang Benjo.

Hindi maipaliwanag ni Miguel ang mararamdaman ng mapagtantu nya na ang batang kaharap at kausap ay ang matagal na nyang hinahanap na anak. Lumabas mula sa bahay nila si Myra kasama si Benjo. Laking gulat nya ng makita kung sino ang dumating at naghahanap sa kanya.

“Myra..” si Miguel “Anung ginagawa mo dito at paano mo kami nahanap?” matigas na sabi ni Myra. “Sya ba ang.. ang anak natin, Myra?’ tanong ni Miguel. Niyakap ni Myra si Benjo palapit sa kanya.

“Bakit ka pa nag balik? Masaya na kami at tahimik ang buhay Miguel. Wag mo ba na kaming guluhin pa.” si Myra.

“Myra, hindi ako pumunta dito para mang gulo.. andito ako para makita kayo.. lalo na ang anak ko..” si Miguel.
“Miguel, paki usap. Wag mo na kaming guluhin. Alam ko na pumayag ako na dalhin nya ang apelyedo mo pero hindi kasama ang muli mong pagpapakita sa amin.” Si Myra.

“Myra, wag kang maka sarili. Wag mong ipag damot sa anak natin ang karapatan na makilala nya ako. Na mabigyan ko sya ng magandang kinabukasan.” Si Miguel. “Hindi naming kailangan ang pera mo. Lalo na ang presensya mo sa buhay namin, Miguel.” Si Myra na lumuluha na.

“Mama, sya po ang Papa ko?” si Benjo. “Oo anak, ako ang Papa mo.” Si Miguel habang papalapit kay Benjo.

“Umalis ka! Wag kang lalapit sa akin!” sigaw ni Benjo. “Anak… di ka ba masaya na nandito na si Papa?” si Miguel na puno ng pagka gulat. “Ayoko sa’yo! Pina iiyak mo ang Mama ko! Alis na!” si Benjo.

“Umalis ka muna, Miguel. Nagugulo na isip ng bata. Nakiki usap ako.” Hikbing sabi ni Myra. “Sige, pero babalik ako para kay Benjo. Hindi ko sya balak ilayo sa’yo. Ang nais ko lang ay makilala nya ako bilang ama at makilala ko sya bilang anak natin.” Si Miguel.

Tumalikod si Miguel na puno ng kalungkutan ang dibdib. Di nya inaasahan na ganun ang magiging trato ng anak sa kanya. Hindi nya sisisihin si Myra dahil alam nya na hindi ituturo nito sa kanilang anak na kamuhian sya. Habang lulan ng kanyang sasakyan ay walang ibang sinisisi si Miguel kundi ang kanyang sarili. Kung naging matapang lamang sya na ipaglaban ang kanyang mag-ina ay di sana’y magkasama na sila bilang isang masayang pamilya.

Di pa rin tumitigil si Benjo sa pag iyak sa kandungan ng kanyang Ina. Sa murang edad na 8 taon ay naramdaman na nya kung paano masaktan at magalit sa taong naging sanhi din ng kalungkutan ng kanyang mahal na ina.

“Anak, tahan na. wag ka ng umiyak. Hindi ka ibibigay ni Mama sa Papa mo.” Si Myra. “Ma.. bakit ganon? Bakit ganon si Papa? Bakit ngayon lang sya nagpakita?” si Benjo habang tuloy pa rin sa pag iyak.

“Kasi anak, marami syang ginawa. Kaya ngayon lang sya nakapag pakita sa atin.” Si Myra na pilit tinatago sa anak ang kanyang mga luha. “Ayoko sa kanya.. ayoko na syang maging Papa.” Si Benjo.

“Anak, masama yan. Sya pa rin ang Papa mo. Kahit anung pa ang pagkukulang nya sa atin.” Si Myra. Niyakap ni Benjo ang kanyang ina, pumikit sya at di namalayan na tuluyan ng naka tulog ang batang Benjo.


“Miguel.. kamusta ang lakad mo?” salubong ni Elvira. “Nakita ko na sila Elvira… malaki na ang anak k okay Myra.” Si Miguel habang nag sasalin ng scotch sa baso. “Eh di mabuti. Anung sabi ni Myra? Pumayag ba sya sa gusto mo?” si Elvira. “Ayaw ng anak ko sa akin.. Elvira. Galit sya sa akin..” si Miguel na naluluha.

“Palipasin mo muna siguro, Miguel. Hindi madali sa bata ang pagdating mo sa buhay nila. It’s been 8 years..” si Elvira. “Gusto kong iparamdam sa kanya nag pagmamahal ko, Elvira. Ngayon na nasunod ko na ang lahat ng gusto ng mga magulang ko at ngayong wala na sila.” Si Miguel. “Darling, kung anu ang magpapa saya sa’yo. Susuportahan kita.” Si Elvira sabay yakap sa asawa.

Halos araw araw na binibisita ni Miguel si Benjo at Myra. Kung anu-anong pasalubong ang dinadala nya para sa anak ngunit ni minsan ay di niya ito naka usap. Sinubukang kausapin ni Myra si Benjo ngunit matigas ang loob ni Benjo. Ngunit hindi sumuko si Miguel sa pagsuyo sa anak hanggang sa pagka graduate ni Benjo ng grade 6 ay si Miguel ang nag sabit ng melya ditto bilang Valedictorian. Mula noon ay naging malapit na kahit papano ang mag ama. Ngunit naputol ang ugnayan nila ng tumungtong ng High School si Benjo.

Tinustusan ni Miguel ang pag aaral ni Benjo nung High School, pero kahit anino ng Ama ay hindi na nakita ni Benjo. Hanggang sa makatapos ng High School ay walang Ama na nakita si Benjo sa kanyang graduation. Doon muling limamig ang pakikitungo nya sa Ama, hanggang sa mag college sya ay doon nya napag pasyahan na kahit kailan ay di nya mapapatawad ang ama sa lahat ng pagkukulang nit sa kanila.


“Welcome home, hijo.” Si Elvira. “Thanks, Mom. Where’s Dad?” si TJ. “Nasa office anak, darating na rin maya-maya.” Si Elvira.

“Mom, are you sure you want me to stay here for my college? I mean, I can stay in Bacolod.” Si TJ. “Of course hijo, we want you to stay with us and settle here.” Si Elvira. “Okay. If that’s what you want.” Naka ngiting sagot ni TJ.

Simula noon ay dito na namalagi si TJ at nag enroll sa XIAM University sa kursong Fine Arts. Freshman year pa lamang ni TJ ay kinakitaan na sya ng pagiging isang leader. After maging Freshmen Representative sa Student Council ay naging Presidente naman sya ng kanilang College Organization kung saan lalo pang nagpakitang gilas ang isang Theodore Joseph Cuevas.


“Ang mga tatawagin ko ay ang mga nakapasok para maging trainees ng Men’s Volleyball team.” Ang coach.

“Alfred Go, Emil Soriano, Henry Dela Peña at Benjamin Cuevas”

Tuwang tuwa si Benjo ng maka pasok sya bilang trainee. Matagal na nyang pangarap makapag laro sa varsity ng University nila. Isama pa ditto ang maaring maging discount nya pag naging official player na sya. Malaking tulong ito sa kanyang Mama.

Masayang umuwi si Benjo dala ang magandang balitra para sa kanyang Mama. Tuwang tuwa naman si Myra sa pagkaka tanggap ng anak sa volleyball team. Alam nya na ito ang magpapasay sa anak lalo at maganda na rin tio upang makalimutan nito ang sama ng loob sa kanyang ama. Ngunit mali si Myra sa pag aakala nya. Isa ito sa mga paraan ni Benjo upang maka ganti sa ama sa lahat ng ginawa nito sa kanilang mag ina.




ITUTLOY..

No comments:

Post a Comment