gboi's haven

Tuesday, January 4, 2011

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako 8 and 9

Photobucket

Chapter 8

The kiss sent shivers down his spine. It made his knees even weaker. Good grief he wasn't standing. Isinisigaw ng isip niya na lumayo siya sa lalaking ito ngunit iba ang sinasabi ng kanyang katawan, ng kanyang puso. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at nagkakaganoon siya?

Umangat ang kamay niya para itulak ito ngunit hinuli lamang ni Pancho ang kamay niya.

"L-let me go" pagkaraan ng ilang sandali ay sabi niya ng pansamantalang bitiwan nito ang kanyang labi.

"You're free to go anytime,sweet. The question is do you want to?"

Noon niya naunawaan na binitiwan na nito ang kanyang kamay. Naka-alalay na lamang ng bahagya sa kanyang baba ang mga daliri nito. Anumang oras ay maari siyang umatras at tumayo upang makahakbang palayo rito, ngunit naroroon pa rin siya at parang naka-glue na sa pagkakaupo.

Inipon niya ang kanyang willpower para lamang manghina ulit ng bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya upang siilin siya ng banayad na banayad na halik.

To put it simply - It was perfect.

Naalala tuloy niyang bigla ang mga reyalisasyon na nadiskubre niya noong gabi ng pagdiriwang para sa kanilang engagement ni Katrina.

Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang makipaghalikan ng ganoon kapusok. Ganoon karubdob sa isang lalaki ng parang wala ng bukas.

Natuklasan niya na ang atraksiyon na nadarama niya para sa lalaking ito ay mas matindi pa sa sikat ng haring-araw. Nakakalula ang intensidad ng emosyong nakapaloob sa ginawa niyang pagka-alala sa halik na iyon.

Ikalawa ay ang kakaibang pakiramdam na ginising nito sa kanya na hindi pa rin niya magawang pangalanan hanggang ngayon. It was as if he wanted not just a kiss from him but the whole person as well. And everytime he tried to name the feeling, every effort was futile. Mas nahuhulog lang siya sa mas malalim na pag-iisip.

To put it simply. He's confused.


Hindi ganoon ang unang plano ni Panchito. Ngunit nauunawaan niyang ang kanyang mga naunang hakbang ay hindi na maaaring patagalin pa. Hindi na siya maaaring magpatumpik-tumpik pa at kailangan na niyang kumilos ng mabilis at umaksiyon sa kasalukuyang sitwasyon ngayon. Kailangan na niyang makapaglagay ng pagaalinlangan at pagdududa sa isip ni Gboi para sa gagawin nitong pagpapakasal kay Katrina.

Wala lang siyang ideya na bago ang gabi ng kanilang "sagupaan" na dalawa ay mag-eenjoy siya sa gagawin nang higit pa sa inaasahan niya. Gboi's lips were the sweetest he had ever tasted. Aminado na siya roon bagaman at may pagtataka pa rin ay tanggap na niya iyon. Siya ang uri ng taong madaling makatanggap ng mga pagbabago sa paligid at isa na roon ang instant na pagkahumaling niya sa labi ni Gboi. Gaano man iyon ka-wirdo at kasagwang pakinggan.

Marahil ay maswerte na rin siya at nagkataong ganoon ang naging epekto nila sa isa't-isa. Kung Katrina kasi ay hindi siya uubra sa taray ng babae. Masyado itong mapagmataas. Ni hindi siya makalapit ng hindi ito nakabulyaw. Swerte at silahis pala si Gboi.

Napakalakas ng tensiyon sa pagitan nilang dalawa. It was a kind of tension that no one could deny. It was sexual. It was physical. Nagtataka man kung paanong nangyari iyon ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Tutal naman, it was not dirty or lewd. It was very natural.

Ngunit kailangan pa rin niyang mag-ingat. Hindi pa siya nakakapag-establish ng matinding emosyon dito para sa kanya. Kumbaga sa hagdanan, marami pa siyang aakyating baitang. Halik pa lamang ang sa kanila. Samantalang ang kina Katrina at Gboi ay isa ng opisyal na kasunduan.

He'll make sure this was going to be pleasurable for Gboi. Iyon ang isang bagay na malinaw na malinaw na maari niyang ibigay dito. At least. Para sa isang collateral damage.

Hinaplos niya ang pisngi nito. Bakas sa mga mata nito ang pag-asam. Parang batang humihiling. Hindi maiwas na mapangiti siya sa nakita habang hinahaplos ang makinis na pisngi nito.

"Alam mo bang kapag nakatingin ka sa akin ng ganyan sa akin ay gusto na lang kitang halikan ng halikan."

Nagkaroon ng pagdududa sa mga mata nito at alam ni Pancho na dapat niya iyong pawiin kaagad. Muli niya itong siniil ng halik. Nagtatanong tuloy siya kung paano nangyayari iyon.

Bakit ito nagpapahalik sa kanya ng basta na lang? Bakit naman gustong-gusto niyang halikan ito? Bakit naman hindi ito tumututol? Bakit parang nag-eenjoy na siya ng husto sa paghalik-halik dito? Hindi ba nito mahal kahit kaunti man lang si Katrina? Normal lamang ba ang lahat ng iyon? Kung ganoon ay bakit pa ito pumayag na magpakasal sa babae kung talagang mas malakas ang atraksiyon nito sa kapwa lalaki? Ahh!!! Nalilito na talaga siya.

Gusto niyang malaman ang lahat. Sa kabila ng kaalamang nagugustuhan na niya ang mga nangyayari ay mali pa rin iyon kung tutuusin. Hindi siya dapat na naaapektuhan sa halik ng kapwa lalaki.

"Magiging masaya ka ba sa kanya?"


Mga salitang nagpagising kay Gboi mula sa tila mahabang pagkakahimbing sa nakaka-hipnotismong halik ni Pancho. Kumalas siya rito at umatras bago tumayo at tuluyang humakbang palayo rito.

"God!" Sigaw ng isip niya. Ano bang nangyayari at nakita lamang niya ito ay ganoon na kaagad ang eksena sa kanilang dalawa? Nanatili lang siya sa pagkakatalikod dito. Naninigas pa rin ang kabahagi ng kanyang katawan sa pagitan ng kanyang mga hita. Nababaliw na nga siguro talaga siya.

Huminga siya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili at katawan. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kanyang likuran at ang pag-ingit ng upuan.

"Ipinatawag mo raw ako?"

Narinig niya ang mahinang pagtuktok nito sa lamesa niya.

Iniayos niyang muli ang pakiramdam bago ipinasyang humarap dito. Bahala na si Batman. Unit-unti siyang bumalik sa pagkaka-upo.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang chief mechanic ng kumpanya." gusto niyang palakpakan ang sarili at nakisama ang kanyang boses habang nagsasalita. Nanginginig pa rin kasi ang kanyang kalamnan.

"Ako ang in-charge sa mga service vehicles natin. Under siyempre, ng supervision ng kapatid mo." matter-of-factly na turan nito.

Naalala naniya na dalawa nga pala ang departamento na hawak ni Elric. Ito nga rin pala ang naka-assign sa man-power at deployment ng kanilang mga agents sa probinsya at karatig-lugar.

"Hindi mo ba talaga alam o, paraan mo lang ito upang makita akong muli?" panunudyo nito sa kanya.

Napatanga siya rito at bahagyang namula sa sinabi nito. He replied indignantly. "Oh boy! Kasing-taas ng mga building dito sa Makati ang tiwala mo sa sarili, no?"

He twitched his lips in a facsimile of a smile. "Masyado kang defensive Gboi. Samantalang gustong-gusto mo naman na nadirito ako. Eh, kung hinahalikan kaya ulit kita riyan?"

"You have no scruples, Vergara!"

"So I've been told. Don't you want to find out just how decadent I am?"

Bahagya siyang napatanga rito. Hindi pa rin siya nasasanay sa lalaking ito. Naiilang pa rin siya sa pagsagot nito sa ingles. Mukhang napakahusay nito. Ipinasya niyang isatinig ang nasa isip.

"Mukhang magaling ka sa English. Anong kurso ang natapos mo?"

He heard him chuckled. Tiningnan niya ang mga ngipin nito. Pantay-pantay lahat iyon at parang sa commercial model ng toothpaste.

Hinawakan nito ang baba at sa pakunwaring pag-iisip ay pumorma ito. Tumiim ang mga mata nito na nakatitig sa kanya na bahagya niyang ikinailang.

"Mas magaling pa ako sa mas maraming bagay. Iyon lang ba ang gusto mong malaman? Sabihin mo lang at marami pa akong interesanteng kayang ipakita at gawin sa iyo." nanunukso ang tinig nito.

He suddenly felt hot all over again. Napa-iling na lamang siya.

"That didn't answer my question." He replied.

"It's irrelevant."

"It is not!"

"It is."

Naunawaan niyang kinukulit lamang siya nito sa pagkakataong iyon. Hay! Kung bakit ba naman ayaw tumigil sa pagrigidon ang puso niya. At kung bakit ayaw nitong tumigil sa ginaggawa nitong iyon. Kaya naman niyang harapin ng maayos ito, only if he'd stop being so charming, annoying and dangerously handsome all at the same time.

Napabuntong-hininga siya at ipinasya na sabihin na lang ang dahilan kung bakit niya ito ipinatawag para matapos na ang paghihirap ng kalooban niya. Torture na iyon na maliwanag.

"Anyway, ipinatawag kita dahil makikisuyo sana ako na sunduin mo ang mga ipina-kuha kong sasakyan sa States. Ayoko ng bumili ng bago at wala na akong panahon." pag-iiba niya ng usapan.

Nakataas ang kilay na umayos ito ng upo sa pasasalamat ng kalooban niya.

"Darating ang mga iyon bukas ng alas-dies. I've already asked my secretary for the authorization ng sundo na makarating hanggang sa tarmac. Nakontak ko na rin si Mr. Tan at sinabing iko-coordinate na lang daw niya kayo bukas sa mga tauhan niya. Here are the papers na kailangan with regard sa Customs, if ever, magkaroon ng questioning." business-like na ang tinig niya.

Iniabot niya ang papeles dito ngunit imbes na ang mga papel ang abutin nito ay ang mismong kamay niya ang hinawakan nito.

Napatitig siyang muli rito. His resolve was weakening moment by moment ng dahil sa lalaking ito. Parang may ilang-libong boltahe ng kuryente na dumaloy sa pagkakahugpong na iyon ng kanilang mga kamay sa kanyang katawan.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" nanghihinang tanong niya. Wala na suko na siya.

Pancho just stared at him. Muli nitong inilapit ang mukha sa kanya. Napapraning na siya sa intimacy na ipinaparanas nito sa kanya. Di bale sana kung babae siya. Ang haba na siguro ng buhok niya. Naiinis na ibinaling niya ang mukha palayo rito para lamang pigilan iyon ng mga palad nito.

"Naniniwala lang ako na kapag gusto mo ang isang tao ay dapat na ipaglaban mo ito. Sa kaso nating dalawa, alam ko na alam mo na mayroong "tayo". bakit parang hirap kang tanggapin iyon at nilalabanan mo? Hindi ka ba napapagod sa kaka-iwas sa akin?"

Napaawang na lamang ang mga labi niya. Somehow, this man always managed to make him at a loss for words...


Itutuloy...


Chapter 9

Gboi was restless. Kanina pa siya nakatitig sa kisame ng kanyang silid habang nakahiga sa kanyang kama. Pabaling-baling din siya kaliwa't-kanan. Isa lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Si Pancho.

Mabuti na lang at kumatok ang kanyang sekretarya sa kanyang opisina upang sana ay may papirmahan. Bahagya pa itong nagtaka na naka-lock ang pinot. Marahil ay kagagawan iyon ni Pancho.

Naguguluhan siya sa mga huling sinabi nito sa kanya. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Was he professing something deep? Inalala niya ang mga sinabi nito.
"Naniniwala lang ako na kapag gusto mo ang isang tao ay dapat na ipaglaban mo ito. Sa kaso nating dalawa, alam ko na alam mo na mayroong "tayo". bakit parang hirap kang tanggapin iyon at nilalabanan mo? Hindi ka ba napapagod sa kakaiwas sa akin?"

Noon lang siya nakarinig ng mga ganoong salita patungkol sa kanya. Ipaglalaban daw siya nito. Ano siya, girl? Umasim ang mukha niya sa naisip. Maganda lang pakinggan pero hindi malapit sa katotohanan. Ano bang malay niya kung sugo pala ito ni Elric? Ngunit walang alam si Elric sa tunay niyang pagkatao.

"Damn." Usal niya sa kawalan.

Tumayo siya at tinungo ang bar counter sa kanyang silid. Doon naka-display ang lahat ng mamahaling alak na binibili niya. Ipinalagay niya iyon doon upang maiwasan niya ang malimit na pagpapang-abot nila ng madrasta at ni Elric.

Kinuha niya ang bote ng brandy at nagsalin sa baso. Dinereto niya ang lagok niyon. Gumuhit ang matapang na alak sa kanyang lalamunan. Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa sa kalamnan. Nagsalin siya ng isa pa at inisang lagok ulit iyon.

Tumunog ang cellphone niya sa sidetable ng kama niya. Inignora niya iyon at muling nagsalin sa baso. Tumigil ang aparato sa pag-ring. Lalagukin na niya sana ang pangatlong shot na iyon ng muling tumunog ang cellphone niya.

Nayayamot na nilapitan niya ang cp at tiningnan kung sino ang maaring tumatawag sa kanya. It was an international number. Ipinasya niyang huwag sagutin iyon at patayin ng tuluyan ang aparato.

Parang nang-iinis naman na tumunog ang kanilang landline. Mabalis niya iyong nilapitan at padaskol na sinagot.

"Who's this?" he asked brusquely.

"Hello to you too." came the familiar voice.

Heto at tumatawag ngayon sa kanya ang kanina lang ay naiisip niya.

"Huwag kang magkamaling ibaba ito Gboi kung ayaw mong sa susunod na tawag ko ay sabihin ko sa makakasagot ang tungkol sa atin."

He sighed in resignation. He decided to indulge the man a little bit.

"What do you want?"

"I just want to hear your voice, that's all."

Kinilig siya pero di siya nagpahalata.

"Well now that you've heard it. Bye!"

Akmang iaalis na niya tainga ang telepono ng muli tong nagsalita.

Not so fase sweetie. I'm still talking to you."

There was a warning in his voice but he ignored it. Mas nadama niya ng husto ang endearment na ginamit nito sa kanya. Odd. But he like it. Napapangiti na siya.

"You can not scare me Pancho. No one would belive you." nang-aasar na tugon niya.

"I knew you'd say that. Kaya nga naghanda ako eh. What is I tell you na naka-record tayo kanina." sabi nito at may ipinarinig na sa kanya. Gboi turned pale pagkarinig ng mga palitan nila ng salita kanina pati na ang kanilans mga eskandalosong ungol.

"I'd share this to everyone kapag d mo ako kinausap ngayon." banta pa nito sa kanya.

Shocked na shocked siya sa ginawa nito. Ni-record niya ang conversation nila. Malinaw ang usapan at ang palitan nila ng mga impit na ungol.

"Still there, sweet?"

Umahon ang galit sa kanyang dibdib. Kung nasa harap na niya ito malamang ay nasapak na niya ito. Parang nakikinita na niyang ngiting-ngiti ito sa habang hawak ang telepono. Ang talipandas! Nangigigil na nagsalita siya.

"Oh, now your resorting to blackmail!" nag-igtingan ang mga ugat niya sa galit.

"Nope my sweet. Wala namang makaka-alam nito kundi tayo lang eh. Iyan eh kung susunod ka sa gusto kong ipagawa sa iyo." naaaliw na wika nito sa kanya.

Nagpupuyos siyang nagpalakad-lakad sa loob ng silid habang hawak ang cordless nila. Sinasabi na nga ba niya eh. Hindi ito mapagkakatiwalaan. Kapag kumalat ang recorded conversation nila ay tiyak na magagalit ng tuluyan sa kanya ang ama. Mawawalan rin ito ng tiwala sa kanya.

He kept his cool. Bumilang siya ng hanggang sampu. Mararahas din ang kanyang mga paghinga. At may hihingin pa itong kapalit.

"Are you ready to listen now, my sweet? amused na tanong nito sa kanya. Ang walanghiya. Nag-eenjoy pa sa kaalamang nagagalit na siya. Kailangan niyang mag-isip. Kung hindi ay lalo siyang matatalo sa laro nito.

"Yes." sagot niya sa medyo kalmadong boses.

"Good> I have a proposition to make."

"What is it?"

"Ide-delete ko ang nag-iisang kopya ko ng usapan natin kung sasamahan mo ako for the weekend sa bahay ko sa Batangas."

"Hindi ako pwede sa weekend na ito. Fitting iyon ng damit ni Katrina. Kailangan ko siyang samahan. May petsa na kasi ang kaal nilang dalawa. Tatlong buwan iyon mula ngayon.

"You have to know sweetheart that I don't take no for an answer. Besides, hindi ko naaalalang binigyan kita ng choice na tumanggi."

"F_ck you! Don't sweetheart me you son of a..."

"Watch your tongue sweetie. Hindi bagay sa iyo." Pancho's voice is reprimanding.

Bahagya siyang natigilan.

"So? I'll see you this Friday night. Sa parking lot na tayo magkita ng six PM. Makakabalik naman tayo ng Sunday night. I just want to show you the place. I'm sure you'll like it." kaswal lang na sabi nito na para bang hindi siya nagagalit.

Naalala niyang bigla si Elric. Umahon ang hinala sa utak niya. "I'm sure Elric told you to do this. Magkano ang ibinayad niya sa iyo para gawin ito?" nanggagalit niyang tanong rito.

"Anong kinalaman dito ni Elric? Alam ba niyang bading ka? At bakit niya naman gagawin ito? May alitan ba kayo?"

Natigilan siya sa sunod-sunod na tanong nito. Bakas sa boses nito na wala itong alam. Mukhang wala talagang alam ito. But then, baka umaarte lamang ito. Kailangan niyang makasiguro.

"I'm not gay. I'm just bisexual." pagtatama niya rito.

"Touche."

Napabuntong-hininga siya. "Siguraduhin mo lang Pancho na buburahin mo iyon kapag sumama ako sa iyo. I could sue you for this." inis na wika niya.

"For what? For having you as my guest sa bahay ko for the weekend? It's not as if I'm kidnapping you. If I remember, I asked you to come with me. Wala ka nga lang choice tumanggi." tudyo nito.

"This isn't an invitation. It's blackmail!" he hissed.

"Still I'm not forcing you. I'm asking you to be my guest sa bahay ko. Yes or Yes nga lang ang sagot." at binuntutan nito iyon ng mahinang tawa.

"Don't you fucking laugh at me!" singhal niya rito sa mahinang boses. Nag-aalala siya na baka may makarinig sa kanya.

"I told you to watch you language Gboi. This is just an invitation. There's no need to be so frustrated. Mag-eenjoy ka naman kasama ako eh." There he is again. Reprimanding him like he was his girlfriend saying bad words.

"So is it a yes or a yes?" nakakalokong tanong pa nito.

"I don't have much of a choice, do I?" sarkastiko niyang balik rito.

"Yes. But at least. Makakasama mo ang isang gwapo at charming na lalaki katulad ko. Not to mention my hot body." Nanunukso naman ito ngayon.

Napa-ismid siya sa sinabi nito pero bahagyang kinilig. Huh?! Di ba galit siya? Bakit siya ngayon kinikilig? Hay!

"Ewan." sagot niya.

"Wrong answer."

"Alam mo naman na wala akong choice diba? Kasi di mo ako bibigyan ng chance na tumanggi. So bakit nagtatanong ka pa? Tanga ka ba?" nagtataray na siya.

Subalit tinawanan lang nito ang pagtatalak niya.

"Ang taray mo talaga. Halikan kita riyan eh."

"Ewan."

Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Bakit ba siya nagba-blush?

"Naalala mo no?" tudyo nito.

"Ewan." parang tangang sagot niya.

"Ako rin eh." biglang nagiba ang boses nito.

"I could still feel your lips Gboi. Maniniwala ka bang kapag naaalala ko ay nag-iinit din ako." his voice husky and brusque. "Na tinitigasan din ako." he added.

Biglang parang nanuyo ang lalamunan niya. He felt hot all over. Boses pa lang iyon pero nagawa nitong pag-initin ang pakiramdam niya. He felt his member harden.

"Sisiguraduhin ko sa iyong may kapupuntahan ang nararamdaman nating ito Gboi." he promised huskily.

Naturete na siya ng husto. He's breathing uneven. Naguguluhan na naliliyo ang pakiramdam niya.

"Still there?" pukaw nito sa kanya.

"Y-yes. Just expect me on Friday. And Pancho..." he said hastily.

"Yes?" he replied.

"Keep your part of the bargain please?" he pleaded.

"Sure. Sweet dreams my sweet." iyon lang at nawala na ito sa linya.

Nahahapong ibinalik niya ang telepono sa cradle nito. Nahihirapan pa rin siya sa paghinga. Para siyang nakipaghabulan pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Pancho. He felt really exhausted. Nabigla rin siya sa natuklasan sa sarili.

He wanted him. Yet he hated his crooked ways. How i that possible? How could he possibly want and hate a person at the same time. He longed for him to be there beside him. Feel the touch of his lips with his. When their tongues are intertwined he seemed to have been lost in space.

Binuksan niya ang CD player niya. Isinalang ang CD ng isang classic artist. Ninamnam niya ang awitin at pinilit na makatulog at nagtagumpay siya...

There's somebody I'm longing to see...

I hope that he'd turn out to be...

Someone to watch over me...




Sa isang bahagi ng mansiyon...

Ibinaba na rin ng nasa extension line ang aparato sa lalagyanan nito. Isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.


Hindi na pala niya kailangang mag-isip ng husto at nandyan na ang sagot sa problema niya. Ang alas niya para pabagsakin si Gboi ay inihain ng parang isang masarap na putahe sa harap niya. Salamat sa kagagawan ni Pancho. Akala niya ay tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa.

Tinungo niya ang lagayan ng alak. Nagsalin sa baso at umindak-indak sa gitna ng sala.

Finally! Victory is now within reach. Natitikman na niay iyon. Sumimsim siya ng alak at muling umindak. Isang mahinang halakhak ang pumuno sa bahaging iyon ng mansiyon.

Saturday, January 1, 2011

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako 6 and 7

Photobucket


Chapter 6


Ninais magwala ni Pancho pagkatapos ng eksenang iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gboi sa likod-bahay. Hindi siya makapaniwalang naapektuhan siya sa ginawa niyang paghalik dito. Walang-wala iyon sa hinagap niya na maaari siyang makaramdam ng atraksiyon sa paglalapat ng kanilang mga labi.

He could still taste his lips. Naaalala pa rin niya ang pakiramdam ng pagkakahugpong na iyon ng kanilang mga dila. It was divine! Divine?! What in the world was that? Anong nangyayari sa kanya?

Hindi kaya siya ang nababakla sa kanilang dalawa ni Gboi. Sigurado siyang lalaki siya. Hindi na rin mabilang ang naikama niyang babae. At lahat ng iyon ay siniguro niyang masasatisfy sa kanilang mga pagtatalik. So ano itong nangyayaring kakaiba sa kanyang damdamin? Isa itong malaking kalokohan!

Kalokohan nga ba? Kung ganoon nga, why in the world would he thought about Gboi's lips as sweetest and the softest pairs he ever tasted. There's nothing soft and sweet with the man in the first place dahil hindi mo aakalaing may nadarama itong atraksiyon sa kapwa lalaki. Nagawa na niyang pumatol sa mga katulad nito ng dahil lamang sa tawag ng pangangailangan at kuryosidad.

Hindi siya kailanman nagkaroon ng damdamin na ganoon kasidhi sa kapwa niya anak ni Adan kahit gaano pa kagaling ang mga ito na magpaligaya sa kanya. All of his male to male sexual encounters are for his benefit.

Hindi pa kagandahan ang buhay nila noon dahil hindi pa siya nakokontak ng kanyang ama. Nang magpangyaring nakita na siya ng ama na nasa Japan ay itinigil na rin niya ang pagpatol sa kapwa lalaki. There's no need for that anymore.

So what's with the erection? He could not believe how hard he was while kissing Gboi. He actually made him aware of that. Nagamit pa tuloy nito ang nalaman sa kanya. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Kung hindi, malamang na kung saan sila humantong. Mabuti na rin siguro ang ganoon.

Tinungo niya ang hardin kung saan nagaganap ang kasiyahan. All of the people there are the richest of the society. Kahit pa ilagay niya ang posisyon na dapat ay naroon din siya at nakikihalubilo sa mga ito, ay hindi niya magawa. Not that he is not allowed to do so, he could just not bring himself to.

Masyado kasi siyang nabababawan sa takbo ng usapan na naririnig niys sa madalas na pagpunta niya sa mga ganoong pagtitipon noon. Sinubukan naman niya na makihalubilo sa mga mayayaman. May kaya na rin naman siya kung tutuusin. Hindi nga lang talaga siya uubra sa mga ito dahil napakababaw ng kagustuhan ng mga may-kayang tao.

He let out a deep sigh. Hinamig niya ang sarili. Tigib pa rin ng pagnanasa ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Ipinuwesto niya ang jacket na dala sa harapan para takpan ang eskandalosong bukol sa harap niya. Kumuha siya ng alak na isine-serve ng mga arkiladong waiter na lumilibot. He needed that to calm his nerves.

Napansin ni Pancho ang amo niyang si Elric. Ito ang dahilan kung bakit siya naroroon ngayon. Kailangan niyang mag-isip ngayon ng paraan kung paano ito higit na magagantihan.

Minsan gusto na lang niyang hamunin ito ng suntukan at lamugin ang katawan nito sa bugbog. Ngunit talo siya doon. Kahit anong gulpi niya rito ay walang binatbat iyon sa ginawa nito kay Ara. The pig needs to feel the pain of losing something.

Inayos niya ang pagkakatayo. Nag-isip siyang mabuti. Pinag-aralan ang sitwasyon. Ngayong si Gboi na ang presidente ng kumpanya ay lalong nawalan ng tsansa ang pabagsakin niya si Elric.

Ngunit naisip rin niyang kung sakaling hindi na bumalik si Gboi at ang huli ang naging presidente, it would take time bago niya masakatuparan ang plano laban dito. At mukhang hindi iyon sapat para sa kanya. Kahit na alam na alam niyang matagal ng minimithi nito ang pamahalaan ang kumpanya ng amain.

Nakita niyang lumapit si Elric kay Katrina. Isang napaka-gandang babae. Kung ito lang ang pakakasalan ng una ay gagawin niya ang lahat para maagaw ang babaeng ito ng mapagbayaran na ng hayup na si Elric ang kawalanghiyaan nito. Tumatawang hinampas pa ni Katrina sa dibdib ang kapatid ng mapapangasawa. Itinaas nito ang kamay at ipinakita ang diamond ring na inilagay doon ni Gboi kani-kanina lang.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lumapit siya ng kaunti sa dalawang nag-uusap. Itinago niyang bahagya ang sarili sa mga ito sa pamamagitan ng pagtayo sa halamanan sa likod ng mga ito. Keeping a tolerable distance enough for him to eavesdrop. Hindi ugali iyon ni Pancho pero sa pagkakataong iyon ay naku-curious siya sa maaaring pag-usapan ng mga ito.

"Look at this ring Elric. Napakaganda! Mukhang gumastos ng malaki ang kapatid mo rito." buong ning-ning at kasiyahan na pahayag ni Katrina sa kausap. Itinaas pa ng bahagya ang mga kamay na may suot ng sing-sing. Hinawakan ng kanyang amo ang kamay ng huli. Nakita niyang sumeryoso ito at bahagya lang sinulyapan ang ipinagmamalaking sing-sing dito ng kasama.

"Maganda nga siya Kat. Siguradong ang Tito Armand ang bumili niyan para sa iyo. Pero Kat, are you sure about this marriage?" puno ng panibughong wika ni Elric dito. Hmm.. Nagiging interesante ang kanyang mga naririnig. Napansin rin niya ang bahagyang pagbadya ng pag-aalinlangan sa mga mata ni Katrina. Ngunit sandali lamang iyon. She pouted her lips beautifully and replied.

"Hay naku. Ayan ka na naman sa pag-porma mo Elric. Hindi na tayo pwede. I'm already your brother's fiancee. Para namang hindi mo narinig at alam iyon." Sa ibang pagkakataon, matatawa si Pancho sa kanyang narinig at nakitang reaksiyon naman ng amo. Nalukot ang mukha nito at hinila ng bahagya ang braso ng kausap.

"Don't give me that crap Kat. At hindi ko siya "kapatid". Stepbrother ko lang siya. Namin ni Jorge. Alam kong alam mo iyan. At hindi ba, nauna naman ako sa kanya sa iyo. We were doing fine baby. Ibalik natin iyon. Choose me Kat. Please. Ditch Gboi on your wedding day. I know you know that I know the reason behind this marriage. It's only for the merger right? I'm the one who makes you happy, baby. I'm good in bed, aren't I? So why choose him when I'm better than that bastard stepbrother of mine." bakas na bakas ang desperasyon sa tinig na iyon ni Elric.

Napailing na lamang si Pancho sa naririnig at nakikita. Hindi siya makapaniwala sa mga nalalaman niya ngayon. This is indeed a revelation. Bahagyang ipiniglas ni Katrina ang braso mula sa pagkakahawak ng kausap. She hissed and moved her face an inch closer to Elric's face and spoke in a controlled voice.

"How dare you say that here! Kapag narinig ng lahat ang mga sinasabi mong iyan ay isang malaking kahihiyan ang aabutin ng mga pamilya natin. I don't think your mother and Tito Armand would be happy about it. At anong sinasabi mo? You're way better than Gboi? Oh! Maybe you're fucking right about that, but you know what? Gboi's way much better than you, you jerk! Kung sinasabi mong ikaw ang nauna ay bakit hindi mo agad sinabi sa Tito Armand na tayo ang may relasyon ng ipakilala ako ng mga magulang ko kay Gboi. At least Gboi had the decency to woo me and court me like you never did. Kung maka-asta ka ay parang inagawan kang batang inagawan ng candy, when you didn't have the balls to tell them the truth about us. Some nerve you got!"

Mahabang turan ni Katrina. Nakakabigla talaga ang mga nalalaman niya ngayon. Halatang sadyang hinihinaan nga lang ng mga ito ang mga boses at itinatago ang mga damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita habang nakangiti. Sa malayo ay iisipin mong nagkakasayahan lamang ang mga ito.

He discreetly moved closer to the bushes behind them. He can't afford to be seen. Marami pa siyang gustong marinig. Bahagyang humalakhak si Elric. Muling hinawakan sa braso si Katrina at bahagya lang isinandal sa halamanan sa likod nito.

"I could have done that a long time ago baby. Alam mo iyan. Had it not been too obvious on your part to show interest when Gboi came in the picture. Alam mong dati pa ay ayaw na ng mga magulang mo sa akin dahil hindi ako tunay na anak ng Tito Armand. At baka nakakalimot ka? Hindi ba at ikaw ang unang kumalas sa relasyon natin ng magpahayag sa interes sa iyo ang magaling kong kapatid? Please don't do this Kat. I love you, you know that." desperadong pahayag ni Elric sa kausap.

Disimuladong pinakawalan ni Katrina ang sarili sa kamay ni Elric. Ngayon ay malinaw na nakikita niya ang pag-aagam-agam sa mga mata nito. Ibinuka nito ang mga labi. Ngunit muling isinara ang mga iyon and opted not to say something. Sa halip ay puno ng kalituhan na tumalilis ito sa bahaging iyon ng hardin at tumungo papasok ng mansiyon.

Naiwang desperado ang hitsura ng kanyang amo. He should be! Naisip niya. Ngali-ngaling humalakhak si Pancho sa pagkakataong iyon. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nang sa tingin niya ay wala ng pag-asa para makaganti rito, there came an idea na maaari niyang gamitin.

Muling niyang tinanaw ang umalis na babae. Sa mga sandaling iyon ay nakita niyang sinasalubong ito ni Gboi na papalabas naman ng pintuan. Nagyakap ang dalawa. That's it! Sigaw ng isipan ni Pancho. He could make use of the two as his collateral damage. An evil plan suddenly popped-up his brilliant mind.

Bibigyan niya ng pagkakataon si Elric na muling makasama si Katrina. That could be arranged. Kung paano niyang gagawin iyon ay siya na ang bahala. Ang mahalaga ay mabigyan niya ang una ng false hope na maaari nitong makuhang muli ang huli.

Alam niyang ang iniisip ng amo ay maagaw si Katrina kay Gboi and ask her to give the presidency to him as well kapag nakapag-merge na ang mga kumpanya ng mga ito. Of course, as for Gboi, aakitin niya ito. Kapg hulog na sa kanya ang loob nito ay ibubulgar niya sa madla ang kabadingan nito sa tulong ni Elric.

Susugalan niya ang eksena na maaring kalabasan niyon. Iyon ay ang akalain ni Elric na ibibigay dito ni Don Armando ang pamamahala sa kumpanya. He knew that the old man did not trust his boss. That because Elric is good for nothing SOB.

He could handle the department he's in sa kumpanya ng mga ito pero natitiyak niyang hindi ipagkakatiwala ng Don ang kumpanya rito. The Don believed in old school tradition. Only his son is the sole heir of his company.

Duon niya susulsulan ang amo na kumbinsihin ang amain na dito ipasa ang pagka-pangulo ng kumpanya kapag naisiwalat na niyang bading si Gboi. Siyempre, wala ng kasalang magaganap. Pero sigurado siyang si Gboi pa rin ang presidente.

Iyon ang tatayaan niya. Ang tsansa na patunayan na blood is still thicker than water. Maaring magalit ang Don pero ito lang ang anak niya.

A sly smile came formed his lips. Napapahalakhak na siya sa isip niya. This could work. Nakikita na niya ang pagbagsak ni Elric. Pasensiyahan na lang sa mga madadamay. Hindi talaga maiiwasan iyon. Oh boy! He would be the devil personified.

Itutuloy....


Chapter 7

It was his third day as president of their company. Dapat ay noong mga nakaraang araw pa siya nag-assume ng office subalit iminungkahi ng kanyang ama na magbakasyon muna siya.

So, he took the liberty of going on a week vacation sa grand villa nila sa isla ng Mindoro. Presko ang hangin doon at tiyak na makakapag-pahinga siya ng maayos from the stress. And so he's back and on his third exciting day as the new company president.

Nasa opisina siya at ngayon ay pinag-aaralan naman ang libro ng kumpanya. It was under Elric's department. Isa raw ito sa magagaling na empleyado doon ayon na rin sa matatandang department heads.

Natural na hindi siya agad maniwala at ipakuha ang evaluation reports nito kasabay ng sa iba pang department head. Para hindi halata. Pasable naman ang mga nabasa niyang reports tungkol dito.

Nahilot niya ang sentido sa pagkaka-alala ng naging sagutan nila ng kapatid pagkatapos ng kanilang meeting kanina. Hindi talaga maaaring magtapos ang linggong iyon na wala silang magiging pagtatalong magkapatid.

"I'd like to talk to you my dear brother." walang pakundangan nitong salita pagka-adjourn niya ng meeting nila.

Hindi na makapag-hintay ang kumag. "Alone." patuloy pa nito na patungkol naman sa sekretarya niyang nakatayo lang sa tabi niya na ni hindi nito tinatapunan ng sulyap.

"Yoly, excuse as for awhile." Tinanguan at nag-excuse sa kanila ang empleyado niya at lumabas na ng conference room.

"What is it this time?" hindi tumitingin na tanong niya rito.

"So the bummer suddenly became the president of Arpon Developers? Pati rin ba sa kabila ikaw rin ang mamamahala? I wonder kung hanggang kailan tatagal ang kumpanyang ito na itinatag at pinaghirapan ng ama mo bago pabagsakin ng walang alam na katulad mo." ratsada kaagad nito. Wala man lamang pause. Puro fast forward.

Amusingly, itinaas niya ang kilay and gave him a mocking smile. Hindi siya dapat magpa-apekto sa mga sasabihin nito. Alam na niyang nasira na ang ilusyon nito na maging presidente ng kanilang kumpanya. Elric always resented the idea of being under his supervision since time immemorial.

"You know what? For a certified player and a stud like yourself. You seemed to talk too much. Are you...? pambibitin niya sa sabi habang naka-upo sa mesa. Pikon-talo. Yung ang labanan nila. Iminuwestra pa niya ang isang kamay na nakapameywang at ang isa ay nakalaylay paitaas.

Agad na namula ang mukha nito sa sinabi at ginawa niya. "Damn you!" wika nito at akmang susugod. Iniharang niya ang kamay dito at nagsalita.

"Hep, hep!" awat niya rito habang naiiling na nagpatuloy. "What? Tuning violent this time?" Nang-aasar na wika niya. "Baka nakakalimot ka dear brother. Hindi uubra ang stunts mong iyan sa akin. I studied martial arts in Tibet. Iyon ang natutunan ko sa pagiging bummer ko." nakangisi pa niyang wika rito. Hinahamon na pasubalian nito iyon at hamunin ang lakas niya.

Natigilan ito at huminto sa akmang paglapit. May dumaang bahagyang takot sa mga mata nito. Marahil ay naalala nito ang minsang pag-bugbog niya sa mga barkada nito who poorly picked a fight with him years ago.

Kumalma ito. Humugot ng malalim na hininga at inayos ang pagkakatayo. Muli itong ngumiti ng nakakaloko. His arms akimbo while saying, "Why don't you just give me the presidency Gboi. You always end up giving me everything I wanted since you don't have any options, remember? So bakit pa natin patatagalin ito since I always win anyway?" mayabang na wika nito.

Natawa siya. Hindi niya itinago ang pagka-aliw. Para itong batang nanghihingi lang ng kendi. Napaka-imposible talaga nito. He was actually referring to his golden days as a brat. Kung saan lahat ng mayroon siya ay kinukuha nito sa kanya.

Laruan, sasakyan, girlfriends at pati na ang atensyon ng ama ay kinukuha nito sa kanya noon. Well, almost lahat ng bagay. Dahil bukod-tanging si Katrina ang hindi nito maagaw-agaw sa kanya. For seven years, sa kabila ng pagporma nito ay nanatiling nobya niya ang dalaga at ngayon nga ay fiancee na niya.

Ibinalik niya ang tingin dito. "Not this time bro'. I've given you time para maging presidente dito pero di mo ginawan ng paraan. Siguro dahil at the back of Papas' mind you are not a capable President." sabay tawang nakakaloko ni Gboi.

Elric turned furious again but stayed on his ground. He would not dare pick a fight with him physically. But it was a sight to see him control his emotions sa kawalan ng magawa.

Still, the bastard don't know how to quit. "Kumpara sa iyo bro' ay mas karapat-dapat akong presidente dito. I'll make sure na magiging akin din ito sa takdang panahon. After all, pwede ko ng simulan ang pang-aagaw kay Katrina ngayong nandito ka na." nakangisi nitong sabi sa kanya.

"Naloloko ka na, Elric. Kaka-engaged lang namin. You witnessed it. Tapos sasabihin mong aagawin mo siya?" nakangisi ring balik niya rito."And besides, again, bakit di mo ginawa iyon habang wala ako dito? Ang tagal na panahon ang ibinigay ko sa'yo yet di mo man lang siya naagaw sa akin. Ngayon pa kaya?" dagdag pa niya.

Humalakhak ito. A sly one. Alam niya ang ganoong halakhak nito. Parang kay Cruella Devil. It was a knowing laugh. Parang siguradong-sigurado.

"Yeah, I know. You are getting married to Katrina. In spring... If I can't do something about it." nakakalokong turan nito.

There he was, blatantly telling him he was going to steal Katrina away. Napakalakas talaga ng loob nito. Maroon kayang pinagkukuhanan ito ng ganoon at gayon na lamang ang lakas ng loob nito na sabihin iyon sa kanya?

Bahagya tuloy siyang nangamba sa banta nito ngunit hindi siya nagpahalata. Maybe he was just bluffing. Out of desparation maybe. But he knew better. Nagpasya siyang umarteng nabo-bore na at bahagya pang humikab. " Again, why the long wait?" tanong niya rito at pakunwaring tumingin sa orasan.

"I would never have grabbed the opportunity to take her without you here. Where's the challenge in that? Now that you're back, I guess the game is on. You have the upperhand, brother. You've always had it. But watch me win. And no hard feelings when she's mine." nakaka-lokong wika nito na ikinahulagpos ng pagtitimpi niya. Oh! He was raving mad!

"You son of a bitch!" Sinugod niya ito at pinetsirahan. Isinalya niya ito at isinadsad sa pader. Nakahanda na ang kamao niya sa pagsayad sa mukha nito ng magsalita ito.

"Hep, hep! What now? Turning violent this time?" nanunuyang wika. That was a retaliation. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Pasalya niya itong binitawan sa sahig.

Gboi composed himself. His lips pressed. Tinapunan niya ang walang-hiya ng makamandag na tingin. A kind of stare his employees abroad would not like to see. In a calm yet very dangerous tone he replied. "This time you're wrong asshole. You've always wanted her, she's never really liked you. I gave you years yet you weren't able to take her away from me. Maybe its time you accept the fact that you are for good times and I am for a lifetime. Now get the hell out of here before I wring your neck." his voice so low and cold.

Bahagya lang itong natinag at inayos ang sarili. Marahil ay dahil sa kaalamang nagawa nitong inisin siya ng husto. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "I'm not an asshole. Ikaw lang ang may ganyang opinyon sa akin. The rest of the world adores me. So why don yo..."

"Scram!!! You good for nothing son of a bitch!" sigaw niya rito at akmang susugurin ulit na ikanripas nito ng takbo at labas ng conference room.

Natalo siya sa naging engkwentro nilang iyon. Hindi siya makapaniwalang naiwala niya ang composure ng ganon-ganon na lang.

Nainis siya sa kaalamang parang mayroon itong alam na hindi niya alam. There is really something fishy about the situation.

Ah!!! Kailangan niyang malaman iyon.

Rrrriingggg!!! Ginambala siya ng tunog ng intercom.

"Sir, our chief mechanic is here. He said you ask for him to be summoned here." anang sekretarya niya sa linya.

"Yes. Send him in." sagot niya.

Kailangan niyang magpa-maintain ng sasakyan na ipina-deliver niya from states. It was his Hummer na paborito niyang sasakyan at ang Harley Elektra na binili niya when he earned his first millions. Ayaw niyang bumili ng mga bagong sasakyan bagaman ang halaga ng tax na binayaran niya ay spat na para bumuhay ng ilang pamily sa mga susunod na taon.

Hindi na ksi niya maaasikaso ang mga iyon sa dami ng ginagawa. Wala na siyang time na pumunta sa car shop. Pakiki-usapan na laman niya ang mekaniko nila to handle his cars. Ito kasi ang inirekomenda ng kanyang sekretarya ng magpahanap siya ng magaling na mekaniko.

Hindi nagtagal at narinig niya ang katok sa pintuan ng kanyang opisina.

"Come in." he said.

Nasa mga papeles ang kanyang atensyon at hindi na pinansin ang pagpasok nito. "Take a seat Mr. Vergara." utos niya rito habang nasa mga papeles pa rin ang mga mata.

Makalipas ang ilang segundo ay nakdama siya ng kakaiba. A commanding presence. He felt he's being watched. Marahas na napa-angat siya ng tingin and there he was.

Ang taong nagpapagulo ng isip at puso niya nitong mga nakaraang araw.

Ang taong nangahas na magpadama sa kanya ng iba't-ibang damdamin na nagpapalito sa kanya.

The only man who had kissed him that made him want and succumb to his arms wantonly.

There he was. His eyes were piercing through his soul. As if seeing the very heart of him. The brown of his eyes were igniting feelings that disturbed his senses.

Ayun na naman ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Parang may mainit na likidong tumatagos sa kaibuturan ng pagkatao niya. What is with this man, really? Tingin pa lang nito ay nag-aalburuto na ang kanyang puso.

He mentally shook all the feelings that this man had awaken from him. A fierce aura of passion was emanating from his stare. Bakit parang gusto niyang matunaw sa mga titig nito? At ang talipandas na puso niya ay nagwawala at parang gustong lumabas sa ribcage niya.

Umangat ang sulok ng labi nito. It formed a smile. "We meet again." anang baritonong tinig nito.

That woke him finally from his deep slumber. "I-ikaw s-si M-Mr. Vergara?" Damn! What's with the stammering? Napa-iling siya sa nasabi.

Bahagya itong lumapit sa lamesa niya. Nakatayo pa rin. "Yes. It's me." nakangiti nitong sabi. Then, he crossed the space between them by bending over his head towards him, lifted his chin and their lips meet.

He was now giving him an earth-shattering kiss with the table separating their bodies.

Itutuloy...

Tuesday, December 28, 2010

The Game of Life and Love Part 3







CHAPTER 3: ANG PAGSISIMULA


Makalipas ang 2 linggo ay dumating din ang pinaka iintay ng College of Fine Arts, ang exhibit na ilang buwan ding pinag puyatan nila TJ. Maaga pa lang ay nasa school na si TJ at Ian. Isa isa nilang binatayan ang pagsasa ayos ng mga muebles at iba pang gamit para sa exhibit. Ganun na din ang mga paintings mula sa ibang estudyante ng College of Fine Arts.

Avant Garde ang tema ng exhibit. Mula sa kasuotan ng mga member ng organization at mga officers hanggang sa ayos ng exhibit hall ng school. Lahat ng pumasyal sa exhibit ay walang ibang sinasabi kundi isa ito sa mga napaka gandang event sa history ng kanilang University. Maging ang dean at vice president ng student affairs ay manghang mangha sa kinalabasan ng event. Tuwang tuwa naman si TJ at ang buong organization sa successful ng event nila. Natapos ito banding alas 7 ng gabi, matapos masigurong maayos na naibalik ang mga ginamit sa exhibit ay isang meeting mulli ang naganap.

“First of all, I would like to thank you guys for all the effort and talent you put in for this event and for all the support that we received from you, from the planning stage up to the day of the event. We have showed to the entire University that College of Fine Arts is the college to look up to when it comes to event planning. Again, my sincere thanks to all of you.” Si TJ. Nagpalakpakan ang buong organization. Maging sila Ian, Calvin, Jv at Liza ay tuwang tuwa sa kinalabasan ng event.


Lunes, balik sa normal na buhay si TJ. School at bahay muna ang itinerary for 1 whole month. He needs to catch up sa studies nya. Ilang quizzes at lessons ang na missed nya kung di pa sa mga classmate nya ay hindi sya makaka kuha ng ibang notes sa mga past lessons nila. Habang nag lalakad si TJ mula sa library ay nasalubong nya ang isa sa mga instructor nya. “Mr. Cuevas, nice to see you here. And by the way congratulations to the success of your event. I heard it was a blast.” Dire diretsyong turan ng kanyang instructor. “Thank you, sir.” Si TJ. “And.. I need to talk to you regarding on your class standing. Meet at my office after lunch.” Ang instructor ulit. Kinabahan si TJ sa sinabi ng kanyang instiructor. Alam nya na may pagkukulang sya sa subject nito at alam din nya ang tinutukoy ng kanyang instructor tungkol sa lagay ng grades nya sa subject nito. “Yes, sir. I’ll be there.” Maikling sagot ni TJ. Tango lamang ang isinagot ng kanyang instructor at nag paalam na ito sa kanya. Halos di naka kain si TJ sa kaiisip ng tungkol sa sinabi ng kanyang instructor. Alam nyang mali sya dahil halos di n nya napasukan ang klase nito mula ng mag simula ang event nila. Hindi sa ayaw nyang umaattend ngunit dala na rin ang hectic schedule nya ay isa ito sa mga napabayaan nya. “Hindi ako pwedeng bumagsak sa subject nya, nakaka hiya kina Mommy at Daddy.” Usal nya sa sarili. Mula kasi ng tumungtong sya ng college ay hindi nya hinayaang maging mababa ang kanyang grades. Hindi sya pumapayag na 2.0 ang grade nya, ang pinaka mababa nya ay 1.50 mula 1st year hanggang sa tumungtong sya ng 2nd year nya at hinding hindi sya papayag na mawala sa dean’s list dahil lang sa isang minor subject… hindi ang P.E ang magpapa tanggal sa kanya sa dean’s list.




Natapos ang klase ni Benjo ng maaga sa inaasahan nya. Isang quiz lamaang at ibinigay ang hand outs para sa susunod nilang topic next meeting. Tamang tama para kay Benjo dahil sa ito na ang huling klase ny sa araw na yun, mahaba haba ang oras na makakapag relax sya. Dumiretso sya sa gym para doon magpa lipas ng oras. Habang nag lalakad ay nasalubong nya ang Asst. Coach ng kanilang volleyball team. Binati sya nito at sinabing samahan sya sa opisina dahil may mahalaga syang sasabihin kay Benjo. “Benjo, I found 2 players for you to train this coming summer after the summer league.” Ang assistant coach. “Talaga po! Magandang balita yan. 4 din ang mawawala sa atin after graduation this March.” Si Benjo. “Yup, pero dalawa pa lamang ang nakikita namin. Siguro ung 2 eh manggagaling sa scouting naming sa iba’t ibang high school within our area.” Ang assistant coach ulit. “Whatever it takes, sir. Basta para sa team. You’ll have my support.” Si Benjo. Tinapik sya niot sa balikat, tanda na bilib sa determinsyon at kababaang loob ni Benjo ang kanilang assistant coach. Ilang minuto pa ang inilagi ni Benjo sa office at pagakalipas ay nagpaalam na sya para mag handa sa kanilang practice. Pag baba nya ay saktong pag dating ni Mikee sa gym. Sabay silang nag prepare para sa kanilang practice habang nag kukwentuhan tungkol sa iba’t ibang bagay.


Habang naglalakad si TJ papuntang gym ay halos habulin nya ang kanyang hininga sa sobrang kaba. Madaming tumatakbo sa kanyang isipan. Paano kung ibagsak say at di bigyan ng special project or kahit anung chance to make up for his grade? Paano kung dropped na pala sya? Lahat nag ito ay gumugulo sa isipan nya at hindi nya napansin na nasa pintuan na pala sya ng office ng kanyang instructor. Kumatok sya at tuluyang binuksa ang pintuan ng opisina. “Good to see you, TJ. Please come in and have a seat.” Ang kanyang instructor. Halos hindi makahinga si TJ sa kanyang pagkaka upo. Panay ang tawag nya sa lahat ng santo para lamang mawala ang kaba nya at hindi mangyari ang mga iniisip nya. “Well, TJ. I know that you already know why you’re here, talking to me..” panimula ng instructor nya. “Yes, sir.” Naka yukong sagot ni TJ. Masinsinang kinausap si TJ ng kanytang instructor, halos di makapaniwala si TJ na ganun na ang damage ng subject na ito sa credential nya. Halos walang maintindihan si TJ sa mga sinasabi ng kanyang instructor. “Hindi maari ito… wala sa pangarap ko na magka ganito ang college credentials ko. Hindi ang subject na ito ang magpapa bagsak sa akin… gagawa ako ng paraan. Whatever it takes.” Sabi nya sa sarili. Matapos ang ilang minuto ay lumabas si TJ sa office ng kanyang instructor. Di makapaniwala na un lamang nag solusyon sa problema nya sa subject na iyo. Pero gaya nga ng sinabi nya sa sarili. “Whatever it takes”. Napa buntong hininga na lamang siya habang papunta sa susunod nyang klase at sa paglalakad nya ay nasalubong nya si Ian. “Hey, you seems so bothered ah” bati ni Ian. “Yeah, but I don’t want to talk about it right now” sagot ni TJ. Umakbay si Ian kay TJ at sa si malamang dahilan ay parang nawala ang kung anumang bigat ng loob ni TJ sa ginawa ni Ian. Sa lahat ng tao na kakilala nya ay ito lamang ang kayang magpagaan ng loob nya. Kung ibang tao ang gumawa noon ay tiyak na nasinghalan na nya. “Now, tell me… what it is this time?” si Ian. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni TJ bago sinabi ang dilemma na pinag dadaanan nya. Matiyagang nakinig si Ian sa lahat ng sinabi ni TJ, at ng matapos nito ay si Ian ialang tanong ang ibinigay ni Ian sa kanya. “So, will you do it? Or should I ask if you can do it.” Si Ian. “I don’t know. I never thought that I will be in this situation. Not even in my wildest dream.” Si TJ. “As if I have a choice. Un lang ang option. Wala ng iba.” Kalmadong saad ni TJ. “You have to figure it out bago dumating ang araw na yun. Because it is you who will decide for that.” Si Ian. “Thanks, Ian. Buti na lang at nasalubong kita. At nasabi ko sa’yo lahat. Kung hindi malamang eh maaksidente ako sa daan nito later. Sobrang pre-occupied ang utak ko.” Si TJ. “OA ka naman. Wag ganun. Hindi ikaw ang TJ na kilala ko. This is just one of those problems ang challenges we need to face and overcome.” Si Ian. Ngumiti si TJ sa sinabi ni Ian. Tama sya, isa lamang ito. Madami pa ang nag aantay sa kanya pag dating ng mga susunod pang mga araw at taon. “Tapos na ang klase ko, Ian. I have to got home to tell my folks about my situation.” Si TJ. “Alam mo, ipag da drive na kita. Hindi ako mapapakali na ganyan ka tapos mag mamaneho ka pa.” si Ian. “Wag na. may klase ka pa di ba?” si TJ. “Yeah, but I insist. Mas gugustuhin ko pang ma late sa klase ko kesa dumalaw sa ospital pag may masamang nangyari sa’yo.” Si Ian. Di na nakatanggi si TJ sa alok ni Ian. Sabay silang nag lakad papauntang parking lot. Dala ni Ian ang mga libro at ibang gamit ni TJ. Sa mga hindi nakaka kilala sa kanila ay masasabi mong may namamagitan sa kanilang dalawa. Pero para kay TJ, Ian is a good friend. At hanggang doon lang yun. Mabait si Ian at maalalahanin. Not to mention the drop dead gorgeous body dahil na rin sa pagiging swimmer nya ng University. He stand 5’11, Moreno with kissable lips. Galing sa isang Buena familia. Lahat na ata ng hahanapin mo sa isang lalaki eh nasa kanya na. Pero para kay TJ, kaibigan lang ang turing nya dito. Si Ian ang nag drive ng sasakyan ni TJ at mag ta taxi na lamang si Ian pabalik sa school. Walang imikan silang dalawa habang nasa byahe. Iniisip ni TJ ang natatanging option nya para makabawi sa subject na maaring sumira sa college life nya. Si Ian naman ay hinayaan munang makapag isip ng mabuti si TJ. Alam nya na kaya ni TJ ang pinapagawa ng instructor nya. Ang hindi nya alam kung hanggang saan kakayanin nito.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay ni TJ. Matapos mai park ang kotse ni TJ ay sabay silang bumaba. Nag paalam si Ian kay TJ at saktong paalis n asana si Ian ay saka naman ang dating ng mommy nya. “Hi, Mom.” Si TJ sabay halik sa pisngi nito. “Hello, hijo. And who is this handsome devil in front me right now?” birong sabi ng mommy ni TJ. “Christian Benitez, maam.” Magalang na sagot ni Ian. “Mom, this is Ian. He’s the Vice President of our organization and my classmate.” Si TJ. “ Well, Mr. Benitez. It my pleasure to meet you.” Ang mommy ulit ni TJ. “Same here, maam.” Si Ian. “Maiwan ko muna kayo at may aayusin ako sa loob. TJ, hijo. Papasukin mo ang bisita mo at makapag snack naman sya.” Ang Mommy nya. “Naku, hindi na po, maam. Babalik din po kasi ako sa school for my last class. Hinatid ko lang si TJ dito sa bahay nyo.” Si Ian. “Ganun ba, hijo. Sige. Salamat sa paghatid sa anak ko. But promise me na babalik ka ditto ah. I’ll cook dinner for you.” Ang Mommy ni TJ. “Sige po. Salamat. I’ll go ahead na po. Nice meeting you po, Mrs. Cuevas.” Si Ian. Nag paalam si Ian kay TJ at tuluyan na itong umalis. Pagka pasok pa lang nila ng kanyang Mommy sa bahay ay hindi na sya nito tinatanan ng tanong na may halong pang aasar. “Now, tell me hijo. Who’s Ian in your life?” ang Mommy nya. “Mom.. wala. He’s just a classmate and a good friend. Nothing’s special.” Si TJ habang nag sasalin ng juice sa baso. “But as I can see… for him you are special” ang Mommy nya. “At paano nyo naman nasabi?’ si TJ. “Well, hinatid ka nya ditto. Nag taxi sya pabalik ng school.. effort yun. At the same time. I saw the sparkles in his eyes kanina na magkasama kayo.” Ang Mommy nya. Natawa na nailing na lamang si TJ sa sinabi nito. “Oh, eh bakit nangingiti ka dyan?” ang Mommy nya. “Nothing.. nakaka tawa lang kasi na naiisip at napansin nyo un. Samantalang ako eh hindi. To think that everyday kaming magka sama sa school.” Si TJ. “Baka kasi hindi mo binubuksan ang mga mata mo.” Ang Mommy nya. “Mom.. hindi na ako mai inlove muli. After Alexis.. wala na akong tiwala sa mga ganyan.” Si TJ. Hindi na lamang nag comment ang Mommy nya sa sinabi ni TJ. Nakita nya kasi kung paano gumuho ang mundo ng anak maapos itong iwan ni Alexis para sumama sa isang matandang bading sa Australia. “I understand how you feel, hijo. Pero hindi habang buhay eh magiging ganyan ka. You deserve to be happy. And sooner and later darating ang taong magpapa saya sa’yo.” Ang Mommy nya. “Well, kung totoo man yan, mahihirapan sya. Kung sinoman sya.” Si TJ.



Natapos ang araw ni Benjo sa pag eensayo para sa summer league. Habang nag aabang ng sasakyan ay may humintong sasakyan sa harapan nya. Nang ibaba nito ang salamin ng sasakayan ay doon nya nakita si Mikee. “Sakay na, Benjo. Hatid na kita sa inyo.” Si Mikee. “Talaga? Sige salamat.” Si Benjo. Sumakay si Benjo at habang nasa byahe ay panay ang kulitan nilang dalawa. Hanggang sa dumako ang usapan nila tungkol sa posibilidad na maging team captain si Benjo next year. “I’m not expecting anything, Mikee. Masaya na ako na mai panalo natin lahat ng games natin.” Si Benjo. “Eh wala namang deserving pa sa’yo sa posisyon.” Si Mikee. “Well, bahala na sila coach. Basta maglaro lang tayo ng maayos at ipanalo ang Summer League. Okay na sa akin yun.” Si Benjo. Isang ngiti lang ang isinagot ni Mikee sa sinabi ni Benjo. Halos isang oras din ang byahe nila dahil sa traffic. “Mikee, salamat ah. gagabihin ka na nyan pauwi sa inyo.” Si Benjo. “Naku, wala yun. At saka wala naman akong klase bukas. Kaya pwedeng magpa gabi.” Si Mikee. “Ganun ba, sige. Salamat ulit. Kita na lang tayo bukas sa practice.” Si Benjo. Pagkatapos magpaalam ay tuluyan ng pumasok si Benjo sa loob ng bahay nila.




ITUTULOY..

Monday, December 27, 2010

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako 4 and 5

Photobucket





Chapter 4

Isang mahinang katok ang gumambala sa pananahimik niya sa kanyang silid. ¨Senyorito, bumaba na raw po kayo sabi ng Papa ninyo.¨anang isang kasambahay nila mula sa pinto.

¨Pakisabi na susunod na.¨at agad niyang tinapos ang iniinom na isang shot ng Jack Daniels mula sa bar counter ng kanyang kwarto.

Bumungad ang malamyos na tugtugin ng banda na inarkila para sa gabing iyon. Isang jazz band ang kasalukuyang nagpe-perform. Paborito niya ang awitin.

Hinayon niya ng kanyang tingin ang mga naging bisita nila para sa gabing iyon. Nakita niya mula sa pintuan ng kanilang mansiyon ang kanyang ama na malapit sa entablado katabi ang kanyang madrasta.

Pamilyar na mga mukha ang nakikita niya ngayon. But somehow , It bore him to know that these familiar faces are actually the plastics of their so-called ¨Elite Society¨ .

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tuluyang lumabas ng mansiyon. Napuno ng mga bisita na magwe-welcome sa kanya ang kanilang bakuran. Sa laki niyon, hindi pa rin nakuhang magsiksikan ng mga tao sa kanilang hardin. Why, kahit na may fountain sa gitna ng garden nila ay di pa rin ito mukhang crowded. Maganda ang pagkaka-ayos ng setting.

¨There you are, Sweetheart.¨si Katrina iyon. Ang kanyang nobya ng pitong taon. Nakangiti niya itong sinalubong. He didn’t expected what she would do next. She kissed her full on the lips. Isang malalim na halik na kanya namang agad na tinugon.

¨I missed you, Sweetheart. How was your flight ?¨nakangiti nitong sambit pagkatapos ng kanilang halikan. ¨I missed you more sweetie, and my flight is always like that. Tiring.¨pabiro niyang tugon dito. Niyuko niya ulit ito at kinintalan ng halik sa mga labi. Not that he wanted everyone to know na miss na miss niya ito. It was all for a show actually. All for Elric’s eyes.

Nginitian niya ang nobya. Alam niyang pinopormahan ito ng stepbrother niya. For the same lame purpose. For the merger and so he can be President of their company, once married to her. Katrina is very beautiful tonight. She wore a body-hugging mint-green gown of Vera Wang that showed her slender body a very provocative view for Adam species. It was a serpentina style creation that was accentuated by sequins from her chest downwards. It has not-so-tolerable slit that allowed men to think various of not-so-wholesome thoughts about this girl.

But, tonight. She is going to be his fiancee. He encircled his hands to Katrina’s waist. He guided her to the dance floor. ¨My, my ! You’re so full of energy tonight sweetheart. We never dance before.¨ naiiling na wika nito bagaman at nababakas ang kasiyahan sa mukha.

¨Then, let me dance with you forever Katrina.¨bulong niya rito. Gboi lifted Katrina’s hands up and turn her around. ¨You look so lovely tonight.¨he added. She giggled. ¨And so are you, Handsome.¨malanding wika nito.

Gboi thought it was an endless dance already. Tiningnan niya ang paligid. Pahapyaw ay nakita niya ang mukha ni Elric. Still for the show, he maneuvered Katrina to his body and kiss her fully on the mouth.

On the other hand, Katrina seemed to be enjoying it. In one quick move, he slipped a ring on her hand to her amazement and excitement. Gboi sighed inwardly. This is it. Tiningnan niya ang mata ng kasintahan.

¨Would you let me dance with you forever sweetie ?¨madamdamin niyang pahayag. Sa kabila ng konsentrasyon niya ay may nahagip siyang pigura mula sa di kalayuan. Isang pigurang madilim ang mukha ngunit nagbabadya ng panganib. Nag-angat siyang bahagya ng paningin, ngunit nawala na ito. Maaring guni-guni lamang iyon.

Ibinalik niya ang mata sa nobya. Namamasa ang mata nito. Tanda ng kaligayahan. Oh Great ! Sigaw ng isip niya. ¨This is really beautiful darling. I did not expected you to do this tonight. But yes ! ¨naluluhang sambit nito.

¨Will you marry me Katrina Menandrez ?¨nakangiti niyang tanong dito. ¨Of course, sweetheart. Why wouldn’t I ?¨sabay yakap nito sa kanya. They kissed again. As if on cue. His father and stepmother approached them, alongside his new fiancee’s parents.

¨I guess this calls for a celebration.¨nakangiting bati ng ginang ng mga Menandrez. Pumunta silang lahat sa entablado at pinatigil sandali ang kumakantang jazzer after exchanging pleasantries to each parties.

Kinuha ni Don Armando ang mikropono. ¨Ladies and gentlemen, may I have your attention please.¨nakangiting wika nito habang di maalis ang abrisiyete ng magaling na esposa sa tabi.

¨Tonight dear guest is a very special night for I have three important announcements. One is to welcome my dear son Gboi Arpon as he stays here for good.¨the crowd applauded. Some greeted Gboi who is at the stage this time.

¨Second, is a very wonderful news. For my son, Gboi Dela-cruz Arpon is finally engaged, with his long-time girlfriend Katrina Menandrez. The only heir Menandrez Shipping Lines.¨pagpapatuloy na anunsiyo ng Don sa kagalakan ng lahat. Well wishers almost went wild for their shouts are intolerable. Parang di mayayaman.

Don Armando scanned the crowed and showed a big grin from his face as he make the final announcement. ¨Lastly Ladies and Gentlemen. My son Gboi Arpon. Is now the new President of Arpon Developers and Arpon Telecoms !¨mataginting na pahayag ng matandang Don.

Lalong umugong ang palakpakan ng iabot sa kanya ng Don ang mikropono. Gboi swallowed a lump in his throat as if he would be reciting in front of his high school homeroom subject. He scanned the familiar faces in front of him. Kanina pa naka-plaster ang ngiti sa kanyang labi. Napapagod na siya ngunit hindi niya pa maaring itigil ang palabas.

¨I would like to thank everyone whose gathered here tonight. Salamat sa pagpunta at sa mga pagbati. The announcement of my wedding details would be on the papers tommorow. But as the new President, It is really a big surprise. You caught me there Old man.¨he said grinning to his father.

He looked for his stepbrothers face after receiving a slur from Mildred, his stepmother kahit na bahagya lang nitong naitago ang pag-ilap ng mata. He matched Elric’s fake smile. Then, he continued. ¨To Elric, Bro, I really would need the help of a trustworthy Vice-President like you.¨nakangiti rin niyang sambit dito.

Elric nodded and mouthed ¨Anything , Bro !¨he knew better that it was a sarcastic remark. Wala lang itong magawa sa ngayon. ¨Thank you again guys and Enjoy.¨he ended. Kinamayan siya ng mga partidos ni Katrina at ng ama pati na ng Madrasta. Sinubukan niya itong asarin. ¨Really Papa, I can’t believe I’m President now. Isn’t it sweet Tita Mildred ?¨nakangiting baling niya rito.

Bahagyang tumalim ang mga mata nito. Ngunit nakangiti pa ring sumagot sa kanya. ¨You deserve it darling. I knew you’d take care of the business just like my sweet Elric.¨plastik talaga ang hitad at nakuha pang isingit ang anak.

Nag-excuse siya sa mga ito at sa nobya na gagamit siya ng banyo. Pumasok siya sa mansiyon at dumiretso sa kusina. Hindi na siya umakyat sapagkat sa backdoor ng mansion ay may CR din.

Napapa-iling na hinagod niya ang mukha ng dalawang palad. Hindi siya makapaniwalang nalusutan na niya ang gabing iyon. Ah… Hindi pa pala. May problema pa siya.

Nagsindi siya ng yosi mula sa bulsa ng coat niya. Pagbugha niya ng hangin ay ginulantang siya ng isang baritonong tinig.

¨Anong ginagawa mo rito ? May party para sa iyo sa loob at nagtatago ka rito ?¨si Pancho na naka-upo sa isa sa mga upuang kahoy na nanduon.

Nabosesan niya lang ito. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito bagamat ang suot nito ay naaaninag niyang kaunti. Naka-moccasin shoes ito. Pantalong maong at simpleng polo-shirt na white. Nakasandal ito sa upuan with legs stretched like logs in the forest.

Napatagal na naman ang titig niya rito na pinutol lang ng magsalita ito. ¨Pasado ba ?¨Tanong nito. Napahiya siyang bahagya at kahit alam niyang madilim sa kinatatayuan niya ay alam niyang namumula siya. What the… ? What’s with the blushing ? sigaw ng isip niya.

Nilapitan niya ito. ¨Hindi ka talaga marunong lumugar sa pwesto mo no, Pancho ?¨nakataas-kilay na bawi niya rito. Tumayo ito. Napaatras siyang bahagya. ¨Talaga bang pakakasalan mo siya ?¨tanong nito sa kanya.

¨What kind of stupid question is that ? Of course I will !¨kulang sa kumbiksyon na sagot niya. Hay naku ! Taksil na puso ! Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya ngayon. Parang bullet train sa bilis ng pagpintig. Was he palpitating ? Sure there are men na ka-excite sa kanya before. But not like this. Para siyang school girl na nilalapitan ng crush niya. Damn !! Erase !! Erase !! Erase !!

¨Oo nga naman pala. I-nannounce mo nga pala kanina. May paluhod-luhod ka pang nalalaman. Parang tunay Gboi.¨saad nito habang patuloy na lumalapit sa kanya at patuloy naman siya sa pag-atras. Oh my !! How come his name sounded so sweet in his lips.

Speaking of lips. Parang doon na yata napagkit ang mata niya. Naramdaman niya ang lamig sa likod. Pader ?! Hala ! Mukhang wala na siyang kawala. Nasa harap na niya ito in an instant.

Panco looked in his eyes firmly. Parang ayaw siyang paibahin ng tingin. Parang nanghi-hipnotismo. Inaakit siya ng kumag. At ang talipandas na tuhod niya ay parang gustong matunaw. Letse ! Parang may mga paru-paro siya sa tiyan. Kaloka !

He decided to close his eyes. But to his dismay, ang amoy naman nito ang napagdiskitahan ng senses niya. Why in the world his senses worked double time everytime this man is near.

He opened his eyes. Errr !! Wrong move. He was now an inch closer. His breath fanning to his face. He looked down his lips. Man ! Wrong move again. He looked up. Then looked down his lips again. Darn ! He felt his member hardened. What ? Just a mere sight of him gave him a hard-on ? This is insane.

¨Magpapakasal ka sa kanya pero ito ang gusto mo ?¨then his lips descended on his. And his damned !….

Itutuloy


Chapter 5


Pancho's lips was slowly descending on his. Napaatras siya ng husto, pinagana niya ang ng husto ang utak niya. Hindi maaring basta na lamang siyang halikan nito. Mabilis na umangat ang kamay niya. His fingers curled and splayed automatically, he wanted to hit his face hard with the heel of his hand. That would have hurt another man had his hand hit its target.

But he wasn't just another man. Ni hindi man lang nakuha ng kamao nya na makalapat sa mukha nito. He realized that a moment too late. Instead, strong fist grabbed his wrist and he was pulled and was rammed into chest that was massive as the rock of Gibraltar.

At bago pa makagawa ng kahit na anong ingay si Gboi, Pancho's mouth was on his, stealing the breath from his lungs. He stiffened. But, he's stillness is only temporary. Soon, Heat burned through him. Naramdaman niya ang mainit na likidong tila tumatagos sa kanyang mga buto. Mas matangkad lang ilang pulgada sa kanya si Pancho, ngunit sa pagkakataong iyon, tila tinakasan na ng lakas ang kanyang katawan at napaliyad na lamang siya sa sensasyon na kanyang nadarama.

He clung to him as soon as the kiss deepened. Namalayan na lamang niyang naka-kapit na ang kanyang kamay sa batok nito. His lips were soft yet firm. Bagay sa nagmamay-ari ng mga pares na iyon. He felt the muscles of his stomach contract as his slick and wet tounge slid erotically over his.

He is no amateur when it came to kissing. In fact, he kissed a lot that he lost count already. But the kisses that they're sharing right now is really a mind-boggling one. His hard body pressed against his. Nangamba siyang bigla na baka maramdaman nito ang kanyang arousal sa likod ng kanyang slacks.

To his horror and delight, one sinewy leg wedged between his as he rubbed his thigh against his sex. Biglaang pagkalito ang kanyang naramdaman. Marahil ay nadama rin ni Pancho iyon kaya biglang nag-iba ang paraan nito ng paghalik. He was now kissing him sweetly. A kiss he has never done before. His tongue delved deeply in his mouth. Searching. Begging. Seducing. As if asking him to abandon reality and be with him amidst the wilderness of fantasies.

A soft moan came out of Pancho's mouth. Was he aching too? As much as he ached for this man. He leveled with his kissing. Ignited by the fire that Pancho started, he returned his kisses with equal fire. His hands roamed the muscled back of the man that was kissing him. He didn't want him to stop. Not when desire already melted all his inhibitions and discarded the thought that someone might actually pop out of nowhere and see them kissing.

He's hot all over with desire he never felt before that numbed his mind. Tinutugon niya ang mga halik nito ng mas mapusok. Mas mainit. He's mad. Wild. Never had a man's or a woman's kiss affected him so much. And their kisses were unshamedly carnal.

He wanted him. Higit pa sa kung anupaman. Binago nitong muli ang paghalik sa kanya. As if making love to him right there and then. His tongue were mimicking the act. Withdrawing his tongue back and forth his mouth. Oh man! This is really crazy! His mouth was unapologetically hungry. Napasinghap siya sa natuklasan. He's also aroused like him! Isang nagbubunying kalooban sana ang kanyang mararamdaman ng biglang katulad sa mga pantasya at fairytale books. The fantasy had to end.

He abruptly ended the kiss. Leaving him hanging. Nakapikit pa siya at ang tanging nararamdaman ay ang hanging mabining humahaplos sa kanyang mukha. Napadilat siya. Bakas ang pagtataka sa mukha.

"Magpapakasal ka sa kanya pero sa akin ka nakakadama ng ganito. Does she kiss you like this?" nanunuyang tanong nito sa kanya. That hit him hard! Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang pakiramdam. Nahimasmasan siyang bigla. So lahat ng iyon ay para lang pamukhaan siya?

Nag-igtingan ang mga ugat niya sa leeg. Alam niyang namumula siya sa labis na pagkakapahiya. "Kaya ka ba niyang pag-initin ng katulad ng ginawa ko sa iyo kanina lang?" pagpapatuloy nito. His warmth still affected him. Ngunit hindi niya hahayaan ang damuhong ito na magtagumpay sa pagpapahiya sa kanya. Hindi nito makukuha ang reaksyon na gusto nitong makuha.

His face went blank. Inayos ni Gboi ang sarili. Kinalma ang isipan. He wanted to hurl at him. Pero sa kadahilanang hindi niya alam ay hindi niya magawa. Tinapatan niya ang tingin nito. His face devoid of any emotions. "Have I failed you, Pancho? You also returned my kisses with equal passion. And from the looks of it, mukhang di ka pa rin nakaka-recover." At sinulyapan niya ang kayo ng maong na suot nito. Naroroon pa ang ebidensya ng pagpapa-init niya rito.

The bulge on Pancho's crotch is really amazing. He can only imagine what else it could offer. Tiningnan din ni Pancho ang sinusulyapan niya. Isang nang-iinsultong tingin at ngiti ang ibinalik nito sa kanya. "Ano? Gusto mo bang makita ito? Gusto mong hawakan?" Pancho referring to his member.

Gboi smirked. "I also have a thing like that." he retaliated. "Besides, you won't dare show it here. At mukhang maliit lang yan." pang-iinsulto pa niya.

Tumawa ng malakas ito. His laughter echoed in that portion of their backyard. Naaliw siyang bigla na pagmasdan itong tumawa. Parang bumata ng ilan taon ang edad nito. How old is he anyway? Thirty? Thirty-two? Nah!! Sinaway niya ang sarili. Muli niyang ibinalik sa pagiging blangko ang mukha ng magbalik ang tingin nito sa kanya.

Pancho's brows arched and lop-sided smile that's as deadly as viper formed in his lips. Ang talipandas. Hindi nauubusan ng pang-gayuma sa kanya. Ibinalik niya ang composure. Simula ng makilala niya ang lalaking ito, nasisira na ang kanyang resolve. Hindi siya ganoon kahina sa pakaka-alam niya.

Ngumiti ito. As saccharine as the sunrise at nagwikang "Hypocracy becomes you Gboi. Considering how you sucked my tongue a while ago. Or maybe you're doing some sort of reverse-psychology. Well, if you think that I would give you a fucking chance to see my dick. You had another think coming." diretsong pahayag nito sa kanya bago tumalikod at bumalik sa loob ng mansiyon sa gulat niya! That was a revelation. Napasinghap siya sa dalawang reyalisasyon niya ngayong gabi. At hindi iyon nakakatuwang pakinggan!

Itutuloy....

Tuesday, December 21, 2010

The Game of LIFE and LOVE Part 2

CHAPTER 2: PAGLISAN at BAGONG PAG SISIMULA



Makalipas ang ilang buwan ay nakatakda ng umalis ang Mama ni Benjo papuntang Israel. Isang araw ang iniliban ni Benjo sa klase at volleyball practice para makasams ang ina. “Oh anak, wag mong kalilimutan ang mga bilin ko ah. Alam ko na responsible kang bata pero kailangan ko lang makasiguro na magiging maayos ka ditto mag isa.” Ang kanyang Mama habang naglalagay ng mga natitirang gamit sa na dadalhin sa Israel. “Opo, Mama. Ako na pong bahala dito. At wag po kayong mag alala, tatandaan ko po ang lahat ng bilin nyo.” Si Benjo. “Kada Linggo ay darating ang Tyang Mameng mo para ipag laba ka at ayusin na rin ang bahay. Naka usap ko na sya tungkol dito” ang kanyang Mama ulit. Tumango lamang si Benjo. “Basta anak, magpapakabaiit ka dito at mag aaral kang mabuti.” Bilin ng ina. “Opo.. Mama.” Si Benjo na nag uumpisa ng mag unahan ang mga luha sa umagos mula sa kanyang mga mata. Nilapitan sya ng kanyang ina at niyakap ng mahigpit. Doon bumuhos ang emosyon nya. Napuno ng luha ang kanyang mga mata, tanda ng kalungkutan at pangungulila na madadama nya sa paglisan ng ina upang mabigyan lamang sya ng maayos na pamumuhay. Isang halik sa noo ang iginawad nya sa kanyang ina. Pinahid nito ang mga luha nya sa mata. “Anak, magpakatatag ka. 2 taon lang ito. Mabilis lang yun.” Ang kanyang Mama. “Ma, mag iingat ka doon at tatawag ka lagi ah para naman alam ko kung okay ka doon or hindi. At saka Mama, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng Benjo mo.” Si Benjo. Nagtawanan sila at ipangpa tuloy ang pag iimpake ng gamit.

Araw ng Lunes, araw ng paglipad ng kanyang Mama patungong Israel. Malungkot man si Benjo ay pilit nyang ipinakita sa ina na kakayanin nyang malawalay sa ina ng 2 taon para na rin sa kanilang kinabukasan. Pag dating sa airport ay muling binilinan si Benjo at bago tuluyang pumasok sa loob ng airport ang kanyang ina ay isang matamis na halik ang giniwad nya dito. Nang maka pasok ang kanyang Mama sa loob ay hindi pa sya umalis at hinintay nya ang pag lipad ng eroplano para sa huling pagkakataon ay makapag paalam sya dito.

Nakarating ng bahay si Benjo bandang alas 3 ng hapon. Inayos nya ang kanyang gamit pang practice dahil meron silang ensayo ng alas 6 ng gabi. Naligo sya at nag ayos ng konti sa kanyang kwarto. Mula ngayon ay mag isa na nyang haharapin ang mga gawaing bahay araw-araw, kaya kailangan na nyang matuto. Kung tutuusin ay marunong naman sya di nga lang kasing galing ng kanyang ina. Alas 5pm ng hapon ng umalis sya ng bahay. Pagka dating sa school ay diretso agad sya sa gym kung saan nadoon na rin ang iba nyang team mates. “Oh, dude.. bakit wala ka sa klase kanina?” si Mikee. “Kanina kasi ang alis ni Mama, inihadtid ko sya sa airport.” Si Benjo. “Ah ganun ba. Okay ka lang ba? Basta pag kailangan mo ng kausap ditto lang kami nila coach at ng buong team.” Si Mikee ulit. “Salamat, dude.” Si Benjo.

Nag simula ang practice nila Benjo. Tulad ng dati focus sya sa pag eensayo kahit na alam nya na pag dating nya sa bahay ay mag isa na lamang syang kakain at matutulog. Alam nyang magiging mahirap ang pag aadjust, pero alam nya rin na kakayanin nya ang mga susunod pang araw na magka hiwalay sila ng kanyang ina.





“My God, Liza! Simpleng request letter lang di mo pa magawa?! Ilang araw ko ng hinihingi sa’yo yan ah!.” halos mapatid ang litid nya sa pag sigaw. “At ikaw JV, where’s the budget proposal? I asked you to prepare it after our meeting last week.. hindi naman milyon ang budget na hinihingi natin ah! Nahihirapan ka bang mag compute or wala kayong calculator sa bahay?!
Punong puno ng tensyon ang buong meeting room habang nanggagaliiti sa galit si TJ dahil sa mga palpak na nangyayari sa preparation nila for their exhibit. “TJ, will please calm down. I’m working with Liza for the request letters and Calvin si working with JV for the budget proposal” si Ian ang kanilang Vice President. “Yeah, Ian is right. Just calm down and let us do our part. Masyado kang na pe pressure eh.” Si Calvin and Auditor nila. “You guys don’t have any idea how important this event is. Reputasyon natin ang nakataya dito at hinding hindi ako papayag na pagtawanan lang tayo ng ibang colleges.” Si TJ “We got your point, TJ. But the thing is.. lahat tayo nakilos to make this event successful. And at this point, hind makaka tulong yang pag he hysterical mo.” Si Calvin habang nagka tutok ang mata sa laptop nya. “Hahahah! You made laugh, Calvin. Wag mag hysterical? Palibhasa kasi wala kang ginawa kundi mag Facebook at mag chat dyan sa laptop mo.” Si TJ na matalim ang pagkaka titig sa kanya.

“TJ, please. Just let us do our job. Yun lang yun.” Matigas na sabi ni Ian. Tila naman nahimasmasan si TJ at kumalma sya pagka tapos marinig ang sinabi ni Ian.
“Okay, but I want a positive feedback from you guys by Friday.” Si TJ sabay hablot ng bag at mga gamit nya at tuluyang tumalikod sa mga kausap. Pagkalabas ng meeting room ay naka ngiting iiling iling ang mga kasamahan nya sabay tapik ni Calvin sa balikat ni Ian. Hindi naman talaga ganun ang ugali ni TJ, na pe pressure lamang sya sa itinuturing na pinaka malaking event sa kanilang University. “Sa lahat sa atin dito, si Ian lang ang kayang magpa kalma kay TJ” si Calvin habang nag aayos ng mga gamit niya. “Oo nga. Ano bang meron ka Ian at ganun na lang ka aligaga si TJ pag ikaw na ang nag sasalita?” si Liza. Natawa lang si Ian sa mga sinabi ng mga kasamahan. Sa totoo lang ay dir in nya alam kung bakit kaya nyang mapa amo si TJ pag nagagalit na ito o kaya ay pag nag tatantrums ito. “Alam nyo guys, let’s just focus on the thing we need to prepare for the event. Saka na yang mga usapang ganyan.” Si Ian. “Ayun na nga, changing the topic ang tactic ni Ian oh” si JV. Na puno ng tawanan ang buong meeting room. Nang matapos ang lahat ng pinapagawa ni TJ ay sabay sabay na rin silang lumabas at umuwi sa kani kanilang bahay.


Pag dating ni TJ sa bahay ay sinalubong sya ng kanyang Mommy. “Hows’ school, sweetie?” ang Mommy nya habang karga ang princess type na shih tzu nya. “OMG. Don’t bother to ask, Mom. This is the worst day of the week for me.” Si TJ habang umaakyat sa hagdan patungong 2nd floor. “Mukha nga. Kasi nakalimutan mo ankong bigyan ng kiss.” Ang Mommy nya. Bumaba ulit si TJ at ginawaran ang kanyang Mommy ng halik sa pisngi. “Now, tell me. What happened?” ang Mommy nya. “Nothing, Mom. I don’t wanna talk about it. I felt so insensitive sa mga kasama ko sa organization namin.” Si TJ. Tinitigan sya ng kanyang Mommy. “Mom, quit staring at me. Parang may nagawa akong kasalanan sa’yo ah.” si TJ. “Anak, always remember this. No matter how frustrated you are because of the situation you’re in..never let yourself say or do things that will make other people feel that they’re useless.” Ang Mommy nya. Nalungkot si TJ sa sinabi ng kanyang Mommy. Alam nyang nagka mali sya sa mga nasabi nya sa mga kasama sa organization. “Sorry, Mommy.. bawi ako sa kanila bukas.” Si TJ. Isang yakap ang ibinigay ng kanyang Mommy sa kanya. Nag paalam sya ditto upang makapag pahinga na. It was a long day for him and it will be same until the day of the event. Pagka tapos maligo at makapag palit ng damit ay nag send sya ng text message sa mga kasama sa organization.

Meeting tomorrow at 3pm. Thanks! Matapos mai send ang message ay nahiga na sya at makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na sya dahil na rin sa pagod.




Pasado alas 10 na ng makarating si Benjo sa bahay nila. Napansin nya na bukas ang ilaw sa loob ng bahay pati na rin sa gate. Pag pasok nya ay naabutan nya ang kanyang Tyang Mameng na nanunuod ng isang Koreanovela. “Andyan ka na pala. Hindi pa ako natulog dahil inaantay kita.” Ang Tyang Mameng nya. Nag mano sya ditto at ibinababa ang dalang bag. “Akala kop o tuwing Linggo lang po akyo dadalaw dito?” tanong ni Benjo. “Ganun nga ang usapan namin. Pero tinawagan ako ng Mama mo bago sya umalis na samahan ka dito sa araw ng pag alis nya.” Paliwanag ng tyahin nya. “Ah ganun po ba. Sige po, akyat muna ako para maka ligo. Bababa po ako para kumain.” Si Benjo. Tumango ang tyahin nya at muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood.

Pagka akyat sa kwarto ay diretso si Benjo sa banyo upang mag shower. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba ito para kumain. Napansin nya na naka tulog na ang kanyang Tyahin at tapos na rin ang pinapanuod nito. Pinatay nya ang tv at ginising ang tyahin para palipatin sa kwarto ng kanyang Mama. Dumiretso sya sa kusina upang kumain, pagka tapos ay iniligpit ang pinag kainan nya at isa isang isinara ang mga bintana at ni lock ang kanilang gate at main door. Pag akyat sa kwarto ay agad syang nahiga ngunit kahit pagod ang katawan nya sa practice ay hindi pa rin nya nagawang makatulog agad. Di nya namalayan na unti unting dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Isang araw pa lamang silang magkawalay ng kanyang Mama pero pakiramdam nya ay matagal na panahon na silang makahiwalay. Bumangon sya at pinahid ang mga luha mula sa kanyang mga mata.. Bukas ay panibagong araw na wala ang kanyang Mama, pero alam nya na kakayanin nya ito. Sa lahat ng pinag daanan nilang mag-ina ay wala na atang hindi nya kayang harapin pa. Muli ay bumalik sya sa pagkaka higa at doon ay tuluyan na syang nakatulog.



“Bakit kaya nag patawag ng meeting si TJ?” si Liza. “Ewan ko, nag reply ako sa text nya pero di na sya sumagot eh.” Si Calvin. “Hayaan na natin, baka may importante lang na ipapa gawa.” Si JV Bumukas ang pinto ng meeting room at pumasok ang 2 delivery crew ng isang sosyal na resto malapit sa kanilang University. Dala ng mga ito ang 5 klaseng pagkain at 2 desserts. Nagka tinginan silang 3 at lahat ay takang taka sa nangyayari. Matapos mai ayos ng 2 crew ang mga pagkain ay doon nila napansin si TJ at Ian na nakatayo sa pintuan. “Guys, let’s thank TJ for the wonderful feast that we’re about to share.” Patawang sabi ni Ian. Kinurot naman ni TJ ang tagiliran ni Ian sa sinabi nito. “Guys, sorry sa behavior ko kahapon ah. Sana naiintindihan nyo ako. Pasensya na.” si TJ. “Wala un, TJ. We do understand.” Si Calvin. “Ay, Tama!” si JV at Liza. Nagkatawanan sila at masayang pinag saluhan ang mga dalang pagkain ni TJ. Habang kumakain ay isa-isa nilang pinag usapan ang mga gagawin at gagamitin nila sa event at doon napansin ni TJ na mas madali nilang na resolve ang mga issues. Masaya silang natapos sa meeting at ang ibang natirang pagkain ay ibinigay nila sa mga office staffs at janitor sa College of Fine Arts. Naunang umalis sila Liza, JV at Calvin para umattend sa kani kanilang klase.

“Pauwi ka na ba, TJ?” si Ian. “Yup. Dami ko pa rin kasing tatapusing assignments at reports. Medyo napag iiwanan na ako sa klase.” Si TJ. “Ganun ba, gusto ihatid kita sa inyo?” si Ian. “Naku wag na. dala ko naman ang sasakyan ko at saka out of way ung lugar naming sa condo mo.” Si TJ. “Okay, if you say so. So paano.. see you na lang bukas.” Si Ian. “Okay, sige! Ingat sa pag drive and thanks!.” Si TJ. “Sure, thanks din.” Si Ian. Pagdating sa parking lot ay naghiwalay na silang 2 at sumakay sa kani kanilang sasakyan. Masaya si TJ dahil sa wakas ay matatapos na rin sila sa planning period for their events. Marami pang araw ang gugugulin para sa event na ito, pero alam nya na kaya nila itong maisakatuparan.





ITUTUOY…

Monday, December 20, 2010

The game of Life and Love









Trouble is part of your life — if you don’t share it, you don’t give the person who loves you a chance to love you enough.

-Dinah Shore



CHAPTER 1: UNANG SULYAP


“It’s 13 serving 14 for our final and last set of the game. This could be the last set for the season if the Red Phoenix will win this or will the Fighting Irish extend this match.” Sabi ng commentator. Nag serve ng bola ang isang manlalaro ng Fighting Irish na na -received naman ng kabilang team. “Singson sets the ball to Cuevas and he hit a quick play and its down the line!” ang commentator ulet. “The Red Phoenix wins its 3rd championship.” Eksahiradong announce ng isa sa mga commentator. Tuwang tuwa naman ang mga taga suporta ng Red Phoenix. Sa tatlong sunod sunod na season ay pinatunayan nila na sila ang dapat katakutan sa larong volleyball mapa Men’s or Women’s. Nagkamayan ang magkabilang koponan matapos nito ay ibinigay na sa kanila ang malaking tropeyo bilang kampyeon ng torneyo. “Ladies and gentlemen, our 2010 Inter-Collegiate Volley ball Grand Prix Champion, XIAM University Red Phoenix!!” pag aannounce ng emcee. Hiyawan ulit ang maririnig sa loob ng stadium, habang isa isang sinasabitan ng medals ang mga players ng winning team.

“And this year’s MVP goes to.. Benjamine “Benjo” Cuevas of XIAM University. Lumapit sya upang tanggapin ang trophy at pagka tanggap ay itinaas nya ito sabay kaway sa lahat ng supporters ng kanilang team. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakuha nya ang MVP award. Tuwang tuwa ang kanyang mga team mates sa natanggap nyang award, maging sya ay masayang masaya dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli sya ang naging #1 player torneyo. Importante sa kanya na manguna sa lahat ng bagay, kahit nung Grade school at High school sya ay lagi sya ang top 1 sa klase. Lagi din syang class President at naging Student council President din sya noong High School. Ang pilosopiya nya sa buhay ay “2nd placer is the first loser” at I never reckoned second best”. Ambisyoso at mayabang ang dating para sa iba. Pero sa mga taong alam ang mga pinag daanan nya ay naiintindihan nila si Benjo. Lahat naman ng mga ito ay pinag sisikapan nya, kahit kailan ay hindi sya gumamit ng tao or pera para lamang manguna sa lahat ng aspeto sa buhay. Ito ang namana nya sa kanyang Mama, ang matututong mag sumikap para umangat sa buhay. Para sa kanyang Mama, hindi naka salalay sa ibang tao ang iyong tagumpay. Dapat ay ikaw mismo ang mag sumikap para matupad at makamit ang lahat ng nais sa buhay, at yun ang dinala nya mula ng tumungtong sya sa eskwelahan. Matapos ang awarding ay masayang umuwi ang buong Red Phoenix Team pabalik sa kanilang school. Nang sumunod na araw, isang maliit na celebration ang inihanda ng kanyang Mama para sa kanya na dinaluhan ng kanyang mga team mates.


Konting inuman at kantahan sa videoke ng ginawa ng mga team mates ni Benjo. Tuwang tuwa naman ang kanyang Mama sa kakulitan nila. Halos umaga na ng matapos ang selebrasyon at isa isa nang nag uwian ang mga kasamahan ni Benjo. Matapos iligpit ang mga ginamit sa party ay tuluyan ng umakyat si Benjo sa kanyang kwarto. Naligo sya at nagpalit ng damit pang tulog, naka higa na sya ng kumatok ang kanyang Mama. Binuksan nya ang pinto at napansin na may dala itong isang paper bag na may kalakihan.
“Oh Ma, anu yan?” si Benjo. Iniabot ng kanyang Mama ang paper bag at doon nya nabasa kung kanino ito nang galing. “Alam nya na kayo ang mag cha champion this year.. kaya last week ay dinala nya yan dito.” Ang kanyang Mama. “Di ko naman kailangan ito eh, madami na akong sapatos. At saka ganito na lang ba lagi? Materyal na bagay lang ang pampa lubag loob nya sa atin?” may himig tampo na sabi ni Benjo. “Anak.. intindihin mo na lang sana ang sitwasyon.” Ang kanyang Mama. “Hanggang kailan, Mama? From the start ganun ang ginawa ko.. pati ikaw.. pero anong napala natin? Meron ba?” si Benjo na unti unting bumabagtas ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Tumalikod sya at inilapag ang paper bag sa tabi ng kanyang kama. Wala ni isang salitang nasabi ang kanyang Mama, batid nito ang sama ng loob ng anak. Tama nga siguro si Benjo, Hanggang kailan ganito ang sitwasyon?. Dahan dahang isinara ng kanyang Mama ang pinto ng kwarto. Nilingon ni Benjo ang pintuan, wala na ang kanyang Mama.. doon nag simula syang humagulgol sa sama ng loob na matagal na panahon nyang kinimkim..

“Napaka unfair mo.. ni minsan hindi kita naramdaman..at kahit kailan hindi kita kayang patawarin sa ginawa mo sa amin ni Mama.. balang araw, makaka bawi din ako sa’yo.” Bulong ni Benjo sa sarili. Mula sa pagkaka upo sa gilid ng kama ay nahiga sya, pinahid ang luha sa kanyang mga mata at tuluyan syang pumikit .. Mahaba pa ang panahon na gugugulin nya para matupad ang mga pangarap at plano nya, pero hindi sya susuko dahil ito ang magiging daan para sa pag bawi sa mga luhang iniyak nilang mag-ina…




“Good morning, Mom.. good morning Dad..” bati nya sa mga magulang na nasa gazebo sa kanilang garden habang nag aalmusal. “It seems like you’re in a good mood today, huh!” bating sabi ng kanyang Mommy. “Oo nga, last week eh parang guguho na ang mundo mo dahil kay Alexis.” Ang Daddy nya. “Please, dad.. I don’t want to ruin my week..” sagot nya. “Am sorry, son.. but I’m happy that you’re okay now.” Ang Daddy nya. “Am not just okay… am better now. We’ll see kung sino ang nawalan sa aming dalawa.. at malalaman nya kung sino ang pina iyak nya.” Sagot ulit nya. “Hijo, hindi maganda ang tono ng salita mo ah, hindi ko gusto yan..” babalang sabi ng kanyang Mommy. “Mom, am just kidding.. am not gonna stoop down to his level. Like my God! Wala syang bilang sa akin.. Ahahahah!” tawang sagot nya habang kumukha ng sliced apples. “Good, alam mong ayaw namin ng Mommy mo na napapasok ka sa gulo.” Ang Daddy nya. “Don’t worry, Dad. I wont cause any trouble.” Sabay kagat sa isang slice ng mansanas.


Sya si Theodore Joseph or TJ para sa mga kaibigan at kamag anak nya. Nasa 2nd year college sa kursong Interior Designing. Lumaking may gintong kutsara sa bibig gaya ng sabi ng iba, spoiled brat kung minsan pero sa mga taong nakaka kilala sa kanya, isa sya sa mga taong maari mong takbuhan at hingahan ng mga problema at makaka siguro kang makaka hanap sya ng solusyon sa problema, pag sya ang nilapitan mo. “I need to go now, we have a meeting by 10am for our exhibit sa school. I need to beat traffic along EDSA and EspaƱa.” Si TJ. Humalik sya sa kanyang Mommy at Daddy. Matatamis na ngiti ang nakuha nya mula sa mga magulang. Tuluyan nyang iniwan ang mga ito at tinunngo ang lugar kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan, ilang linggo pa lamang ito sa kanya. Isang regalo mula sa kanyang parents dahil sa pagiging Dean’s lister nya nung Freshman sya. Marahil ay wala ng mahihiling pa si TJ sa kinagisnang buhay nya. Marangyang bahay, sasakyan, bank accounts na hindi bababa sa mahigit 3 milyon para lamang sa kanya. At isang masayang pamilya. Lahat na ata ng bagay na hihilingin ng isang tao ay nasa kanya na.

Binabagtas ni TJ ang kahabaan ng EDSA, 8am sa orasan ng sasakyan nya. Rush hour at bumper to bumper na ang traffic. He needs to be in school by 9am or else he’s dead. Sya ang President ng College’s Student Body sa kanilang University. Sa edad nyang 19, ay sya na ang pinaka batang humawak ng posisyon na yun sa history ng kanilang course. Dahil sa aking galing at talino, isama na rin ang charm sa tao. Masasabing perfect sa kanya ang posisyon.

Past 9 am ng marating nya ang University. Halos takbuhin nya mula parking lot papuntang building ng College of Fine Arts sa pagmamadali. Pag dating nya sa room ay halos wala pa lang tao doon maliban sa Secretary nila na si Liza at ang kanilang Treasurer na si JV. Binati nya ang mga ito at inihanda nya ang mga gagamitin para sa meeting at sa kanilang presentation para sa mga deans na makaka sama nila sa meeting. Ito na kasi ang pinakamalaking event na gagawin ng kanilang organization at nais nilang mging maayos ang lahat. Makalipas ang 30 minutos ay dumating na rin ang mga makaka sama nila at doon ay nag simula na ang kanilang meeting.




“Benjo, hindi ka ba papasok? Pasado ala-9 na.” ang kanyang Mama. “Alas dose pa po ang klase ko Ma, 2 subjects lang po ako today pero ma late po akong umuwi kasi may practice po kami para sa Summer League .” sagot Benjo “Ah ganun ba. Oh sya, halika na dito at nakahain na ang agahan mo. Kumain na ako kanina dahil marami akong aasikasuhin ngayon.” Ang Mama nya. “Babalik kayo sa agency ulit?” Eh di ba sabi nyo hindi na kayo babalik sa Israel?” si Benjo. “Anak, kailangan na eh. At saka un pa rin ang amo ko doon, mababait naman sila at maalaga sa kasambahay.” Ang Mama nya. Nalungkot si Benjo sa tinuran ng kanyang ina. Marahil ay totoo ang sinabi ng kanyang ina. Kahit kasi varsity scolar sya ay may iba pa rin silang gastusin sa bahay at sa school nya, at hindi marahil sapat ang maliit na sari sari store ng ina para suportahan ang pangangailangan nila. Dati ng OFW ang kanyang ina sa parehong bansa, mahigit 7 taon sya doon bago bumalik sa bansa upang masubaybayan sya sa kanyang pag laki ngunit ngayon ay muli silang magkakahiwalay ng ina. “Ma, mag working student na lang po ako. Para naman maka tulong sa inyo.” Si Benjo. “Anak, mahihirapan ka. Paano ang pag lalaro mo at ang scholarship mo?” and kanyang ina. “Ma, kaya ko yun. Time management lang yun, Mama. Ayoko ko lang na aalis ka pa.” si Benjo ulet. “Anak, nakapag desisyon na ako, at alam ko na naiintindihan mo ako. Para din sa’yo ito. Pangako sa’yo, pag naka tapos ka na, uuwi ako para magkasama na ulit tayo. Dalawang taon lang yun.” Ang kanyang Mama. Napa buntong hininga na lamang si Benjo sa sinabi ng ina at itinuloy ang pagkain ng agahan.

11:30 am nag marating ni Benjo ang school. Halos wala sya sa kanyang sarili sa kaiisip sa nalalapit na pag alis ng bansa ng ina. Naupo muna sya sa ilalim ng isang puno malapit sa gym. Maaga pa para sa kanyang klase at hindi din nya alam kung makaka pag focus sya dahil sa dinandalang isipin.
“Am pretty sure na malilim ang iniisip mo or may mabigat kang problema.” Mula sa isang tinig sa kanyang kaliwa. “Ikaw pala yan, Mikee. Medyo may iniisip lang ako. Pasensya ka na kung di kita napansin.” Si Benjo. Sya si Mikee Vasquez, team mate at best buddy ni Benjo. Sa volleyball team na sila nagka kilala. Pareho sila ng course pero ahead ito ng one year sa kanya. “Hindi ba may klase ka ng 12? Bakit andito ka pa? 10 minutes na lang at time nyo na ah.” si Mikee. “Di muna ako papasok, di ako sure kung maiintindihan ko ung lesson lalo na kung ganitong may iniisip ako.” Si Benjo ulit. “Anu ba yun at baka matulungan kita” si Mikee. Kinuwento nya kay Mikee ang iniisip nya ganun na din ang plano nya na pag wo working student para maka tulong at din a umalis ang ina nya. “Alam mo bro, ganito lang yun eh. Lahat ng bagay gagawin ng magulang para sa kanilang mga anak. Kahit mag sacrifice pa sila. You’re Mom must be proud of you, kasi atleast ikaw gusto mong tumulong sa kanya. Pero tama din sya na baka hindi mo kayanin pag nag trabaho ka pa. Alam mo kung gaano kahirap ang training natin.” Si Mikee. Napa isip muli si Benjo sa sinabi ng kaibigan, dapat nga ay magpasalamat sya na kahit papano ay hindi sya pinapabayaan na ng kanyang ina hindi tulad ng isang tao na buong buhay nyang kamumuhiaan at kapopootan.




ITUTULOY…

Thursday, December 9, 2010

Miss XIAM 2010






12 Goddesses.. 12 exceptional beauties will compete to be the 1st Queen of XIAM

Witness as these goddesses show what they have to win the crown on Dec 11, 2010 at the Parliament Infinity Bar, HK Sun Plaza Pasay City..


WHO WILL BE THE 1st MISS XIAM 2010?